Nalungkot si Nolan dahil sa pagpapalabas sa kaniya ng kaniyang asawa.'Gusto ko lang siyang tulungan magbihis. Wala naman akong gagawin sa kaniya. Kailangan pa ba iyon?"Mr. Goldmann." Marahang lumapit sa kaniya si Stephen.Inayos ni Nolan ang tupi ng kaniyang jacket, at naging kakaiba at maangas ang kaniyang ekspresyon. "Mr. Vanderbilt?""Ayos na ba si Zee ngayon?""Maayos naman siya, buhay at malakas," mainam na sagot ni Nolan. Bigla siyang may naisip at sinabing, "Pwede kang pumasok maya maya."Matapos magbihis ni Maisie, binuksan ni Stephen ang pinto, pumasok sa ward, at inilagay ang dala niyang thermos sa lamesa. "Nagdala ako ng sabaw na ipinaluto ko sa kasambahay para sa iyo. Makakatulong ito para lumakas ka agad.""Sige, iinumin ko iyan mamaya." tinanggap ito ni Maisie.Naglakad si Stephen papunta sa upuan na katabi ng higaan, umupo rito, at marahang nagpaliwanag, "Zee, pasensya na. Ako ang dahilan kung bakit ka nasaktan. Hindi ko alam na kayang gawin iyon sa iyo
Read more