Ngumuso si Daisie.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Colton at kinwelyohan si Nollace. “Knowles, nilabas mo ang kapatid ko pero hindi mo iningatan! Ano bang ginagawa mo!?”Walang sinabi si Nollace pabalik.Tiniis ni Daisie ang sakit at kabadong nagpaliwanag, “Colton, nilabas lang niya ako dahil sinabi ko na gusto kong bisitahin si Julianna.”Binitiwan siya ni Colton pero galit pa rin siya. “Bakit ka lalabas para bisitahin siya kung hindi naman mahalaha? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya at ni Lisa sa'yo dahil hindi ka nila masaktan? Daisie Vanderbilt, pwede ba mag-isip ka kahit papaano sa mga ganitong bagay?”Nang malaman na kinidnap si Daisie at dinala sa hospital, agad siyang sumugod sa hospital, kabado siya at nag-aalala.Bukod pa doon, nangyari yon ng lumabas siya kasama si Nollace.Nakatitig si Daisie sa kisame at mahinang bumuntong-hininga. “Colton, hindi ao ang naghahanap ng gulo. Gulo ang lumalapit sa akin, hindi ba?”“At saka, hindi ako propeta at wala akong ka
Read more