Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 1621 - Kabanata 1630

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1621 - Kabanata 1630

2769 Kabanata

Kabanata 1622

Iisipin ng ibang tao na inaabuso siya ng mga Knowles at maaawa sa kaniya. Ang pinaka-importante, walang alam si Tristan tungkol dito.Sobrang abala na si Tristan sa trabaho at minsan na lang siya umuwi. Alam na ni Lisa na tatanungin siya ni Tristan kung ano ang ginagawa niya nang makita niya ang eksena na ginawa niya.Dahil nandito naman ang lahat, naisip niya na dapat kunin na niya ang pagkakataon at siya ang unang gumalaw. At saka, kahit na si Nollace ang namumuno sa mga Knowles, sigurado siya na hindi kakayanin ni Nollace na gumawa ng kahit sa kaniya sa harap ng mga tao at ipahiya ang mga Knowles.Kailangan lang niya ipaalam kay Tristan na masama ang trato sa kaniya sa lahat ng oras, at pag sinabi niya kay Tristan na hayaan siyang lumabas mag-isa, sigurado rin siyang hindi siya pipigilan ni Tristan. Pag umalis na siya sa tabi ni Nollace, kahit ilang sandali lang, makukuha na niya ang lahat ng gusto niya.Tiningnan niya si Tristan at maingat na sinabi, “Godfather, gu… gusto k
Magbasa pa

Kabanata 1623

Ganun ang tawag dati ni Daisie kay Nollace, at naiinis siya kapag naririnig ang ibang tao na tinatawag si Nollace ng ganun.Pumunta ng study room si Nollace kasama si Tristan. Matapos magpalit ng damit ni Lisa, bumaba siya at nakasalubong si Daisie.Dahil ang lakas ng loob niyang kalabanin at ipagmukhang masama si Nollace sa harap ng mga tao, hindi pa rin siya natatakot sa igaganti ni Nollace. Matapos ang lahat, ang susunod niyang gagawin ang pinaka-totoong show.‘Di ba sobrang nag-aalala siya kay Daisie? ‘Di ba na-torture siya nang dahil kay Daisie? Paano kung masisira ang reputasyon ni Daisie? Magiging paboritong babae pa rin ba siya ni Nollace?Lumapit si Lisa sa mesa at kinuha ang glass of wine. At nilagay niya sa wine ang hawak ng dalawang daliri niya na tablet.Nalaglag ang tablet sa wine at hindi nagtagal ay natunaw na rin.Kinuha niya ang pagkakataon habang nakikipagusap si Daisie sa ibang tao, pinagpalit niya ang wine nila.“Daisie.”Lumingon si Daisie, ay nagulat siya
Magbasa pa

Kabanata 1624

Kahit si Lisa ay nagulat. Hawak niya ang glass ng wine nang sobrang higpit at malapit na itong mabasag. Kinurot ni Daisie ang bewang ni Nollace sa galit at bumulong. “Kailan ko sinabi na gusto ko maging girlfriend mo?”Binalot ni Nollace ang kamay niya sa bewang ni Daisie sa harap ng lahat ng tao at sinabi. “Ngayon.”Namumula ang pisngi ni Daisie at sinabi, “Hindi papayag ang mga kapatid ko.”Tinapik ni Nollace ang tip ng ilong ni Daisie at malambing siyang tiningnan. “Sisiguraduhin kong papayag sila.” Tumawa si Diana at nilapitan sila kasama si Rick. “Nolly, itigil mo na ang pagbibiro kay Daisie ng ganyan.”Nagsalita rin si Rick. “Tama. Paanong hindi mo sinabi sa amin na mayroon ka ng girlfriend?”Ngumiti si Nollace at sinabi, “Well, sinasabi ko na sa inyo ngayon.” Humakbang palapit si Diana at kinuha ang kamay ni Daisie. “Gustong-gusto kita Daisie. At sobrang saya ko na pwede kang maging girlfriend ni Nolly.”Namula ang mukha ni Daisie sa kahihiyan.Ang rason sa pagsabi
Magbasa pa

Kabanata 1625

Hininto ni Peter ang sasakyan at pinatay ang engine. Tiningnan niya si Lisa mula sa rear mirror walang ekspresyon na tinanong, “Sa tingin mo ba talaga hahayaan ni Young Master Knowles na hayaan ka lang?”Nanginig si Lisa. “Anong ibig mong sabihin?”Hindi sumagot si Peter.Ilang lalaki ang lumapit at binuksan ang pinto. Sinubukan nilang ilabas si Lisa sa kotse pero nagpumiglas siya. “Hindi! Bitawan niyo ako! Uuwi na ako! Gusto kong makita ang godfather—”“Wala ng magagawa si Mr. Tristan kahit makita mo pa siya. Kaya, huwag ka na mangarap.”Hinila nila palabas ng kotse si Lisa. Umiyak siya at malakas na sumigaw. “Hindi! Ayokong pumunta dito! Gusto kong makita si Nollace!”Isang kotse ang huminto sa harap niya, at lumabas ng kotse si No Lace. Nag-bow ang mga lalaki at magalang siyang binati, “Young Master Knowles.” Tumakbo si Lisa palapit sa kaniya at humawak sa trouser ni Nollace. Puno ng luha ang kanyang mukha habang umiiyak, “Nolly, bakit mo ‘to ginagawa sa akin? Kahit na sobra
Magbasa pa

Kabanata 1626

Nanginig ang katawan ni Lisa. Sa wakas alam na niya bakit hindi nagbago ang trato sa kaniya ni Nollace matapos ang ilang taon.“Gusto mo talagang mapahamak si Daisie, ‘no? Pwede kang manatili dito sa black market at i-enjoy ang lahat ng ito.”Walang pakialam na tumalikod si Nollace.Namula ang mga mata ni Lisa, napuno ng takot ang puso niya, at malapit ng sumabog ang dibdib niya dahil sa pangamba.Hinila siya ng mga kalalakihan. Kahit na gaano kalakas ang iyak niya, hindi yun pinansin ng mga tao.Sobrang late na ng gabing iyon.Hindi makatulog si Tristan at nakaupo mag-isa sa sala, may iniisip siya, hanggang sa makita niyang nakauwi na si Nollace. “Inasikaso mo na ba ang tirahan ni Lisa?”Gumalaw ang mata ni Nollace at ngumiti siya. “Maayos na ang lugar na titirahan niya, at sobrant kuntento at masaya na siya doon.”Bahagyang kumunot ang noo ni Tristan at nanahimik nang ilang sandali. “Nollace, pinaghandaan ba yung aksidente ko?”Hindi pa rin niya mapaniwalaan na magagawa yun
Magbasa pa

Kabanata 1627

Tumawa si Lisa. “Katulad mo ako dati, nagpatuloy akong maniwala sa kaniya at hindi nagtataka, pero lahat ng ginawa niya ay para lang sirain ang tiwala ko. Sinabi niya ba sayo na siya ang taong kasama ni Nollace sa mga pinagdaanan niya?“Ayan mismo mo ang pinagdaanan ko kasama si Nollace nung bata pa kami. Paanong naging siya ang bida ng istorya? At bakit sayo lang malakas ang loob niya na sabihin lahat ng yun, pero hindi niya magawa pag nandun ako?” ‘Sa wakas, alam ko na bakit tinatawag ni Lisa si Nollace na Nolly. Parang pinapakinabangan niya lang ang pagkawala ng alaala ni Nollace, at pinalitan niya lahat ng mga pinagdaanan namin dati para magtiwala sa kaniya si Nollace.‘Hindi na nakakapagtaka bakit siya pumunta at hinanap si Nollace four years ago.’ Kung hindi niya nakita ang mga plano at paraan ni Lisa, siguro sobrang nasiraan na ng loob si Lisa sa oras na ito.Hindi makapagsalita si Juliana at hindi siya makapaniwala. “P-paano nangyari yun? Hindi siya magsisinungaling sa a
Magbasa pa

Kabanata 1628

Siya mismo ang babaeng nasa isip ko!’“Miss, saglit lang!”Napahinto si Daisie at nagtataka na tumalikod.Nagmamadali na lumapit sa kaniya ang lalaking naka-salamin at inabot sa kaniya ang kaniyang business card. “Miss, pwede ba kita makausap?”Tiningnan ni Daisie ang business card at nakita niya na ang lalaki ay director ng Astar Frontier Perfume Co.Tumingin si Daisie. “Mr. Baron, may maitutulong ba ako sayo?” “Naghahanap ng perfume endorser ang kumpanya namin, at dahil pasok ang itsura mo sa mga requirement na hinahanap ng spokesperson, pwede mo bang pagbigyan ang kumpanya namin?”Bago maghintay sa sagot ni Daisie, seryoso siyang nagpatuloy. “Huwag ka mag-alala. Siguradong mataas ang kikitain mo doon, at hindi ka namin pipilitin para sa long-term contract sa kumpanya namin. Kailangan lang namin na mag-shoot ka ng advertisement para sa perfume ng aming kumpanya, ayun lang.” Nagdadalawang isip si Daisie. “Pero hindi pa ako nakakagraduate…”“Okay lang yun. Hindi naman makak
Magbasa pa

Kabanata 1629

Sa dormitory, nadaanan ni Daisie ang kwarto ni Freyja. Nang makita na bahagyang nakabukas ang pinto niya at hindi nakasara nang maayos at naisip din niya ang sinabi ni Colton sa cafeteria kanina, naisip ni Daisie na kailangan niya manghingi ng tawad para kay Colton.“Freyja, may sasabihin ako—”Nang buksan niya ang pinto, nakita niya na mabilis na sinara ni Freyja ang laptop niya at tiningnan si Daisie. “Ginulat mo ako.” Yumuko si Daisie. “Sorry, hindi ko sinasadyang gawin.”“Ayos lang. Hindi naman yun big deal.” Inayos niya ang mga manuscripts sa mesa. “Siya nga pala, ‘di ba sabi mo may gusto kang sabihin sa akin?” “Gusto kong mag-sorry sayo.” Ilang sandaling nagulat si Freyja at nagtatakang tinanong, “Mag-sorry?”Yumuko si Daisie. “Huwag mo dibdibin ang sinabi ni Colton. Natatakot lang siya na baka…”Bago pa niya matapos ang sinasabi niya, napunta ang tingin niya sa mga manuscripts na nasa sahig.Hindi napansin ni Freyja na pinupulot pala ni Daisie ang mga manuscripts h
Magbasa pa

Kabanata 1630

Pero, nag-iba na ang mga kondisyon ng partner nila. Laging target ng pinakamalaki nilang market ang Eurasian-Pacific region, at dahil dito, ang Zlokova ang katumbas ng pinakamalaki nilang brand’s owner. Nang sobrang nahihiya na si Barry, dahang-dahan na sinabi ni Daisie, “Sa tingin ko hindi ko naman masisira ang reputasyon nitong brand. Dahil itong brand naman ang pumunta sa akin, sinabi nila na ako ang mag-endorse ng advertisement para sa kanila, malakas ang loob ko na magagawa ko ito nang maayos.”Ngumisi si Lara. “Isa ka lang batang nag-aaral pa sa college. Sinong nagsabi sayo na kahit sinong tao lang ang pwede mag-shoot ng endorsement? Alam mo ba kung gaano kalaki ang kumpanya ng Astar Frontier? Sa tingin mo ba nandito ka para maglaro?” ‘May kaugnayan ang taas ng impluwensya ng tao sa status niya bilang artista. May milyon akong fans, Kilala ang pangalan ko sa buong mundo, at sa ganitong paraan ko matutulungan ang kumpanya maging best-seller. ‘Hinahayaan lang nila ang isang
Magbasa pa

Kabanata 1631

Si Daisie na umarte bilang sirena, ay naging target ng maraming haters sa hindi alam na kadahilanan. Halos lahat ng haters na umatake sa kaniya ay mga loyal fans ni Lara.Binasa ni Daisie ang mga comment ng mga haters na iyon sa internet. Naisip niya ang sinabi ni Lara nung nakaraang araw, naisip na niya na si Lara ang dahilan ng lahat ng iyon. Pumunta ng lecture hall sila Freyja at Daisie. “Nasaktan mo ba si Lara?”Nagkibit-balikat si Daisie. “Siguro.”“Fiancee ni Lara si Ken. Siya yung artista na pumirma ng kontrata sa Dorywood. Sabi nila sobra-sobra raw ang ininvest ng Dad niya para sa entertainment career niya. Kaya marami siyang koneksyon siya industriya. Ilang sandaling nagulat si Daisie.‘Fiancee pala ng kapatid niya si Lara.’ Biglang may isang black sedan ang huminto sa gilid nila, at dahan-dahang bumaba ang bintana. Sa gulat nila, si Ken ang taong nasa kotse.Napunta ang tingin ni Ken kay Daisie. “Ms. Vanderbilt, may oras ka ba? Pwede ka bang makipag-usap sa akin
Magbasa pa
PREV
1
...
161162163164165
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status