Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1601 - Chapter 1610

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1601 - Chapter 1610

2769 Chapters

Kabanata 1602

Napahinto si Lisa habang nakikinig sa mga bulungan sa kanyang paligid at mas lalo siyang nahiya. “Daisie, paano mo nasasabi yan? Dati tayong—”“Huwag na natin ibalik ang nakaraan.” Kinuha ni Daisie ang glass ng champagne at tinaas ang kaniyang kilay. “Hindi na ako yung babaeng kaya mong imanipula. Lisa, sa tingin mo ba hahayaan lang kita kasi may mga tao dito?” Tinapon ni Daisie ang champagne sa kaniyang sarili at nagulat siya. Tiningnan siya ng lahat.Lumapit agad si Colton at nagulat nang makita ang nangyari, “Lisa, ano na namang ginawa mo ngayon!?”Umiling si Lisa. “Hindi, siya—”“Lisa,” Galit ang ekspresyon ni Tristan, “Anong pinangako mo sa akin? Hindi naman kita sinama dito para gumawa ka ng eksena.”“Hindi naman talaga ako yun! Siya ang gumawa niyan sa sarili niya. Gusto niya na sa akin isisi. Nakita yun ng lahat!” Tiningnan niya ang mga tao sa paligid niya, inaasahan niya na magsasalita sila para sa kanya. Sa kasamaang palad, kahit na nakita nila yun, ayaw nilang sir
Read more

Kabanata 1603

Lumaki na ang kaniyang munting tupa.Kinurot ni Maisie ang tagiliran ni Nolan. “Anak ko siya, kaya syempre magmamana siya sa akin.”Ngumisi si Nolan bago ngumiti. “Syempre.”Ngumisi si Maisie. “Marami na ang pinagdaanan ni Daisie. Kung uto-uto pa rin siya, mag-aalala pa ako.”Hindi niya inisip na mali ang ginawa ng anak niya. Dapat lang yun sa taong katulad niya, at hindi rin naman mabait na tao si Lisa.Kahit na trinaydor siya ni Lisa para sumikat siya, hindi na si Daisie ang batang uto-uto.Pumunta si Daisie sa guest room para magpalit. Nang pagbintangan niya si Lisa, halos hindi na niya yun magawa. Pero nang marinig niyang sinusubukan na naman ni Lisa na lokohin siya, hindi na niya yun napigilan. Hindi na niya gustong maging tanga.Tulad ng sinabi ng kaniyang mom, hindi dapat maging dahilan ang kabaitan para tapakan ka ng mga tao. Nakatayo siya doon at nakita ang taong nasa salamin na nakatayo sa likod niya. Tinakpan niya ang sarili niya at namula. “Nollace Knowles!” Su
Read more

Kabanata 1604

Pero hindi naman yun ang pinaka punto. Ang point dito ay si Nollace… may nararamdaman para sa kaniya!Tinikom ni Daisie ang labi niya. “H… hindi ako naniniwala sayo.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya. Sa oras na iyon, huminto ang oras, pero mabilis na tumitibok ang puso ni Daisie. Nanatili si Nollace doon. “Naniniwala ka na ba ngayon?”Tumingin si Daisie sa paligid, at dahan-dahan na tumingin sa mata ni Nollace. “I…”May kumatok sa pinto.Tinulak siya palayo ni Daisie nang pumasok sila Maisie at Nolan. “Tapos ka na ba mag—”Natulala ang mukha ni Nolan nang makita niya na nandun si Nollace.Nahiya si Daisie. “Dad, Mom.”Tumikhim si Maisie. “Hindi pa tapos ang party. Bumaba ka na kung tapos ka na magbihis.”“Okay, gagawin ko yan.” Agad na umalis si Daisie na parang bunny na nahihiya.Lumapit si Nollace kala Nolan at Maisie at tumango. “Sir, madam.”Nagdilim ang mata ni Nolan. “Huwag mo akong tawaging sir.”Diretso na tumingin si Nollace sa mga mata ni Nolan at ngumiti. “Fa
Read more

Kabanata 1605

“Madam, walang bagay sa mundo na hindi ko kaya gawin.”Tumango si Maisie at ngumiti matapos marinig ng sagot ni Nollace. Kinabukasan, sa Victoria Business College…Naglalakad si Daisie sa campus at naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Nollace kahapon. Hindi niya alam paano siya haharap sa kaniya.‘May gusto sa akin si Nollace… Kailan pa?’“Daisie Vanderbilt!” Sa oras na yun, isang blonde na babae ang galit na lumapit sa kaniya at tumulak sa kaniya. “Sa tingin mo ba kaya mo na i-bully si Lisa dahil sa pamilya mo? Mabait si Lisa, kaya paano mo siya pinahiya ng ganun sa public? proud ka ba sa sarili mo?”Pinunasan ni Daisie ang damit niya at tiningnan ang babae. “Anna, iniistorbo mo ba ako dahil sa kaibigan mo?”Bagong kaibigan ni Lisa si Julianna Mckey at matagal na niyang target si Daisie. Parang kasama ito lahat sa plano ni Lisa.Hindi siya nakapag-college pero may tulong na siya mula sa loob.Sa oras na yun, biglang tumakbo palapit si Lisa at pinigilan si Julianna. “Anna,
Read more

Kabanata 1606

Ngumiti si Lisa nang makita niya si Julianna na nakatayo sa tabi niya.Ang dad ni Julianna ang pinaka kilalang diplomatic envoy ng Yaramoor. Kahit na hindi siya mula sa noble family, kasama ang pamilya niya sa matataas.Pinaalala ni Julianna kay Daise ang dating siya at hindi mapigilan ni Daisie na matawa sa sarili niya.Sa oras na yun, sigurado siya na tumatawa si Leah sa kaniyang katangahan lalo na nang binalaan niya si Leah na huwag ng i-bully si Lisa.Tumawa siya at tinanong, “Gusto mo ako humingi ng tawad kay Lisa?”“May ginawa kang mali, kaya hindi ba dapat humingi ka ng tawad sa kaniya?”“Siya ang may mali, hindi ako. At sa kung bakit ko siya kinaiinisan, bakit hindi mo siya tanungin mismo kung may lakas siya ng loob na sabihin sa'yo o wala?”Lumapit si Daisie kay Julianna at nagpatuloy. “Ms. Mickey, hindi namang mali na ipaglaban mo ang ibang tao pero kailangan mo malaman kung anong klase ng tao ang nararapat sa tulong mo. Kaya kong humingi ng tawad sa ibang tao. Pero k
Read more

Kabanata 1607

Mabilis ang tibok ng puso ni Daisie at halos lumabas na ito sa dibdib niya.Tumawa si Nollace nang makita kung gaano siya katakot at tumigil siya sa pang-aasar. Sabagay hindi niya pwedeng pilitin nang sobra si Daisie o baka lumayo siya.Inangat niya ang kaniyang kamay para haplusin ang ulo ni Daisie at sinabing, “Sige na. Wala ka bang klase? Dapat bumalik ka na sa klase mo ngayon.”Tinulak siya ni Daisie at umalis.Habang nakatingin sa katawan niya na papalayo sa hallway, pinunasan ni Nollace ang gilid ng kaniyang labi gamit ang daliri niya. Matagal na siyang naghihintay kay Daisie at kahit ano pang mangyari, malabong makatakas si Daisie sa kaniya.Hindi makapag-focus si Daisie sa klase niya. Habang nakayuko, tiningnan niya ang kaniyang kamay na may hawak na pen. Nararamdaman niya pa rin ang init ng Nollace sa dulo ng kaniyang daliri.Nang hinalikan ni Nollace ang daliri niya, mukhang kakainin siya ng buo sa tingin ng mata niya, at sinamahan pa ng gwapo niyang mukha, hindi lang s
Read more

Kabanata 1608

Nilalaro ni Nollace ang walang laman na tasa sa kamay niya. Nang hindi inaangat ang kaniyang ulo, tinanong niya, “Tapos ka na ba magsalita?”Nanginig ang balikat ni Lisa. “Nolly, please, maniwala ka sa akin ngayon. Hindi ko nilalagay sa gulo si Daisie. Nakinig ako sa lahat ng sinabi mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko hinanap si Daisie. Kasalanan yun lahat ni Anna.”“Lisa.” Inangat ni Nollace ang mata niya at malamig siyang tiningnan.Nanlamig ang katawan ni Lisa at namutla ang mukha niya. “Nolly—”“Huwag mo ako tawagin niya. Nandidiri ako.”Nagulat si Lisa at kiyumon ang kamao niya nang mahigpit.‘Hinayaan mo si Daisie na tawagin ka ng ganiyan noon pero nandidiri ka kapag tinatawag kita katulad ng tawag niya?’Hindi maintindihan ni Lisa kung bakit hindi siya ang nakakuha ng pagmamahal ni Nollace.Biglang may naisip siya. ‘Posible kayang bumalik na ang memorya niya?’Nanginginig ang labi niya habang tinatanong, “A-Ano ang itatawag ko sa'yo?”Habang pinupunasan ang mantsa ng
Read more

Kabanata 1609

Tumango ang mga professor sa saya nang mata nila kung gaano siya kabilis at ka pulido na bumalik sa kaniyang normal na galaw.Ito ang inaakala nila sa top achiever. Kahit na nakagawa siya ng mali, mabilis siyang bumalik sa normal.Si Julianna na nagtatago sa dilim ay hindi inaakala na magpapatuloy sa pag sayaw si Daisie kahit na masakit.‘Paano niya ginawa yun? Hindi ba siya nakakaramdam ng sakit?’Dahil doon, sigurado siya na mababawasan ang marka ni Daisie ngayon.Pagkatapos ng kanta, masigabong palakpakan ang nagmula sa ilalim ng stage at bumagsak si Daisie.Tumayo si professor at tinanong, “Anong nangyari?”Ang estudyante na malapit sa stage ay nakita ang nangyari at sumigaw, “Miss, may dugo sa sapatos niya!”Lumapit agad ang professor sa stage at tinanggal ang shoes niya para tingnan. Biglang may nakita sila at hinila ang maliit na pako mula sa dulo ng sapatos.Puno ng dugo ang pako.Huminga nang malalim si Daisie pero hindi siya nagpatalo. Sa halip, ngumiti siya sa prof
Read more

Kabanata 1610

Yumuko si Daisie at tiningnan ang gulat na si Julianna. “Nakikita ko kay Anna ang sarili ko dati. Sadyang kailangan mo lang isipin kung tama ba o hindi na gawin ‘to para kay Lisa.”Tumayo si Julianna at sinabing, “Daisie, hindi ko kailangan ng awa mo. Ako ang naglagay ng pako sa sapatos mo kaya pwede kang umalis at sabihin yun sa professor!”“Sabihin at hayaan kang ma-expel sa college? Ayan ba ang gusto mo?”Nagulat si Julianna.Walang emosyon na nagpatuloy si Daisie. “Paano mo ipapaliwanag sa dad mo kapag tinanong niya kung bakit ka na-expel sa college?”Natahimik si Julianna.“Anna, kung gusto ko talaga umasa sa katotohanan na anak ako ni Nolan Goldmann para gawin ang lahat ng gusto ko, malaki ang posibilidad na ma-expel ka sa college sa ginawa mo. Wala akong pakialam sa iniisip mo.“Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Lisa tungkol sa akin sa harap mo pero masasabi ko sa'yo na wala akong ginawang mali sa kaniya. Sa tingin mo ba may lakas siya ng loob para sabihin sa'yo ang gi
Read more

Kabanata 1611

Huminto si Nollace at kaswal na inayos ang sleeves niya. “May magagawa ba yung sinabi mo?”Lumapit si Colton at tinitigan si Nollace. “Kayong mga Knowles, hindi niyo binabantayan ang Lisa na ‘yan. Sigurado akong gaganti ako sa inyo sa nangyayari kay Daisie sa susunod.”Napakunot si Nollace at walang sinabi.…Kinabukasan, pumunta si Daisie sa opisina ng professor at sinabi sa professor na alisin ang parusa ni Julianna.Gulat na tumingin sa kaniya ang professor. “Pero nakagawa siya ng mali. Sigurado ka ba na ayaw mo palakihin ang issue na ito?”“Humingi siya ng tawad sa akin kaya gusto ko siya bigyan ng pagkakataon na itama ang mali niya. Naniniwala ako na maiisip niya ang mga ginagawa niya.”Nang makita na nakapag desisyon na si Daisie, pumayag ang professor na bawiin ang parusa ni Julianna.Sa baba, pumunta si Julianna sa opisina at nakasalubong si Daisie nang pababa siya.Suminghal siya. “Hindi dapat ako naniwala sa'yo.”Napakunot si Daisie. “Ano?”Lumingon siya kay Daisie
Read more
PREV
1
...
159160161162163
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status