Bahagyang namutla ang mukha ni lisa, at ang mga kamay niyang nakapatong sa kaniyang hita ay napakuyom.‘Hindi ba’t nawalan siya ng alaala? Bakit niya naisip na imbestigahan ako? Hindi ba dapat ay maniwala siya sa lahat ng sinasabi ko?’“Nollace, na-expel ako sa school, pero—-”“Gusto mo bang sabihin na inapi ka at inosente?” Nabasa agad ni Nollace ang sasabihin niya sa unang tingin pa lang. “Hindi ko man naaalala ang nakaraan, pero hindi ibig sabihin nun ay tanga na ako.”Nanigas si Lisa at hindi makagalaw.“Ang totoo, muntik na akong maniwala sa sinabi mo noong nakaraang araw, pero hindi mo dapat pinaalala ang nararamdaman ni Daisie at ng kapatid niya sa akin.”Naniwala talaga si Nollace sa sinabi niya nang araw na yun, pero hindi tuluyan.Sinabi ni Lisa sa kaniya na kaibigan niya si Daisie, pero sinabi rin nito sa kaniya na galit si Daisie at kapatid nito sa kaniya—ang kontradiksyon sa mensaheng yun ang dahilan para maramdaman niya na parang niloloko siya.Kaya naman, inutusa
Read more