Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1571 - Chapter 1580

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1571 - Chapter 1580

2769 Chapters

Kabanata 1572

Nakatayo si Nollace sa tapat ng pader, nakatitig sa painting. Tinatawag na “Fallen Angels,” ang painting at regalo yun kay Daisie galing kay Violet nang bumalik siya sa Octavia.Hindi niya alam kung bakit tinitingnan niya ang painting.Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya sa harap ng painting pero hindi siya interesado doon. Nagpanggap siya na hindi nakita si Nollace at naglakad palampas sa kaniya.Biglang binuksan ni Nollace ang bibig niya at sinabing, “Kakaibang painting.”Natigil siya sa paglalakad at gulat siya g tiningnan. Lumingon siya para tingnan ulit ang painting, at sa totoo lang, wala siyang pakialam sa simbolismo ng painting.Naramdaman niya lang na magandang painting yun.Pero nakuha ng mga salita niya ang atensyon ni Daisie. “Ano pang nakikita mo sa painting?”Nakatitig lang si Nollace sa painting at malamig na sinabing, “Sa unang tingin, nakikita lang natin ang mundo na nililigtas ang mga anghel na nahulog sa mundo at nawalan ng pakpak pero pagkatapos tuming
Read more

Kabanata 1573

Tinanggal ni Nollace ang kamay ni Colton palayo sa kaniya at sinabing, “Anong klaseng kalokohan ba ang ginagawa ko sa kaniya?”May gusto sanang sabihin si Colton pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Sabi niya, “Lumayo ka na lang sa kaniya.”Pagkatapos nun, tumalikod siya at umalis.…Kinabukasan, nang bumaba si Daisie at mga kapatid niya, kumakain na ng almusal sina Nollace at Tristan kasama si Nicholas.Umiling si Nicholas at sinabing, “Hindi magandang matagal na gumising at pag hintayin ang mga bisita.”Ngumiti si Tristan. “Ayos lang. Holiday season ngayon, kaya naiintindihan ko kung gusto nila matulog nang mahaba.”Hinila ni Daisie ang upuan at umupo. Nang kukunin na niya ang sandwich sa harap niya, inabot din yun ni Nollace.Pareho nilang inangat ang kaniyang ulo.Tiningnan din sila ni Nicholas at Tristan.Nang makita na hindi umaatras si Nollace, hindi rin umatras si Daisie, “Hey, ako ang una nakakuha nito.”“Hindi mo naman sinulat ang pangalan mo.”“Ikaw…”Tumikh
Read more

Kabanata 1574

Samantalang, pumunta si Daisie sa bakuran para makipaglaro kay Goldbar.Gumugulong si Goldbard at tumatakbo dito at doon sa damo nang masaya.Nang makita niyang patakbo ito papunta sa kaniya, ngumiti si Daisie at hinanda ang kamay niya para kunin ito.Hindi niya inakala na tatakbo palampas sa kaniya si Goldbar at dumiretso sa tao na nasa likod niya.Lumingon siya at nakita si Goldbar na nakahinto sa gilid ni Nollace at inaamoy siya.“Goldbar!” galit niyang sigaw.Tumakbo siya palapit dito at pinulot ito mula sa sahig. “Ako ang may-ari sa'yo. Bakit hindi ka nakikinig sa akin?”Tiningnan siya ni Goldbar gamit ang inosenteng mga mata.Tiningnan niya si Nollace at tinanong, “Anong ginagawa mo rito?”Kalmadong sumagot si Nollace, “Nandito ako para maglakad.”Tiningnan niya ang tuta sa bisig ni Daisie at nagpatuloy. “Goldbar ang pangalan niya?”Binuhat ni Daisie si Goldbar pabalik sa kulungan. “May problema ka ba doon?”Habang nakasunod sa kaniya, natahimik si Nollace sandali ba
Read more

Kabanata 1575

Malamig ang hangin na humahampas sa daan, nagdikit ang buhok ng babae sa kwelyo ng lalaki para bang hindi nakikitang naka tadhanang pangyayari para sa kanilang dalawa.Biglang lumapit si Daisie sa kaniya at sinabing, “Alamin mo mag-isa mo. Blergh!”Gumawa siya ng nakakatawang mukha at tumakbo.Hindi napigilan ni Nollace na matawa.Ang totoo niyan kahit siya mismo ay hindi alam kung bakit gusto niyang mapalapit kay Daisie. Siguro magaan ang pakiramdam niya kapag kasama niya si Daisie.…Kinagabihan, kumakain ng dinner si Tristan sa isang club kasama ang kaniyang kaibigan na may ginagawang negosyo sa Bassburgh. Tumango si Tristan. Inangat niya ang baso at sumagot, “Dinala ko siya para mas marami siyang matutunan na bagay na nangyayari sa ibang bansa.”Ang totoo niyan, ayaw niyang sabihin na dinala niya si Nollace para tulungan siyang ibalik ang alaala niya.Tumawa ang kaibigan niya. “Sigurado akong kayang aralin ni Young Mr. Knowles ang tungkol sa ibang bansa sa sarili niyang b
Read more

Kabanata 1576

‘Ang pinaka mahalaga ay may amnesia si Nollace ngayon!’Biglang nakapag desisyon si Lisa.Umalis ng private room si Tristan kasama ang kaibigan niya. Pagkatapos nilang magpaalam sa isa’t isa, dinala niya ang kaniyang driver sa parking lot.Binuksan ng driver ang pinto para sa kaniya. Nang papasok na sana siya sa sasakyan, may narinig siyang boses mula sa likod. “Tito Tristan.”Lumingon si Tristan at tumingin—ito ang batang waitress na nag serve sa kanila kanina sa private room.Pero tinawag siya nitong Tito Tristan dahilan para maguluhan siya. “Kilala mo ba ako?”Maayos ang pakikitungo ni Lisa. “Sa totoo lang po, hindi ko sinasadya yun. Nagkamali lang ako dahil narinig kong binanggit mo si Nollace.”Naningkit ang mata niya. “Mag classmate ba kayo ni Nollace noon?”Hindi yun tinanggi ni Lisa. “Oo pati rin si Daisie at Colto. Magkaklase kami noon.”Nang makita na kakilala din niya si Colton at Daisie at binanggit ang pangalan ng pamangkin niya, hindi nagduda si Tristan at tuming
Read more

Kabanata 1577

Hindi makapagsalita si Colton.‘Hindi na nakapagtataka na gagawin ni lolo ang ganoong arrangement para sa atin. Ito pala ang plano niya!’Matagal ng nabasa ni Nolan ang iniisip ng lolo niya, bahagyang naningkit ang kaniyang mga mata. “Hindi ba ‘to inappropriate!’‘Plano niyang hayaan si Daisie na makasama ang batang yun? Hindi ako papayag!”“Bakit yun naging inappropriate?” Sinamaan siya ng tingin ni Nicholas at marahang kumain ng almusal. “Magkaklase naman sila dati, kaya bakit inappropriate para kay Daisie na tulungan si Nollace na bumalik ang alaala niya?”“Mga bata lang sila. Ano sa tingin mo ang pwedeng mangyari kapag nasa labas sila?”Si Nolan naman ngayon ang hindi makapagsalita.‘Tama ang sinabi ni Dad. Imposibleng masagot ko yun.‘Tama nga naman, mga bata lang sila. Pero sa ganitong edad, maraming bata ang nagsisimulang magkaroon ng kanilang puppy love.‘Kung nahuhulog si Daisie sa batang yun, hindi ba masasayang lang lahat ng lolo niya ang lahat ng ginawa kong pag-ii
Read more

Kabanata 1578

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Nollaxce. “Bakit bigla ka kasing tumatalikod?”Hindi nakasagot si Daisie, nilagpasan niya si Nollace.Hawak-hawak ni Daisie ang isang bucket ng mga inihaw sa isang kamay at kinakain ang mga ito gamit ang isang kamay habang naglalakad sa kalsada, sinusundan naman siya ni Nollace pero hindi ito bumili o kumain ng anumang pagkain.Huminto siya at inabutan si Nollace ng isang inihaw na hawak niya. “Heto.”“Hindi ko ‘yan kakainin.”“Okay, kalimutan mo na.”‘Ayaw ko rin naman mag-share sa kaniya.’Pero, bago pa niya maubos lahat ng inihaw, nagsimula siyang makaramdam ng sakit sa kaniyang tiyan, hanggang sa hindi na niya ito matiis.Napansin ni Nollace na may mali at sinuportahan siya. “Anong problema mo?”“H…hindi maganda ang pakiramdam ko.”Kumunot ang noo ni Nollace at seryosong sinabi, “Hindi malinis ang mga ‘to, pero ang dami mong nakain. Dapat lang sa iyo ‘yan.”Gusto siyang sagutin ni Daisie, pero hindi na siya makapagsalita. Nag-squat siya at
Read more

Kabanata 1579

Nagpalitan ng tingin sina Colton at Waylon at sabay na sinabing, “Okay, Mom.”Pagkatapos ng isang linggo, natapos na rin ang period ni Daisie.Maaliwalas at maliwanag ang sikat ng araw. Tumayo siya sa courtyard at nag-stretching, at nang tumalikod siya, nakita niya sina Leah at Zephir na nakatayo sa labas ng gate.Kinawayan siya ni Leah.Pumunta si Daisie sa gate at gulat silang tiningnan. “Leah, Zephir, bakit kayo nandito?”Pinakita ni Leah ang mga ticket na binili niya sa kaniyang cell phone. “Manonood kami ng pelikula. May bagong pelikula sa theater, at bumili ako ng tatlong tickets in advance.”Noong una ay ayaw manood ng pelikula ni Daisie, pero binili ni Leah in advance ang mga ticket, at personal pa siyang pinuntahan nina Leah at Zephir para imbitahan siya. Hindi naman tama kung tatanggi pa siyang sumama sa kanila.Papayag na sana siya nang marinig ang boses ni Colton mula sa likuran. “Isama niyo na rin ako.”Tumawa nang peke si Leah. “Coleman, masaya bang laging sundan
Read more

Kabanata 1580

Bahagyang nanlamig ang tingin ni Nollace nang maisip yun.“Nollace.” Isang tao ang pumutol sa iniisip niya, marahan siyang lumingon at isang babae ang kumaway sa kaniya.Kumunot ang noo ni Nollace. Hindi niya maalala kung sino ang babaeng ‘to, pero malinaw na kilala siya nito.Lumingon siya, tiningnan ang mga tao sa cafe, at nilapitan ang babae. “Sino ka?”Pinisil ni Lisa ang manggas ng damit niya at ngumiti. “Pwede ba kitang makausap nang ilang minuto?”Sa loob ng cafe, binilhan ni Daisie ng latte si Nollace. Tumalikod siya at tumingin sa entrance pero napagtanto niyang wala doon si Nollace.Huminto si Nollace sa corridor na malapit sa elevator, isang area sa mall kung saan hindi masyadong maraming tao ang dumadaan. Walang emosyon niyang tiningnan si Lisa. “Sino ka?”“Nollace, huwag mo sana ako masamain.” Kinaway ni Lisa ang kamay at nakangiitng sinabi, “Alam kong hindi mo ako naaalala, pero ayos lang yun. Naiintindihan ko.”Kumunot ang noo ni Nollace.‘Tinatawag niya ako sa
Read more

Kabanata 1581

Tiningnan ni Nollace si Lisa nang hindi nagsasalita at hindi nagpapakita ng ekspresyon. Walang nagbago sa ekspresyon niya na kahit si Lisa ay hindi sigurado kung naniwala ba siya sa paliwanag niya o hindi.Pero natatakot siya na mahuli kaya nag-isip siya ng rason. “Hindi na kita guguluhin. Aalis na ako. Tawagan mo ako kapag nagkaproblema ka.”Nagmamadali siyang umalis.Tiningnan ni Nollace ang contact detail sa kamay niya at hindi mapigilan ng ekspresyon niya na magdilim.Sa kabilang banda ng mall, hinahanap si Nollace ni Daisie at iba pa, at nakita nila ito na papalapit.“Nollace, bakit ka umalis? At saan ka pumunta?” Galit na lumapit sa kaniya si Daisie. “Hindi namin mapapaliwanag sa tito mo kapag nawala ka.”Suminghal si Colton. “Bakit ka mag aalala na nawala siya? Ilang taon na ba siya?”Walang sinabi si Leah at Zephir.Napatingin si Nollace sa mukha ni Daisie. Kahit ano pang tingin niya, hindi si Daisie ang sinasabi ng babae kanina—hindi siya mukhang mananakit ng iba.Ang
Read more
PREV
1
...
156157158159160
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status