Napakanormal ng kasalan sa pagitan ng mayayamang pamilya at madalas na nangyayari yun dahil magkapareho ng impluwensya ng kanilang mga pamilya. Pero, kahit na magkakilala sina Daisie at Nollace pero hindi sabay na lumaki, katanggap-tanggap pa rin yun.Nag-uusap-usap ang mga kasambahay. Hindi yun narinig ni Daisie dahil pinapaikot niya ang kaniyang panulat. Kahit na mukha siyang nakikinig sa paliwanag ni Nollace, lumilipad na talaga ang isip niya.Napailing si Nollace at pinagmasdan siya, napansin niyang hindi nakikinig si Daisie, kaya tinapik niya ng pen ang ulo nito. “Mag-focus ka.”Hinaplos niya ang ulo nito. “Bakit mo yun ginawa?”“Kung hindi ka magpo-focus. Hindi na ako magtuturo.” Tila binabantaan niya si Daisie.Sumimangot si Daisie at napakamot ng ulo. “Pwede ba kitang tanungin?”Si Daisie ang klase ng taong walang maitatago at hindi makakapag-focus, lalo na kung mayroon siyang gustong itanong.Nahulaan na ni Nollace ang itatanong nito. “Sige.”“Um…” Kumunot ang noo ni D
Biglang tumawa si Ivanka, humithit at dahan-dahang binuga ang usok. “Wala pa akong nakikilalang batang kasing edad mo na kasing ambisyosa mo.”Hinulog niya ang sigarilyo sa kaniyang beer—namatay ang apoy nito. “Pagkakatiwalaan kita dahil mukhang kampante ka. Pero, kapag pumalpak ‘to, magdudusa ka, naiintindihan mo?”Kinagat ni Lisa ang labi. Dahil gagawin niya na ito, hindi siya pwedeng pumalpak. “Huwag ka mag-alala.”Tumayo si Ivanka at umalis.Sa corridor, nagtanong ang taong naglalakad sa likuran ni Ivanka, “Pinagkakatiwalaan mo ba talaga? Hinahayaan ba natin siyang gawin ang anumang gusto niya?”Hindi niya maintindihan kung bakit tinutulungan ni Ivanka ang kapatid ni Evan. Napakabata pa nito pero sumisipsip na sa mga taong may mga kapangyarihan.Nakakatakot yun.Ngumisi si Ivanka. “Hindi mo maiintindihan. Magiging isang tao ang batang yun balang-araw. Kung tutulungan ko siya, may utang siya sa akin.”“Pero hindi ka ba natatakot na trahidurin ka ng isang taong katulad niya?”
Natahimik si Nollace.Bigla naman bumukas ang pinto. “Dad—”Natigilan si Lisa dala ang isang bouquet ng bulaklak. Pumasok siya sa maling kwarto para makita siya ni Tristan. Alam niyang nandito rin si Nollace pero hindi niya inakalang nandito rin si Daisie!“P…pasensya na. Akala ko kwarto ito ng dad ko.”Aalis na sana siya nang tawagin siya ni Tristan.Lumingon siya. “Po?”“Nakalimutan mo na ba ako? Niligtas mo ako noong nakaraang araw.” Hindi na suplado si Tristan katulad noong nakaraang araw dahil….siya ang taong ‘nagligtas’ sa buhay niya.Nagpanggap si Lisa na may biglang naalala. “Kayo pala, sir.”“Nasa ospital din ang tatay mo?”Yumuko siya at ngumiti. “Opo.”Biglang naalala ni Tristan ang sinabi nito sa kaniya. May sakit ang tatay nito, at nagtatrabaho siya para mapagaan ang buhay ng pamilya. “Napakabait mong bata.”Hindi natuwa si Lisa sa papuri bagkus ay nahiya siya dahil alam ni Daisie ang sitwasyon ng kaniyang pamilya.Nakatayo sa loob ng kwarto si Lisa, at natatak
“Hindi yun ang ibig kong sabihin.”Hindi yun maintindihan ni Daisie.Nilapitan siya ni Nollace. “Alam mo kung sino siya pero hindi mo siya tinawag. Daisie, kahit na magsinungaling ka at itanggi na kaklase mo siya, mag-iingat rin ang tito ko sa kaniya.”Nagkataon ba na naligtas ni Lisa ang buhay ni Tristan, o planado yun? Pinagkakatiwalaan na siya ni Tristan ngayon.Naghiwalay ang mga labi ni Daisie. “Pero niligtas niya—-”“Sa tingin mo ba ay nagkataon lang yun?”“Ano pa ba?”Huminga nang malalim si Nollace at pinisil ang tungki ng kaniyang ilong. “Alam ko na rin kung bakit sobrang nag-aalala sa iyo ang dalawa mong kapatid.”Pinagamasdan niya si Nollace, hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.“Mayroong pagkakaiba ang pagiging mabait at pagiging tanga.” Nilagpasan siya ni Nollace. “Lalo na sa isang babaeng protektado katulad mo, normal lang na hindi mo makita kung gaano kasama ang ibang tao.”Tumalikod si Daisie at sumigaw, “Nollace Knowles, tinawag mo akong tanga!”Lumaba
Pinigilan na lang siya ni Lisa.Tumango si Daisie. “Sige, uuwi na ako kung ganoon.”Tumalikod siya at sumakay ng kotse.Pinanood ni Lisa na umalis ang kotse at saka napakagat sa labi. Nagdarasal ba siyang magkasakit ang tatay niya para hindi siya mabuko?”‘...Nakaparada ang kotse sa suburbs, binaba ni Daisie ang bintana, pinagmasdan ang building sa hindi kalayuan at nag-isip nang matagal.Lumingon ang driver para magtanong, “Miss, may hinahanap ba kayo?”Sumagot si Daisie, “Babalik din ako.”Lumabas siya ng kotse at umakyat sa bahay ni Lisa. Tatlong taon na ang nakalipas, kaya hindi niya alam kung nakatira pa rin dito si Lisa.Kumatok siya pero walang sumagot matapos niyang maghintay nang matagal.Paalis ang isang kapitbahay nang makita niya si Daisie. “Sinong hinahanap o?”“Hello ma’am, nakatira pa rin ba dito si Lisa at ang tatay niya?”“Nandito ka para makita si Lisa?” Halata ang inis sa mukha ng kapitbahay. “Oo, pero bakit hindi nag-aaral ang katulad mong ganiyang edad
Pero hindi tinanggihan ni Lisa ang mga bagay na binigay sa kaniya ni Daisie. Sa halip, tinanggap pa rin niya ang lahat ng regalo sa kaniya ni Daisie nang paulit-ulit. Masaya siya sa mga bagay na yun na parang galing sa kaniya, at isa lang ang ibig sabihin nito—talagang ipinanganak si Lisa na manggagamit. Pumasok si Nollace sa private room at sinabi, “Sorry, late na ako.”Sinabi ni Tristan, “Hindi. Sakto lang ang dating mo. Hindi pa naman nahahatid ang pagkain.”Hinila ni Nollace ang upuan at umupo. Tinaas niya ang tingin niya at nagkatinginan sila ni Daisie.Agad na iniwas ni Daisie ang tingin niya.Nagkukwentuhan ang mga matatanda matapos ma-serve ng pagkain, habang si Daisie naman ay masayang na kumakain at hindi nagsasalita. Akala ni Colton hindi Masaya si Daisie dahil kay Lisa. Tiningnan niya si Daisie at sinabi, “Tumingala ka Daisie. Huwag mo hayaang pangunahan ng ibang tao ang mood mo.”Alam ng lahat kung ano ang tinutukoy ni Colton, namutla ang mukha ni Lisa. Tiningna
Tumango si Lisa habang nakahawak nang mahigpit sa laylayan ng kaniyang damit.‘Pamilya mo nga ang nag-utos sa lahat ng school sa Bassburgh na tanggihan ang application ko, tapos ngayon parang may pakialam ka? Hah! Mapagpanggap!’Hinawakan ni Daisie ang kamay niya at nagpatuloy. “Sa ganitong sitwasyon, kailangan ko makita ang Dad mo para magpaliwanag ako sa kaniya.”Nag-iba ang ekspresyon ni Lisa, at kinakabahan siyang nagsalita, “Sa…sa tingin ko hindi mo na kailangan gawin yan.”Iniwas niya ang tingin niya at nagpatuloy, “Hindi mo kailangan na magpaliwanag sa Dad ko, Daisie.” “Bakit?” Seryoso na nakatingin sa kaniya si Daisie at tinanong, “Gusto mo ba na mali pa rin ang pagkaintindi ng Dad mo tungkol sa akin?” Kinagat ni Lisa ang labi niya at walang sinabi.”“Lisa, hindi ka pa rin nagbabago. Kahit ngayon, nagsisinungaling ka pa rin sa akin.” Hindi maintindihan ni Daisie ang lahat. Kung inamin ni Lisa na walang sakit ang Dad niya at nagsisinungaling siya, siguro binigyan pa siy
Alam ng lahat na spoil si Lisa ng pamilya niya, kahit na isa siyang sensible at mabait na bata. At saka, maniniwala lang naman ang mga tao sa mga bagay na nakita ng kanilang mga mata.Wala namang may pakialam sa kung ano yung totoo.Galit na ang mukha ni Nicholas, at nang may sasabihin na dapat siya, biglang nagsalita si Tristan. “Baka naman naglalaro lang sila tapos aksidenteng nahulog si Lisa.”“Hindi mo na kailangan magsabi ng kahit ano. Masyado ng matigas ang ulo ni Daisie, masyado na namin siyang na-spoil. Kailangan na siya turuan ng aral.”Tiningnan ni Nicholas si Daisie at sinabi, “Dalian mo at mag-sorry ka kay Lisa.”Hindi inaasahan ni Daisie na hindi siya paniniwalaan ng lolo niya. Hindi niya alam ang isasagot niya, kaya sumigaw siya, “Sabi ko hindi ako yun!” Tumalikod siya at tumakbo palayo.“Daisie!” Tinawag siya ni Nicholas, pero hindi siya nakinig.Lumabas si Maisie at ang tatlong bata ng marinig nila ang gulo. At doon, tinulak sila palayo ni Daisie at mabilis na
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa