“Hindi kaibigan o ikaw lang ang hindi nag-iisip ng ganun?” Lumapit si Ken. “Inutusan ka ni Nollace na manatili sa tabi niya para may titingin kay Daisie para sa kaniya. Alam kong ikaw ang nagsabi kay Nollace nung pumunta siya sa restaurant nung nakaraang araw.”Tinikom ni Freyja ang labi niya at hindi sumagot.Niluwagan ni Ken ang tie niya at tumingin sa paligid. “May dalawa kang pagpipilian, maging malapit ka sa mga Goldmann o hayaan mo akong i-arrange ang kasal mo. Ready na ulit magpakasal si Ryan Matthews.”Hindi pinansin ni Ken ang gulat na reaksyon ni Freyja. “Kahit na hindi kasing yaman ng mga Matthews ang mga Reeses, duke ang lolo niya kaya dapat pag-isipan mo yun.”Umalis si Ken sa study at iniwan niya si Freyja na gulat pa rin.Hindi pamilyar sa kaniya ang pamilya na yun. Natatakot siya at naguguluhan kaya gusto na niyang maglayas. Sa Hilton Villas…Naghanda ng almusal nung umaga ang housekeeper. Nakipag-usap si Daisie sa kaniya habang kumakain ng almusal. Nakatira l
Niyakap ni Lara si Ken. “Ken, alam kong hindi mo ako iiwan. Mali ako. Dapat hindi kita sinigawan. Wala na akong ibang kasama kundi ikaw.”Mahinahon siyang pinakinggan ni Ken at hinawakan ang kaniyang mukha. “Dala ko ang favorite lilies mo.”Ngumiti si Lara na may luha sa kaniyang mga mata. “Naalala mo.”Yumuko siya at walang ngiti sa kaniyang mga mata. “Dati akong son-in-law ng mga Reese, syempre, maalala ko.” Agad na naintindihan ni Lara ang ibig sabihin niya. Nilagay ni Ken ang kamay niya sa baba ni Lara. “Kung nakinig ka lang sa akin, hindi mangyayari ‘to.”Nanginig sa iyak si Lara at hinawakan ang kaniyang kamay. “Natutunan ko na ang pagkakamali ko, Ken. Tulungan mo ako.”Nagmakaawa siya. “Kung ililigtas mo ako, ibibigay sayo ni Dad lahat ng gusto mo pag nagpakasal tayo.”Hinawakan ni Ken ang kamay niya at tinulak siya palayo. “Wala ng kapangyarihan ang mga Reese. Wala ka ng kwenta para sa akin.”Hindi siya makapaniwala. “Ano!?”Niluwagan ni Ken ang tie niya at nilagay
Gusto ‘tulungan’ ni Donald ang mga Reeses ngayon na nawalan na sila ng kapangyarihan para makuha niya ang gusto niya. Alam niya na mas pipiliin ng pinakamatanda sa mga Reese ang maging mahirap kaysa magkaroon ng koneksyon sa mga Matthews.Sa kasamaang palad, pumangit na si Lara.May biglang naalala si Edison. “Siya nga pala, pumunta si Ken sa hospital kanina para bisitahin siya.”Huminto ang daliri ni Nollace at tumingin siya. “Siguro lalayo na si Ken sa mga Reeses matapos nilang mawalan ng kapangyarihan. Hindi naman siya yung tipo ng tao na may pakialam sa pagiging mabuti. Tungkol lang naman sa kapangyarihan ang relasyon na meron siya kay Lara, ngayon na wala na siyang mabibigay, wala ng kwenta sa kaniya si Lara. Maliban na lang kung may iba siyang plano.…Hinintay ni Daisie si Freyja sa baba matapos ang klase.Naglakad si Freyja sa pinto at nakita siya na nakatayo sa dulo ng hagdan at kumakaway sa kaniya.Naglakad si Daisie papunta sa kaniya. “Freyja, may nangyari ba sayo
Naramdaman ni Daisie na hindi siya malakas dahil madali lang siyang nakukuha ni Nollace. “Gusto mo ba ako makita?”“Hindi na ako nakatira sa dormitory.”“Alam ko.”Natawa si Daisie. “Paano mo nalaman?”Tumawa si Nollace. “Kasi nasa baba ako.” Tumingin si Daisie sa bintana niya, at isang kotse ang nakaparada sa hindi kalayuan at bahagyang nakabukas ang bintana. Agad niyang nakilala ang pamilyar na mukha.Suminag ang araw mula sa horizon at umabot hanggang western sky.Lumabas si Daisie na nakasuot ng loose dress at manipis na jacket.Nakatayo si Nollace sa gilid ng kotse niya. Matangkad siya at may perfect na proportions, nakasuot siya ng shirt at mas maging bagay pa ito sa niya sa ilalim ng buwan.Gwapo siya, mature, at kaakit-akit.Bahagyang nabighani si Daisie dahil doon at natumba siya sa kamay ni Nollace dahil nadulas siya. Hinawakan ni Nollace ang bewang niya at hinawi ang maitim at smooth na buhok ni Daisie. “Hindi mo naman kailangan magmadali. Hindi ako aalis.”
Malamig na ngumisi si Nollace at sinabi, “Mukhang may natutunan ka rin nung nandun ka sa black market.” Nilagpasan niya lang si Lisa at umalis.Huminto si Lisa nang marinig niya ang sarcastic na sinabi ni Nollace, at kinagat niya ang kaniyang lower lip.Kahit hindi niya iyon kusa na ginawa sa sarili niya nung nasa black market siya, naramdaman niya na hindi naman ito ganun kasakit nung sinubukan niya itong gawin. Noong una ay masakit, pero pag humupa na ang kirot, magiging kakaiba na ang pakiramdam.Sigurado siya na walang lalaki sa mundong ito ang makakatanggi sa kaniya. Kaya naman siya tinanggihan ni Nollace at ay dahil hindi pa niya ito nasubukan dati. Kung makuha niya si Nollace, siguro mahuhulog din sa kaniya si Nollace dahil sa nararamdaman niya. Bumalik si Nollace sa kwarto niya, at pagkatapos niya mag palit ng pajama, narinig niya na may nagbukas ng pinto ng kaniyang kwarto. Tumalikod siya at kumunot ang noo. Malamig ang tingin niya at sumigaw siya, “Lumabas ka sa kwarto
Nanginig si Lisa nang marinig niya ang sinabi ni Nollace. Nanginig nang sobra ang ngipin niya at hindi na niya natapos ang sinasabi niya.“Inaamin ko na medyo makatotohanan nga nung ginawa mo yung suicide pero kung gusto mo talaga mamatay, dapat mas malalim pa ang sinugat mo.” Hinila ni Nollace ang pen drive sa computer niya at nagpatuloy. “Sa totoo lang, dapat magpasalamat ako sayo. Kung hindi dahil sayo, wala akong magandang video na ipapakita sa tito ko. Sinusubukan na akitin ng ampon ng mga Knowles ang descendant nila. Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon ni tito pag napanood niya itong video.”“No…” Puno ng takot si Lisa. Umiiyak siya habang nagmamakaawa, “Pasensya ka na, Nollace. Mas pinakinggan ko lang ang emosyon ko, pangako hindi ko na ito uulitin!”“Peter.” Hindi nagtagal pagkatapos magsalita ni Nollace, binuksan agad ni Peter ang pinto at pumasok sa loob.Namutla ang mukha ni Lisa nang makita niya si Peter. Hindi niya inaasahan na kanina pa nandoon si Pe
Kailangan lang palabasin ni Lisa na ginawa lang naman niya yun dahil sobra niyang mahal si Nollace. Sigurado siya na maintindihan siya ng godfather niya.“Nababaliw ka na ba?” Sumigaw si Tristan, puno ng galit ang noses niya.Napahinto si Lisa nang makita niya na sinisigawan siya ni Tristan.“Inampon kita kasi naaawa ako sayo, at niligtas mo ang buhay ko. Pero, hindi ko sinabi sayo na gumawa ka ng ganyang kawalang hiyang sitwasyon dito sa mansion ng mga Knowles. Siguro nga tama si Nollace ng sinabi tungkol sayo. Ang pagpapatira ko sayo dito ang pinakamaling desisyon na ginawa ko.” Namula ang mata ni Lisa. “Pero niligtas ko ang buhay—”“Sa nangyari na yun.” Ilang segundo ma huminto si Tristan, namutla ang mukha niya. “Nakagawa ako ng maling desisyon four years ago. Hindi ko naisip na yung aksidente pala na yun ay plinano.”Nagsimulang manginig ang katawan ni Lisa at namutla ang mukha niya. Pero, alam niya na hindi niya yun aaminin kaya sinabi niya, “Paano mo ako pag sususpensiyah
“Oo, nakita ko ang balita, at parang seryoso sila doon. Narinig ko na sinubukang akitin ng babae si Young Master Knowles kagabi. Hindi ko maintindihan saan niya nakuha ang lakas ng loob para pumasok sa kwarto niya ng nakahubad.”“Nawalan na nga siya ng respeto sa sarili niya nung binigyan niya ng permiso ang mga tao sa black market na kuhaan siya ng video habang ginagawa ang mga ganoong bagay, kaya hindi na nakakapagtaka kung susubukan niyang akitin si Young Mr, Knowles.”Naglakad si Colton sa corridor at narinig niya ang usapan. Naningkit ang mata niya, at nang maisip niya ang mga video na inupload niya sa internet noong oras na yun, nakaramdam siya ng paghihiganti.Pinasa ni Nollace sa kaniya ang mga record na iyon, kaya naisip niya na baka may gagawin doon si Nollace.Kailangan niyang tanggapin na mas walang-awa si Nollace pagdating sa pagbibigay parusa sa kaniyang mga kaaway.May dalawang bagay na pinakaimportante sa babaeng tulad ni Lisa—reputasyon at kalinisang puri, at dinu
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa