Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 1661 - Kabanata 1670

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1661 - Kabanata 1670

2769 Kabanata

Kabanata 1662

Sa hospital…Isang tao ang nasa pintuan nang lumabas ng kwarto si Lisa.Nakaupo si Lara sa sulok ng kama, madilim ang itsura niya hanggang sa marinig niya ang papalapit na mga hakbang. Tumalikod siya at hindi napigilang tanungin, “Sino ka?”Ngumiti ang lalaki. “Gusto ni Young Master Knowles na sabihin ko sayo ba kaya niyang palagpasin ang mga bagay sa ngayong pagkakataon.”Nagulat si Lara at natahimik nang ilang sandali, pero ngumisi siya. “Sa tingin mo ba hahayaan kong pakawalan niya ako? Nawala na ang lahat sa akin ngayon, kaya hindi na ako natatakot kahit kanino.”Wala ng mawawala sa mga taong nawalan na ng lahat, kaya wala na dapat siyang ipagalala sa oras na ito.Lumapit ang lalaki sa kaniya. “Ms. Reese, kilala mo ba si Mr. Matthews?”Donald Matthews—imposible na hindi kilala ni Lara ang pangalan na yun. Siya ang lalaki na kinatatakutan ng lahat ng mga babae sa Yaramoor.‘Itong lalaki na si Donald Matthews ay inimbitahan ako sa dinner ng ilang beses, pero tinanggihan ko la
Magbasa pa

Kabanata 1663

Nakasuot si Lara ng malaking sombrero, natatakpan ang kalahati ng mukha niya, na nakabalot ng bandage. Hindi pa siya magaling mula sa mga injuries niya, at nang makalabas siya ng hospital, sunog pa rin at namamaga ang mukha niya. Kumpara kay Lisa, na nakasuot ng makulay at magandang dress, mukha na lang ordinaryong tao si Lara.Dati, hindi niya pinapayagan ang kahit sinong babae na mas maging maganda kaysa sa kaniya at makukuha ang mga atensyon na dapat sa kaniya sa party man o banquet.Pero pinapangarap na lang niya na mas lalo pa siyang pumangit ngayong gabi.Hinatid sila ng waiter sa private room, at binuksan ng dalawang lalaki na naghihintay sa labas ng kwarto ang pinto.Nakasuot ng blue suit ang lalaking nakaupo sa private room. May maganda siyang facial feature, maganda ang katawan, at matangos ang ilong, at may blue na matang nakakaakit.Naglagay siya ng red wine sa glass, inamoy iyon, at sinabi sa paos niyang boses, “Maraming beses kitang inimbitahan na mag dinner dati, at
Magbasa pa

Kabanata 1664

Nagpatuloy ang sitwasyon hanggang sa isang tao ang naglapag ng plato sa mesa. Hindi masakit sa tainga ang tunog, pero malakas na iyon para magulat ang lahat ng nasa mesa. Inangat ng tatlo ang ulo nila, at nakaupo na agad si Colton. Nagulat nang ilang sandali si Daisie at agad na binawi ang kamay niya na nasa ilalim ng mesa. “Colton…”Nagkatinginan sila Colton at Nollace—napakahirap nilang intindihing dalawa at napakatalas ng kanilang tinginan.Hindi na nagsalita ng kahit ano si Daisie nung oras na yun dahil natatakot siya ma baka maging dahilan ang sasabihin niya para magkaroon ng malalang away sa pagitan nila Colton at Nollace. Sa huli, si Nollace ang nagpatigil sa tahimik at awkward na paligid. “Minsan ka lang pumunta sa dining hall na ito, Colton.”May iba’t ibang pagkain ang dining halls ng Victoria College, pero halos lahat iyon ay Western food, at mas mababa ang mga presyo.Maliban sa mga canteen, may mga restaurant din sa college na nag-o-offer ng mga exotic cuisine. H
Magbasa pa

Kabanata 1665

Nang lumabas na ng hotel si Lisa, nakatanggap siya ng tawag mula kay Ivanka.Tinikom niya ang labi niya at pinindot answer button. “Ms. Tomlin.”Hindi niya lang alam, isang bodyguard ang nagtatago sa hindi kalayuan at pinapanood ang bawat aksyon na ginagawa niya.Dahan-dahan nagdilim ang gabi, at hindi nagtagal naging gabi na.Agad na pumarada ang black sedan sa labas ng Knowles mansion.Nakasandal si Nollace sa backseat at nag-scroll sa kaniyang phone. Picture ni Daisie na nakasuot ng mermaid outfit ang nilagay niyang wallpaper sa kaniyang phone. Nakahiga siya sa reef, nagreflect sa makinis niyang balat ang ilaw na mula sa tubig, at malinaw na ang mata niya at napaka-inosente.Kakaunti lang ang may ganoong mata sa mundo.Matapos makita ang lahat ng bagay na maibibigay ng mundo at maranasan ang lamig ng lipunan, sobrang dali na lang mabago at mawala ng pagiging inosente ng isang tao.Sobrang halaga ng pagiging inosente at simple ni Daisie—sobrang halaga nito at hindi niya map
Magbasa pa

Kabanata 1666

Kung kokontrolin ang isa at kakalabanin naman ang isa pa ay mas mabuti kaysa hayaan ang dalawang matalinong babae na magsabwatan at ilagay sa panganib si Daisie.Wala siyang kailangan gawin na kahit ano kay Lisa dahil hindi na siya magtatagal.Sa oras na yun, sumakay ng cab si Lisa papunta sa address ng villa na nakasulat sa note.Hindi niya sinabi kay Ivanka na pinalayas siya ng Knowles. Kung magagamit niya ang lalaki na yun para ibahin ang pangyayari, gagawin niya ang lahat para mawala sa kontrol si Ivanka.Huminto sa malapit ang cab. Tumingin si Lisa sa bintana at nakita na madilim ang paligid. Walang malaking villa katulad ng iniisip niya pero isang abandonadong construction site ang nandoon.Lumiwanag sa kalsada ang dilaw na ilaw pero madilim na ang halos lahat.Huminto siya at tinanong ang driver, “Nasa maling lugar ba tayo?”Hindi sumagot ang driver kundi ay biglang pinatay ang ilaw.Napagtanto ni Lisa na nasa panganib siya kaya binuksan niya ang pinto at tumakbo paalis.
Magbasa pa

Kabanata 1667

Hindi alam ni Daisie na noong nakipagkita siya kay Nollace, nakilala agad siya ng mga bodyguard.Pumasok ang katulong para maghanda ng almusal. May bigla siyang naalala siya at sinilip ang ulo niya para magtanong, “Kumain ka na ba, sir?”Ngumiti si Nollace. “Pwede bang ipaghanda mo rin ako, please?”Nagtaka si Daisie. “Hindi ka nag almusal?”Sumandal si Nollace. “Gusto ko lang ng libreng pagkain dito.”Nilagay ni Daisie ang kamay niya sa kaniyang balakang. “Kailangan mo magbayad para sa pagkain.”Biglang tinaas ni Nollace ang kamay niya at hinila si Daisie papunta sa kaniyang hita.Nagulat siya at agad na tumingin sa kusina. Naghahanda ng almusal ang katulong at hindi napansin ang nangyayari sa living room.Kabado niyang hininaan ang boses niya. “Anong ginagawa mo?”“Hindi ba't nanghihingi ka ng bayad?” Pinisil niya ang baba ni Daisie at lumapit. “Ito may interes pa.”“Anong interes— Mm!”Bago pa siya matapos, hinalikan siya ni Nollace. Tumigil siya sa paghinga, natigil ang
Magbasa pa

Kabanata 1668

“Kaya ba niya na hindi mag ingat?” Tumawa si Nollace, “Nakarating si Lisa sa pwesto niya ngayon dahil kay Ivanka. Kung gusto siyang gamitin ni Ivanka, plinano niya sana na kontrolin si Lisa. Kung alam niya na plano ni Lisa na iwan siya, kahit saan man siya mapunta, mahaharang siya.”Nang mapunta si Lisa sa kamay ng mga tauhan ni Donald, at kapag napagtanto niya na wala na siyang mapupuntahan, si Ivanka ang gagamitin niya. Kung iiwan niya si Ivanka, ito na ang magiging katapusan niya.Tumingin si Edison sa rearview mirror. Hindi pa siya na dismaya sa paraan ni Nollace sa loob ng mga taon na nagtatrabaho siya sa kaniya.Kahit na sinabi ni Donald sa black market na isang lobo ang batang Knowles at kung gagalitin niya ito ngayon ay baka kagatin siya nito sa hinaharap. Kung hindi siya mamamatay, kailangan pa rin niya ibayad ang katawan niya.Clown lang para sa kaniya si Lisa. Patuloy niyang hinahamon si Nollace kaya kakaiba naman kung pakakawalan nila siya.Samantala…Nang magising si
Magbasa pa

Kabanata 1669

Bago pa man mahawakan yun ni Daisie may kumuha non mula sa likod niya. “Hinahanap mo ba ‘to?”Humarap si Daisie at nagulat.Ang lalaki sa likod niya ay may magandang morenong balat at mukhang middle-eastern. Mayroon siyang itim na kulot na buhok, magandang feature, malalim na mata at maliwanag na pupil. Kakaiba ang itsura niya.Pero higit pa doon, mukha siyang pamilyar.Ngumiti ang lalaki at pinakita ang maputi niyang ngipin, “Hindi mo ba ako naaalala? Nasa perfume ad tayo ng isang beses.”Nagulat si Daisie. “Ikaw yun?”Tumingin siya nang malapitan at katulad nga ng feature niya ang batang model na nakatrabaho niya dati.Tumango siya pagkatapos ay inabot ang libro kay Daisie. “Ako si Ayan.”Kinuha ni Daisie ang libro mula sa kaniya at tinanong, “Estudyante ka rin ba dito? Hindi pa kita nakita sa Drama, Theater and Film classes.”“Hindi ako estudyante ng course na yon.” Tiningnan siya ni Ayan at ngumiti. “Galing ako sa Art school.”Nahahati sa sa business side at art side an
Magbasa pa

Kabanata 1670

Nakatikom ang labi ni Daisie at nanatiling tahimik.Isang kasinungalingan kung sasabihin niya na hindi niya naisip si Nollace sa ganoong paraan. Paanong hindi kung makikita na ganoon ang mukha?”Kumaway si Freyja. “Sige na, tama na sa akin. Ayaw ko bigyan ka ng nakakatawang pangarap.”Tinakpan ni Daisie ang bibig niya. “Tama na.”Tumayo si Ayan sa walkway ng library at pinanood sila na umalis pagkatapos ay tumalikod siya at umalis na rin.Sa Knowles Group…May kumatok sa pinto. Binuksan ni Edison yun at nakita si Tristan na pumasok sa opisina. “Nollace.”Sinara ni Nollace ang file na hawak niya at tumingin. “Nakabalik ka na.”“Narinig ko na hawak na ni Donald Matthews ngayon si Lisa.” Hinila ni Tristan ang upuan at umupo. “Nollace, nakakausap mo ba siya?”Binaba ni Nollace ang file. “Hindi, sinabihan ko lang si Lara.”Napakunot si Tristan. “Inilabas siya ni Jonah Reese sa hospital para makaiwas kay Donald. Ginamit mo si Lara para ipadala si Lisa kay Donald. Kung sinabi ni La
Magbasa pa

Kabanata 1671

“Special?” nagtatakang tanong ni Ayan.“Please huwag mo masamain. Ang gusto ko lang sabihin ay may kakaiba kang dating. Mukha kang katulad ng mga ancient Persians mula sa painting.”Sa Yaramoor, halos lahat ng tao ay maputi at naging dahilan yun para mangibabaw si Ayan hindi alintana ang itsura o ugali niya.Ngumiti si Ayan at sinabing, “Salamat sa papuri mo.”Dumating ang sasakyan sa destinasyon ni Ayan. Pagkatapos mag paalam kay Daisie ay lumabas na siya ng sasakyan.Nang makarating si Daisie sa Hilton Villas, nakita niya ang pamilyar na sasakyan nang makalabas siya ng sasakuan niya. Mukhang kanina pa naghihintay ang sasakyan na yun. Bahagyang nakababa ang rear window at ang nakaupo doon ay walang iba kundi si Nollace. Nagulat si Daisie at lumapit sa sasakyan. Sumandal siya sa bintana at tinanong, “Huwag mo sabihin sa akin na kanina ka pa naghihintay dito.”Tiningnan siya ni Nollace at sumagot, “Akala ko uuwi ka agad.”“Well, may hinatid lang ako sa daan,” handa niyang sagot
Magbasa pa
PREV
1
...
165166167168169
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status