Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1671 - Chapter 1680

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1671 - Chapter 1680

2769 Chapters

Kabanata 1672

Hinuhubad ni Nollace ang shirt niya at doon lang napagtanto ni Daisie na maganda ang katawan niya. May maganda at toned body siya. Hindi malaki ang muscles niya at mukha silang well-proportioned. Isa siyang tipo na mapayat kapag nakasuot ng damit pero maskulado kapag hinubad yun.Bukod pa doon, well-defined ang v-cut abs niya.Binaba niya ang tingin niya at namula ang mukha niya sa kahihiyan. Agad siyang tumalikod at sumigaw, “Bakit bigla kang naghuhubad ng damit!?”Maayos na nilagay ni Nollace ang shirt niya sa kama at tumayo sa likod ni Daisie.Habang kinukuha niya ang pajama sa kamay ni Daisie, umabante siya para makalapit kay Daisie at sinabing, “Kasi maliligo ako.”Mas lalong namumula ang tainga ni Daisie. Nararamdaman niya ang init ni Nollace na humahaplos sa likod niya nang lumapit ito. Tinakpan niya ng kaniyang palad ang mukha niya at sinabing, “Alam mong darating ako. Sinasadya mo ‘yan!”Tumawa si Nollace habang sinasabi, “Yeah, sinadya ko nga.”Tumigil sa pagtibok ang
Read more

Kabanata 1673

Nang mapagtanto na nakatingin si Daisie, lumingon siya at tinanong, “Anong problema?”Nag-iwas siya ng tingin at sumagot, “Wala.”Nilagay ni Nollace ang braso niya sa couch sa likod ni Daisie at lumapit sa kaniya. “Ikaw ba yung batang babae?”Nagulat siya pero walang sinabi.Tumawa si Nollace at nagpatuloy. “Ang cute niya. Bukod pa doon, kamukha mo siya.”Tinulak siya palayo ni Daisie. “Manood na lang tayo ulit.”Tumawa siya pero walang sinabi at tumingin ulit sa movie. Nakilala niya na agad ang batang babae nang lumabas ito. Tinanong lang niya yon kasi gusto niya makita ang reaksyon ni Daisie.Mas lumalalim ang gabi at nang matapos ang movie, nakatulog na si Daisie sa armrest ng couch. Tinagilid ni Nollace ang ulo niya para tingnan si Daisie at tumawa.Inunat niya ang kaniyang bisig at inayos ang buhok na nakaharang sa mukha ni Daisie.Pagkatapos nun, tumayo siya at binuhat si Daisie sa bisig niya.Bumagsak ang ulo niya at tumama sa balikat niya.Pumunta siya sa kwarto ni D
Read more

Kabanata 1674

Sinabi ni Freyja kay Ayan na may allergy siya sa sibuyas at bawang.Nakapangalumbaba si Ayan at malalim na nag isip.Lumapit si Daisie kay Freyja at bumulong. “Sinadya mo ba yun?”Nagpanggap si Freyja na hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ni Daisie at sinabing, “Anong sinasabi mo?”Ibinunyag siya ni Daisie at sinabing, “Hindi ba masaya kang kumakain ng bawang at sibuyas sa dining hall?”Nagulat si Freyja at sumagot, “Hindi ako allergic sa bawang at sibuyas sa dining hall. May problema ka ba doon?”Tumingin si Daisie kay Ayan na nag-o-order ng pagkain sa waiter at sinabing, “Huwag mo siya isipin. Kinakain niya lahat.”Natahimik si Freyja.May napagtanto si Ayan at tumawa. “Ayos lang. Makakahanap din ako ng pwedeng kainin ng kaibigan mo.”“Hindi na yun mahalaga. Ililibre mo kami ng pagkain at walang rason para maging mapili kami sa kakainin,” seryosong sagot ni Daisie. “Mag order ka lang na sa tingin mo ay masarap. Gusto ko subukan ang pagkain dito.”Ngumiti si Ayan
Read more

Kabanata 1675

Pinisil ni Freyja ang buto ng ilong niya para pakalmahin ang sarili niya. “Hindi ko naman sinasabi sa'yo na kalimutan lahat ng kaibigan mong lalaki pero hindi mo ba nakikita na may motibo si Ayan kaya lumapit siya sa'yo?”Wala ganoong pagkakataon sa normal na pangyayari.Yumuko si Daisie at tinanong, “Hindi ba't pala kaibigan ang mga foreigner?”Ngumiti si Freyja. “Foreigner din naman ang ibang lalaki sa Drama, Theater, and Film. Bakit hindi sila kasing friendly ni Ayan?”“Dahil kay Nollace at Colton.”Nagulat si Freyja. “Alam mo rin pala yun.”Kung hindi dahil kay Colton at Nollace, maraming lalaki ang lalapit kay Daisie na may motibo.Alam niya ang tungkol doon pero minsan hindi niya makita ang intensyon ng ibang tao.Tinanong ni Freyja, “Bakit hindi mo makita ang intensyon ni Ayan?”Nagkibit-balikat si Daisie at yumuko. “Alam ko na nag-aalala ka na baka magloko ako kaya pinoprotektahan mo ako. Pero hindi na ako bata.”Tumalikod siya at sinabing, “Naka trabaho na si Ayan s
Read more

Kabanata 1676

Yumuko si Nollace sa kaniya. “Bakit naman ako magagalit?”“Boyfriend kita at pumayag ako na mag dinner kasama siya. Hindi ka ba magagalit?”Naningkit si Nollace at hinawakan niya ang pisngi ni Daisie habang hinahaplos. “Basta hindi ka sumobra, hindi ko naman kailangan magalit.“Daisie, may karapatan ka na makipag socialize sa kaibigan mo at wala akong karapatan na makialam sa social life mo nang sobra. Pero, kung talagang sosobra ka, hindi ko masisigurado kung ano ang gagawin ko.”Nang makita na bahagyang nagdilim ang ekspresyon niya, nagulat si Daisie sandali. “Gaano ka-sobra ang sobra?”Nilagay niya ang daliri niya sa kaniyang labi. “Alam mo ba na ang hindi kayang mapatawad na bagay sa relasyon ay panloloko? Kung mas magiging malapit ka sa ibang lalaki bukod sa akin, gagawin ko…”Nagtataka si Daisie. “Anong gagawin mo?”Hinalikan niya ang pisngi ni Daisie. “Itatali kita sa akin. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na umalis sa tabi ko at hindi na kita papakawalan.”Gumalaw an
Read more

Kabanata 1677

Nasa funeral home ang katawan ni Jonah at handa na i-cremate. May iilang tao na pumunta para makiramay. Ang mga pumunta sa lamay na mga kamag-anak ay nandito lang para sa pamana na iniwan niya.Pagkatapos ibenta ang company shares niya, nagkaroon siya ng $7,000,000. Dagdag pa sa malaking ipon at ibang investment na mayroon siya sa loob ng ilang taon, siguro ay aabot ng ilang bilyong dolyar.Plano ni Jonah gamitin ang pera na yon para dalhin sa ibang bansa ang anak niya. Si Lara lang ang anak niya kaya siya ang nagmana sa lahat pagkatapos mamatay ng dad niya.Nakasuot ng itim si Lara at nakasuot ng headscarf para itago ang sugat sa pisngi. Wala siyang emosyon na nakatayo sa harap ng larawan ng dad niya, hindi niya pinansin ang mga mapagpanggap na mukha ng mga kamag-anak niya na nagpapanggap na nakikiramay. Nang biglang may dumating sa funeral home na mula sa labas.Si Ken yun.Nilagay ni Ken ang puting rosas na hawak niya sa gitna ng wreath, tumingin sa larawan at nag bow.Ngumi
Read more

Kabanata 1678

‘Kung hindi dahil sa katotohanan na sinubukan ni Lara na patayin ang hindi niya kaya, ganito pa rin ba ang mangyayari sa kaniya?’‘Dahil may lakas ng loob siyang gawin yun, kailangan niya rin harapin ang kapalit non.’Tiningnan siya ni Daisie. “Dapat lang kay Lara ang lahat ng nakukuha niya. Pero, na-aksidente na siya pero pinipilit pa rin ng lahat ang karma niya. Hindi ba't parang malungkot yon?”Nagulat si Freyja. “Ikaw… Naaawa ka ba sa kaniya?”“Wala naman to sa kung nakakaawa siya o hindi. Iniisip ko lang na ang pagsabi na tadhana o karma ang nangyayari sa mabuti o masamang tao ay manifestation ng pagkawala nating kakayahan bilang tao.“Sabihin natin may nambully sa'yo, nilait at sinaktan ka nila, at isang araw sa future, namatay yung tao sa aksidente o sakit. Masaya nating iisipin na karma yon at mararamdaman natin na ayos na tayo dahil doon. Pero ganoon ba talaga ang karma? Ang totoo, ugali lang yun ng tao na mahina at walang kakayahan.Sinuportahan ni Daisie ang ulo niya g
Read more

Kabanata 1679

Ngumiti si Ken at mabagal na inangat ang bintana ng sasakyan. “Ayos na pala. Susunduin ko kayo bukas.”Kinabukasan, sa Lumiere Fine Dining…May maaliwalas at komportable na paligid ang restaurant. May lounge bar at ang ilaw ay warm yellow dahilan para magmukhang grande ang interior.Hinatid ni Ken si Daisie at Freyja sa table para sa anim na tao. May puting tablecloth, at nakaayos ang silverware at wine glass.Ang dalawang tao na naghihintay sa kanilang upuan ay ang magulang ni Ken at Freyja.Mahinhin at glamoroso si Sandy at nasa 46 years old na. Mukha siyang well-maintained, lahat ng suot niya ay nakaayos at color-coded, at ang jewelry na suot niya ay mula sa mga mamahalin na brand.Baka dahil sa matapang niyang facial feature ay nagpapakita siya ng mataray na aura. Mukhang mahirap makisama sa kaniya.Sa kabilang banda, si Barndon Pruitt, na dad ni Ken at Freyja ay mas mukhang mabait habang nakaupo sa seryoso niyang asawa.Hinila ni Ken ang upuan. “Dad, Mom.”Tumingin si San
Read more

Kabanata 1680

“Nagbibigay lang ako ng payo sa inyo. Anong masama doon?” Kinuha ni Sandy ang wine glass at mahinang inalog. “Hindi mo dapat asahan ang pag-ibig at emosyon sa mundo. Ang gusto mo ngayon ay baka hindi manatili sa hinaharap. Sa huli, kita at interes lang ang pinaka maaasahan.”Dinala ng waiter ang pagkain sa oras na yun, kaya itinabi ni Sandy ang wine glass niya at kinuha ang kutsilyo niua at tinidor. “Okay, kumain muna tayo.”Hindi gumalaw si Daisie at nanatiling tahimik. “Mrs. Pruitt, kakaiba ang tunog ng sinabi mo. Dahil sa tingin mo na ang relasyon, pag-ibig, at emosyon ay hindi maaasahan, bakit ka ikinasal noon?”Bahagyang nag iba ang ekspresyon ni Sandy. “Kasal? May kinalaman ba yun sa pag-ibig o emosyon? Bata ka pa talaga.”Huminga nang malalim si Daisie at tiningnan si Brandon na walang sinabi mula nang magsimulang kumain. “Mr. Pruitt, ganoon din ba ang tingin niyo?”“Tungkol doon…” Tumingin bigla si Brandon kay Sandy.Nagulat si Daisie. “Posible ba na hindi kayo kinasal da
Read more

Kabanata 1681

Binantaan siya ni Sandy sa malalim niyang boses, “Fey, huwag mo subukang lumayo dyan sa mesa.” Ilang segundo na tumigil si Freyja sa paglalakad, pero sa dulo, umalis pa rin siya kasama si Daisie. Tiningnan ni Sandy sila Daisie na palabas sa restaurant, at sobrang naiirita ang ekspresyon niya. “Parang mas naging mayabang at matapang siya nung nagsimula siyang kilalanin ang anak ng mga Goldmann.”‘Gusto ko gamitin ang oras na ito para makuha ko si Daisie Vanderbilt gamit ang tulong ni Freyja. Pero, hindi lang sa hindi siya tinulungan ni Freyja, pero mas pinalala pa niya ito kaysa dati.’Pinunasan ni Ken ang sulok ng labi niya gamit ang panyo. “Mom, hindi mo kailangang mag-alala. Dapat pala personal mo yung nakita. Sobrang pinagkakatiwalaan ng prinsesang iyon si Fey, ‘di ba?”“Ano naman? Parang hindi ko naman ang personalidad ni Fey.” Kung alam lang ni Sandy na ang anak na pinanganak niya ay lalaki ng ganun, siguro mas gugustuhin niya na hindi siya ipinanganak una pa lang.Tinaas
Read more
PREV
1
...
166167168169170
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status