Semua Bab The Three Little Guardian Angels: Bab 1471 - Bab 1480

2769 Bab

Kabanata 1472

Kung may problema sa hawak na shares ni Ian, siya ang sasalo ng sisi para kay Juan.Tinata-tap ni Nolan ang mga daliri niya sa file habang may kung anong kuminang sa kaniyang mga mata. “Alam ba ni Juan ang relasyon ni Ian sa mga higher-ups doon?”Umiling si Quincy. “Napakaraming pekeng identities at pangalan ni Ian. Kahit imbestigahan yun ni Juan, hindi niya malalaman ang relasyon ni Ian sa ministry.”Tumawa si Nolan. “Mukhang wala talagang alam si Juan sa anak niya sa labas.“Kung kilala niya si Ian, hindi niya ito babalewalain. Lalo na dahil sa relasyon ni Ian sa mga taong nasa taas, kaya niyang protektahan si Juan kung gugustuhin niya.Sa kasamaang palad, masyadong mayabang si Juan.Isang ‘hudlum’ lang ang tingin niya kay Ian, kaya hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin.“Mr. Goldmann, mali ang napili niyang kalaban. Mukhang wala na tayong kailangang gawin ngayon.”Sinara ni Nolan ang file at nilapag yun sa desk. Nang marinig niyang may kumakatok sa pinto, inangat niya ang t
Baca selengkapnya

Kabanata 1473

Tumawa nang malakas si Quincy at sinabing, “Kung may birthday party ako, hindi ko gagamitin ang mga decorations na ‘yan. Lalaki si Mr. Goldmann Sr. Hindi mo ba naisip na masiyadong makulay ‘yan para sa kaniya?”Tiningnan ni Saydie ang mga decorations na pinili niya. Lahat ito ay nirekomenda ng shopkeeper. Sabi nito ay mahilig mag-dekorasyon ng makukulay ang matatanda sa birthday nila dahil magdadala yun ng swerte.Habang nakapatong ang baba sa kamay, pinagmasdan siya ni Quincy at sinabing, “Ito ba ang unang beses mong mag-decorate sa birthday party ng iba?Humalukipkip si Saydie at hindi na sumagot.Abot-tainga ang ngisi ni Quincy habang tinatapik ang balikat ni Saydie at sinabing, “Huwag ka mag-alala. Manood ka na lang.”Naglibot-libot si Quincy sa mga shop para pumili ng dekorasyon. Lumaki siya sa Goldmann mansion, kaya alam niya kung anong gusto ni Nicholas.Si Saydie naman, sumusunod lang siya kay Quincy sa bawat shop na pinapasok nito. Ang sabi nila, lahat ng babae ay mahili
Baca selengkapnya

Kabanata 1474

Kung makikidnap si Saydie, siguradong pupulbusin ni Maisie si Quincy.Nang maisip niya yun, napansin niyang mayroong mali.‘Sino namang maglalakas-loob na kidnapin siya!?’Sinuman ang trafficker na yun, pagod na siguro silang mabuhay. Kung hindi, walang matinong taong tatarget kay Saydie.Lumapit si Saydie sa kaniya at kinuha ang mga hawak niyang bag habang hawak nito ang dalawang ice cream sa kabilang kamay.Sandaling natulala si Quincy bago tumawa. “Sa kanluran na ba umaangat ang araw ngayon? Tinutulungan mo na akong magbuhat.”Naunang maglakad si Saydie at sinabing, “Dahil nilibre mo ako ng ice cream, tutulungan kitang magbuhat.”Sumunod si Quincy sa kaniya at bahagyang kumunot ang noo nang makita siyang kinakain ang dalawang ice cream nang magkasabay. “Kahit gustong-gusto mo ng ice cream, hindi ka dapat kumain nang ganiyan. Magkaka-diarrhea ka.”Hindi siya pinansin ni Saydie at sinabing, “Ang dami mong sinasabi.”Habang naglalakad sa tabi niya, nagpatuloy si Quincy sa pags
Baca selengkapnya

Kabanata 1475

‘Mukha ba akong invisible sa kaniya?’“Isipin mo na lang na may utang ako sa iyo.” Binalik ni Saydie ang wallet sa bulsa ni Quincy at lumabas ng mall habang kinakain ang ice cream niya.Pagkatapos kumain ng maraming ice cream, sumakit ang tiyan ni Saydie at nakailang balik sa banyo.Habang nagde-decorate sa bahay nila kinabukasan, halos kalahating araw na wala si Saydfie.Nang bumaba si Maisie at nakitang si Quincy lang ang nagtatrabaho, nagtanong siya, “Nasaan si Saydie?”Tumawa si Quincy at sinabing, “Baka naparami ng kain ng ice cream kahapon, masakit ang tiyan niya ngayon.”Naningkit ang mga mata ni Maisie. “Sinama mo siya para kumain ng ice cream?”Mabilis na nagpaliwanag si Quincy. “Pagod na kasi siya at ayaw nang gumalaw, kaya wala na akong nagawa kung hindi bilhan siya ng ice cream. Sinong nakakaalam na hindi pa pala siya nakakakain ng ice cream dati? Nagustuhan niya agad at bumili ng dalawang cones nang hindi nagsasabi sa akin.“Ma’am, maniwala kayo. Pinaalalahanan ko
Baca selengkapnya

Kabanata 1476

“May kutob ako na kumplikado ang relasyon niya sa fiance niya. Kahit na lagi siyang hatid-sundo sa trabaho ng fiance niya, parang hindi naman sila malambing sa isa’t-isa.”“Ganoon din ang kutob mo? Matagal na naming nararamdaman ‘yan.”Sumandal si Elaine sa frame ng pinto, pinapakinggan ang tsismis sa lounge. Tungkol sa kaniya pa ang tsismis kaya napayuko siya.‘Kahit ibang tao ay nababasa ang relasyon ko kay Ian?’‘Ang totoo, nagulat ako nang sabihin ni Ian na gusto niyang seryosohin ang relasyon sa akin. Aksidente lang akong nasaksak dahil sa kaniya, pero gusto na agad niyang seryosohin ang relasyon sa akin.”Hindi pa rin siya sanay sa pagbabagong ‘to.Hindi sa hindi niya nararamdaman ang guilt ni Ian para sa kaniya.Samantala, sa Synergy…“Mr. Saldana, tagumpay na nakuha ni Ian ang mga shares sa Hewston, at pumunta siya sa casino noong nakaraang gabi.”Habang nakikinig sa report ng secretary niya, nilapag ni Juan ang kaniyang teacup at napakunot ang noo. “Anong ginawa niya
Baca selengkapnya

Kabanata 1477

“Saan mo daw ako dadalhin sabi ni daddy?”“May nangyari kay daddy.” Binaba ni Ian ang tingin at nagpaliwanag, “Kailangan niya ng pera at sabi niya sa akin, nasa bank account mo raw ang pera niya. Tama ba?”Nag-alinlangan si Marco. “Pero sabi ni daddy sa akin na huwag ko raw ibibigay ang card na ‘to kahit kanino.”“Pero hindi sinabi ni daddy na hindi mo ‘yan pwede ibigay sa nakababata mong kapatid, tama?”Napaniwala nga si Marco. Dahil kahit na may sakit sa pag-iisip si Marcho, naalala niyang may nakababata siyang kapatid. Hindi niya lang maalala ang pangalan nito.Napatango siya. “Paano ko matutulungan si daddy?”Sabi ni Ian, “Ibigay mo sa akin ang card, at ipahahatid kita sa mommy mo. Mas ligtas ka kapag kasama mo ang mommy mo.”Gustong makita ni Marco ang nanay niya, kaya binigay niya kay Ian ang bank card na dala-dala niya.Kinuha ni Ian ang card, tinaas ang kamay at tinapik ang balikat ni Marco. “Tara na. Dadalhin kita sa taong gusto mong makita.”Tumango si Marco.May in
Baca selengkapnya

Kabanata 1478

Sa sandaling yun, nakatanggap ng balita si Juan na nalaman na ng mga tauhan niya kung sino ang son-in-law ni Edward Xavier. Walang iba kung hindi ang anak niya sa labas, si Ian Saldana.Hindi pa nagtatagal simula nang ma-engaged sina Ian at anak ni Edward Xavier, at hindi nila sinapubliko ang balita.Nanigas sa kinauupuan niya si Juan at namutla ang mukha.Samantala, pinasa ni Ian ang ebidensya ng embezzlement ni Juan at tax evasion sa ministry.Nasa abroad naka-set up ang bank account ni Marco, at sinabihan na ng ministry ang Ministry of Foreign Affairs na kausapin ang bansa kung nasaan ang bangko, at agad din pinagbawalan na umalis ng bansa si Juan.Pagkatapos magawa ang lahat, sumakay si Ian ng eroplano pabalik sa Bassburgh at siniguradong hindi makita ang tatay niya kapag nakabalik na siya.Sinundo siya ng manager ng cafe pagdating niya sa airport. Nang mapadaan sila sa flower shop ay pinahinto ni Ian ang sasakyan.Bumili si Ian ng isang bouquet ng cornflowers. Nang bumalik
Baca selengkapnya

Kabanata 1479

Pinagmasdan siya ni Ian, bakas sa mga mata niya ang saya. “Huwag ka mag-alala.”Parang magic spell ang mga salitang yun, at kumalma ang puso ni Elaine nang marinig yun.…Sinimulan ng higher-ups ng ministry ang istriktong imbestigasyon kay Juan. Frozen agad lahat ng personal assets ni Juan at dahil bawal siyang umalis ng bansa, kahit ang plano niyang pumunta sa abroad ay naudlot.Hindi nagtagal, nilagay si Juan sa ilalim ng criminal detention para sa mas malalim na imbestigasyon.Nagpunta si Ian sa detention center para bisitahin si Juan. Pagkatapos madala ni Juan sa visitation room, wala na sa itsura niya ang pagkakampante, madilim ang itsura niya at tinutubuan na ng balbas.Kinuha ni Juan ang receiver at nagngangalit na sinabi, “Ian Saldana, natuto ka na, ano? Ang lakas ng loob mong trahidurin ako, peke!”Tinikom ni Ian ang mga labi at ngumisi. “Matagal na akong ganito.”Ngumisi si Juan at nilait siya. “Tama nga, ang anak na hindi ko pinalaki ay walang-awa at malupit sa saril
Baca selengkapnya

Kabanata 1480

Kinagabihan, nang dumating si Ian sa Xavier mansion, tumayo siya sa labas hanggang sa pagbuksan siya ng pinto ni Elaine. Kaliligo lang nito at naaamoy pa ang bango ng shampoo, at maluwag ang pagkakatali ng buhok niyang hindi pa gaanong natutuyo.Mas lalo siyang naging inosente tingnan sa mukha niyang walang makeup.Hindi lahat ng babae ay kayang panatilihin ang maputi nilang kulay at makinis na balat kahit walang makeup.“Pumunta ka, pasok.” Hinila siya ni Elaine papunta sa entryaway at sinara ang pinto.Para ma-entertain si Ian, mabilis na nagluto si Jenna sa kusina at naghanda ng masarap na dinner. Hinintay na lang nila ang pagdating ni Ian para kumain.“Nice to see you, Mr. Xavier, Mrs. Xavier.” Tumango si Ian at mapagkumbabang bumati.“Sige na, maghugas ka na ng kamay at samahan mo kami sa mesa. Hinihintay ka ng lahat.” Nakangisi siyang binati ni Jenna at sinabi, “Hindi alam ni Elaine kung anong hilig mong kainin, kaya niluto ko na lang ang mga madalas naming kainin.”Sinuly
Baca selengkapnya

Kabanata 1481

Naguluhan si Jenna at dinala ulit ang mga prutas at tsaa sa taas. Nang makita niya si Ian at Edward na lumabas sa study, napahinto siya sa pwesto niya at tinanong, “Kanina pa ba kayo nasa study room?”Tumango si Ian.Tiningnan siya ni Edward. “Nag-uusap kami sa study ni Ian. Anong problema?”“Inutusan ko kasi si Elaine na dalhan kayo ng prutas at tsaa, pero sabi niya sa akin hindi niya kayo nakita sa study…”Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Edward, at nagkatinginan sila ni Ian. ‘Parang may narinig si Elaine.’Sa kabilang banda ng mansion…Mag-isang nakaupo si Elaine sa pond sa bakuran. Sinundan ni Ian ang katulong papuntang bakuran. May sinabi sa kaniya ang katulong bago umalis, at naglakad si Ian papunta kay Elaine.Binato ni Elaine sa pond ang bato na nada kamay niya, at walang paggalaw ang makikita dahil sa kadiliman.May narinig siyang mga hakbang, tinigil niya ang ginagawa niya, pero hindi siya lumingon. “Alam ko ang gusto mo sabihin, pero wala na yung halaga. Wala na
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
146147148149150
...
277
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status