“Saan mo daw ako dadalhin sabi ni daddy?”“May nangyari kay daddy.” Binaba ni Ian ang tingin at nagpaliwanag, “Kailangan niya ng pera at sabi niya sa akin, nasa bank account mo raw ang pera niya. Tama ba?”Nag-alinlangan si Marco. “Pero sabi ni daddy sa akin na huwag ko raw ibibigay ang card na ‘to kahit kanino.”“Pero hindi sinabi ni daddy na hindi mo ‘yan pwede ibigay sa nakababata mong kapatid, tama?”Napaniwala nga si Marco. Dahil kahit na may sakit sa pag-iisip si Marcho, naalala niyang may nakababata siyang kapatid. Hindi niya lang maalala ang pangalan nito.Napatango siya. “Paano ko matutulungan si daddy?”Sabi ni Ian, “Ibigay mo sa akin ang card, at ipahahatid kita sa mommy mo. Mas ligtas ka kapag kasama mo ang mommy mo.”Gustong makita ni Marco ang nanay niya, kaya binigay niya kay Ian ang bank card na dala-dala niya.Kinuha ni Ian ang card, tinaas ang kamay at tinapik ang balikat ni Marco. “Tara na. Dadalhin kita sa taong gusto mong makita.”Tumango si Marco.May in
Sa sandaling yun, nakatanggap ng balita si Juan na nalaman na ng mga tauhan niya kung sino ang son-in-law ni Edward Xavier. Walang iba kung hindi ang anak niya sa labas, si Ian Saldana.Hindi pa nagtatagal simula nang ma-engaged sina Ian at anak ni Edward Xavier, at hindi nila sinapubliko ang balita.Nanigas sa kinauupuan niya si Juan at namutla ang mukha.Samantala, pinasa ni Ian ang ebidensya ng embezzlement ni Juan at tax evasion sa ministry.Nasa abroad naka-set up ang bank account ni Marco, at sinabihan na ng ministry ang Ministry of Foreign Affairs na kausapin ang bansa kung nasaan ang bangko, at agad din pinagbawalan na umalis ng bansa si Juan.Pagkatapos magawa ang lahat, sumakay si Ian ng eroplano pabalik sa Bassburgh at siniguradong hindi makita ang tatay niya kapag nakabalik na siya.Sinundo siya ng manager ng cafe pagdating niya sa airport. Nang mapadaan sila sa flower shop ay pinahinto ni Ian ang sasakyan.Bumili si Ian ng isang bouquet ng cornflowers. Nang bumalik
Pinagmasdan siya ni Ian, bakas sa mga mata niya ang saya. “Huwag ka mag-alala.”Parang magic spell ang mga salitang yun, at kumalma ang puso ni Elaine nang marinig yun.…Sinimulan ng higher-ups ng ministry ang istriktong imbestigasyon kay Juan. Frozen agad lahat ng personal assets ni Juan at dahil bawal siyang umalis ng bansa, kahit ang plano niyang pumunta sa abroad ay naudlot.Hindi nagtagal, nilagay si Juan sa ilalim ng criminal detention para sa mas malalim na imbestigasyon.Nagpunta si Ian sa detention center para bisitahin si Juan. Pagkatapos madala ni Juan sa visitation room, wala na sa itsura niya ang pagkakampante, madilim ang itsura niya at tinutubuan na ng balbas.Kinuha ni Juan ang receiver at nagngangalit na sinabi, “Ian Saldana, natuto ka na, ano? Ang lakas ng loob mong trahidurin ako, peke!”Tinikom ni Ian ang mga labi at ngumisi. “Matagal na akong ganito.”Ngumisi si Juan at nilait siya. “Tama nga, ang anak na hindi ko pinalaki ay walang-awa at malupit sa saril
Kinagabihan, nang dumating si Ian sa Xavier mansion, tumayo siya sa labas hanggang sa pagbuksan siya ng pinto ni Elaine. Kaliligo lang nito at naaamoy pa ang bango ng shampoo, at maluwag ang pagkakatali ng buhok niyang hindi pa gaanong natutuyo.Mas lalo siyang naging inosente tingnan sa mukha niyang walang makeup.Hindi lahat ng babae ay kayang panatilihin ang maputi nilang kulay at makinis na balat kahit walang makeup.“Pumunta ka, pasok.” Hinila siya ni Elaine papunta sa entryaway at sinara ang pinto.Para ma-entertain si Ian, mabilis na nagluto si Jenna sa kusina at naghanda ng masarap na dinner. Hinintay na lang nila ang pagdating ni Ian para kumain.“Nice to see you, Mr. Xavier, Mrs. Xavier.” Tumango si Ian at mapagkumbabang bumati.“Sige na, maghugas ka na ng kamay at samahan mo kami sa mesa. Hinihintay ka ng lahat.” Nakangisi siyang binati ni Jenna at sinabi, “Hindi alam ni Elaine kung anong hilig mong kainin, kaya niluto ko na lang ang mga madalas naming kainin.”Sinuly
Naguluhan si Jenna at dinala ulit ang mga prutas at tsaa sa taas. Nang makita niya si Ian at Edward na lumabas sa study, napahinto siya sa pwesto niya at tinanong, “Kanina pa ba kayo nasa study room?”Tumango si Ian.Tiningnan siya ni Edward. “Nag-uusap kami sa study ni Ian. Anong problema?”“Inutusan ko kasi si Elaine na dalhan kayo ng prutas at tsaa, pero sabi niya sa akin hindi niya kayo nakita sa study…”Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Edward, at nagkatinginan sila ni Ian. ‘Parang may narinig si Elaine.’Sa kabilang banda ng mansion…Mag-isang nakaupo si Elaine sa pond sa bakuran. Sinundan ni Ian ang katulong papuntang bakuran. May sinabi sa kaniya ang katulong bago umalis, at naglakad si Ian papunta kay Elaine.Binato ni Elaine sa pond ang bato na nada kamay niya, at walang paggalaw ang makikita dahil sa kadiliman.May narinig siyang mga hakbang, tinigil niya ang ginagawa niya, pero hindi siya lumingon. “Alam ko ang gusto mo sabihin, pero wala na yung halaga. Wala na
“Elaine Xavier, pwede pa malinang ang nararamdaman natin sa isa’t isa. Ang mahalaga, ang sinabi ko ay galing sa puso ko, at hindi walang kinalaman dito ang pagpapanggap ko sayo.”Dumampi sa kaniyang collar ang simoy ng gabi, at kumikinang ang emosyon na nag-uumapaw sa mga mata niya. “Kung ang gusto ko lang ay magpanggap sayo, marami pang ibang paraan para magawa yun. Hindi ko kailangan na pagdaanan pa ito.” Nagulat si Elaine. Matapos ang ilang sandali, tinikom niya ang labi niya. “Gusto mo ba ako? Kahit kaunti lang.” Tiningnan siya ni Ian. “Hindi ko pinipigilan ang nararamdaman ko para sayo at hindi rin ako naiinis dito.” Taliwas ang tingin kay Ian, at hindi na nakapagsalita si Elaine.Tinaas ni Ian ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Elaine habang nakatulala siya. Mas bumilis nang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Yumuko siya at hindi siya makagalaw. Hinaplos nang makapal at matigas na palad ni Ian ang pisngi ni Elaine at dumampi sa sulok ng kaniyang mga labi. Dahan-
Kumpara sa mga nakakasuklam na paraan na ginamit ni Juan sa business, nagkaroon na ng maraming oportunidad si Ian dahil sa malapit niyang relasyon sa mga nakatataas.Kumalma si Kevin. “Mabuti na lang hindi siya nagtatrabaho kay Mr. Saldana.” Kung hindi, mas magiging matapang lang ang Synergy. Matapos ang sandaling pag-uusap, umalis na si Kevin.Dahan-dahan at mahinahon na naglagay ng tsaa sa tasa si Nolan. “Ibig sabihin, inaangkin na niya ang Synergy ngayon?”Umiling si Quincy. “Hindi, kinuha lang ni Ian ang share niya pero hindi niya inangkin ang Synergy. Binigay niya yun kay Mrs. Saldana.”Nilagay ni Nolan ang teacup niya sa harap ng kaniyang labi. ‘Binigay ni Ian ang Synergy kay Mrs. Saldana. Parang siya ang nagsabi kay Mrs. Saldana tungkol sa ninakaw na pera. ‘Hindi siya mag-isang kumilos, nagtago sa likod ng kurtina, lumihis sa atensyon ni Juan, at gamitin si Mrs. Saldana laban kay Mr. Saldana. Kung magiging karibal ko si Ian, isa siyang lalaking mahirap kalabanin.’
Dalawang buwan lang ang ginugol ni Ian sa paghahanap ng bakas dahil mas kilala niya ang nanay niya kumpara sa ibang mga pulis. Namatay ang nanay niya dahil sa kasakiman nito. Nangyari ulit ang parehong sitwasyon—gumamit siya ng hindi kanais-nais na paraan para magkaroon siya ng kapangyarihan, at naging banta ito sa kabilang party. Ayun ang dahilan paano siya namatay. Walang pakialam na uminom ng tsaa si Ian. “Nakaraan na ang lahat ng yun.” Hindi siya nalungkot sa pagkamatay ng nanay niya.Kahit na banggitin pa ulit yun sa kaniya, wala ng nararamdaman ang puso niya sa nangyaring iyon.Tinitigan siya ni Mrs. Saldana. Matapos ang lahat, isa rin siyang nanay. Imposible na walang naranasan na kalungkutan si Ian sa buong kabataan niya. “Hindi mo kasalanan na ganun ang nanay mo.” Napahinto ng ilang sandali si Ian, at bigla siyang tumawa. “Pinapagaan mo ba ang loob ko?” “Hindi ko pinapagaan ang loob mo. Lagi akong walang kinikilingan pagdating sa mga pribadong usapin maliban sa mga b
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa