Dalawang buwan lang ang ginugol ni Ian sa paghahanap ng bakas dahil mas kilala niya ang nanay niya kumpara sa ibang mga pulis. Namatay ang nanay niya dahil sa kasakiman nito. Nangyari ulit ang parehong sitwasyon—gumamit siya ng hindi kanais-nais na paraan para magkaroon siya ng kapangyarihan, at naging banta ito sa kabilang party. Ayun ang dahilan paano siya namatay. Walang pakialam na uminom ng tsaa si Ian. “Nakaraan na ang lahat ng yun.” Hindi siya nalungkot sa pagkamatay ng nanay niya.Kahit na banggitin pa ulit yun sa kaniya, wala ng nararamdaman ang puso niya sa nangyaring iyon.Tinitigan siya ni Mrs. Saldana. Matapos ang lahat, isa rin siyang nanay. Imposible na walang naranasan na kalungkutan si Ian sa buong kabataan niya. “Hindi mo kasalanan na ganun ang nanay mo.” Napahinto ng ilang sandali si Ian, at bigla siyang tumawa. “Pinapagaan mo ba ang loob ko?” “Hindi ko pinapagaan ang loob mo. Lagi akong walang kinikilingan pagdating sa mga pribadong usapin maliban sa mga b
“Ayos lang. Ayokong sayangin,” sabi ni Elaine.Pumasok ng opisina si Ian at agad na hinubad ang jacket niya at tie dahil ayaw niya magsuot ng mga pormal na damit. Pumunta si Elaine sa likod niya hawak ang kaniyang kape para makita ang senaryo. Nakadiin sa dibdib ni Ian ang manipis na puting shirt, kaya malinaw na makikita ang hulma ng kaniyang katawan sa tuwing humihinga siya.Masasabi ni Elaine na si Ian ang pinaka may magandang katawan sa lahat ng lalaking nakilala niya. Inaasahan na yun bilang isang lalaki na naging undercover agent ng ilang taon, nagtapos sa police academy, at ilang taong nag-training sa army.Huling aksidente siyang tumama kay Ian nung nagpapalit ito ng kaniyang damit. Maskulado siya, pero hindi ganun ka-lala ang pagiging maganda ng kaniyang katawan. Ang hulma at linya sa kaniyang muscle ay sobrang kita at matigas na parang kuko.Pag nagtatrabaho sa opisina si Elaine, madalas niyang naririnig ang mga babae na nag-uusap tungkol sa abs ng lalaki. Halos lahat
Pero hindi ko sinabi sayo na pagkatiwalaan mo ang hinala mo. Bakit ka nagtitiwala sa akin kung hindi mo pa ako ganun ka-kilala, at wala pa naman akong ginawa para magtiwala ka sa akin?” Huminga nang malalim si Elaine. “Naging bukas ka na ba sa akin?” Tiningnan siya ni Ian. “Hindi pa naman huli.” Napahinto si Elaine dahil hindi niya alam ano ang malalaman niya tungkol kay Ian, kaya nagdalawang isip siya. “Sasagutin mo kahit anong itanong ko?” Nanahimik nang ilang sandali si Ian. “Depende.” “Kung nakikipaglaro lang sa akin, aalis na lang ako.” Mainitin din ang ulo niya. Nilapag ni Elaine ang tasa at tumayo para umalis. Hinawakan siya ni Ian sa kamay niya, na nagpadapa sa kaniya at natumba sa kamay ni Ian, nanigas siya. Binalot ni Ian ang kamay niya sa bewang ni Elaine, at nararamdaman niya ang init.Diniin ni Elaine ang palad niya sa dibdib ni Ian at nagsimulang makaramdam ng init sa kaniyang kamay. Hindi siya makatingin kay Ian.Lumunok si Ian at naninigas din.Sinilip
Tumawa si Daisie habang nakangisi ang labi ni Colton. “Mahilig sa pera itong maliit na ‘to.”Lumabas ang may-ari ng tindahan at tumawa. “Hello, little patrons. Interasado ba kayo sa Big Spender namin?”“Pangalan niya yun?” Nakakatawa naman ang pangalan na yun!Lumaki ang ngiti ng may-ari ng tindahan. “Oo, hindi ba siya nagpakilala sa inyo? Big Spender ang tawag sa kaniya.” Kumulubot ang labi ni Colton. Lumapit si Daisie sa parrot, ngumiti, at kumaway. “Hello, Big Spender.”Iwinagayway ng parrot ang pakpak niya. “Masaya maging Big Spender.” Tumawa si Daisie, at tumalikod para tanungin ang may-ari, “Kaya ba niya magsabi ng maraming salita?” “Syempre. Matalino yang ibon at matuto siya pag tinuruan mo.” Naisip ni Daisie na nakakamangha iyon, kaya tiningnan niya ang parrot at sinabi, “Happy birthday Grandpa.” Tumagilid ang ulo ng parrot, “Happy birthday Grandpa.”Tumawa si Daisie, tumakbo siya palapit kay Colton, at hinila siya sa kaniyang kamay. “Gusto ko yan.” Tumango
Pero kung gusto ni Zephir ang babae, baka tanggapin na lang niya ito.Lumapit si Violet para tanungin, “Siya nga pala, ‘di ba galing sa mayaman na pamilya ang babae, tama ba?”Gumalaw ang labi ni Zephir. “Anak siya ni Mr. Nolan Goldmann.” “Anak siya ni Mr. Goldman!?”May biglang pumasok sa isip ni Violet, at natulala ang mukha niya, at napamura, “F*ck!”Hindi ba pinsan nila ang mga Clifford?Sa Goldmann mansion…Nang maipasok ng parrot, nagsimulang sumakit ang ulo ni Nolan dahil kumulit na ang parrot. Hinaplos niya ang kaniyang ilong. “Bukas na ang birthday ng lolo niyo. Sa tingin niyo ba hindi siya ganun kaingay para dalhin niyo agad dito?” “Ikaw lang naman nag-iisip na maingay siya. Para sa akin ayos lang naman, ‘di ba, Big Spender?” Tumalon ang parrot sa loob ng kulungan. “Hindi maingay si Big Spender.”Natuwa si Daisie.Bumaba si Maisie at natawa. “Big Spender? Ang galing magbigay ng pangalan ng may ari ng pet store.” Masayang winagayway ng parrot ang pakpak niya. “
Tiningnan ni Elaine si Ian sa sulok ng kaniyang mga mata at nakita na binuksan ni Ian ang dalawa niyang butones at mas binaba pa ang bintana. Mas ginulo pa ng hangin ang maitim niyang buhok.Mas pinipigilan ni Ian ang sarili niya kaysa kay Elaine.Kinagat ni Elaine ang labi niya. “Hindi ka ba interesado sa akin?” Napahinto si Ian at lumingon kay Elaine. “Anong ibig mong sabihin?” Yumuko si Elaine. Hindi niya naisip na dapat siyang mahiya dahil hindi naman na siya bata.“Hinalikan mo ako dahil gusto mo makumpirma ang relasyon natin, pero kung hindi ka interesado sa akin, sa tingin ko hindi dapat tayo magpakasal dahil hindi ko kayang matulog kasama ang mister ko sa i-isang kama na walang ginagawa.” Matapos sabihin yun ni Elaine, nagmukha siyang mas nananabik kaysa kay Ian? Ilang sandaling nanahimik si Ian, at tumawa siya. Malinaw ang tawa niya sa tahimik na sasakyan. Tiningnan siya nang masama ni Elaine. “Bakit ka tumatawa?” Tumatawa pa rin si Ian. “Ibig sabihin mo intere
Ayaw ni Ian na madamay si Barbara.Pero nung araw na ginagawa niya ang misyon, ang half-sister ni Barbara na si Katrina ay nandun, at sinabi ni Katrina kay Ian na nakuha si Barbara.Natakot si Ian na baka mapunta sa masama si Barbara, kaya hinanap niya si Barbara sa club kahit na malaman nila ang kaniyang pagkakakilanlan. Sa kasamaang palad, hindi siya pumasok para tingnan ang babae na nilasing ng mga tao sa private room.Alam ni Katrina kung nasaan si Barbara at tinawagan niya si Ian, pero hindi nila alam na nawala na ang magandang oportunidad ni Ian para maligtas si Barbara.Dahil sa pagkawala ng pagkakataon na yun, mas naging nawalan sila ng pag-asa magsama, at wala na siyang paraan para mabago pa ang mali.Nawala niya ang pagkakataon niyang maligtas si Barbara kaya siya napahamak. Kaya, nawalan din siya ng karapatan para mahalin si Barbara.Nagulat si Elajne, pero hindi niya napigilan na kunin ang kamay niya at ipatong itong sa malamig niyang palad nang makita niya kung gaano
“Salamat sa paalala mo.”Pagkatapos ng meeting, lumapit ang secretary ni Elaine sa kaniya at tinanong, “Ayos ka lang ba, Ms. Xavier?”Umiling si Elaine at ngumiti. “Ayos lang ako.”“Mukhang wala ka sa sarili mo. Nag-away ba kayo ng fiance mo?” tanong ng secretary.Natigil si Elaine at yumuko.Madali lang sana ang lahat kung nag-away lang sila. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa pagitan nila ngayon.Wala sa kanila ang nagsalita nang ihatid siya ni Ian pauwi kagabi. Awkward ang atmosphere sa kotse, at sigurado siya na naisip ni Ian na hindi niya ito naiintindihan.Habang nakatingin sa naguguluhan niyang ekspresyon sa mukha, pinagaan ng secretary niya ang kaniyang loob. “Kailangan niyo lang pag-usapang dalawa ‘yan. Kung ayaw niyo makipag-usap, walang makakaalam kung ano ang nasa isip niyo.”Mapait na ngumiti si Elaine at sinabing, “Paano kung mas magalit siya pagkatapos ko sabihin sa kaniya ang lahat?”Nagulat ang secretary niya. “Ganoon ba kababaw mag-isip ang fiance mo? T
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa