Tumawa si Daisie habang nakangisi ang labi ni Colton. “Mahilig sa pera itong maliit na ‘to.”Lumabas ang may-ari ng tindahan at tumawa. “Hello, little patrons. Interasado ba kayo sa Big Spender namin?”“Pangalan niya yun?” Nakakatawa naman ang pangalan na yun!Lumaki ang ngiti ng may-ari ng tindahan. “Oo, hindi ba siya nagpakilala sa inyo? Big Spender ang tawag sa kaniya.” Kumulubot ang labi ni Colton. Lumapit si Daisie sa parrot, ngumiti, at kumaway. “Hello, Big Spender.”Iwinagayway ng parrot ang pakpak niya. “Masaya maging Big Spender.” Tumawa si Daisie, at tumalikod para tanungin ang may-ari, “Kaya ba niya magsabi ng maraming salita?” “Syempre. Matalino yang ibon at matuto siya pag tinuruan mo.” Naisip ni Daisie na nakakamangha iyon, kaya tiningnan niya ang parrot at sinabi, “Happy birthday Grandpa.” Tumagilid ang ulo ng parrot, “Happy birthday Grandpa.”Tumawa si Daisie, tumakbo siya palapit kay Colton, at hinila siya sa kaniyang kamay. “Gusto ko yan.” Tumango
Read more