“Hindi ako nangingialam sa pribado mong buhay,” Pinatong ni Elaine ang baba sa palad niya. “Nagtataka lang ako. Ibang bagay yun.”Hindi sumagot si Ian.Dahil hindi siya sumagot, mas lalong sigurado si Elaine na may tinatago siya. Lalo na at laging tama ang hinala ng mga babae.Sumimsim siya ng sabaw at nagpatuloy, “Kung nag-aalala ka na ipagsabi ko sa lahat ang nakaraan mo, huwag ka mag-alala. Sarado ang mga labi ko. Pero, kung ayaw mo pa rin sabihin. Hindi rin kita pipilitin.”Tumawa si Ian at sinabing, “Salamat sa pag-intindi mo, Ms. Xavier.”“Babalik ako sa kumpanya pagkatapos kumain. Iiwan ko na sa mga kamay mo ang engagement banquet, Mr. Saldana,” Sabi ni Elaine.“Ihahatid na kita.”Nagulat siya. “Hindi mo na yun kailangang gawin, hindi ba?”“Well, kahit na peke ang kasal natin, kailangan pa rin nating magpanggap. Hindi ba?” Sagot ni Ian.Natahimik si Elaine.Hinatid siya ni Ian sa J Tech Inc.Pinanood niya ang pagpasok ni Elaine sa opisina bago umalis.Nang makita siy
Read more