Share

Kabanata 1452

Author: Ginger Bud
“Opo, ang dami na naming regalo dati, at naubusan na ako ng ideya. Pero naalala ko na hindi ko pa siya nabibigyan ng antique.”

Tumango si Christina at sandali silang nag-usap bago umalis at iniwan ang mas mga bata sa kaniya para makapag-usap.

Nag-tsaa sina Barbara at Maisie sa isang malapit na cafe nang maalala ni Maisie at biglang masabi, “Parang may nakita ako kanina.”

Nagtanong si Barbara, “Sino?”

“Ian Summer.”

Nang marinig ang pangalan, natigilan si Barbara. Matagal na rin ang lumipas na panahon at wala na siyang masiyadong maalala.

“Saan mo siya nakita?”

“Nang papunta ako dito. Sandali lang, pero pamilyar talaga siya sa akin.” Sabi ni Maisie habang nakatitig sa mukha ni Barbara at saka tumawa. “Bakit? May interes ka pa rin ba sa kaniya?”

Umirap si Barbara. “Kalokohan! Kapag narinig ‘yan ni Helios, magseselos siya.”

“Ayos lang. Matagal na rin. Akala ko sasama ang loob mo kapag binanggit ko siya.”

“Hindi no!”

Hindi sumama ang loob niya, pero mayroong pagsisisi sa puso niy
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 1453

    Bumilib si Quincy sa tactics niya. May pagkakataon pa rin siya basta malagpasan niya ito, at yun ang dahilan kung bakit hindi inimbestigahan ang Synergy. Wala silang makikitang kakaiba.Hindi magta-tally ang numero sa public account sa kita ng Hewston.Tumawa si Nolan. “Sa tingin ko may iba siyang accounts.”Napakamot ng ulo si Quincy. “Tiningnan ko na ang mga casino, at malinis ang lahat ng account na nasa pangalan niya. Walang extra na pera.”Kumunot ang noo ni Nolan. “Imbestigahan mo ang anak niya sa labas.”Gusto niyang matapos na ito agad at ayaw niyang gawing kumplikado pa ang lahat, kaya kailangan niya munang makasigurado na hindi hahadlang sa daan niya ang anak sa labas.Sa sandaling ito, nakatanggap ng message si Nolan mula kay Helios.[Niloko mo ako, g*go ka.]Sa Goldmann mansion…Pagkatapos mag-shower, sinabi ni Nolan kay Maisie ang tungkol sa message ni Helios sa kaniya. Naglalagay ng skincare si Maisie sa dressing table at tumawa nang malakas.Nang hawakan niya a

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 1454

    Sinundan ni Elaine ang lalaki papasok sa kwarto. Limang tao lang ang naroon, at nakaupo si Juan sa gitna. Sinasalinan wine ng lalaking katabi niya ang kaniyang baso.“Mr. Saldana, nandito na siya.”Pinaupo siya ng taong nasa tabi niya, kaya lumapit siya at magalang na naupo. “Anong maitutulong ko sa inyo, Mr. Saldana?”Sinalinan ni Juan ang baso niya, “Close ka ba kay Ian?”Sumagot siya, “Kilala ko siya, pero hindi kami close.”Tumawa siya. “Gaano mo siya kakilala?”Kaswal na sumagot si Elaine. “Alam kong anak niyo siya sa labas.”Nanigas ang ekspresyon ni Mr. Saldana. “Kung sinabi niya yan sa iyo, siguradong espesyal ka sa kaniya.”Inabot niya ang wine glass kay Elaine, at magalang naman niyang tinanggap yun.Sa sandaling yun, bumukas ang pinto ng kwarto.Tiningnan ng lalaking nasa labas ng pinto si Elaine na nakaupo sa tabi ni Juan. “Anong ginagawa mo dito?”Gusto niyang sabihin na inimbita siya ng tatay nito, pero tumawa si Juan bago pa siya makapagsalita. “Balita ko ay c

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 1455

    Nasa gilid ng noo niya ang kamay ni Elaine. “Hindi ba’t tatay mo siya?”Nanigas ang mukha ni Ian. “Hindi niya ako tinuring na anak.”Bumuka ang mga labi ni Elaine pero walang sinabi.Napansin niyang kakaiba ang relasyon ni Ian at tatay nito. Kahit mag-ama ay masiyado silang alerto sa isa’t-isa.Lumingon siya kay Ian. “Bakit niya ako gustong kausapin?”Hindi siya sumagot bagkus ay nagtanong, “Ano sa tingin mo?”“Dahil kilala kita?”“Ano pa ba?”Tumawa si Elaine. “Kung ganoon, bakit sinabi mo sa kaniya na magpapakasal tayo? Hindi ba’t yayayain lang niya akong samahan siyang uminom?”“Hindi niya yun gagawin.”Sigurado si Ian sa sagot niya at ikinagulat yun ni Elaine. “Anong ibig mong sabihin?”“Dahil sa tingin niya ay hindi yun karapat-dapat sa oras niya.Tinitigan siya ni Elaine. “Kilalang-kilala mo siya.”Hininto ni Ian ang kotse sa red light at tiningnan si Elaine. “Hindi laging magandang bagay kapag kilalang-kilala ko ang isang tao.”Natigilan si Elaine at hindi sumagot.

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 1456

    Nilagpasan ni Elaine ang kotse at pumasok sa courtyard.Pinanood siya ni Ian na makapasok sa loob. Pagkatapos ay binuksan na niya ang makina at umalis.…Paglipas ng ilang araw, bumalik si Ian dala ang ilang impormasyon tungkol kay Ian. Pero, nang iabot niya ang kopya ng impormasyon kay Nolan, kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan.[Ian Saldana]Habang binubuklat ang mga dokumento, sinabi niya, “Pamilyar ang pangalan na ‘to.”“Siyempre. Siya ang boss ng Glitz,” Sagot ni Quincy.Walang sinabi si Nolan.Samantala, nagulat din si Edward nang malaman ang pagkatao ni Ian,Pinakumpirma niya sa kaniyang secretary ang pagkatao ni Ian sa ministry.Talaga ngang miyembro ng ministry si Ian at dating undercover agent ng mga nasa matataas na posisyon. Gumagamit siya ng mga pekeng pangalan kapag nasa misyon. Nagsilbi din siya bilang head ng crime unit noong bata pa siya at napakagaling nito.Deputy director na sana siya ngayon kung hindi siya nag-resign.Habang nag-iisip si Edw

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 1457

    Habang kumakain si Maisie sa isang restaurant kasama ni Barbara, sinabi nito sa kaniya ang tungkol sa engagement ng mga Xavier.“Engaged na si Elaine?”Tiningnan siya ni Barbara at nagtanong, “Hindi mo alam ang tungkol doon?”Walang sinabi si Maisie.Hindi na kailangan sabihin na alam niya ang tungkol sa engagement. Sadyang hindi niya lang alam kung kanino engaged si Elaine. Lalo na at sinisikreto ng mga Xavier ang pagkatao ng lalaki.Hindi niya mapigilang isipin ang eksenang makikita niya sa araw na yun.Pero, hindi niya inaasahang makikita niya agad ang eksena na yun. Pagkaalis nila ng restaurant, nakasalubong nila sina Ian at Elaine sa corridor.Kalalabas nilang dalawa sa elevator. Kasabay niyang maglakad si Elaine na nakayuko.Pagkatapos, bumangga siya sa likod ni Ian at napatingala. Nakita niyang sina Maisie at Barbara ang mga tao sa harapan nila.Natigilan si Barbara sa kinatatayuan niya. Nang mapantayan ang tingin ni Ian, nagulat siya, at bumugso ang halo-halong emosyon

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 1458

    “Hindi ako nangingialam sa pribado mong buhay,” Pinatong ni Elaine ang baba sa palad niya. “Nagtataka lang ako. Ibang bagay yun.”Hindi sumagot si Ian.Dahil hindi siya sumagot, mas lalong sigurado si Elaine na may tinatago siya. Lalo na at laging tama ang hinala ng mga babae.Sumimsim siya ng sabaw at nagpatuloy, “Kung nag-aalala ka na ipagsabi ko sa lahat ang nakaraan mo, huwag ka mag-alala. Sarado ang mga labi ko. Pero, kung ayaw mo pa rin sabihin. Hindi rin kita pipilitin.”Tumawa si Ian at sinabing, “Salamat sa pag-intindi mo, Ms. Xavier.”“Babalik ako sa kumpanya pagkatapos kumain. Iiwan ko na sa mga kamay mo ang engagement banquet, Mr. Saldana,” Sabi ni Elaine.“Ihahatid na kita.”Nagulat siya. “Hindi mo na yun kailangang gawin, hindi ba?”“Well, kahit na peke ang kasal natin, kailangan pa rin nating magpanggap. Hindi ba?” Sagot ni Ian.Natahimik si Elaine.Hinatid siya ni Ian sa J Tech Inc.Pinanood niya ang pagpasok ni Elaine sa opisina bago umalis.Nang makita siy

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 1459

    Mas mahirap bagayan ang white suit kaysa sa itim. Hindi lang nito kailangan na maganda ang katawan ng nagsusuot, pero kailangan maganda rin ang itsura niya.Hindi moreno o maputi si Ian. Katamtaman lang ang kulay niya, pero perpektong-perpekto ang kulay puti sa kaniya at pinagmukha siya nitong nagliliwanag sa ilalim ng ilaw.Dahil ito sa kagwapuhan niya. Mature at regal ang dating niya kahit na light-colored ang suot niya.Lumingon lang siya at tiningnan si Elaine na naglalakad papunta sa kaniya nang may makapansin sa kaniya.Umalis lahat ng staff at iniwan silang dalawa sa corridor.Huminto si Elaine sa harapan niya, at walang nakakaalam kung kinakabahan siya o hindi, pero parang tensyunado siya. “Hindi pa ba magsisimula ang ceremony?”“Oo,” Mahinang sagot niya habang pinagmamasdan si Elaine. “Bagay sa iyo ang dress mo.”Tumingala si Elaine at pinantayan ang tingin ni Ian, pero agad siyang umiwas ng tingin. “Salamat. Bagay rin sa iyo ang suit mo.”Lumipat si Ian sa tabi niya a

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 1460

    Lumingon si Elaine para tingnan si Ian na nakikipag-usap kay Nolan ngayon, at napatikom ng labi.Lumapit si Lucy sa kaniya at sinabing, “Eli.”Tumalikod siya at sumagot, “Yeah?”Pagkatapos siyang bulungan ni Lucy, nilapag ni Elaine ang baso niya sa mesa at lumabas silang dalawa sa banquet hall.Nakatayo lang doon si Maisie at pinanood ang paglabas nila sa hall.Sa balcony, tumayo si Elaine sa likod ng flower pot na nakatakip sa kalahati ng katawan niya. “Hulaan ko. Kakausapin mo na naman ako para umatras, ano?”“Sa tingin ko lang na masyado kang nagmamadali. Sigurado ka bang hindi ka magsisisi?”Habang nakahalukipkip, sinabi ni Elaine, “Kahit na magsisi ako, sarili ko ng problema yun.”Yumuko si Lucy at sinabing, “Alam ko. Alam ko rin na hindi ko dapat ito sinasabi sa iyo sa araw ng engagement ceremony mo. Kahit na hindi tayo magkadugo, kapatid pa rin kita. Hinihiling ko talaga na mahanap mo ang kasiyahan mo.”Nanatiling tahimik si Elaine.“Eli, alam kong marriage of convenie

Latest chapter

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2771

    “Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2770

    Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2769

    “Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2768

    Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2767

    Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2766

    ”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2765

    Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2764

    Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2763

    Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status