Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1441 - Chapter 1450

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1441 - Chapter 1450

2769 Chapters

Kabanata 1442

Sinara ni Ian ang pinto at sumagot, “Nabuo sa interes?” Iniling niya ang ulo niya at tiningnan si Elaine. “Walang permanente na interes sa mundo.”Walang sinabi si Elaine na kahit ano.Humarap siya para tingnan si Elaine at ngumiti. “Gusto mo ba manatili at tulungan ako linisin ang kalat na ito, Ms. Xavier?”Tiningnan ni Elaine ang kalat sa sahig pati na rin ang mga baso sa mesa na hindi pa nalilinis. Tumawa siya bigla at sinabing, “Hindi ako makapaniwala na pinapatulong mo ang customer na maglinis ng shop mo, Mr. Saldana.”Bumalik si Ian sa front desk at sumagot, “Hindi kita customer ngayon at hindi ako ang boss.”Sa madaling salita, mula ng magsara ang shop niya, hindi na siya “customer” ni Ian ngayon.Lumapit si Elaine at tinulungan siya na linisin ang mga baso sa mesa. Kahit na may katulong sa bahay nila, hindi mahirap para sa kaniya ang maghugas ng baso o ano pa man.Tiningnan niya si Ian na naglilinis ng lababo at tinanong, “Sino yung dalawang lalaki? At tinawag ka nila na
Read more

Kabanata 1443

Nilapit ni Elaine ang payong kay Ian at sinabing, “Basa na ang balikat at braso mo.”Naningkit si Ian at sumagot, “Ayos lang.”Habang nakaupo sa sasakyan, pinanood ni Elaine si Ian na pumunta sa driving side at pumasok sa sasakyan. “Dapat hinintay mo ako sa restaurant kasi umuulan.”Hindi niya maintindihan kung bakit aabot pa si Ian sa pagpunta dito para sunduin siya mismo.“Ako ang may gustong ibili ka ng dinner,” sagot niya habang nag aayos. “Kaya kailangan ko magpakita ng sinseridad.”Tiningnan siya ni Elaine pero walang sinabi.Pareho silang pumasok sa restaurant. Kahit ma hindi yun up-scaled restaurant, komportable at tahimik ang ambiance.Dinala sila ng waiter sa private room sa second floor at binigay ang menu kay Elaine habang nakangiti.Kinuha ni Elaine ang menu at tiningnan si Ian. “May recommendation ka ba?”Tiningnan niya si Elaine at tumawa. “Depende sa kung ano ang gusto mong kainin, Ms. Xavier.”Nag order si Elaine ng mga dish sa paliwanag ng waiter.Pagkatapo
Read more

Kabanata 1444

Nagulat si Elaine pagkatapos makinig sa kwento ng lalaki. Hindi niya inakala na naging undercover agent si Ian.Delikado nga na trabaho ang pagiging undercover agent. Kapag nahuli sila, malalagay sa panganib ang buhay nila. Nang una niyang makita si Ian, mahinahon siya at nagpapakita ng matalinong aura. Akala niya na ordinaryo lang siya na may-ari ng coffee shop hanggang sa nakita mismo ng mga mata niya kagabi na hindi nagdalawang isip si Ian na basagin ang ulo ng lalaki gamit ang bote.Tiningnan ng lalaki si Elaine at ngumiti. “Sa totoo lang, akala ko talaga girlfriend ka ni Ian. Kung tutuusin, puro lalaki ang dinadala niya dito.”“Walang babae sa kanila?”“Wala, pero naiintindihan ko kung bakit.” Inangat ng lalami ang kamay niya at nagkibit-balikat. Pagkatapos ay nag-aalala niyang sinabi, “Noong undercover agent siya, nahihirapan siyang panatilihin na buhay ang sarili niya kaya hindi niya kayang madawit sa ibang tao. Kapag nahulog ang isang tao na katulad niya, katulad yun ng pag
Read more

Kabanata 1445

Nagulat si Elaine. Inalog niya ang kaniyang ulo at tumingin sa malalim na mata ni Ian sa gulat.Huminga siya nang malalim at tinanong, “Niloloko mo ako, hindi ba, Mr. Saldana?”‘Marriage of convenience? Sa kaniya? Isang lalaki na nakita ko lang ng ulang beses at wala pa sa kalahating buwan kong kilala?’Nakatitig lang siya kay Elaine at kalmado ang boses na nagpatuloy. “Ibibigay ko sa'yo ang kalayaan na gusto mo pagkatapos ng kasal natin. Magagawa mo ang lahat ng gusto mo.”Natahimik ng ilang sandali si Elaine. “Kasunduan ba ang tinutukoy mo? Parang pekeng kasal?”Yumuko si Ian at kahit na wala siyang sinabi, alam ni Elaine kung ano ang gusto niyang sabihin.“Bakit ako?” tanong ni Elaine.Binawi ni Ian ang titig niya at nag-iwas ng tingin para tingnan ang wine glass. “Ayaw mong makulong sa kasal at ayaw ko na dinidiktahan ng ibang tao ang gagawin ko sa buhay. Kung ako ang papipiliin, sa tingin ko ay ikaw ang karapat-dapat, Ms. Xavier.”Walang sinabi na kahit ano si Elaine.Mar
Read more

Kabanata 1446

Natigil ang kamay ni Edward na naglilipat ng sa dyaryo, at napakunot siya. “Bakit tinatanong mo sa akin ‘to?”Habang ngumunguya si Elaine, prangka niyang tinanong, “Kung ang tao na gusto kong pakasalan ay anak niya, anong gagawin mo?”Nagulat si Edward at hinampas ang dyaryo sa mesa. “Wala ka ba sa tamang pag iisip!?”Natakot si Jenna. Hindi niya masyadong naiintindihan ang tungkol sa industriya ng asawa niya kaya hindi siya nanggulo. Ganunpaman, bahagya siyang nagulat na nagkusa si Elaine na banggitin ang salitang “kasal”.Alam ni Elaine na hindi gusto ng dad niya si Mr. Saldana kaya imposible ang kasal na ito. Pero iniisip niya ang mga salita ni Ian.‘Hindi ko talaga gustong ikasal. Kung si Dad ang mag aayos para ikasal ako sa lalaki na hindi ko pa nakikilala o ano pa man, baka mas mabuti na piliin ko si Ian kaysa sa ganoon.’“Dad, sabi niya sa akin ibibigay niya ang 5% ng Synergy Group share kapag pinakasalan ko siya. Hindi ka ba interesado doon?”Naging bahagyang masigla ang
Read more

Kabanata 1447

Bumalik siya sa reyalidad dahil sa boses ni Ian.Napakunot si Elaine, lumapit siya kay Ian at humalukipkip. “Mr. Saldana, tiningnan ko ang sinseridad mo, pero nagsinungaling ka sa akin?”“Nagsinungaling ako?” natigil ang kamay ni Ian na nakahawak sa kwelyo para ayusin ang shirt niya at ang mata niya ay nakatutok sa mukha ni Elaine.Tiningnan siya ni Elaine. “Sinabi sa akin ng dad ko na may isang anak lang si Mr. Juan Saldana at mentally ill siya. Kaya naman Mr. Saldana, balak mo ba akong pagmukhaing tanga?”Mahinang tumawa si Ian at walang sinabi na kahit ano.“Ano ang tinatawa mo?” nagtaka si Elaine.Naglakad siya sa gilid at kalmadong nagsalin ng kape sa tasa. “Hindi kita ginawang tanga.”“Eh hindi… Hindi ko naman nakikita na may sakit ka sa pag iisip,” bulong niya.‘Anong nangyayari dito?’Kinuha ni Ian ang tasa ng kape, pumunta sa couch, umupo, tumawa, at kalmado na sinabing, “Isa nga lang ang anak ni Juan Saldana pero yun ang buhay na hindi niya nilalabas sa publiko.”Ti
Read more

Kabanata 1448

Kahit na hindi binisita ni Juan ang anak niya, bihira para sa kanya na hindi siya pinabayaan. Ang pera na binibigay niya sa psychiatric hospital kada taon ay nagkakahalaga ng ilang milyon dolyar.Mayroong personal na nagsisilbi may Marco sa psychiatric hospital. Sabagay, ang tatay niya ay ang kilala na si Mr. Saldana— syempre hindi siya ita-trato nang mali ng hospital. Likas ang mental illness ni Marco. Minsan normal siya pero kapag hindi ay magwawala siya lagi.Walang ibang paraan kundi ilagay siya sa isang psychiatric medical center at bigyan siya ng makalidad na pagkain, inumin, at gamot.Tumawa si Nolan. “Kawawa naman.”“Pero may isa pang anak si Mr. Saldana.”“Isa pang anak?”May naalala si Quincy. “Oo, sinabi ni Mrs. Saldana na medyo playboy sa private si Mr. Saldana noon. Nagkaroon siya ng extramarital affair sa ibang babae nang buntis si Mrs. Saldana, at nagtagal ng anim na taon ang affair na yun. Lihim na nanganak ang babae na yun para kalabanin si Mrs. Saldana sa posisy
Read more

Kabanata 1449

Sinuot ni Quincy ang salamin niya.Laging iniisip ni Saydie na hindi bagay sa kaniya na magsuot ng salamin. Pakiramdam niya ay hindi maganda sa mata kaya inunat niya ang kamay niya para kunin ulit yon sa mukha niya.“Tumigil ka. Nandito si Mrs. Goldmann.” Iniwasan ni Quincy ang kamay niya.Prangka niyang paliwanag, “Mas pangit ka lalo kapag naka salamin.”Natahimik si Quincy habang natawa naman si Maisie.Lumapit siya kay Saydie at tinapik ang balikat niya. “Saydie, huwag mo bully-hin lagi si Quincy dahil sa tingin mo ay mahina siya. Kapag binully mo siya hanggang sa mawala siya sa tamang pag-iisip, matatanggalan siya ng trabaho bilang in charge sa utak ng Blackgold.”Tumango si Saydie. “Yes, Ma'am.”Walang masabi si Quincy.Umalis si Maisie kasama si Saydie sa Blackgold at pumasok sa sasakyan. Tumingin siya kay Saydie habang nasa loob sila ng sasakyan at mahiwatig niyang tinanong, “Saydie, ayaw mo ba talaga kay Quincy?”Natigil siya sandali, nag-isip, at sumagot, “Hindi.”Si
Read more

Kabanata 1450

“Paano mo naisip na katulad ako kay Lucy?” Humalukipkip si Elaine. “Mahirap ang naging buhay niya, at ngayon may lalaki na mag-aalaga sa kaniya, pwede ka na matahimik. Pero baka lang hindi mo nalalaman, hindi ko yun kailangan.”“Ikaw…”“Dear, hindi kailangan na madaliin si Elaine. At isa pa, hindi naman masama na hindi agad ikasal. Hindi pa huli para pag-isipan ni Elaine yun kapag nakita niya na si Mr. Right.” Sinubukang hikayatin ni Jenna si Edward.Suminghal si Edward. “Kung mayroon siyang kakayahan na isipin yun, hindi sana siya naloko.”“Dad, hindi ako nagsisinungaling sa'yo.”“Hindi ka nagsinungaling? Ginagawa mo yun para galitin ako. Sa pamilya ng Saldana mo lang talaga naiisip na magpakasal? Hindi ka man lang nagtanong para makakuha ng ibang impormasyon tungkol sa anak ni Juan, at pinili mong maniwala sa kaniya?”‘Totoo nga, may pakialam pa rin siya tungkol sa Saldana.’Nagtaka si Lucy. “Anong mayroon sa Saldana?”Hindi sumagot si Elaine kay Lucy pero nagpaliwanag, “Si I
Read more

Kabanata 1451

Kinaway ni Edward ang kamay para paalisin ang secretary niya. Lumabas ito at sinara ang pinto.Nakasimangot siyang naglakad papunta sa couch. “Masiyado kang arogante, bata, para pumunta dito at makipag-usap sa akin. Hayaan mong tanungin kita, sino si Juan Saldana sa iyo?”Dahil hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Edward, hindi na nagtago pa si Ian. “Tatay ko siya.”Natigilan si Edward. “Hindi ba’t si Marco Saldana ang anak niya? Kailan pa siya nagkaroon ng isa pang anak?”Tumawa si Ian. “Sasabihin ba niya sa mundo na may anak siya sa labas?”Natigilan ulit si Edward.Hindi aamin ang mga maimpluwensyang tao na may anak sila sa labas dahil ikatataas yun ng kilay ng lahat.Kailangang magtago ng mga bata. Bawal silang makilala ng mundo.Hindi na siya kinwestyon pa ni Edward. May problema sa pag-iisip ang anak ni Juan Saldana at hindi maaaring manahin ang family business, kaya mag-iiba ang sitwasyon kung may anak siya sa labas.Pero, mukhang hindi si Juan ang klase ng tao na hahayaan a
Read more
PREV
1
...
143144145146147
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status