Semua Bab The Three Little Guardian Angels: Bab 1421 - Bab 1430

2769 Bab

Kabanata 1422

Biglang natahimik si Lucy.Tiningnan siya ni Naomi at nagtanong, “Anong problema?”Habang nakayuko pa rin, hinalo ni Lucy ang kape niya at sumagot, “Wala pa kaming pinagsasabihan ng relasyon namin.”Nagulat si Naomi. “Bakit?”Hindi rin alam ni Lucy. Hindi niya pa tinanong si Hector kung dapat ba nilang sabihin sa iba ang relasyon nila o hindi. Nag-aalala siya na baka pag-usapan sila ng mga tao sa kumpanya kung sasabihin nila yun. Lalo na at pinsan ni Maisie si Hector.Napabuntong-hininga na lang siya at sumagot, “Hindi siya magandang gawin.”“Ayaw niya bang sabihin sa iba ang relasyon niya?”“Hindi.”“So, ayaw mong malaman ng iba kung sino siya.”Natahimik si Lucy. Wala siyang sinagot, pero alam ni Naomi na tama ang hula niya. Tumawa siya at sinabing, “Hulaan ko. Yung pinsan ni Ms. Vanderbilt?”Gulat na napatingin si Lucy kay Naomi at kinakabahang sinabi, “Paano mo nalaman?”“Nang isama ka ni Ms. Vanderbilt sa celebration party ng pinsan niya, sabi ng sister-in-law ko ay may
Baca selengkapnya

Kabanata 1423

“Tama. Kami ang tumulong sa iyo noong may problema ang pamilya mo. Ngayong successful ka na, kinalimutan mo na kami?”Pinagdikit ni Hector ang mga kamay at lumapit nang kaunti. Nakabuka ang kaniyang mga hita at sinabing, “Ang dahilan kung bakit niyo tinulungan ang pamilya namin ay dahil gusto niyong makuha ang mga ari-arian na nasa pangalan ng tito ko. Sa madaling salita, may sarili kayong motibo sa pagtulong sa amin. At saka, hindi ko kayo ganoon kakilala, at dahil hindi niyo naman ako inalok ng tulong noon, bakit ko kayo dapat tulungan?”“Hecky, bakit ganiyan ka magsalita?”“Yun lang ang sasabihin ko. Hindi ko kayo matutulungan, kaya umalis na kayo.”Nagdilim ang mukha ng mga kamag-anak niya. Hindi nila inaasahan na direkta silang tatanggihan ni Hector. Dahil wala silang makuha mula sa kaniya, hindi na sila nanatili pa at umalis na agad.Pagkauwi nila, nireklamo nila agad ang pagtrato ni Hector sa kanila kay Heidi.Tinawagan ni Heidi si Hector at umamin naman siya. “Ayaw ko sil
Baca selengkapnya

Kabanata 1424

Mabilis na sinuportahan ni Lucy si Hector, nahirapan siyang tumayo. Hindi siya matangkad. 5’3” ft lang siya habang 6’2” naman si Hector. Halos hindi niya na ito mahawakan, at muntik na silang matumba sa sahig. “Bakit….bakit ang dami mong ininom na beer?”Pinatong ni Hector ang baba niya sa balikat ni Lucy at tumawa. Nang dumampi ang hininga niya sa leeg ni Lucy, nakiliti at namula ang balat niya. “Kailangan kong i-entertain ang customer ko, kaya napa-inom ako nang marami.”Hindi naglakas-loob si Lucy na papasukin si Hector sa apartment niya. Lalo na at natutulog si Elaine sa loob at nag-aalala siya na magising ito. Kaya naman, sinuportahan niya si Hector papunta sa apartment nito, pero combination lock ang lock ng apartment nito.“Anong password?”Dinikit niya ang mga labi sa tainga ni Lucy at sinabi ang password.Huminga nang malalim si Lucy at nilagay ang password.Binuhat niya si Hector papunta sa kwarto nito, at nang nakahiga na ito ay hinila naman siya.“Huwag ka umalis.”
Baca selengkapnya

Kabanata 1425

Namula nang sobra ang mukha ni Lucy.Sa sandaling yun, tumunog ang doorbell.Nagulat si Lucy, at napatalukbong siya ng kumot.“Sa tingin mo, kapatid ko ‘yan?”“Oh gosh! Paano ko sasabihin sa kaniya ang nangyari?’Nang makita kung gaano siya kakabado, hindi napigilan ni Hector ang tumawa. “Ako na ang magbubukas sa pinto.”Tumayo siya at nagsuot ng damit. Binuksan niya ang pinto, pero hindi niya inakala na hindi si Elaine ang nasa labas ng pinto kung hindi ang tatay niyang si Yorick.Natigilan si Hector dahil hindi niya inaasahang magpapakita dito ang tatay niya. “Dad? Anong ginagawa niyo dito?”“Nandito ako para makita ka. Tinawagan ka ulit ng lola mo kahapon…” Gustong pumasok ni Yorick sa bahay pero hindi siya hinayaan ni Hector. Tinapat niya ang sarili sa pinto at napatingin sa master beedroom.Sandaling natigilan si Yorick nang makita ang isang taong dumungaw sa awang ng pinto ng master bedroom.Malakas ang kutob niyang babae yun.Pagkatapos magbihis ni Lucy, sumilip siya
Baca selengkapnya

Kabanata 1426

Binuksan ni Nolan ang pinto, at nakita siya ni Maisie mula sa repleksyon ng salamin. Tumalikod siya at napangiti. “Bakit ka nandito?”Sinabit niya ang coat sa likod upuan, at makikitang may bitbit siyang lunch bag. “Magde-deliver ako ng pagkain sa misis ko.”Binaba ni Maisie ang tasa niya, tumakbo papunta kay Nolan at niyakap ito. Napaatras si Nolan dahil sa lakas ng pwersa ng yakap at napakapakit sa baywang ni Maisie. “Mukhang masaya ka.”“Paano ako hindi sasaya kung dinadalhan ako ng pagkain ng mister ko?” Kinuha niya ang lunch box mula sa kaniya, naglakad papunta sa desk at binuksan yun. Lahat ng gusto niyang pagkain ay nasa lunch box.Niyakap siya ni Nolan mula sa likuran at pinatong ang baba sa balikat niya. “May business trip ako ngayong araw.”Agad na nabawasan ang pagkatakam ni Maisie sa lunch niya. Tumalikod siya at tiningnan si Nolan. “Saan ka pupunta?”“Nakalimutan mo na ba? Inabot ni Binigay sa akin ni Tanner ang Bronze Bay Hotel project.” Hinalikan siya sa tain
Baca selengkapnya

Kabanata 1427

“Ang kapal ng mukha mong sabihin na hindi ka nangialam!? Sinasabi mo ba sa akin na hindi ikaw ang nag-udyok kay Hector?” Siguradong-sigurado si Heidi na si Maisie ang nag-udyok kay Hector. Hindi siya kailanman tinanggihan ni Hector nang ganito noon.Tumayo si Maisie sa harapan ni Heidi at tumawa. “Lola, kayang magbago ng tao. Isipin mo ito, bakit gugustuhin ni Hector na iwan ang mga Vanderbilt at mag-isang mamuhay malayo sa Coralia? Hindi niyo ba yun naisip?”Natigilan si Heidi. Imposibleng maisip niya yun.Nang sabihin ni Hector na gusto nitong pumunta sa Bassburgh para i-develop ang career, pumayag sila. At saka, hindi masamang umalis si Hector at dumepende kay Maisie, pero sinong mag-aakala na hindi na uuwi sa mga sumunod na taon si Hector?Kaya, paanong hindi niya pagdududahan si Maisie?“Huwag mo akong pinagloloko. Wala ka talagang magandang naidudulot. Hayaan mong paalalahanan kita. Nagpakasal ka sa lalaki, kaya hindi ka na rin isa sa mga Vanderbilt. May successful career na
Baca selengkapnya

Kabanata 1428

Sinave ni Elaine ang video. “Oh, may nadiskubre lang akong panloloko. May gustong isama ang anak niya sa ibang lalaki at ipaako sa brother-in-law ko ang responsibilidad?”“Sinong brother-in-law mo? Baliw ka ba?!” Tumayo si Cindy at lumapit sa kaniya, balak sanang agawin ang phone. Pero, mabilis yung itinago ni Elaine.“Ang brother-in-law ko ay ang Hector na ilang beses mong binanggit.” Kinwelyuhan siya ni Elaine at ngumisi. “Pareho tayong babae. Maninira ka talaga ng reputasyon ng ibang babae? Ito ang unang pagkakataon na nakakilala ako ng kasing walang hiya mo..”“Ano…”“Anong problema ko? Nauutal ka at hindi na makapagsalita nang maayos, ano? Hayaan mong sabihin ko sa iyo, ayaw na ayaw ko sa mga babaeng malulusog at may kakayahan pero walang ibang ginawa kung hindi ang maging langaw sa iba. Wala kang inisip buong araw maliban sa kung paano ka makakakuha ng pera sa mga lalaki nang hindi nahihirapan. Girl, pulubi ka ba?”Namula ang mukha ni Cindy. “Anong sinabi mo?”Sunod-sunod n
Baca selengkapnya

Kabanata 1429

Ngumiti ang lalaki. “Napakabait mo namang kapatid.”“Hindi naman. Ganoon lang talaga ang relasyon namin.” Napatingin si Elaine sa relo niya. “Kailangan ko ng pumunta sa trabaho. Mauuna na ako.”Tumango ang lalaki.Nang nililinis ng waiter ang mga mesa, nakita niya ang isang employee card sa isa sa mga mesa. “Sir, mukhang naiwan ‘to ng babaeng yun.”Kinuha yun ng lalaki at tiningnan.IT Director of J Tech Inc.: Elaine Xavier.Samantala…Dumating si Madam Vanderbilt sa front desk ng Zestar at sinabing gusto niyang makita ang apo niyang si Hector.Gayunpaman, tila nakatanggap na ng notification ang receptionist at sinabing wala doon si Hector.Nagbago ang ekspresyon ni Heidi. “Bakit wala siya dito? Kumpanya ito ng apo ko, at ako ang lola niya. Wala kayong mga kwenta! Paakyatin mo ako, ako na ang maghahanap sa kaniya!”Tiningnan siya ng receptionist. “Ma’am, kapag patuloy kayong mangugulo nang walang partikular na dahilan, tatawag ako ng security.”Magsasalita na sana si Heidi s
Baca selengkapnya

Kabanata 1430

Matagal ng happy-go-lucky girl si Lucy. Hindi niya kailangan ng maraming bagay para maging masaya sa buhay.Naniniwala siyang basta buhay ka, dapat mong pahalagahan ang mga maliliit na kasiyahan sa buhay.Sinulyapan siya ni Hector. Simula nang makilala siya, napagtanto niyang napakadali ngang pasiyahin ni Lucy.Lalo na ang mga mata nito na napakalinaw na para bang wala itong anumang problema sa buhay.Sa oras na pumasok ka sa lipunan, mahihirapan kang panatilihin ang pagiging inosente mo. Marami kang makikilalang iba’t-ibang klase ng mga tao at hindi mo mamamalayan na nakukuha mo na ang traits ng mga tao sa paligid mo at magiging kumplikado ka na rin.Gayunpaman, nagawa ni Lucy na panatilihin ang puro niyang puso sa mga nakalipas na taon.Gabing-gabi na…Hindi pa rin nakikita ni Madam Vanderbilt at mga kamag-anak niya si Hector sa apartment nito. Ilang beses nila itong tinawagan, pero nakapatay ang phone nito. Kaya naman, wala silang nagawa kung hindi tawagan si Yorick.Pagkasa
Baca selengkapnya

Kabanata 1431

Binuksan ni Elaine ang pinto at pumasok sa loob. Natapos na ng mga waiter ang trabaho nila at pauwi na, ang may-ari na lang ng cafe ang nakaupo sa harap ng mesa, inaasikaso ang ledger.Mahina ang ilaw ng lamp sa pader. Natatakpan ng vest ang dark gray shirt ng lalaki, naka-roll ang sleeves niya, at makikita ang kaniyang braso. Retro-style ang leather strap ng kaniyang relo sa kamay at napakadalang nito sa market.Wala sa mga damit niya at mga alahas ang luxury brand pero lahat naman ng iyon ay custom-made.Simple lang ang fashion niya, komportable, at maaliwalas. Tinaas niya ang kaniyang ulo at binuksan ang cabinet. “Akala ko babalik ka nung gabi para kunin ang mga naiwan mong gamit.” Nahihiya na humakbang paharap si Elaine at nakita na inilapag ang employee card niya sa mesa. “Pasensya ka na talaga. Hindi ko alam na naiwan ko yun sa tindahan mo.”Naalala niya na nasa bag lang niya ito at hindi niya nilabas.‘Maaari kayang aksidente na nalaglag yun nung kinuha ko ang wallet ko
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
141142143144145
...
277
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status