“Wala!” Sagot ni Lucy.Nang sumubo ng karne si Hector, mabilis na nagtanong si Lucy. “Kumusta?”Tumango siya at sumagot, “Hindi na masama.”Sinuportahan ni Lucy ang ulo niya gamit ang kaniyang kamay sabay ngiti.Kumuha ng isang piraso ng karne si Hector at sinubo yun kay Lucy. Nagulat siya sandali, pero binuksan niya ang bibig at kinain yun.Dumidilim na ang langit, at nagsisimula ng liwanagan ng neon lights ang siyudad.Pagkatapos nilang kumain, naupo sila sa couch at nanonood ng pelikula. Nakayakap si Lucy sa unan at sinulyapan si Hector nang makita niyang naghahalikan ang dalawang bida.Nang mapansin ang tingin niya, lumingon si Hector. “Anong problema?”Mabilis siyang umiwas ng tingin. “Wala.”Kumurba ang sulok ng mga labi niya sabay sabing, “Anong nasa isip mo?”“W-wala. Wala akong iniisip,” Sagot ni Lucy, halata ang hiya sa boses niya. Hindi pa siya kailanman nagkaroon ng karelasyon, kaya hindi niya alam kung anong ginagawa ng normal na couple kapag magkasama.Pinatong
Read more