Nanigas ang ngiti ni Sandy at dahan-dahan itong naglaho, “Tan, h…hindi ko sinasadya.”Hindi niya pinansin ang kirot ng sugat sa kaniyang pulso at umupo nang diretso para magpaliwanag kay Tanner, “Hindi kita matawagan kahapon, at sobrang natakot ako, Tan. Sabi ni doktor ay magiging moody ako dahil sa pagbubuntis ko. S…sobrang natatakot ako.”Huminga nang malalim si Tanner at nagtanong, “Alam mo bang sumailalim sa surgery para sa brain hemorrhage ang tatay ko?”Namutla ang mukha ni Sandy.“Maghapon akong nasa ospital para samahan ang tatay ko. At saka, hindi ba’t magdamag na kitang sinamahan noong nakaraang araw? Anong gusto mo? Gusto mo bang nasa tabi mo ako kapag namatay ang tatay ko?”“Pasensya na, Tan. Kasalanan ko lahat,” Kinakabagang sagot ni Sandy. “Hindi ko alam yun…”Napatakip ng mukha niya si Tanner at mabigat na sinabing, “Pagod ako, Sandy.”Kapag sinabi ng isang lalaki na pagod siya,dalawa lang ang ibig sabihin nun.Ang isa ay sa pisikal na pagod, habang ang i
Read more