Naisip ni Tanner si Pearl.Kahit na nakita nito ang lahat ng ginawa nila ni Sandy sa opisina, hindi kailanman umiyak ang babaeng yun.Naisip niyang baka may inferiority complex ito dahil tinuturing nitong “madumi” ang sarili, at regalo na para sa kaniya na mayroong lalaking magpapakasal sa kaniya, pero hindi yun ang kaso.Mayroon ba siyang inferiority complex? Hindi naman.Lalo na at hindi ito nanghingi ng anuman mula sa kaniya.Mas tamang sabihin na wala siyang awa kumpara sa pagkakaroon ng inferiority complex.Tahimik, manhid, walang ekspresyon—-hindi nagbabago ang ekspresyon nito sa mukha kahit matapos nitong malaman ang tungkol kay Sandy. Para bang walang anumang bagay ang magpapabagsak sa kaniya.Sa sandaling ito, tinawag ni Mrs. Hannigan si Tanner at mayroong sinabi sa kaniya. Tumayo si Tanner at sinabing, “Pupunta ako diyan.”Kinuha niya ang jacket niya at nagpunta sa pinto. Hindi siya natulog magdamag, at sobrang pagod na siya ngayon.“Tan, aalis ka? Sinong pu
Nanigas ang ngiti ni Sandy at dahan-dahan itong naglaho, “Tan, h…hindi ko sinasadya.”Hindi niya pinansin ang kirot ng sugat sa kaniyang pulso at umupo nang diretso para magpaliwanag kay Tanner, “Hindi kita matawagan kahapon, at sobrang natakot ako, Tan. Sabi ni doktor ay magiging moody ako dahil sa pagbubuntis ko. S…sobrang natatakot ako.”Huminga nang malalim si Tanner at nagtanong, “Alam mo bang sumailalim sa surgery para sa brain hemorrhage ang tatay ko?”Namutla ang mukha ni Sandy.“Maghapon akong nasa ospital para samahan ang tatay ko. At saka, hindi ba’t magdamag na kitang sinamahan noong nakaraang araw? Anong gusto mo? Gusto mo bang nasa tabi mo ako kapag namatay ang tatay ko?”“Pasensya na, Tan. Kasalanan ko lahat,” Kinakabagang sagot ni Sandy. “Hindi ko alam yun…”Napatakip ng mukha niya si Tanner at mabigat na sinabing, “Pagod ako, Sandy.”Kapag sinabi ng isang lalaki na pagod siya,dalawa lang ang ibig sabihin nun.Ang isa ay sa pisikal na pagod, habang ang i
Pagkatapos magsalita ni Maisie, napansin niyang nakatingin ang lahat sa kaniya. Gusto niyang ilibing ang sarili niya nang sandaling yun.Tumawa si Nolan at makahulugan siyang tiningnan. “Ibig sabihin ba ay wala kang pakialam kung ibang babae yun basta hindi si Willow?”Ginamit ni Maisie ang kutsara niya para haluin ang sabaw at saka sinabi, “Okay lang naman kung gusto mong subukan ngayon.”“Okay.” Sumagot si Nolan, “Susubukan ko pagkatapos kong kumain.”Naramdaman ni Maisie na sinusubukan siyang galitin ni Nolan, kaya wala na siyang sinasabi pa.Nang makauwi sila sa Blue Bay villa, lumabas si Maisie sa kotse at sinara ang pinto ng kotse nang huminto ang kotse sa courtyard. Pagkalabas ni Nolan sa kabilang pinto at pinagpagan ang damit niya, humalukipkip si Maisie at sinabi, “Akala ko ay iba na ang titikman mo, bakit ka lumabas ng sasakyan, Mr. Goldmann?”Ngumiti siya at sumagot, “Nah, sa tingin ko mas magandang sa bahay na lang ako at samahan ang asawa ko.”Tumalikod si M
Natigilan si Tanner.“Alam ko kung gaano kalaki ang galit mo sa akin. Mabait ka sa akin dahil kailangan mo. Parang isang task sa iyo na pasiyahin ang mga pamilya natin. Hindi naman sa kailangan kong magpasalamat sa lahat ng lalaking gustong magpakasal sa akin. Kahit na walang gustong magpakasal sa akin, hindi ako mananatili sa tabi mo nang walang dangal, kaya hindi ka dapat mag-alala.”“Pagkatapos ng lahat, mahal ako ng lahat ng Santiago noon. Kahit na na binugso ng malakas na bagyo ang isang maselang bulaklak, hindi mo maitatangi na misan itong naging isang magandang bulaklak.“Inaani mo kung anong itinanim mo. Kasalanan ko kung bakit ako nasa sitwasyon na ito, at wala akong plano na kalimutan yun. Ang presyong dapat kong malaman ay hindi ako hahayaan na maging masaya at maging kuntento sa isang babae.”Nang matapos siyang magsalita, tinulak siya palayo si Tanner. Nang hindi lumilingon, lumabas siya nang hindi na lumalabas.Nanigas ang mga kamao ni Tanner habang hila-hila an
Yumuko si Lucy para tingnan ang phone niya. Nagpadala siya ng message sa kaniya bago pumunta dito.Naghintay sa kaniya si Naomi bago sinabi, “Bakit hindi muna tayo maglakad? Makikita natin siya kapag dumating na siya.”Nag-isip sandali si Lucy at saka sinabi, “Sige.”Nagpadala siya ng message kay Francisco.Nagpunta silang dalawa sa isang restaurant. Nagugutom si Lucy, at nagreklamo siya agad pagkaupo niya, “Iniwan niya talaga tayo. Sinabihan niya dapat tayo kung ayaw niyang pumunta. Hindi dapat siya umu-o kung hindi siya pupunta.”Habang binabasa niya ang menu, pagalit siyang nagpatuloy. “Lahat ng gwapong mga lalaki ay sinungaling!”Tumawa si Naomi. “Ayos lang. Magsasaya pa rin naman tayo kahit dalawa lang tayo.”“Tama ka. Ang daming gwapong lalaki sa mundo. Kung ayaw ng isa, pwede tayong humanap ng isa,” Sabi ni Lucy. Para bang hindi na galit pa si Naomi, at napangisi na lang.Yumuko si Lucy at may pinindot sa phone niya. “Nilagay ko na siya sa blocklist ko.”“Huh?” Naguluha
Saglit na napatigil si Naomi, lumingon, at tiningnan si Francisco na nakatingin din sa kaniya. Agad siyang sumagit kay Lucy. “Walang katuturan. Anong pagkaka-pareho? Magkaiba kami ng kulay, okay?”“Pareho kayo na matingkad ang suot, habang ang akin ay madilim na kulay.” Hinawakan ni Lucy ang dulo ng kaniyang black down jacket at tinakpan ang kaniyang dibdib at tiyan.Bago pa man makapagsalita si Naomi. Tumawa si Francisco. “Coincidence lang ito.”Pagkatapos kumain, nagyaya si Lucy na manood silang tatlo ng pelikula. At ng makarating sila sa movie theater, tumingin siya sa maraming pelikula na nakalista sa screen at piniling manood ng horror movie. “Panoorin natin ito ngayon at gawin nating pagsubok. Ano sa tingin niyo?”Kapag dalawa o higit pa ang manunood ng horror movie, mas interesante ang atmosphere sa theater kumpara sa romance movie. Lalo na kapag may natakot, tatalon siya sa bisig ng taong nasa tabi niya. Kaya naman magandang simula ang horror movie para sa isang romantikong
Nagulat si Naomi at kinuha ang tissue sa kaniya. “Salamat.”Tinitigan niya ang malakas na ulan. “Sa tingin ko hindi pa titigil ang ulan.”Bumaba ang tingin ni Naomi at napatikom ang labi niya.Sa totoo lang, hinihiling niya na tumagal pa ang ulan.Sa oras na yun, tumunog ang cellphone ni Francisco. Tiningnan niya ang caller ID at agad na lumayo para sagutin yun.Lumingon sa kaniya si Naomi at tumitigil sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya ay nasa date siya. Pero, nang maisip ni Naomi ang salitang “date”, agad namula ang pisngi niya at tinakpan niya agad yun.‘Bakit nagiging kakaiba ang pag-iisip ko?’Pero, ang hindi niya alam ay tiningnan din siya ni Francisco at nakita ang pagtakip niya sa kaniyang pisngi sa pagkataranta. Maganda sa paningin niya ang inosente na babaeng in love.Bukod pa doon, halata ang mga aksyon ni Lucy, kaya paanong hindi mapagtatanto yun ni Francisco?Bumaba ang tingin niya, tumalikod, at nakipag-usap sa phone. Tumingin siya sa kay Naomi nang matapos ang
Napakunot si Francisco at walang sinabi.‘Pumayag ako na dumating sa meal na niyaya ng babae na si Lucy dahil gusto niyang magpakita ng pasasalamat. Ang sama naman kung tatanggihan ko ang imbitasyon na yun.‘Sa araw na ito, lahat ng aksiyon ni Lucy ay sinasadya niya. Halata naman na gusto niyang gawing couple si Naomi at ako. Hindi ako sigurado kung intensyon yun ni Naomi o sarili niyang desisyon yun at walang pahintulot ni Naomi.’Pagkatapos ng insidente kay Maizie, naging maingay si Francisco sa lahat ng babae.‘Walang makakaalam na hindi na ulit ako makakakita ng isa pang Maizie.’Sa hospital…Nakaupo si Mrs. Hannigan sa tabi ng hospital bed at pinapakain si Nathaniel ng congee. Dahil nag sumailalim si Nathaniel ng craniotomy at nagpapagaling pa, ang kaya niya lang gawin ay humiga sa kama, at kailangan niya ng mag aangat ng head ng kama kung gusto niyang tumayo.Dumating si Tanner nang oras na yun.Tiningnan siya ni Nathaniel, pinigilan ang lahat ng salita na gustong lumabas
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa