Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1191 - Chapter 1200

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1191 - Chapter 1200

2769 Chapters

Kabanata 1192

Bumulong si Maisie, “Sigurado akong ‘yun ang iniisip mo.”Nilubog ni Nolan ang ulo niya sa balikat ni Maisie at tumawa. “Ganiyan pala akong tao para sa'yo, Zee.”Bago pa makabalik si Maisie sa katinuan niya, binuhat siya ni Nolan mula sa sahig, at lumalim ang ngiti sa mga mata niya. “Nakapag desisyon na ako. Simula bukas, magiging katulad na ako ng tao na gusto mo.”Narinig niya ang boses ni Maisie mula sa taas. “Nolan! Paano mo nagawang i-set up ako ulit!?”Kinabukasan, sa Soul…“Hay, hindi na naman ba pumunta si Ms. Vanderbilt sa opisina ngayon?”“Naging busy si Ms. Vanderbilt nitong mga nakaraang anim na buwan mula ng bumalik sa mula sa branch sa Stoslo. Kailangan niya magpahinga.”Kumakain ng lunch sa Naomi sa staff restaurant nang marinig niya ang usapan ng tatlong babaeng staff mula sa kabilang mesa. Halos lahat ng tao ay grupo na kumakain o dalawa. Lahat sila ay nag uusap at tumatawa, pero mag-isa siya.Nang makita siya ng mga babae na empleyado na tinatanong siya noon,
Read more

Kabanata 1193

Binuka ni Naomi ang labi niya at yumuko. “W… wala ako ng contact number nila.”Bukod kay Ryleigh, wala siyang ibang contact number ng iba niyang kaibigan.Naguguluhan siyang tiningnan ni Lucy. “Ano? Imposible. Ang nerdy nun. Kailangan mo ng sarili mong kaibigan.”Nang may sasabihin na sana si Naomi, bigla siyang sumigaw, “Tumingin ka!”Huli na ng makagawa ng reaksyon si Lucy. Nang tapakan niya ang brake, tumama ang harapan ng sasakyan na huminto sa harapan nila sa paghihintay sa red light.Pinilit ni Lucy Pakalmahin ang sarili niya, at bahagya siyang nagulat. “Oh my gosh, may nabangga ako… Nakikita mo ba kung anong klaseng sasakyan?”Hindi alam ni Lucy kung anong klaseng sasakyan yun, pero kung titingnan ang logo, mukhang mamahalin na sasakyan yun, at nag aalala siya na hindi niya kaya bayaran.Tiningnan ni Naomi ang logo at sinabing, “Land Rover yun. Kung titingnan ang model, baka ito yung 3.0 L6 series. Mga ilang daang libo ng dolyar ang halaga.”“Ano? Ilang daang libo ng dol
Read more

Kabanata 1194

“Magbabayad ka o walang makakaalis sa inyo ngayon!” Suminghal ang lalaki. Maraming sasakyan ang lumapit sa kanila, na nagpatigil sa pag andar ng trapiko. Patuloy na tumutunog ang mga busina at maraming dumadaan sa magkabilang banda.“Paano mo nagagawa ‘yun?” Kabado na sumigaw si Lucy, “Sinabi na namin na babayaran ka namin, pero ang laki pa sa amin ng $15,000. Hindi ba tayo pwede maghanap ng ibang paraan?”Dumura ang lalaki sa sahig at sinabing, “Maghanap ng ibang paraan? Pera lang ang gusto ko. Huwag mo isipin na dahil babae kayong dalawa ay wala na akong gagawon sa inyo.”Kalmado na tumingin si Naomi sa lalaki at sinabing, “Ang presyo ng manufacturer para sa model mo ay nasa $270,000, at pinakamura na model ‘yun. Ang annual full coverage insurance cost ay nasa $4,200, at kahit na isama mo ang bayad sa gas, sa parking, at sa road toll sa buong taon, aabot lang ng $15,000 para isang taon sa sasakyan mo, pero gusto mo bigyan ka namin ng $15,000 para sa maliit na gasgas? Tanungin mo a
Read more

Kabanata 1195

Tiningnan ni Naomi si Francisco.‘Prosecutor siya?’Siya yung tumulong sa kaniya noong nakaraan, at tinulungan na naman siya ngayon.Tiningnan ni Francisco si Naomi at naningkit ang mga mata. Ngayon lang niya napagtanto kung sino siya. Lumapit siya para tumulong dahil sa tingin niya ay may problema sila, at ngayon, sa malapitan, pakiramdam niya ay pamilyar ang babae.Biglang may naalala si Naomi at kumuha ng $4 sa kaniyang purse. “Sir, ito yung pera para sa kape noong nakaraan. Maraming salamat.”Nagulat si Francisco. Naaalala na niya ang pangyayari at sinabi na, “Ikaw ba yung babae nung araw na ‘yun?”Tumango si Naomi habang nakangiti.Tumawa si Francisco at hindi napigilan na haplusin ang sintindo niya. Binalik niya ang pera kay Naomi at sinabing, “Sa tingin ko nilinaw ko na sa'yo na hindi mo na ako kailangan bayaran. Isipin mo na lang na libre ko ‘yun.”“Hindi, kailangan mong kunin yung pera. Hindi mo ako pwede ilibre ng walang dahilan.” Binalik ni Naomi ang pera kay Francis
Read more

Kabanata 1196

Inangat ni Naomi ang ulo niya, tiningnan niya ang bonsai sa bintana, at hindi mapigilan na isipin ang lalaki. Alam niya ang tungkol sa mga Boucher at pati si Helios, at ito ang unang pagkakataon na nakilala niya ang pangalawang tagapagmana ng mga Boucher.…Sobrang lamig sa Coralia at puno ng snow ang winter. Nakasuot ng white down jacket si Maisie, at namumula ang mukha niya dahil sa lamig ng lumabas siya sa sasakyan.Nilagay ni Nolan ang scarf sa leeg ni Maisie at hindi mapigilan na tumawa. “Sinasabi nila na mas kaya ng mga babae ang lamig kumpara sa mga lalaki pero tingnan mo ang sarili.”Galit na sumagot si Maisie, “Hindi yun para sa lahat. Depende pa rin yun sa tao!”Tinakpan ni Nolan ang nilalamig na pisngi ni Maisie gamit ang mainit niyang palad. “Hindi ba’t mas malamig sa Morwich kapag winter?”Nag-hum lang si Maisie at binaba ang paningin niya. “Kaya hindi ako umaalis ng bahay.”Hinawakan niya ang dulo ng buhok ni Maisie. “Maghanap muna tayo ng hot spring na hotel na pw
Read more

Kabanata 1197

Sa Bassburgh, sa Soul…Mas naging malapit si Lucy kay Naomi dahil sa nangyaring insidente noong nakaraang araw. Sinamahan din nya si Naomi noong lunch.Siguro ay dahil si Lucy ay laging masaya at madaldal na tao, at si Naomi ay tahimik na babae, ang interaksyon nila ay parang naiilang si Naomi kay Lucy.Pagkatapos niya kumain ng lunch, naunang umalis ng office restaurant si Naomi, at dalawang staff member ang lumapit kay Lucy. “Lulu, bakit mo binibigyan ng atensyon si Naomi? Hindi naman siya namamansin hanggang ngayon.”“Mali ang pagkakaintindi mo kay Maisie. Hindi niya ako hindi pinansin.” Inangat ni Lucy ang ulo niya, tiningnan ang dalawang staff, at idinagdag, “Mabuti siyang tao sa halip sa naisip natin na kung sino siya.”“Pero ganoon mo ba siya kakilala katulad ng iniisip mo?” Nagtinginan ang mga babae na empleyado at nagpatuloy. “Narinig ko na hinatid si Naomi dito sa company ng isang luxury car nitong umaga, at mukhang matanda na ang naghatid sa kaniya. Bukod pa doon may ba
Read more

Kabanata 1198

Huminto ang taxi sa labas ng gate, at lumabas ng sasakyan si Maisie kasama si Nolan. Matagal siyang nakatayo sa labas ng gate at hindi pumasok.Tiningnan siya ni Nolan. “Ayaw mo ba pumasok?”“Bigla akong bumalik sa ancestral mansion ng pamilya para bisitahin sila. Panigurado na magugulat si Madam Vanderbilt, ano?” Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bulsa at mukhang naiisip na niya ang ekspresyon ni Madam Vanderbilt.Binuksan ni Nolan ang gate para kay Maisie, at sinundan siya sa loob ni Maisie. Mayroon ang snow na hinukay at tinambak sa sahig ng malaking courtyard, may nakalapat na nyebe sa mga sanga, at malabo rin ang mga bintana.Kalahating nakabukas ang pinto, at kakaibang middle-aged na babae ang lumabas pagkatapos ng ilang sandali. May hawak siyang palanggana ng tubig sa kaniyang kamay at nagulat ng makita sina Nolan at Maisie. “Pwede ko ba malaman kung ano ang hanap niyo?”Hindi sumagot si Maisie sa tanong at nagtanong, “Nandiyan ba si Lola at Tito Yorick?”Na
Read more

Kabanata 1199

Hindi plano ni Maisie na manatili hanggang lunch. Pumunta lang siya para sabihin kay Yorick ang plano ni Hector na mag abroad at umalis pagkatapos nun.Gutom na gutom si Maisie pagkaalis nila at kumakalam na ang tiyan niya.Hindi napigilan ni Nolan na tumawa. “Hindi ba’t sinabi mo sa tito mo na hindi ka nagugutom?”Ngumuso si Maisie. “Hindi mo ba narinig na ngayon lang nag umpisa yung pagkalam?”Hinawakan ni Nolan si Maisie at nilagay ang baba niya sa ulo niya. “Anong gusto mong kainin?”Nag-isip si Maisie. “Gusto ko kainin ang sikat sa mga lokal na Schweinshaxe. Gusto ko talaga kainin yun ngayon.”Pumungay ang mata ni Nolan. “Sige.”Sa Soul…Pagkatapos pumunta ng ilang babaeng staff member sa banyo, tumayo sila sa harap ng lababo para hugasan ang kamay nila, inayos ang kanilang makeup, at nag-usap sila.“Talagang nakabili ng ganoong kamahal na phone case si Naomi. Siguro nakahanap siya ng sugar daddy, ano?”“Sinong nakakaalam? Hindi na nakakapagtaka na ina siya at mayabang.
Read more

Kabanata 1200

“Sa totoo lang, hindi ka talaga nila kilala. Kaya akala nila ganoon kang klase ng tao. Pero, may gusto pa rin akong itanong sa'yo, at yun ay…” Paliwanag ni Lucy.Tiningnan niya si Naomi. “Mahal talaga ang phone mo?”Sandaling nagulat si Naomi. “Phone case ko?”Hindi niya maintindihan kung bakit bibigyan ng atensyon ni Lucy ang phone case niya at sumagot, “Kasama na yung case sa mismong phone nang binili sa'kin ni dad ‘to, at hindi ko tinanong kung magkano.”“Dad mo?” Nagulat si Lucy.Hindi makapaniwala ang mukha ni Naomi. “Oo dad ko, tatay ko.”Huminga ng malalim si Lucy at gulat na may napagtanto. “Ibig sabihin yung naghahatid sa'yo sa trabaho tuwing umaga ay…”Bumaba ang tingin ni Naomi marahil ay dahil nahulaan niya kung ano ang sinasabi sa kaniya ng mga staff. “Oo, dad ko yun.”‘Dad niya pala!’Nakahinga ng maluwag si Lucy at tumawa. “Natago mo talaga ng maayos. Tama ako. Hindi ka katulad ng sinasabi nilang ikaw. Kaya pala parang madali lang sa'yo magbayad mg $2,000 kahapo
Read more

Kabanata 1201

Kinuha ni Lucy ang contact number niya. Lumingon siya kay Naomi at ngumiti. “Gusto mo bang ibigay ko sa iyo ang contact niya?”Nasamid si Naomi. “Hindi…salamat.”“Ayos lang. Hindi mo kailangan magpanggap. Paano ka uusad kung napaka mahiyain mo? Hindi ba’t single ka? Ito na ang pagkakataon mo.” Tumawa si Lucy.Umiwas agad ng tingin si Naomi. “Anong ibig mong sabihing pagkakataon?”“Na akitin siya!” Pagkatapos yun sabihin ni Lucy, mayroon siya biglang naalala at nagtatakang tiningnan si Naomi. “Wala ka pa bang nakakarelasyon noon?”Nahuli si Naomi at hindi makasagot.Tinapik siya ni Lucy sa balikat. “Okay lang kung wala ka pang nakakarelasyon noon. Hindi kita tatawanan, huwag ka mag-alala.”Binuksan ni Lucy ang contacts niya. “Nasa WhatsApp ka ba?”Natikom ang mga labi ni Naomi habang binabagalan ang paglalakad.Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi niya, “Wala akong WhatsApp.”Lumingon si Lucy para tingnan siya, parehong nagulat at nagtataka.Sa mga Boucher…Naupo si Eugene sa
Read more
PREV
1
...
118119120121122
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status