Napabuntong hininga na lang siya. Nahiga na siya sa kama niya at nakadapa siya, pakiramdam niya araw-araw mas nagiging traumatic ang buhay niya. Wala ng magandang nangyayari sa kaniya, problema ba siya na tinubuan lang ng katawan? Ang hirap hirap lampasan ng lahat ng mga nararanasan niya, ang hirap takasan ng mga problema niya. Hindi niya na alam ang gagawin niya dahil para bang hinihintay na lang siya ng buhay niya na sumuko. Pagod na pagod na siyang lumaban pero sa tuwing iniisip niyang hindi habang panahon ay nasa kanila ang tagumpay. Napahikbi na lang si Scarlett dahil ramdam niya na ang pagod ng katawan niya, emotionally and physically. “I’m tired,” umiiyak niyang saad. Tahimik lang siya dahil hindi naman pwedeng magtagal siya sa pag-iyak niya lalo na at katabi niyang natutulog sa kama si Zion. Ipinikit na ni Scarlett ang mga mata niya, hindi niya naman naramdaman ang pagpasok ni Zion. Nang makita ni Zion na nakadapa si Scarlett ay tinabihan niya ito at hinalikan sa likod niya.
Magbasa pa