Home / Romance / Mr. Grayson Contract Love / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Mr. Grayson Contract Love: Chapter 21 - Chapter 30

122 Chapters

Kabanata 11.1

Nang naisakay na ni Joel ang lahat ng mga gamit ni Scarlett at ni Joel ay sumakay na rin siya sa driver seat.“Wala na po ba kayong naiwan Ma’am?” tanong ni Joel kay Scarlett.“Wala na,” sagot ni Scarlett na nagtatakang nakatingin kay Joel at kay Marianne na hindi niya alam kung anong ginagawa ng mga ito kanina.“Kayo po Sir, wala na po ba?” baling ni Joel kay Jared.“Wala na, salamat. I didn’t know na magsasama ka ng sarili mong driver at assistant Scarlett, you’re cool.” Saad ni Jared kay Scarlett. Bahagya lang na nginitian ni Scarlett si Jared. Hindi siya nagsama ng mga kasama niya rito dahil kaya niya naman ang mga sarili niya.Marami rin namang mga staff na kasama kaya bakit naman siya magsasama? Sino ang nag-utos sa kanila na sumunod sila rito? Gusto sanang kausapin ni Scarlett si Marianne at si Joel pero kasama niya si Jared. Si Marianne at Joel ay under ni Zion at walang alam si Jared sa relasyon ni Scarlett kay Zion.Nanahimik na lang siya habang nasa byahe sila. Nauuna ang
Read more

Kabanata 11.2

Lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang taping nila sa Korea at lalabas na rin si Layla para sa linya niya.Binasa ni Scarlett nang paulit-ulit ang script niya kasama si Layla. Nagpapahinga sila ngayon dahil binigyan sila ng oras ni Harry na isaulo na ang mga linya nila para hindi na sila paulit-ulit mamaya sa iisang scene.Nang sumapit na ang oras para sa bagong scene nila ay lumabas na si Scarlett sa tent niya at nagkasalubong pa sila ni Layla. Iniwasan ni Layla si Scarlett, sa ginagawa ni Layla mas binibigyan niya ng rason si Scarlett para paghinalaan siya.Hindi na lang yun pinansin ni Scarlett at lumapit na sila kay Direk Harry.“Ayaw ko sanang magkaroon ng cut sa scene na ito. Ayusin niyo ang mga linya niyo.” bilin pa ni Harry kay Scarlett at kay Layla. Ngumisi naman si Layla kay Scarlett. Hindi alam ni Scarlett kung ano bang iniisip ni Layla.Nabasa naman na ni Scarlett nang paulit-ulit ang script kaya siguradong hindi siya magkakamali.Nagsimula ang sagutan nilang dalawa kung s
Read more

Kabanata 12.1

Malapit nang irelease ang unang episode ng series nila. Hinihintay na lang itong matapos na maedit ng mga editor. Kinakabahan man si Scarlett pero pinapalakas niya ang loob niya. Hindi siya pwedeng maging mahina, hindi siya pwedeng sumuko at hindi siya pwedeng magpatalo sa mga taong gusto siyang pabagsakin.Kailangan niyang lumaban dahil gusto pa niyang malaman kung sino ang mga taong nasa likod ng naging issue niya noong nakaraang taon.“You okay?” tanong ni Jared nang makalapit siya kay Scarlett. Napaangat naman ng tingin si Scarlett saka nginitian si Jared.“I’m fine,” tipid niyang sagot. Rest nila ngayong araw kaya pwede silang pumunta sa mga lugar na gusto nilang puntahan pero si Scarlett pinili niyang magstay sa hotel. Wala siya sa mood para mamasyal dahil pinag-iisipan niya ang mga susunod na hakbang na gagawin niya.“Bakit hindi ka mamasyal? Maraming magagandang lugar dito sa Korea. Maraming nangangarap na makapunta rito pero walang sapat na pera samantalang ikaw libre na. May
Read more

Kabanata 12.2

Hindi alam ni Scarlett kung anong problema ni Zion o kung anong pinagdadaanan nito sa buhay. Kung may maitutulong man siya kay Zion iyun ay ang manatili siya sa tabi niya at samahan ito. Hinayaan na lang ni Scarlett si Zion na nakahilig sa balikat niya dahil paniguradong pagod pa ito mula sa byahe niya.“Kararating mo lang ba?” tanong ni Scarlett.“Hmmm, dumiretso na ako sa hotel na tinutuluyan niyo.” Pagod na sagot ni Zion. Nakapikit ang mga mata niya habang nakasandal kay Scarlett.“Nagpahinga ka na lang muna sana. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko rito, you should take care of your health too Zion. Huwag mong abusuhin ang katawan mo.” ilang taon din na naging mag-isa si Zion, walang kasama, walang makausap, walang mapagsandalan sa tuwing napapagod at nanghihina na rin siya.Gusto niya na lang muna magpahinga sa mga bisig ni Scarlett. Hindi sumagot si Zion kay Scarlett kaya napapaisip si Scarlett kung may nangyari ba sa pagpunta ni Zion sa America. Buwan-buwan ay bumabalik siya n
Read more

Kabanata 13.1

Nasa hapag kainan na lahat ng mga kasama ni Scarlett pero palinga-linga si Layla dahil kanina pa niya hindi napapansin si Scarlett. Mukhang nag-enjoy na sa pamamasyal niya. Napangisi na lang si Layla nang makita niyang paparating na si Harry. Paniguradong magagalit na naman siya dahil wala pa si Scarlett.Si Scarlett na lang ang wala sa kanila.Naupo na si Harry at nagsimula na rin silang kumain.“Excuse me, Direk. Wala pa rin si Scarlett.” Agaw atensyong saad ni Layla. Tahimik lang naman ang iba niyang mga kasama. Kanina pa rin nila napapansin na wala pa si Scarlett pero hindi nila yun pinansin.“Do I need to wait for her before I eat? This is your rest day Layla at wala akong pakialam kung saan kayo pupunta, kung saan kayo matutulog o kung saan kayo kakain. The important is makakarating kayo on time for our taping tomorrow.” Sagot ni Harry. Tila napahiya naman si Layla.“Nagpaalam sa akin si Scarlett na hindi siya makakabalik ngayon dito sa hotel kaya bukas na natin siya makikita.”
Read more

Kabanata 13.2

Bago naman sumakay si Layla sa isang van ay napatingin siya sa isang van hindi kalayuan sa kanila. Kilala niya ang van na yun at alam niyang si Scarlett yun. Napairap na lang siya dahil akala mo kung sinong VIP. May sarili na siyang kwarto sa hotel diba? Saan pa ba siya nagpunta? Nagpakasarap pa ba siya kagabi?O baka naman ibinebenta niya ang katawan niya sa mga taong mapepera kapalit ng malaking halaga?“Kadiri,” wika ni Layla dahil sa iniisip niya.Nang umalis na ang mga van na kasama ni Scarlett ay sumunod na rin sila. Ilang minuto nilang tinahak ang daan hanggang sa makarating sila sa patutunguhan nila.Muling nag-ayos ng mga gamit ang mga nasa production team para sa tig-iisang tent ng mga artista. Bumaba na rin ang mga staff ni Scarlett maging si Marianne para tumulong na sa pag-aayos ng pwesto ni Scarlett.“Call me if something happen,” saad ni Zion. Tumango na lang si Scarlett at akmang bubuksan na sana ang pintuan ng van nang lingunin pa niya si Zion.“Ingat ka sa byahe, tex
Read more

Kabanata 14.1

Kinakabahan na si Layla dahil uulitin na naman ang scene nilang dalawa ni Scarlett. Ano bang problema ni Zion? Bakit ba hindi pa rin siya nakokontento? Ano bang hinahanap niya? Anong klaseng galit ba?“Scarlett, I told you to do what Layla did lately. Ipakita mo ang totoo ang galit mo. Are you listening to me?!” ang boses niyang tila kulog at kidlat na galit na galit. Hindi alam ni Layla kung matutuwa ba siya dahil pinapagalitan ni Zion si Scarlett ngayon o maiinis dahil masakit na ang pisngi ni Layla sa kakasampal sa kaniya ni Scarlett.Salubong ang mga kilay ni Scarlett na nakatingin kay Zion. Ano bang gusto niyang makita? Gusto ba niyang sampalin talaga ni Scarlett si Layla? Ano bang ginagawa niya? Tiningnan ni Scarlett ang pisngi ni Layla at namumula na talaga yun.Galit naman na ang mukha ni Layla pero hindi lang siya makapagreklamo lalo na at si Zion ang dahilan kung bakit marerelease ang series na ito. Natatakot si Layla na kapag nagreklamo siya ay katapusan na ng career niya.
Read more

Kabanata 14.2

“Gusto mong makaganti sa mga taong pakiramdam mo ay sinira ang buhay mo at kung manunuod ka lang sa mga ginagawa nila, mas mabuti pang huwag mo ng gawin ang paghihiganting gusto mo. Bobo ka ba? Are you stupid? Hindi ka naman siguro manhid para hindi mo maramdaman na sinasadya niya nang magpaulit-ulit ang scene niyo kanina para saktan ka? Hindi para sayo ang paghihiganti Scarlett kung ganun lang kaliit na bagay ay wala kang ginagawa para ipagtanggol ang sarili mo.”“Kaya mo yun ginawa?” hindi naman umimik si Zion. Napabuntong hininga na lang si Scarlett. Ganun ba talaga siya? Mahina, manhid at tanga? Alam niya namang sinasadya ni Layla na magkamali pero wala siyang ginawa dahil hindi pa rin siya sigurado kung may kinalaman nga si Layla sa nangyari sa kaniya noong nakaraang taon.Iniisip pa rin ni Scarlett, paano kung naghihiganti siya kay Layla pero inosente pala ang kaibigan niya? Ayaw niyang gumawa ng kilos ng wala pa siyang matibay na katibayan. Kikilos lang siya kapag sapat na ang
Read more

Kabanata 15.1

Gaya nga ng sinabi ni Zion, nanatili siya sa Korea at pinanuod ang lahat ng taping nila. Napressure yata lahat ng mga artista kaya matinding pagsasanay ang ginawa nila. Natuwa rin si Harry dahil magka-cut lang sila kapag break time na. Mukhang maganda yata kapag nagbabantay si Zion sa kanila pero imposible namang bantayan niya palagi ang mga taping nila.“Let’s take a break,” saad ni Harry. Nakahinga naman ng maayos ang mga artista. Imbis na tubig ang dapat nilang unang kunin, script nila ang una nilang kinuha at muling nagpractice. Napapailing na lang si Scarlett dahil talagang hindi umalis si Zion.Nanunuod lang ito na tila ba nanunuod lang sa TV. Prente pang nakaupo sa mataas na upuan at magkakrus ang mga kamay at mga binti niya.Nakatingin si Zion sa pwesto ni Scarlett habang inaayusan siya ng mga make-up artist niya. Hindi niya naman malapitan si Scarlett dahil paniguradong magtataka ang mga staff at mga artista rito kaya nanatili na lang siya sa pwesto niya.“What do you think?
Read more

Kabanata 15.2

“I can’t,” mabilis na sagot ni Zion. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng kaniyang ama. Hindi na siya bata para kontrolin pa ang buhay niya lalo na sa mga personal niyang buhay. Siya ang magdedesisyon at siya ang kokontrol ng personal niyang buhay.“I am the media, Dad. I can control everything,” hilaw namang tumawa si Chairman sa sinabi ng kaniyang anak. Tila ba nagmamalaki ito gayong ang pamilya nila ang nagtatag ng kompanya nila.“You think so? You might forget that your grandfather founded our company. It's been a year that you've been hiding your relationship with whoever that girl is. Leave her and go back to America. What kind of husband are you? Kaylee is comatose and she's your only wife and you're just flirting here in the Philippines?!”“Oo, tama kayo. Si Lolo ang nagtayo ng mga negosyo natin pero baka nakakalimutan niyong sa akin nakapangalan ang Grayson Entertainment kaya wala kayong pakialam sa business ko. Gagawin ko kung anong gusto ko sa negosyo ko.” matigas niy
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status