Hello guys, pasensya na kung hindi pa ako nakakapag-update dito sa story ko na ito. Tinatapos ko lang kasi yung isa kong story but don't worry Epilogue na ang sinusulat ko. Maybe bukas matapos ko na siya at makapag-update na ako rito this week. I'm really sorry, medyo nadrain lang talaga ang utak ko sa pagsusulat dahil sa loob ng dalawang taon wala akong ginawa kundi ang magsulat lang nang magsulat. Sa loob ng dalawang taon na yun hindi ako naging hiatus kahit isang buwan lang o isang linggo to rest dahil gusto ko makapagbigay ng kasiyahan sa mga readers ko at hindi sila maghintay ng matagal for my next story kaya siguro these past few months halos 2k words na lang ang naisusulat ko.
Sisimulan ko kaagad ang story ko na ito kapag natapos ko na yung isa kong story. Bukas tapos ko na yung isa kong story dahil tatapusin ko na talaga siya at makakapag-update ko na ako rito.
Pasensya na talaga.
Blangko ang mukha ni Monique na nagbabasa ng mga comments sa social media kung saan may dating fans ng love team nilang dalawa ni Eric ang nag-edit na naman ng pictures nilang dalawa. Napapailing na lang siya pero dapat na rin siyang matuwa dahil kahit papaano ay bumabalik na ang mga dati niyang fans.[Sana magkaroon ng comeback sa love team nila, kahit sa drama na lang.] anas ng isang fans nila dati. May mga hindi sang-ayon, may mga nagagalit na fans ng love team nina Layla at Eric.[Gusto niyo ng comeback nila sa drama? Hello girl, high ka ba? The girl cheated on him kaya walang comeback!] komento naman ng iba. Naglaro na lang si Scarlett sa cell phone niya kesa naman paglaanan pa niya ng oras ang mga bashers niya. Ang mahalaga ay unti-unti ng bumabalik ang iba niyang mga fans.Maaari ngang makalimutan ng iba ang tungkol sa naging issue niya noong nakaraang taon pero may mga taong hindi yun kalilimutan. Ang hindi niya maintindihan bakit napakabig deal sa kanila ng issue na halos hil
Makalipas ang isang araw, natanggap na ni Scarlett ang message ni Layla sa kaniya at sa isang hotel sila mag-uusap-usap. Nakatitig lang siya sa cell phone niya dahil hindi niya alam kung dapat ba niyang pagkatiwalaan si Layla.“Ma’am nakahanda na po ang pagkain niyo,” wika ng isang katulong kay Scarlett.“Kayo na lang po ang kumain dahil may pupuntahan pa ako.” sagot niya saka siya tumayo at nagtungo na ng banyo para makaligo.Makalipas naman ng halos isang oras ay nakagayak na siya. Kinuha niya na ang susi ng kotseng ipinapagamit ni Zion sa kaniya. Tinungo niya na ang hotel na sinabi ni Layla. Napapaisip na lang siya kung ano ba ang ginagawa niya. Pagkakatiwalaan niya ba talaga si Layla?Samantala naman, nauna si Layla kay Scarlett sa hotel room. Nandun na rin si Mr. Gu, isang Chinese investor.“Sigurado ka bang makakarating siya rito?” tanong ni Mr. Gu kay Layla dahil kanina pa sila naghihintay kay Scarlett.“Darating siya Mr. Gu, don’t worry. Alam ko naman na gustong gusto mo ng ma
Bumaba si Zion ng sasakyan niya at nilapitan niya si Scarlett na hirap na hirap nang tumayo.“What are you doing here?” malamig na tanong ni Zion. Iniangat naman ni Scarlett ang ulo niya at kahit na hindi niya masyadong maaninag ng malinaw ang mukha ni Zion, alam niya na kung sino ang nasa harapan niya.‘Anong ginagawa rito ni Zion? Hindi ba at bukas pa dapat ang uwi niya? Damn it!’ naiinis na saad ni Scarlett sa sarili niya. Talaga bang nakita pa siya ni Zion at sa ganitong sitwasyon pa? Ano na lang ang iisipin ni Zion sa kaniya?“I am asking you Scarlett, what are you doing in this place in that kind of situation? Are you seeing someone here? Are you drunk?” sunod-sunod niyang tanong. Hindi niya gustong maabutan sa ganitong sitwasyon si Scarlett at sa ganitong lugar pa. She’s an artist for damn sake! Paano na lang kung may nakakita sa kaniya rito?“Zion, take me home please.” Nakikiusap na saad ni Scarlett at pinilit na tumayo pero napahawak din siya kay Zion. Napapakunot ng noo si
Habang nasa taping sila ay matatalim ang tingin ni Layla kay Scarlett. Hindi na lang pinansin ni Scarlett dahil baka magkagulo pa silang dalawa ni Layla habang nasa taping sila. Kailangan niyang lumayo sa ano mang uri ng scandal dahil ayaw niyang maulit na naman ang nangyari sa nakaraan niya.Nang matapos ang maghapon na yun ay umuwi na si Scarlett. Pagod na pagod siyang umuwi pero tila ba nagising ang diwa niya ng makita niyang nasa sofa si Zion. Magkakrus ang mga binti at mga kamay niya sa dibdib niya. Salubong din ang mga kilay niya na para bang hindi naging maganda ang maghapon niya.“Kanina ka pa ba?” tanong ni Scarlett, hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan lalo na sa galit na mukha ni Zion ngayon. Natatakot siyang may masabi siya o may magawa siya na hindi magugustuhan ni Zion at sa kaniya ibuhos ang galit niya.“Alam mo ng hindi mapagkakatiwalaan si Layla pero bakit sumama ka pa rin sa kaniya? Are you really that stupid, Scarlett?” unang wika ni Zion sa kaniya. Ito ba an
Nagkita na lang si Scarlett at Jared sa harap ng hotel kung saan gaganapin ang party nila ngayong gabi. Hindi kasabay ni Scarlett si Zion dahil may gagawin pa raw ito kaya nauna na si Scarlett. Mahuhuli naman talaga si Zion dahil siya ang President ng kompanya.“You’re so beautiful tonight, Scarlett.” Pagpupuri ni Jared kay Scarlett.“Thank you,” nakangiting saad ni Scarlett. Iniangkla niya na ang kamay niya sa braso ni Jared at sabay silang naglakad sa red carpet. Sunod-sunod na sumilaw sa kanilang mga mata ang pagflash ng mga camera.Matamis na nakangiti si Scarlett sa camera kasama si Jared. Sa unang drama nilang dalawa, nagkakaroon na rin sila ng mga fans sa love team nila. Kapag tuluyan ng napatunayan ni Scarlett na hindi siya cheater and a bully tuluyan ng maibabalik ang mga fans niya. Kahit na hindi na bumalik ang fans niya, ang gusto niya lang malinis niya ang pangalan niya at mamuhay ng tahimik.“Hi Scarlett, we miss you.” Nakipagbeso si Scarlett sa babaeng minsan niya ring n
Bakit nga ba kakaawaan ni Zion si Layla kung siya ang dahilan kung bakit pasuray-suray na naglakad si Scarlett palabas ng hotel?“I did it for Scarlett not for you, Miss.” Diretsong wika ni Zion para hindi na umasa pa si Layla na may ginawa siya para lang kay Layla. Para namang sinaksak ng isang matalim na kutsilyo ang dibdib ni Layla sa sinabi ni Zion.Si Scarlett ba talaga ang dahilan kung bakit niya yun ginawa? Pero walang namang nangyari kay Scarlett dahil nakauwi pa siya ng maayos.“Pero wala namang nangyari kay Scarlett. Hindi siya nagalaw ni Mr. Gu dahil nakatakas siya.” Mahinang wika ni Layla. Hinilot pa ni Zion ang noo niya, kilala na ni Zion ang mga katulad na babae ni Layla. Hindi ba at may boyfriend na siya? Boyfriend na inagaw pa niya sa kaibigan niya tapos ngayon lumalapit kay Zion.“I didn’t know what happened to you but I hope you’re okay now that you already got justice for what that old man did to you. Take care next time. Excuse me,” tumalikod na si Zion dahil hindi
Napaupo na lang si Scarlett sa madalim na lugar na iyun. Naiwan pa niya ang bag niya sa loob ng sasakyan ni Zion sa sobrang inis niya. Nandun ang cell phone niya kaya wala siyang ibang makita sa daan.Inis namang napahampas sa manubela si Zion. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang makipagdate sa mga artista o kung sino mang mga sikat na babae dahil sa maliit na pasensya niya kaya hindi niya maintindihan kung bakit hinayaan niyang pumasok sa buhay niya si Scarlett.Kilala niya ito sa pagiging magaling niya sa industriyang pinili niya pero wala siyang pakialam dun. Ayaw na ayaw niyang nalilink ang pangalan niya sa mga sikat na babae pero hinayaan niyang pumasok si Scarlett sa buhay niya at pinakasalan pa ito.“Damn it!” inis na kinabig ni Zion pabalik ang manubela niya lalo na at madilim pa ang lugar na pinagbabaan niya kay Scarlett. Kahit na galit na galit na siya ay hindi pa rin niya matiis si Scarlett. Is he in love with that woman? Fuck!Nang makabalik siya kay Scarlett ay mabi
“Hindi ba dapat ay matuwa ka dahil nakakausap ko siya? Maganda na yung close tayo sa mga nakakataas para hindi tayo mahirapan na makakuha ng mga roles. Dapat pagkatapos ng project na ito, ako naman ang leading lady at hindi si Scarlett. Nakakasawa ng pangalawa sa kaniya.” wika niya saka niya muling tiningnan ang picture nila ni Mr. Grayson pero nagtaka na lang siya ng bigla na lang itong not available. “Anong nangyari?” nagtataka pa niyang tanong habang nagsscroll down. Sinearch niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Zion pero wala ng mga post tungkol sa kanila, kahit ang mga articles. Nakatingin lang naman si Eric sa nobya niyang hindi na maipinta ang mukha na para bang may hinahanap sa cell phone niya. “Bakit bigla ng nawala? Anong nangyari?” wika niya. “Ano bang hinahanap mo?” tanong ni Eric. Para ng bata na nawawalan ng laruan ang itsura ni Layla. “Nawala lahat ng article at post tungkol sa amin ni Zion,” aniya, napapabuntong hininga na lang si Eric. “Baka nakakalimutan mo, s
Mabilis na lumipas ang mga buwan, natataranta na silang lahat nang pumutok ang panubigan ni Scarlett. This is her first time kaya maging siya ay kinakabahan na. Natatakot siyang lumabas na ang anak niya ng hindi pa sila nakakarating sa hospital.“Pwede bang pakibilisan, sa bagal nang patakbo mo para tayong nakikiparada!” sigaw ni Richelle kay Lance na nagdadrive. Si Richelle ang natawagan ni Scarlett nang pumutok ang panubigan niya dahil naggrocery si yaya Precious.Nasa business trip naman si Zion at pauwi pa lang siya. Hindi naman na alam ni Scarlett ang gagawin niya, hindi niya alam kung saang parte ba ng katawan niya ang masakit.“Manganganak na yata ako rito,” wika niya habang hawak-hawak niya ang tiyan niya.“Iabot mo sa hospital please, hindi namin alam ang gagawin namin sayo rito!” natatarantang saad ni Richelle. “Bilisan mo naman, Lance!” sigaw niya na naman kaya walang nagawa si Lance kundi ang bilisan ang patakbo niya kahit na lumampas na sila sa speeding limit.“Oh my gosh
“He really loves his mother, close na close silang dalawa. He’s in 8th grade when someone ambushes his mother. Pauwi na silang dalawa noon nang may bigla na lang nagpaulan ng bala sa sinasakyan nila. Niyakap ng asawa ko ang anak namin. Si Zion lang ang nakaligtas noong araw na yun. Malakas siyang tingnan sa panglabas pero mabilis masaktan ang puso niya. Hindi ko akalain na nasasaktan na pala siya noong panahong comatose pa si Kaylee. He’s good hiding his feeling, Scarlett.” Napapaisip na lang si Scarlett kung ano bang naging buhay ni Zion sa mga nakalipas na taon.Kaya ba ganun na lang ang galit niya noong muntik din siyang maambush?“Don’t worry po, I won’t hurt your son.” Ngumiti naman si Mr. Grayson sa sinabi ni Scarlett. Ayaw niya na sanang makita pa na masaktan ulit ang anak niya at malaki ang tiwala ni Mr. Grayson kay Scarlett na hindi niya yun gagawin.Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ay bumalik na sa office si Scarlett. Naupo na lang siya sa sofa dahil wala pa rin si Zion
Inasikaso kaagad ni Lance ang presscon ni Zion at ni Scarlett. Tama na ang dalawang linggong pananahimik nila. Marami na rin ang nakaabang sa live nila para malaman ang totoong nangyari at kung paanong si Scarlett ang naging legal wife ng isang Zion Grayson.Sasama rin si Kaylee sa presscon para maipaliwanag din ang side nilang dalawa ni Zion. Wala namang nakaalam ng kasal nila noon dahil mas pinili nilang ilihim ang relasyon nila para magkaroon sila ng tahimik na buhay.Humarap si Scarlett sa human size niyang salamin at napahawak na lang sa tiyan niya dahil kitang kita na ang baby bump niya. Napasimangot na lang siya dahil para bang naggain siya ng weight lalo na at halata na ang tiyan niya.“Is everything okay?” tanong ni Zion kay Scarlett nang makababa siya ng hagdan. Tumabi si Zion kay Scarlett at tiningnan din sa repleksyon ng salamin ang itsura ng asawa niya.“Look at me, I gain weight.” Anas niya, tiningnan naman ni Zion ang katawan ni Scarlett pero hindi niya naman napapansin
“Hindi pa, masyado pa siyang busy sa mga ginagawa niya saka hindi ko rin naman alam kung malalaman ko ba sa kaniya kung sino ang nagplano nun. Kung sino man siya hahanapin ko siya para mapasalamatan na rin. Hindi ko rin alam kung may kinalaman ba si Drew sa nangyari dahil minsan niya na akong kinausap at winarningan tungkol kay Layla pero hindi ko pa rin siya nakakausap.”“Hanapin mo na ang mga kasagutan sa mga katanungan mo Scarlett. Okay lang ako rito saka marami namang nagbabantay at bumibisita sa akin. Gawin mo na ang mga kailangan mong gawin para matahimik ka na rin.” Tumango at ngumiti si Scarlett. Tumayo na si Scarlett saka niya niyakap si Jared.“Thank you so much for everything Jared. You are one of the best people that I have ever met. Magpagaling ka.” aniya saka siya kumalas sa pagkakayakap. Tumango naman si Jared.Pagkatapos nang pag-uusap nilang dalawa ay bumalik si Scarlett sa kompanya at tiningnan si Zion kung nakabalik na bai to sa opisina niya pero ang naabutan niya l
Matapos nang nangyari sa party ay nagkakagulo pa rin sa social media. Lahat sila ay nalilito pa rin sa mga nangyari at sa mga nalaman nila lalo na at wala pang kompirmasyon mula kay Zion. Nananatili silang tahimik kaya hanggang ngayon marami pa ring katanungan sa mga isip nila ang mga tao.Inasikaso ni Zion at Scarlett ang pagsasampa nila ng kaso kay Layla at kay Eric. Inuna nilang asikasuhin yun kesa ang magpaliwanag sa publiko kung ano ba talagang namamagitan sa kanilang dalawa.“Attorney siguraduhin niyong mabubulok sa kulungan si Layla at hindi siya makakakuha ng parole pala makalaya ganun din sa fiancé niyang si Eric.” Wika ni Zion sa attorney niya habang naglalakad sila papuntang police station kung saan nakakulong si Layla at Eric.Nang makarating sila dun ay kinausap ni Zion ang mga pulis habang si Scarlett naman ay dumiretso kung nasaan si Eric. Tahimik na nakaupo si Eric sa dulong bahagi ng kulungan at nakayuko habang magkasalikop ang mga kamay niya.“Miss Scarlett,” tawag n
Hello po, pasensya na po kung hindi ako nakapag-update ng ilang araw. Nagkaroon po kasi kami ng intrams sa school at ang abang lingkod niyo po ay sumali sa mga laro HAHAHA. Last year na po kasi kaya I want to enjoy my last year being student bago tahakin ang totoong buhay. Sana po maintindihan niyo ako, don't worry two chapters na lang po ang gagawin ko kasi patapos na talaga siya. Gusto ko sanang sumulat ng isang chapter ngayon kaso pagod na po talaga ako. Sana naiintindihan niyo po ako. Thank you so much. Sa nagbabasa rin sa The Billionare's Son nakapag-advance na po kasi ako dun kaya may update pa rin ako araw-araw. Kapag nakapagpasa ako ng new story sana suportahan niyo po ulit. Marami pong salamat sa inyong lahat:)
Natutop na lang ni Scarlett ang labi niya dahil sa dami niyang narinig ngayong gabi. Hindi siya makapaniwalang si Eric at Scarlett pala ang mastermind ng lahat ng mga nangyayari sa kaniya. Napalunok na lang siya at para bang nanghihina ang mga tuhod niya. “Scarlett,” nag-aalalang wika ni Jared saka niya ito inalalayan para kung sakali mang mawalan ng balanse si Scarlett ay hindi siya babagsak sa malamig na sahig. “Uminom ka muna ng tubig,” inabutan ni Oliver ng tubig si Jared para ibigay kay Scarlett. Ininom naman yun ni Scarlett dahil pakiramdam niya ay natutuyuan ang lalamunan niya. “Oh my gosh. Totoo ba ang lahat ng sinabi niya? Like what the hell?” komento na ng mga nasa paligid nila. “This is a crime, she’s a criminal.” Dagdag pa ng iba. Patuloy pa rin ang pagtatalo ni Eric at Layla sa likod ng stage. Hindi pa rin nila namamalayan na pinagpyepyestahan na ang mga pangalan nila. “Kung hindi mo lang naman sana naisipan na iset-up silang dalawa ni Drew hindi mangyayari ang lahat
Nang pumasok sila ng function hall ay napatingin sa kanila ang mga tao sa loob. Napataas ang kilay ni Layla ng makita niya kung sino ang kasama ni Zion na naglakad ng red carpet. Napatingin din sila kay Jacob na hindi nila kilala.Kaniya-kaniyang bulungan na ang mga artista na pumunta dahil inaasahan nilang magkasama sa red carpet si Scarlett at Jared.“Hindi mo ba inakit si Scarlett na maging partner mo?” tanong ni Oliver kay Jared. Hindi naman umimik si Jared. Sigurado si Jared na may dahilan kung bakit hindi si Zion at Scarlett ang magkasama ngayon na naglakad sa red carpet.Ang hindi lang maintindihan ni Jared bakit ibang lalaki pa ang inaya ni Scarlett na makasama niya kung pwede naman siya? Tanggap niya naman na pagmamay-ari na siya ni Zion at willing lang din siyang maging partner ni Scarlett kung pinoprotektahan ni Zion ang pangalan niya dahil ang alam ng lahat na asawa niya ay si Kaylee.“Okay good evening, everyone. Let’s give a round of applause for Mr. Grayson, our Preside
Natapos na ang taping nila kaya magkakaroon sila ng Victory Party sa gabi ng linggo. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Layla kay Eric dahil sa ginawa ni Eric. Kung hindi lang sana nangialam si Eric baka tapos na ang problema nilang dalawa.Natatakot pa rin si Layla dahil sigurado siyang nasa paligid niya lang ang taong nagbabanta sa kaniya. Wala siyang pinaghihinalaan na iba kundi si Scarlett kaya gusto niyang mawala ito sa landas niya. Ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya sa isang iglap lang.“Are you still mad?” tanong ni Eric kay Layla pero inirapan lang siya ni Layla. Nag-aayos ngayon si Layla dahil dadalo siya ng Victory Party nila. “You’re still mad at me. Ayaw ko lang naman na papatay ka ng tao Layla just because of me. Kung malaman man ng lahat ang tungkol sa ginawa natin malalampasin naman natin yun just like Scarlett.”“You don’t understand me, Eric. Please, just leave me alone. You betrayed me.” masungit pa rin niyang wika. Napabuntong hininga na lang si Eric.