Home / YA/TEEN / HOME VISIT / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of HOME VISIT: Chapter 21 - Chapter 30

50 Chapters

Chapter 21

All the stares that were given to me is nothing compare to my willingness to prove the wrong I did not do. Some of them were laughing, some of them were serious, some of them were whispering, talking bad about me, and others were waiting.I'm sitting here up on the stage. Alone. While everyone are on their seat looking at me, waiting for the principal to talk.Signal if I should start. Take the exam alone.Nangako si Sir Perez na gagawan niya ng paraan ang gulo na ito. Hindi niya ako hinayaang masunog sa apoy. Kinausap niya ang principal.If I fail these exams, I'd be gone and suspended."Answer all of the four subject," anang principal na hawak ang mikropono. "Kapag naipasa mo iyan nang walang kodigo, hindi matutuloy ang parusa. Pero, kung nabagsak mo kahit isa lang na subject, the goodbye. Start now."They gave me an hour to finish the four subjects whose answer key's were stolen. Hindi ko naman talaga ginawa iyon. At kung sino man ang maysala ay dapat managot.Narito sila para pan
last updateLast Updated : 2023-05-25
Read more

Chapter 22

“Linggo na bukas tapos Monday, wala pa tayong nakukumpletong sayaw, mga hinayupak kayo.”Napailing ako nang magsalita na si Edzell. Yung lider namin ay walang gaanong ginagawa. Water break daw muna kahit wala pa kaming nasisimulan. Naaawa na ako sa mga kagrupo ko dahil ang dami namin. Bente kami sa grupong ito.Hinagis ni Edzell ang upos ng sigarilyo na hawak niya saka siya nagsindi ng isa pa. Nandito kami ngayon sa malawak na bakanteng lote malapit sa bahay ng leader namin. Ang sabi niya, marunong siyang sumayaw kaya siya ang sinundan namin.“Hoy, Andres!”Napalingon ako kay Edzell nang isigaw niya ang pangalan ko. Lumapit siya sa akin saka siya bumulong.“Gumalaw ka naman.” aniya.Natawa ako nang bahagya saka ko siya tinanguan. Kinuha ko ang cellphone ko para mai-text si Cosmo. Sigurado akong may kilala siyang magaling magturo na choreographer.Nang matapos ko ang pagtipa sa cellphone ko ay tinago ko na iyon. Hindi naman magre-reply si Cosmo dahil sigurado ako may ginagawa iyon. Kap
last updateLast Updated : 2023-05-25
Read more

Chapter 23

I look at John while he's talking on his phone. He's still preparing for my coming birthday next year. Kahit sinabi kong simple lang ay hindi siya nakinig."Mabuti, mabuti kung ganoon. Napakagandang balita na wala kang masyadong gagawin sa araw na iyon." He's glad and I have no idea why.Is that about the marriage? Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na hindi ko gustong madaliin ang bagay na iyon. Maraming bagay ang gusto kong maranasan pag tapos ng school. After this act."Andrea," he called me.I'm almost finish eating dinner. "What?" Kailangan kong kumain ngayon dahil sa nangyari sa akin noong nakaraan. "Great news," he said while he's bringing his self to the chair next to me. "Hazi just confirmed the meet up of you two this coming Thursday.""What?!" Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. "John, I already told you to not rush things up. I don't even know if that man is trustworthy.""Do not worry. Malapit sa akin ang binatang ito. Halos anak na rin ang turing ko rito noong kabat
last updateLast Updated : 2023-05-26
Read more

Chapter 24

Binagsak ko ang katawan ko sa kama nang makauwi ako. Iniisip ko pa rin iyong nangyari sa restaurant. Imbes na si Hazi ang makita ko roon ay teacher ko pa. Mabuti at hindi siya nagtanong nang kayrami.May kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Si John. "Kamusta ang pagkikita niyo?""He didn't showed up," sagot ko."Gano'n ba? Tatawagan ko nga." Asta pa niyang kukunin ang cellphone sa bulsa niya."Huwag na. Sabihin mo na lang sa kaniya na hindi na matutuloy.""There must be an emergency."Napairap ako sa sinabi ni John. "He didn't showed up and I was there like a fool.""Busy kasi talagang tao iyon, Andrea. Baka nagkaroon lang ng emergency."Presidente ba ng Pilipinas ang tumawag sa kaniya?Hindi ko na siya sinagot. I just want to sleep because I'm tired. Wearing heels are not my style."Gagawan ko kayo ulit ng schedule. Promise, this time magkikita na talaga kayo. Sige, matulog ka na."Pinikit ko na ang mga mata ko. Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa kahit gaano ko gustuhing maagpahing
last updateLast Updated : 2023-05-27
Read more

Chapter 25

Nagmamadaling sinalubong ako ni Cosmo pagpasok ko sa loob ng bahay. Nag-aalala siya at halata sa kaniya na kanina pa siya balisa. "Andres, saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako nag-aalala sa iyo. Hindi kita makita kahit saan. Mapapahamak ka sa ginagawa mo, eh. Dapat nagsabi ka sa akin para nasamahan kita."Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa loob at nakita ko si John na nakatayo at mukhang naghihintay din sa akin. May hawak siyang cellphone, tila may kausap."Andrea, saan ka galing at ginabi ka na ng uwi?"Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong magtanong nang magtanong, kung bakit niya tinago sa akin ang totoo, kung bakit hinayaan niya akong mamuhay sa kasinungalingan niya. Pero, sa kabila no'n, nanatili akong tahimik. Hindi ko hinayaan na maibulalas ko ang nais kong sabihin."Importante kang tao kaya dapat hindi mo hinahayaan ang sarili mo nang mag-isa." Dagdag niya pa.Gaano ako kaimportante? Bakit? How can he say that to me even he knows himself that he's lying to me? Hypocrite.
last updateLast Updated : 2023-05-27
Read more

Chapter 26

Hindi ko alam kung gaano katagal ko nang tinititigan si Sir Perez habang nagsusulat siya sa white board. Ang subject niya ba ay basic science? Kahit tulog ako ay kaya kong sagutin ang kahit anong itanong niya sa akin."Music is what we're going to talk about today. The one who should be your teacher is excused and so I volunteered."Napatango naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni Sir Perez."Wala akong alam sa music, but I know how to sing. Sino rito ang marunong kumanta?" He asked the class.Maraming nagtaas ng kamay sa klase kasama na roon si Edzell. Hindi ko alam na marunong iyan kumanta. Naging maingay tuloy ang klase dahil kaniya-kaniya na sila sa pagkanta at nagpapaligasahan pa ang iba. Lalo na ang iba ay gumagawa ng riffs. May ilan pa na pumiyok kaya nagtawanan silang lahat. Nanonood lang ako sa kanila at nakikitawa. "Hindi ko alam yung lyrics, pero yung tono alam ko."Nagtawanan na naman sila nang sabihin iyon ng isa kong kaklase na bading. Natawa na rin ako dahil kumembot pa
last updateLast Updated : 2023-05-28
Read more

Chapter 27

Kumatok ako sa pinto bago ako pumasok. Agad ko siyang nakita na nakaupo sa table niya. Hindi man lang siya lumingon sa kung sino ang pumasok sa faculty.Nilapitan ko si Sir Perez na kasalukuyang may sinusulat sa folder niya. "Sir?""Yes," sagot niya na nananatiling nakatingin sa sinusulat niya."Gusto ko po sanang mag-sorry," I said on a low voice.Sinuot niya ang salamin niya sa mata at nagpatuloy pa rin sa pagsusulat. "For what, Miss Domingo?""Sa sinabi po ni Edzell kahapon,"Sa wakas ay nilingon na niya ako. Binaba niya ang suot niyang salamin. "Bakit ikaw ang nagsasabi niyan? Don't be sorry for what other's have done. It's not your fault."Napatango ako, "sorry po talaga, Sir."He didn't say a word. He just continue writing on his paper scattered on his table. "May sasabihin ka pa ba, Miss Domingo?"Napailing agad ako, "wala na po." Tumango siya kaya umalis na lang ako. Marahan kong sinara ang pinto ng faculty.Hindi pa ako nakakalayo nang tawagin ako ni Sir Aaron, "nasaan si Sir
last updateLast Updated : 2023-05-28
Read more

Chapter 28

Nakikita ko na mula rito sa kinauupuan ko si Edzell na naglalakad papunta sa akin. Bagsak ang balikat niya at parang malungkot. Umupo siya sa isang upuan na nasa harapan ko.Umiling siya, "there's no student named Hazi in this school.""Sigurado ka bang natanong mo lahat ng room?" Paninigurado ko sa kaniya.Tumingin siya sa akin nang diretso. Pinunasan niya ang pawis sa noo at leeg niya. "Andres, are you not seeing these sweats? Kahit malayo at maraming estudyante ay tinanong ko. All rooms. But, here you are asking me if I did it well?"Halatang pagod nga siya. "Eh, pasensiya na. You know, I need to know who that man is!""Why? Nawawalang kapatid mo ba siya?"Umiling ako, "no." Sagot ko. "He's my future husband."Naikunot niya ang noo niya, "what? Really? For that age? Marriage is what you're preparing? Ako nga hindi na magkanda-ugaga sa pipiliing kinabukasan ko, tapos ikaw kasal lang ang gusto?""Hindi mo naiintindihan. Syempre, hindi. I just need to marry that Hazi."Sumandal siya a
last updateLast Updated : 2023-05-29
Read more

Chapter 29

"So, what do you think?"It's John. He's making me choose for the venue of the wedding. I didn't even dare to throw a single look and just continued writing some of our presentation."Kahit malayo pa ang kasal kailangan ay maiplano na natin ito habang maaga pa. Para kung sakali man na may mali ay agad mabago."Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita kahit wala naman akong pakialam sa mga sinasabi niya. He didn't even asked me if it's fine with me to marry a man who teach.I'm never a fan of that realtionship."May ginagawa ako," sabi ko nang ilapit na niya sa akin ang hawak niyang cellphone. Doon siya tumitingin ng pwede naming marentahan na lugar.Bakit pa niya kailangang maghanap ng lugar? Sa simbahan naman kailangang ikasal ang mga tao. Pwede sa beach o kaya ay garden wedding. Masyado niyang pinahihirapan ang sarili niya."Just take a look," aniya kaya binagsak ko ang hawak kong single-pole switch at tumingin sa phone niya. "Choose where you want your reception to take place."Napapair
last updateLast Updated : 2023-05-31
Read more

Chapter 30

"Peste talaga!"Napailag ako bigla nang umangat ang braso ni Edzell! Malapit na niyang matamaan ang mata ko ng hawak niyang lighter.Nilingon naman niya ako. "Uy?“ "Surprised seeing me?" Tanong ko nang makaupo sa bakanteng upuan na malapit sa kaniya. May nakaipit na sigarilyo sa tainga niya kaya napangiwi ako."Absent ka na naman kahapon," panimula niya.Tumango ako at pinakita sa kaniya ang mga gasgas sa kamay ko, "I just finished the circuit for electrical installation."Napatango siya habang nakatingin sa kamay ko. "Ikaw lang ang gumawa?""Yup,""Bakit? Individual activity?"Umiling ako, "hindi.""Wow, ang tibay mo naman po pala. Kung ako diyan, ay nako. Hindi ako papayag. Kung ako ang gumawa mag-isa, bahala sila hanapin pangalan nila sa basurahan."Natawa ako sa sinabi niya."Alone, I finished it untroubled by commotion."Hindi siya umimik dahil naiinis siya habang pilit na pinasisindi ang hawak na maliit na lighter. Hindi iyon naglalabas ng apoy, puro sparks."I can't believe thi
last updateLast Updated : 2023-05-31
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status