NAKAIDLIP si Liza sa couch. Ginising lang siya ng nagbagsakang stainless na estante dahil sa paglalaro ni Samara ng baseball bat at sa halip na ang bilog na unan ang tamaan, ang mga estante na may iilang librong laman. Inatake na siya ng nerbiyos nang maalala na naroon na si Lola Lucy sa labas. Kababasa lang niya ng text ni Midnight at galit na. “Anak naman. Sabi ko ‘wag kang malikot, eh,” sabi niya sa anak na namumulot ng nagkalat na libro. “Sorry, Mommy,” sabi lang nito. Mabuti hindi ito dinaganan ng estante, may kabigatan pa naman. Mamaya ay pumasok si Midnight. “What’s happening here? Did you sleep, Liza?” inis na bungad nito. “Nakaidlip ako. Itong si Samara, pinaglaruan ang basekball bat,” aniya. Itatayo sana niya ang natumbang estante pero pinigil siya ni Midnight. Ito na ang nag-ayos ng mga ito. “I told you to behave, Samara.” Kinagalitan nito ang anak. “Sorry po, Daddy.” Nakatayo sa gilid ng couch si Samara at hindi gumagalaw. Si Liza naman ay pinapanood lang si Midn
Terakhir Diperbarui : 2023-04-25 Baca selengkapnya