NANG maka-recover sa sakit si Liza ay kaagad siyang pumasok sa trabaho. Halos isang linggo rin siyang hindi nakalabas ng bahay ni Midnight. Pumayag naman itong magtrabaho siya pero huwag umano siyang magbuhat ng mabigat o tumulong sa kusina. At himalang naglaan na rin ng oras si Midnight para mag-stay sa hotel para ma-monitor ang operation. Mukhang babantayan din nito ang kilos ni Richard. Sa loob lang ng opisina si Liza at inasikaso ang paperwork. Mamaya ay pumasok si Chef Greg at nagbigay ng menu book. “Welcome back po!” nakangiting bati nito sa kaniya. “Salamat,” tipid niyang tugon. “Nagkasakit ka pala. Akala namin nag-resign ka.” “Opo. Nag-sick leave ako.” “Kaya pala palaging mainit ang ulo ni Sir Richard.” Manghang tumitig siya kay Chef Greg. “Bakit naman?” “Wala ka, eh. Alam mo naman, ikaw lang ang inspirasyon n’on.” Tinukso pa siya nito. Natawa siya. “Hindi naman siguro. Baka may problema lang siya.” “Thankful ako kasi dumating ka, Liza. Kampante na ako na hindi papa
KAHIT hindi sanay ay ginawa pa rin ni Liza ang gusto ng kaniyang isip. Alam na kasi niya na gusto iyon ni Midnight. Hawak pa lang niya ang alaga nito ay ramdam na niya ang pag-uumigting ng muscles nito sa armas. Ang bilis nitong nanigas lalo nang simulan niyang hubugin.Kumapit ang kanang kamay ng asawa sa kaniyang batok. Dahil sa ginawa nito’y natukso siyang isubo ang kargada nito kahit hindi pa siya handa. Unang subo’y napahalinghing na ito. Lalo siyang nasabik at inigihan ang paglabas-masok ang alagad nito sa kaniyang bibig.Lumakas ang da*ng ni Mindight nang ibabad niya ang dulo ng alaga nito sa kaniyang bibig. Nang kapusin nang hininga’y pinalaya rin niya ito. Muli sana niya itong isubo ngunit pinigil siya ni Midnight.“That’s enough. I want to get inside you,” anas nito.Inangat lang niya ang kaniyang skirt at ibinaba ang panloob niya. Hinubad niya ito nang tuluyan. Tumayo siya sa harapan ni Midnight nang dukutin ng daliri nito ang kaniyang kaselanan. Inulos nito nang mabilis an
KAAGAD pumalatak si Liza nang lulan na siya ng kotse ni Midnight. Pauwi na sila nito. “Ano ba ang ikinagagalit mo?” mamaya ay tanong nito. “Nag-iisip ka ba? Kinausap mo ako anng personal sa harap ng mga empleyado ng hotel. Ano sa palagay mo ang iisipin nila?” “I’m tired, Liza,” sabi lang nito. “Ano? Hindi na kita maintindihan, eh. Todo payo ka sa akin kung ano ang dapat gawin para maitago ang sikreto natin. Tapos ikaw pala itong magbubunyag!” “Would you please shut up? Ang ingay mo!” singhal nito. Tumahimik naman siya at umupo nang maayos. Papasok na sila sa gate ng condo. Hindi na niya kinausap si Midnight hanggang makapasok sila ng bahay. Inasikaso kaagad niya si Samara na humihingi ng makakain. Busy sa pagtutupi ng mga nalabhang damit si Aleng Patty kaya hindi maabala. “Mommy, miss ko na si Tita Aniza,” mamaya ay sabi ni Samara. Nakaupo na ito sa harap ng lamesa at pinapapak ang niluto niyang instant pancake. “Gusto mo ba siyang bisitahin?” aniya. “Opo.” “Magpaalam ka sa
DAHIL busy pa si Midnight sa opisina, nauna na si Liza sa kaniyang bahay. Alas singko naman siya umalis ng hotel at umiwas sa mga tsismosa na inuusig siya tungkol kay Midnight. Pagpasok niya ng bahay ay naabutan niya si Samara na nagbabalat ng mais. Nakasalampak ito sa sahig. Nang makita siya’y iniwan nito ang ginagawa at kaagad itong tumakbo sa kaniya. “Mommy!” tili nito. Mahigpit itong yumapos sa baywang niya. “Bakit ang daming mais?” tanong niya. Lumabas naman mula kusina si Aniza. “Binili ko ‘yan sa palengke,” anito. “May naluto ka na bang mais?” aniya sa pinsan. “Naglalaga pa lang ako. Iyang binabalatan ni Samara, dalhin n’yo pag-uwi.” “Wow! Salamat!” Napayakap siya sa pinsan. “Saan po si Daddy, Mommy?” mamaya’y tanong ni Samara. Binalikan nito ang mais. “Nasa office pa. Mamaya niya tayo susunduin,” aniya. “Okay.” Pumasok naman siya sa kusina at inabanggang maluto ang mais ni Aniza. Hindi siya nakapag-meryenda kaya naghanap ng makakain. Nagpiprito rin ng lumpiang gulay
“UMALIS na ang loko. Sino kaya ‘yon?” maktol ni Aniza nang makabalik ng tindahan. Hindi na mapakali si Liza. Nagpaalam na siya kay Aniza na uuwi na sila. Tinulungan naman siya nito sa paglipat ng mga mais sa echo bag. “Mukhang may nag-iispiya sa atin,” sabi niya kay Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi ng condo. Nakatulog na sa backseat si Samara. Hindi pala ito natulog ng hapon ayon kay Aniza at naglaro lang. Upang hindi magatungan ang gigil ni Richard sa kanila ni Midnight, nagpanggap si Liza na mabait dito. Sinunod niya ang payo ni Midnight na kaswal lang niyang pakitunguhan si Richard. At katulad ng gusto nito, related lang dapat sa business ang usapan. Wala siyang ideya sa binabalak ni Midnight pero wala siyang choice kundi magtiwala. Maaga siyang pumasok sa hotel gamit ang kaniyang scooter. Kabisado na niya itong imaneho. Todo iwas siya sa ibang katrabaho upang huwag siyang ma-intriga pero dinig pa rin niya ang tsismis. Marami na ang nagduda sa relasyon nila ni Midnight.
HINDI maka-get over si Liza sa sinabi ni Midnight. Ayaw paawat ng puso niya sa kaba. Kaya pagkatapos ng hapunan ay naisip niyang kausapin si Midnight. Kaso busy pa ito sa paperwork sa study room. Nakaligo na siya at nakahiga sa kama. Kahit inaantok na’y tiniis niya sa kagustuhang makausap ang asawa.Papikit-pikit na siya nang biglang dumating si Midnight. Napamulagat siya para mapansin siya nito.“You didn’t sleep yet?” untag nito. Naghubad ito ng pajama at t-shirt.Titig na titig siya rito at inalipin ng pagnanasa ang kaniyang sistema, lalo nang humiga sa kaniyang tabi si Midnight.“What?” matigas nitong tanong. Nagsasalubong ang mga kilay nito.“Uh…. w-wala naman,” naiilang niyang sabi.Kumislot siya nang hawakan siya nito sa braso at hinatak palapit dito. Umisod naman siya at isiniksik ang sarili sa katawan nito. Lalong nag-init ang pakiramdam niya nang yumakap siya sa matipunong dibdib ng asawa. Banayad niyang ikiniskis ang isang paa sa mabalbong binti nito.“Aralin mo ang operati
NABALING ang tingin ni Liza kay Richard na siyang umabala sa kaniya. “Let’s dine?” anito. Tumango siya pero mayamaya ang sipat niya kay Midnight. Napanatag siya nang lumayo ito kay Mica at tuluyang umalis. Itinuloy na lamang niya ang pamimili ng pagkain. Gusto niyang iwasan si Richard pero naunahan siya ng takot. Nang lumipat sila sa bakanteng cocktail table ay nilapitan sila ni Mica. Sumasayaw ito habang hawak ang baso ng cocktail. “Are you two dating?” tanong nito. Hindi kumibo si Liza. Nagpatuloy siya sa pagsubo ng pagkain. “Mica, you’re drunk. Umuwi ka na kaya,” sita rito ni Richard. “No, I can’t leave without seeing Midnight!” Tumawa nang pagak si Richard. “Don’t waste your effort on the man who doesn’t care about you.” Nanlisik ang mga mata ni Mica kay Richard. “Stop teasing me, Richard. Sabihin mo na sa akin kung sino ang babaeng kinababaliwan ni Midnight! He keeps on lying to me!” Kumabog na ang dibdib ni Liza. Pakiramdam niya’y inaapuyan ang kaniyang katawan. “I’ll
NAPATILI si Liza nang makitang bumulagta sa sahig si Richard matapos suntukin ni Midnight sa mukha. Awtomatikong tumugo ang ilong nito. Nagkagulo na sa party at nakiusyoso ang mga empleyadong nakakita.Pinigil niya sa kanang braso si Mindight na gusto pang sundan ng suntok si Richard. Nakatayo naman si Richard at pinahid ng panyo ang dugo sa ilong. Pero kahit nasaktan na, nagawa pa nitong ngumisi.“Para saan ang suntok, Midnight?” tanong nito kay Midnight.“You trespassed my teritory, bastard!” makahulugang tugon naman ni Midnight.“Really? You assumed that you owned Liza?” Tumawa si Richard.Nag-panic na si Liza. Nakapalibot sa kanila ang mga empleyado. Tumigil ang tugtog kaya rinig na rinig ang mga sinabi ni Richard.“Richard!” awat dito ni Midnight.Pero nawalan na ng kontrol si Richard. “No! People deserve to know their boss’s hidden business here.” Humarap pa si Richard sa mga empleyado. “Hey, people! Listen to me. Alam ko nagduda kayo sa amin ni Liza, pero ang totoo, wala kaming
HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis
NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I
PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa
NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c
NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis
BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n
“I told you to stop entertaining Richard!” gigil na asik ni Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi. Panay ang pahid ni Liza ng panyo sa mamasa-masa niyang pisngi dahil sa luha. “Kailangan ni Richard ng kausap. Nadi-depress siya,” aniya. “He was just making an excuse para maawa ka sa kaniya, Liza! Bakit ba napakarupok mo, ha?” “Hindi mo kasi naintindihan, Midnight! Wala kang pakialam sa taong nakaranas ng mental damage, kasi hindi sila kasing tapang mo!” Tumalim ang titig sa kaniya ni Midnight. “Iniisip mo ang feelings ng ibang tao, why not asking yourself if you’re okay? Wala kang ideya kung paano sinira ni Richard ang relasyon namin ni Lola, Liza. Sinira niya tayo kay Lola, and now, you still care for that bastard?” May gusto siyang ipaintindi kay Midnight na malamang ay ayaw nitong tanggapin. Alam niya kung bakit nagkakaganoon si Richard, kaya ayaw niyang isipin na wala itong ibang dahilan bakit sila ginugulo. “Mentally unstable si Richard, katulad mo, lumaki siyang wasak ang
KUMALMA naman si Midnight nang magsalita si Mica. “Don’t worry, I’m fine now,” ani Mica. Tumayo na ito. Pinaupo ni Liza si Midnight sa swivel chair. “Nag-usap lang kami ni Mica,” sabi niya sa asawa. Umupo namang muli si Mica. “I’m here to talk about my investment. I decided to move to the US and start a new business and stay there for life,” anito. “Pina-process ko na ang reimbursement mo. I’ll send you the details and the money straight to your account,” sabi naman ni Midnight. Habang nag-uusap ang dalawa ay nagpaalam si Liza at pumasok sa banyo. Nakaramdam kasi siya ng panaka-nakang pagkahilo. Tumambay siya sa banyo habang ka-chat si Aleng Patty. Kinumusta niya si Samara. Paglabas niya ay wala na si Mica. May kausap na sa cellphone si Midnight, secretary ata nito. “I need the update today. And kindly contact my lawyer and ask for an appointment. I need to talk to him tomorrow if he’s available,” sabi nito sa kausap. Umupo siya sa couch at hinintay matapos sa kausap nito si M
NANG sabihin ni Liza kay Midnight ang tungkol sa lola nito ay biglang umalis. Bumiyahe ito pabalik ng Maynila pagkatapos nilang naghapunan. Inatake na naman ng nerbisyos si Liza. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon nila. Natitiyak niya na nahihirapan na rin si Midnight. Kinabukasan na bumalik si Midnight at nagpasya si Liza na uuwi na sila ng Maynila. Wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya. Lalo lang siyang na-stress. “Babalik na lang ako sa trabaho,” sabi niya nang lulan na sila ng kotse pabalik ng Maynila. “You need more rest, Liza,” ani Midnight; nagmamaneho ito. “Mas lalo akong stress na walang ginaggawa. At saka sabi mo maraming trabaho sa hotel.” “Are you sure? Kaya mo nang magtrabaho?” “Oo naman.” Malapad siyang ngumiti upang maitago ang pagkabalisa. “Okay, but you will stay in my office and don’t work much.” Tumango lang siya. Pagdating sa condo ay umalis din kaagad si Midnight. May meeting pa umano ito at gabi na makauuwi. Ang sabi nito, okay naman da