All Chapters of The Cold Billionaire's Secret Wife: Chapter 31 - Chapter 40

68 Chapters

Chapter 31

WALANG imik si Midnight hanggang sa makauwi sila sa condo. Naiilang naman si Liza na kausapin ito dahil mainit ang ulo. Pagpasok ng kuwarto ay inusisa nito ang dala niya. “You bought these?” tanong nito nang makita ang paintings at rebulto ng anghel. “Uh, h-hindi. Binigay ‘yan sa akin ni Richard. Para kay Samara naman ang angel,” aniya. “Sana iniwan mo na lang ‘yan sa bahay mo. Wala kang paglalagyan ng painting na ‘yan dito.” Nagsalubong ang maninipis niyang kilay. “Huwag mong idamay ang painting sa inis mo kay Richard. Binigay niya ito sa akin kaya akin na,” aniya. Kinuha niya ang painting at rebulto saka dinala sa kuwarto ni Samara. Doon niya ito inilagay para hindi pakialaman ni Midnight. Sinusumpong na naman ng taglamig si Midnight. Kaagad itong natulog at hindi na umusisa kung ano ang nangyari sa party. Pero habang pinagmamasdan niya itong tulog, naiisip niya kung paano lumaki si Midnight. Ang lungkot ng buhay nito. Tuwid itong nakahiga at nakataas ang kanang braso sa uluha
last updateLast Updated : 2023-04-17
Read more

Chapter 32

HINDI na nakatanggi si Liza nang magpasya si Midnight na doon sila matutulog sa rest house. Day off naman niya kinabukasan kaya mahaba-haba ang moment nila sa bakasyon. Pagkatapos malinis ang bahay ay pinuntahan nila ni Midnight si Samara pero hindi sila magkasama. May distansiya ito sa kaniya at pasimpleng pasipat-sipat sa kanila sa swimming pool para sa mga bata. Naligo na rin siya kasama ng kaniyang anak. Mabuti tumigil na ang period niya. Ang bilis nakahakot ng kalaro ni Samara. Namataan niya si Midnight na kausap ang isang lifeguard. Nakasuot ito ng sunglasses kaya hindi niya alam kung nakatingin ba ito sa kanila. Ang daming tao, palibhasa Linggo at walang pasok sa opisina ang iba. Masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya pinaahon na niya si Samara. Kahit may lotion ito, kayumanggi na ang balat. Nagbanlaw sila sa shower room. May lalaking staff ang nag-assist sa kanila. Pinsan pala ang pakilala ni Midnight sa kaniya sa staff. Inasikaso sila ng staff sa restaurant at nabigyan
last updateLast Updated : 2023-04-18
Read more

Chapter 33

“SINO ang pinsan mo na tinutukoy ng lifeguard, Midnight?” namumurong tanong ni Lucy kay Midnight.He stared at his grandmother calmly as he got an idea of how to deal with a problem. “She’s Aunt Patty’s daughter,” he said.Wala namang alam ang lola niya sa buhay ng tiyahin niya na kapatid ng kaniyang ina. Magkagalit ang mga ito.“Ah, so, nagsisilbi pa rin sa ‘yo si Patty, ah? Hindi ba wala siyang asawa?” anito.“She never been married but had a child.” Totoo namang may anak sa pagkadalaga ang tiyahin niya pero lalaki.“Nakatira ba sa bahay mo si Patty?”“N-No. She just went there to clean the house.”“At nasaan na ang pinsan mo?”“Umalis na sila kasama ang anak niya at si Tita Patty. Nag-harvest lang sila ng grapes at naligo.”Inuusig siya ng tingin ng kaniyang lola. Sumubo ito ng hinog na papaya. “Siya nga pala. May balita ako tungkol kay Liza Alcaraz,” mamaya ay sabi nito.Napatitig siya sa kaniyang lola. “What about her?” he asked casually.“Kaninang napadaan ako sa dating bahay ng
last updateLast Updated : 2023-04-19
Read more

Chapter 34

“ARE you drunk?” tanong ni Midnight kay Liza.Sa tagal nilang naghalikan ay iyon lang ang naisip nitong itanong. Nainis siya rito at iniwan sa damuhan. Pumuslit siya ng matapang na wine sa restaurant at itinago sa basket ng ubas. Hindi naman iyon nakalalasing pero nagpapainit ng katawan.“Wine lang ang nainom ko,” nakangusong sabi niya.“And where did you get the wine?” Tumayo na ito at bumuntot sa kaniya.Sumakay na siya sa scooter pero marahang pinausad. Hindi naman siya natumba ulit, sinadya niyang ipahiga ang scooter at nagkunwaring hinimatay para takutin si Midnight. At nagtagumpay siya sa pilya niyang plano.“Humingi ako sa restaurant at pina-charge sa pangalan mo,” tugon niya.“Sh*t! You scared me!” usal nito.Napangiti siya. “Takot ka rin palang mamatay ako, pakipot ka pa,” bulong niya.“What did you say?” tanong nito.“Wala!” Binilisan niya ang takbo ng scooter.Nang makapagpahinga ay saka lang niya dinamdam ang kirot sa kaniyang hita. Nagkapasa na ang nalamog niyang hita. Ni
last updateLast Updated : 2023-04-19
Read more

Chapter 35

DAHIL wala pang driver’s license, naglalakad lang si Liza papuntang hotel. Busy na sa trabaho si Midnight at wala nang oras masundo siya sa hotel. Minsan pa’y nasa ibang lugar ito at ilang araw hindi nakakauwi.Katulad ng sinabi ni Midnight, kailangan niyang iwasan si Richard. Ngunit inaasahan na niya na magtataka ang binata. Gumagawa siya ng paraan upang hindi sila magkita sa labas.“Are you avoiding me, Liza?” tanong ni Richard pagkatapos ng meeting sa umaga.Hindi siya nakaalis at hinarap ito. “Ha? H-Hindi,” mariing kaila niya.“You didn’t answer my calls.”“Uhm, nagkataon siguro na busy ako noong tumawag ka.”“Ilang beses akong dumaan sa bahay mo pero tahimik. Doon ka pa ba nakatira?”Natigagal siya. Ginupo na siya ng kaba. “Oo naman. Pero minsan kasi kailangan kong puntahan si Samara lalo na wala si Midnight sa bahay niya.”“And you slept at Midnight’s house?”“Yes, para makasama ko ang anak ko.”“Mamaya ba ay pupuntahan mo si Samara?”Hindi siya makatingin nang diretso sa mga ma
last updateLast Updated : 2023-04-20
Read more

Chapter 36

KAHIT late na ay pumasok pa rin sa trabaho si Liza dahil nakailang tawag na si Richard. Mag-uumaga na kasi siyang nakatulog dahil tinulungan niya si Midnight na maayos ang papeles na kailangan nito sa meeting.“Hindi pa ba nakauwi si Midnight?” tanong ni Richard.Patungo na sila sa venue ng tourism events lulan ng kotse nito.“Nakauwi na pero nasa Batangas siya ngayon para sa meeting,” turan niya.“So, nakauwi ka na sa bahay mo?”Sinipat niya si Richard. Kailangan na naman niyang magsinungaling. “Uh, oo.”“Kumusta na pala si Samara? Nami-miss ko na ang batang ‘yon. Kailan mo naman siya dadalhin sa bahay mo para mabisita ko?”Kumibit-balikat siya. “Hindi ako sigurado. Nag-e-enjoy pa siya sa bahay ni Midnight.”“Baka sinasanay na siya roon ni Midnight hanggang sa ayaw nang uuwi sa ‘yo.” Ngumisi si Richard.Natanto niya na tama si Midnight. Gustong manipulahin ni Richard ang isip niya upang huwag siyang magtiwala kay Midnight. Kung siguro hindi niya alam ang pinagdadaanan ni Midnight, ba
last updateLast Updated : 2023-04-20
Read more

Chapter 37

“WHAT happened?” tanong ni Midnight pagpasok nila ng kuwarto. Naghubad kaagad ng damit si Liza upang maligo. “Nalasing si Richard,” aniya. Hindi siya makapagpasya kung dapat ba niyang ikuwento kay Midnight ang mga napag-usapan nila ni Richard. Alam niya hindi lang basta gumagawa ng kuwento si Richard. May pinanghuhugutan ito. “May ginawa ba siya?” usisa nito. “Wala naman. Nawalan siya ng control sa sarili at naging emosyonal.” “Ano’ng mga sinabi niya?” Nagsuot siya ng roba at humarap kay Midnight. Naisip niya na mas mainam maging open siya rito nang mas magkaintindihan sila. “Naglabas siya ng hinaing tungkol kay Lola Lucy at sa ‘yo. Marami siyang sinabi tungkol sa mga sikreto n’yo.” “And you believe in him, don’t you?” Bumuga siya ng hangin. “May point din naman siya dahil ako mismo nakaranas ng kalupitan ng lola mo. At least alam ko na ang dahilan.” Humakbang palapit sa kaniya si Midnight. “Huwag kang maniwala sa lahat ng sinabi ni Richard, Liza. He’s good at manipulating
last updateLast Updated : 2023-04-21
Read more

Chapter 38

KATUWANG ni Liza si Midnight sa paghahanda ng hapunan. Naghuhugas siya ng mga gulay nang mapansin niya ito’ng may inalis sa daliri. Nasipat niya ang singsing na ibinulsa nito. Naalala niya bigla ang ginang sa tourism event na nakausap niya.“Wedding ring ba ‘yan?” hindi natimping tanong niya sa asawa.“Yes,” tipid nitong tugon. Sinimulan na nito ang paghiwa sa karne ng manok.“Suot mo pala ‘yan kanina?” manghang untag niya.“Isinuot ko ito kanina nang pumunta akong office at hinarap ang makulit na investor.”Umalis ito ng ala una noong nasa LTO office siya. Bumalik lang ito pagkalipas ng isang oras. Hindi niya napansin ang singsing nito.“Oo nga pala, may naalala ako. Noong um-attend kami ni Richard sa tourism events, may nakausap akong ginang. Nabanggit niya na nakita ka niyang may suot na singsing. At sinabi mo sa taong nagtanong na may asawa ka na. Totoo ba ‘yon?” aniya.“Yes.”“Bakit? Akala ko ba sikreto ang kasal natin? Ikaw pala itong magpapahamak sa atin, eh.” Pumalatak na siya
last updateLast Updated : 2023-04-21
Read more

Chapter 39

ALAS singko ng hapon nakalabas ng hotel si Liza. Naglakad lang siya pero kung kailan malapit na siya sa condo ni Midnight ay biglang umulan, hindi kalasan pero sapat upang basain ang lupa. Wala pa naman siyang dalang payong kaya napatakbo siya. Mas nai-secure pa niya ang laman ng kaniyang bag kaysa kaniyang katawan. Nabasa na siya at nalanghap ang singaw ng lupa. Nanikip ang dibdib niya sa nalanghap mula sa lupa. Pagdating niya sa condo ay naabutan niya si Samara na naliligo sa indoor swimming pool na mababaw. Nilapitan kaagad siya ni Aleng Patty, may dala itong tuwalya ni Samara. “Nako, iha, pinaligo ko na si Samara kasi kanina inabutan ng ulan sa hardin. Nabasa na siya kaya tuloy pinaligo ko,” sumbong ng ginang. Dahil nabasa na rin siya, sinamahan niya sa pool si Samara. “Ako na po ang bahala rito, Tita,” aniya. Kinuha niya sa ginang ang tuwalya. “Mommy nabasa ka rin po ba ng ulan?” tanong ni Samara. Hubo’t hubad itong naliligo sa pool. “Oo, anak. Wait mo ako rito at kukuha ak
last updateLast Updated : 2023-04-22
Read more

Chapter 40

PAGDATING ni Liza ng condo ay naroon na si Midnight at may kasamang doktor na lalaki. Mukhang kararating lang din ng mga ito at papasok pa lang ng kuwarto ni Samara. Tiningnan kaagad ng doktor ang bata.Hindi nakalapit si Liza dahil hinila siya ni Midnight pabalik sa pintuan. Nanlilisik ang mga mata nito sa kaniya.“Saan ka pa ba nagpunta? Dumaan ako sa hotel pero wala ka. Kamasa mo raw si Richard!” Pumalatak na ito.“May pinuntahan kaming event na may catering ng hotel mo,” tugon niya.“At bakit kailangang isama ka pa niya? Lagpas ka na sa oras ng duty mo!”“Magkasunod ang events at catering sa hotel, Mindight, busy lahat ng staff. Kailangan matiyak na maayos ang cataring services ourdoor.”Tumatagis ang bagang nito sa gigil. “Alam mong hindi na maganda ang pakiramdam ni Samara ng umaga pa lang. Sana hindi ka na pumasok sa trabaho!”Magsasalita pa sana siya ngunit bigla siyang nahilo. Napakapit siya sa balikat ni Midnight.“Liza?” Sinalo siya nito sa likod nang tuluyan siyang manghin
last updateLast Updated : 2023-04-22
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status