Share

Chapter 35

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2023-04-20 14:12:36

DAHIL wala pang driver’s license, naglalakad lang si Liza papuntang hotel. Busy na sa trabaho si Midnight at wala nang oras masundo siya sa hotel. Minsan pa’y nasa ibang lugar ito at ilang araw hindi nakakauwi.

Katulad ng sinabi ni Midnight, kailangan niyang iwasan si Richard. Ngunit inaasahan na niya na magtataka ang binata. Gumagawa siya ng paraan upang hindi sila magkita sa labas.

“Are you avoiding me, Liza?” tanong ni Richard pagkatapos ng meeting sa umaga.

Hindi siya nakaalis at hinarap ito. “Ha? H-Hindi,” mariing kaila niya.

“You didn’t answer my calls.”

“Uhm, nagkataon siguro na busy ako noong tumawag ka.”

“Ilang beses akong dumaan sa bahay mo pero tahimik. Doon ka pa ba nakatira?”

Natigagal siya. Ginupo na siya ng kaba. “Oo naman. Pero minsan kasi kailangan kong puntahan si Samara lalo na wala si Midnight sa bahay niya.”

“And you slept at Midnight’s house?”

“Yes, para makasama ko ang anak ko.”

“Mamaya ba ay pupuntahan mo si Samara?”

Hindi siya makatingin nang diretso sa mga ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
thanks author
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
at tungkol sa bata,makulit tlga at kailangan ng mahabang pasnsya at oras upang masabayan at gabayan na rin hbng lumalaki, parenthood is not easy ,u both, need to be more careful towards samara...children nowadays ay mas sensitibo sa mga pakrmdam
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 36

    KAHIT late na ay pumasok pa rin sa trabaho si Liza dahil nakailang tawag na si Richard. Mag-uumaga na kasi siyang nakatulog dahil tinulungan niya si Midnight na maayos ang papeles na kailangan nito sa meeting.“Hindi pa ba nakauwi si Midnight?” tanong ni Richard.Patungo na sila sa venue ng tourism events lulan ng kotse nito.“Nakauwi na pero nasa Batangas siya ngayon para sa meeting,” turan niya.“So, nakauwi ka na sa bahay mo?”Sinipat niya si Richard. Kailangan na naman niyang magsinungaling. “Uh, oo.”“Kumusta na pala si Samara? Nami-miss ko na ang batang ‘yon. Kailan mo naman siya dadalhin sa bahay mo para mabisita ko?”Kumibit-balikat siya. “Hindi ako sigurado. Nag-e-enjoy pa siya sa bahay ni Midnight.”“Baka sinasanay na siya roon ni Midnight hanggang sa ayaw nang uuwi sa ‘yo.” Ngumisi si Richard.Natanto niya na tama si Midnight. Gustong manipulahin ni Richard ang isip niya upang huwag siyang magtiwala kay Midnight. Kung siguro hindi niya alam ang pinagdadaanan ni Midnight, ba

    Last Updated : 2023-04-20
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 37

    “WHAT happened?” tanong ni Midnight pagpasok nila ng kuwarto. Naghubad kaagad ng damit si Liza upang maligo. “Nalasing si Richard,” aniya. Hindi siya makapagpasya kung dapat ba niyang ikuwento kay Midnight ang mga napag-usapan nila ni Richard. Alam niya hindi lang basta gumagawa ng kuwento si Richard. May pinanghuhugutan ito. “May ginawa ba siya?” usisa nito. “Wala naman. Nawalan siya ng control sa sarili at naging emosyonal.” “Ano’ng mga sinabi niya?” Nagsuot siya ng roba at humarap kay Midnight. Naisip niya na mas mainam maging open siya rito nang mas magkaintindihan sila. “Naglabas siya ng hinaing tungkol kay Lola Lucy at sa ‘yo. Marami siyang sinabi tungkol sa mga sikreto n’yo.” “And you believe in him, don’t you?” Bumuga siya ng hangin. “May point din naman siya dahil ako mismo nakaranas ng kalupitan ng lola mo. At least alam ko na ang dahilan.” Humakbang palapit sa kaniya si Midnight. “Huwag kang maniwala sa lahat ng sinabi ni Richard, Liza. He’s good at manipulating

    Last Updated : 2023-04-21
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 38

    KATUWANG ni Liza si Midnight sa paghahanda ng hapunan. Naghuhugas siya ng mga gulay nang mapansin niya ito’ng may inalis sa daliri. Nasipat niya ang singsing na ibinulsa nito. Naalala niya bigla ang ginang sa tourism event na nakausap niya.“Wedding ring ba ‘yan?” hindi natimping tanong niya sa asawa.“Yes,” tipid nitong tugon. Sinimulan na nito ang paghiwa sa karne ng manok.“Suot mo pala ‘yan kanina?” manghang untag niya.“Isinuot ko ito kanina nang pumunta akong office at hinarap ang makulit na investor.”Umalis ito ng ala una noong nasa LTO office siya. Bumalik lang ito pagkalipas ng isang oras. Hindi niya napansin ang singsing nito.“Oo nga pala, may naalala ako. Noong um-attend kami ni Richard sa tourism events, may nakausap akong ginang. Nabanggit niya na nakita ka niyang may suot na singsing. At sinabi mo sa taong nagtanong na may asawa ka na. Totoo ba ‘yon?” aniya.“Yes.”“Bakit? Akala ko ba sikreto ang kasal natin? Ikaw pala itong magpapahamak sa atin, eh.” Pumalatak na siya

    Last Updated : 2023-04-21
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 39

    ALAS singko ng hapon nakalabas ng hotel si Liza. Naglakad lang siya pero kung kailan malapit na siya sa condo ni Midnight ay biglang umulan, hindi kalasan pero sapat upang basain ang lupa. Wala pa naman siyang dalang payong kaya napatakbo siya. Mas nai-secure pa niya ang laman ng kaniyang bag kaysa kaniyang katawan. Nabasa na siya at nalanghap ang singaw ng lupa. Nanikip ang dibdib niya sa nalanghap mula sa lupa. Pagdating niya sa condo ay naabutan niya si Samara na naliligo sa indoor swimming pool na mababaw. Nilapitan kaagad siya ni Aleng Patty, may dala itong tuwalya ni Samara. “Nako, iha, pinaligo ko na si Samara kasi kanina inabutan ng ulan sa hardin. Nabasa na siya kaya tuloy pinaligo ko,” sumbong ng ginang. Dahil nabasa na rin siya, sinamahan niya sa pool si Samara. “Ako na po ang bahala rito, Tita,” aniya. Kinuha niya sa ginang ang tuwalya. “Mommy nabasa ka rin po ba ng ulan?” tanong ni Samara. Hubo’t hubad itong naliligo sa pool. “Oo, anak. Wait mo ako rito at kukuha ak

    Last Updated : 2023-04-22
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 40

    PAGDATING ni Liza ng condo ay naroon na si Midnight at may kasamang doktor na lalaki. Mukhang kararating lang din ng mga ito at papasok pa lang ng kuwarto ni Samara. Tiningnan kaagad ng doktor ang bata.Hindi nakalapit si Liza dahil hinila siya ni Midnight pabalik sa pintuan. Nanlilisik ang mga mata nito sa kaniya.“Saan ka pa ba nagpunta? Dumaan ako sa hotel pero wala ka. Kamasa mo raw si Richard!” Pumalatak na ito.“May pinuntahan kaming event na may catering ng hotel mo,” tugon niya.“At bakit kailangang isama ka pa niya? Lagpas ka na sa oras ng duty mo!”“Magkasunod ang events at catering sa hotel, Mindight, busy lahat ng staff. Kailangan matiyak na maayos ang cataring services ourdoor.”Tumatagis ang bagang nito sa gigil. “Alam mong hindi na maganda ang pakiramdam ni Samara ng umaga pa lang. Sana hindi ka na pumasok sa trabaho!”Magsasalita pa sana siya ngunit bigla siyang nahilo. Napakapit siya sa balikat ni Midnight.“Liza?” Sinalo siya nito sa likod nang tuluyan siyang manghin

    Last Updated : 2023-04-22
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 41

    KINUHAAN ng doktor ng blood sample si Liza at pinadala sa laboratory. Maraming test daw itong gagawin. Dahil umatake ang hika ni Liza, kinabitan ito ng oxygen, dextrose. Dahil sa sobrang baba ng blood pressure nito, humina ang puso nito at kinailangang ma-monitor. Payo ng doktor, once hindi umakyat ang BP ng pasyente, dadalhin na nila ito sa ospital para sa ibang test na doon lang gagawin. Hindi mapakaling pabalik-balik si Midnight sa kaniyang kuwarto at kay Samara. Hindi niya hinayaang makita ng anak niya si Liza. And while focusing his mind on the situation, he was possessed by odd emotions that he hadn’t felt before. Nasa kuwarto siya ni Samara nang may tumawag sa kaniyang cellphone. Kamamadali niyang madampot ito ay napindot na niya ang answer key, and he lately realized that the caller was Mica. Nagsalita na ito. “Night, are you there?” anito. Inilapat na lamang niya ang cellphone sa tainga saka lumabas ng kuwarto. “What do you want?” tanong niya sa matigas na tinig. “Lola L

    Last Updated : 2023-04-23
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 42

    NAPAWI ang kaba ni Midnight nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang nurse na ginang. Tulak-tulak nito si Liza na nakasupo sa wheelchair. Dala ng doktor ang wheelchair na iyon sa kotse at nagamit din ng pasyente. “What happened?” kaagad ay tanong niya sa nurse. Namumutla si Liza at halos hindi maimulat ang mga mata. Labis itong nanghihina. “Nagsuka siya, sir, at saka umihi,” tugon ng nurse. Nang lapitan niya si Liza ay bigla siya nitong hinawakan sa kanang kamay. Tumingala ito sa kaniya. “S-Si Samara?” malamyang tanong nito. “She’s okay,” mabilis niyang sagot. Dahil hirap makatayo si Liza, binuhat na niya ito at inilipat sa kama. Bumalik naman ang doktor mula sa hardin kung saan niya ito nasipat bago pumasok ng bahay. May kausap ito sa cellphone nang makita niya kaya hindi na niya inabala. Nilapitan niya ang doktor at kinausap. “How’s my wife, Doc?” he asked. “Good news, she’s recovering her BP. You don’t have to worry about her, Mr. Saavedra,” tugon ng doktor. He heave

    Last Updated : 2023-04-23
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 43

    NAPAPAYAG ni Liza si Midnight na bisitahin siya ni Richard para sa kaligtasan ng sikreto nila. Para walang isyu, pinalipat siya nito sa guest room at sinundo nito si Richard sa labas ng condo.Kasama ni Liza sa guest room si Samara at hindi ito makatulog. Nakahiga ito sa kaniyang tabi at siya naman ang binabasahan ng libro pambata. Ang bagal nitong magbasa, at least marunong na kahit mali-mali ang bigkas. Mamaya ay dumating si Midnight kasama na si Richard na may dalang isang basket na prutas at bouquet ng bulaklak. Inilapag nito ang mga ito sa lamesa sa may gilid ng pintuan.“Tito Richard!” sabik na sigaw ni Samara. Tumalon ito mula sa kama at sinugod si Richard. Yumapos ito sa hita ng binata.“Hello! How are you?” ani Richard. Umuklo ito upang magpantay kay Samara.“May sakit po ako at si Mommy,” tugon ni Samara, nakasimangot.“Mukhang wala ka namang sakit. Ang sigla mo, eh.”“Kasi po uminom na ako ng gamot. Pero may sipon ako.”“Mawawala rin ‘yan. Kain ka ng maraming prutas at gula

    Last Updated : 2023-04-24

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 68

    HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 67

    NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 66

    PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 65

    NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 64

    NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 63

    BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 62

    “I told you to stop entertaining Richard!” gigil na asik ni Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi. Panay ang pahid ni Liza ng panyo sa mamasa-masa niyang pisngi dahil sa luha. “Kailangan ni Richard ng kausap. Nadi-depress siya,” aniya. “He was just making an excuse para maawa ka sa kaniya, Liza! Bakit ba napakarupok mo, ha?” “Hindi mo kasi naintindihan, Midnight! Wala kang pakialam sa taong nakaranas ng mental damage, kasi hindi sila kasing tapang mo!” Tumalim ang titig sa kaniya ni Midnight. “Iniisip mo ang feelings ng ibang tao, why not asking yourself if you’re okay? Wala kang ideya kung paano sinira ni Richard ang relasyon namin ni Lola, Liza. Sinira niya tayo kay Lola, and now, you still care for that bastard?” May gusto siyang ipaintindi kay Midnight na malamang ay ayaw nitong tanggapin. Alam niya kung bakit nagkakaganoon si Richard, kaya ayaw niyang isipin na wala itong ibang dahilan bakit sila ginugulo. “Mentally unstable si Richard, katulad mo, lumaki siyang wasak ang

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 61

    KUMALMA naman si Midnight nang magsalita si Mica. “Don’t worry, I’m fine now,” ani Mica. Tumayo na ito. Pinaupo ni Liza si Midnight sa swivel chair. “Nag-usap lang kami ni Mica,” sabi niya sa asawa. Umupo namang muli si Mica. “I’m here to talk about my investment. I decided to move to the US and start a new business and stay there for life,” anito. “Pina-process ko na ang reimbursement mo. I’ll send you the details and the money straight to your account,” sabi naman ni Midnight. Habang nag-uusap ang dalawa ay nagpaalam si Liza at pumasok sa banyo. Nakaramdam kasi siya ng panaka-nakang pagkahilo. Tumambay siya sa banyo habang ka-chat si Aleng Patty. Kinumusta niya si Samara. Paglabas niya ay wala na si Mica. May kausap na sa cellphone si Midnight, secretary ata nito. “I need the update today. And kindly contact my lawyer and ask for an appointment. I need to talk to him tomorrow if he’s available,” sabi nito sa kausap. Umupo siya sa couch at hinintay matapos sa kausap nito si M

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 60

    NANG sabihin ni Liza kay Midnight ang tungkol sa lola nito ay biglang umalis. Bumiyahe ito pabalik ng Maynila pagkatapos nilang naghapunan. Inatake na naman ng nerbisyos si Liza. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon nila. Natitiyak niya na nahihirapan na rin si Midnight. Kinabukasan na bumalik si Midnight at nagpasya si Liza na uuwi na sila ng Maynila. Wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya. Lalo lang siyang na-stress. “Babalik na lang ako sa trabaho,” sabi niya nang lulan na sila ng kotse pabalik ng Maynila. “You need more rest, Liza,” ani Midnight; nagmamaneho ito. “Mas lalo akong stress na walang ginaggawa. At saka sabi mo maraming trabaho sa hotel.” “Are you sure? Kaya mo nang magtrabaho?” “Oo naman.” Malapad siyang ngumiti upang maitago ang pagkabalisa. “Okay, but you will stay in my office and don’t work much.” Tumango lang siya. Pagdating sa condo ay umalis din kaagad si Midnight. May meeting pa umano ito at gabi na makauuwi. Ang sabi nito, okay naman da

DMCA.com Protection Status