Nang wala na ang iba at sila na lang ni Alexander ang naiwan ay nagmamadaling nagpaliwanag muli si Ava sa kanilang Dean. "Mrs. Rosella, sorry po muli sa nangyayaring gulo sa pagitan ng estudyante ko. Ang tungkol po sa bentang na bulaklak, siguraduhin ko po na hindi mauulit at walang magaganap na labag sa bata ng paaralang ito.""Good at aasahan ko iyan, Ms. Lopez." Rosella said with a stern voice. "Thank you po Mrs. Rosella." Pagkasabi niyon ay nilingon niya ang binata. "Mr. Alexander, alam kong hindi ikaw ang gustong mang prank sa akin. Pero sana ay hindi na tayo umabot sa ganito at maging aral ang nangyari ngayon.""Huwag kayong mag-alala, Miss, hindi ako gagawa ng isang hakbang na ikasisira ng iyong reputasyon." Ngumiti si Alexander sa dalaga.Mabilis niyang iniwas ang tingin sa binata at humarap sa Dean. "Pinaiwan ko kayong dalawa dito hindi para pagalitan. E remind ko lang kayo na kung magligawan kayo ay make it secretly and not here in university."Namula nang husto ang pisngi
Read more