Muling napahanga si Miranda kay Alexander nang ma perfect nito ang exam. Hindi lang ito guwapo, ang talino din. Si Brix ay hindi rin naman pahuhuli ngunit lima ang mali. Siya? Sabit sa pasang awa katulad sa iba pa. Hindi bale, ang mahalaga ay may maipagmamalaki pa rin siya at iyon ay kagandahan ng mukha at katawan."Girl, seryuso ka na si Alexander na ang kukunin mong escort sa iyong kaarawan?" pabulong na tanong ni Julie."Yes, madali na lang ipabago ang nasa invitation." Ngumiti siya at alam niyang lahat ng gusto ay ibibigay ng kaniyang ina dahil nag iisa lamang siyang anak na babae nito. Ang mga kapatid ay mahal din siya at handang makipagsuntukan kapag nasaktan siya."Ang tanong ay kung pumayag ba?" Mukhang nang aasar na tanong ni Julie sa kaibigan.Inirapan ni Miranda ang kaibigan vacant time nila kaya may oras na magdaldalan. Pumunta sila ng canteen at hinanap si Alexander ngunit hindi makita. ..."Ms. Ava, may dumating nga palang regalo para sa iyo at nasa faculty." Bati ni Lu
Last Updated : 2024-09-02 Read more