Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Chapter 471 - Chapter 480

All Chapters of THE BEST MISTAKE: Chapter 471 - Chapter 480

562 Chapters

Chapter 468-Paghingi ng tulong

Napahiyaw si Beatrix at hindi magawang makaganti kay Clara dahil pinagtulungan siya nito at ng babaeng kasama. "Mommy, Aldrin, help me!"Nanlaki lalo ang mga mata ni Lita nang makita ang anak na kinawawa na ni Clara. Gustohin man niya itong tulungan ay hindi magawa dahil naka posas na siya at hindi pa alam ng anak. Mga kaanak nila ay mukhang naistatwa na sa kinatayuan at hindi manlang tunulungan si Beatrix. Halata ring takot mangialam ang nga ito at ayaw madamay sa gulong pinasok nila ng anak niya. Ang asawa, may mga armadong kalalakihan ding nakapalibot dito kaya hindi makapalag. Ang sa pamilya sa side ni Aldrin ay nanonood lang din at hindi manlang naawa sa anak niya.Tinakpan ni Sunshine ang mata ng apo upang hindi makita ang gulo sa paligid. Ang anak ay blangko ang tingin at hinayaan lang si Clara upang mailabas nito ang galit na matagal na nitong kinikimkim sa puso. Siniguro naman ni Aldrin na hindi masasaktan si Clara. Lumapit siya sa mga ito upang madaling mailayo si Clara sa
last updateLast Updated : 2024-07-15
Read more

Chapter 469-Pagmakaawa

Nanlaki ang mga mata nila Travis nang makita ang kamukha ng isa pang bata. Hindi ngang maipagkailang anak din ito ni Aldrin dahil mas kamukha nito ang huli.Naluluhang napatitig si Sunshine sa batang nagsalita bago tiningnan din ang batang nasa tabi niya. Nag aalala kasi siya na baka namalikmata lang siya at si Tyler lang ang nagsalitang iyon."Lola, his name is Archer!" ani Tyler habang nakangiti sa abuela at itinuro ang kakambal."Nakilala mo na ang kakambal mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Arriana sa anak ng pamangkin. "Yes po, pero ang nakakaalam lang na nagkakilala na kami ay si Daddy at sina Lolo Rubin." Bibong tugon ni Tyler."Honey, may dalawa na tayong apo na lalaki at kamukha mo sila pareho!" Kulang na lang ay tumalon si Shaina dahil sa labis na kagalakan.Lahat ay masaya maliban kina Beatrix at Lita, kasama ang mga kaanak ng mga ito."No.... paanong nangyaring kambal ang anak mo at hindi namin alam?" Nag hysterical na si Beatrix at nasabunutan ang sarili. Nanghihinan
last updateLast Updated : 2024-07-15
Read more

Chapter 470-Kunsensya

"Tama na iyan at parating na ang pari." Awat ni Adrian sa gulong nangyayari.Saka lang napansin ni Clara na wala ngang pari sa mini altar. Talaga ngang plano ni Aldrin ang lahat at para talaga sa kaniya ang kasal na ito. Siya ang babaeng nais nitong pakasalan at pinagbigyan ang nais na maghigante kina Beatrix. "Dalhin niyo na muna sila sa isang room at hayaan manood sa kaganapan dito." Utos ni Aldrin sa tauhan na inakala nila Lita ay pulis."Aldrin, no... ako lang dapat ang pakasalan mo at ako ang ina ni Tyler!" Pilit niyang inaabot ang kamay ng binata ngunit malakas na iwinaksi nito ang kamay niya kaya natumba siyang muli sa buhanginan.Gusto mang tulungan ni Lita ang anak ay hindi magawa dahil nakaposas na siya at hawak ng isang lalaki. Kahit lumuha siya ng dugo ngayon ay magsisi ay walang magbabago sa kalagayan nila ngayon."Huwag, bitiwan ninyo ako! Dito lang ako at hindi pa tapos ang kasal ko!" Winasiwas ni Beatrix ang mga kamay at ayaw magpahawak sa dalawang lalaki. Sapilitang
last updateLast Updated : 2024-07-16
Read more

Chapter 471-Pag-amin sa tunay na nadarama

"Ang guwapo niya!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander nang marinig ang kinikilig na tinig ni Fareda. "Ang akala ko ba ay ang kapatid ni Ate Clara ang guwapo?"Inirapan ni Fareda ang kapatid. "Bakit, kayong mga lalaki lang ba ang may karapatan at maaring magkagusto sa magagandang babae?"Gustong batukan ni Alexander ang kapatid ngunit sinamaan siya ng tingin ng ina. Naririnig pala nito ang pag uusap nilang magkapatid. Napailing na lang siya at hindi na sinagot ang kapatid upang hindi humaba ang diskasyon.Nakangiting gumanti ng yakap si Dean sa kaibigan. "Sundin mo ang puso mo. Narito lang ako laging nasa likod mo at handa kang damayan sa lahat ng oras."Thank you! I owe you a lot!" "Sapat na ang makita kayong masaya." Sinserong turan ni Dean. Masaya siya na magkaroon na ng tunay na ama ang batang tinuring na sariling anak. "Bro, parating na ang pari."Nakangising pinakawalan ni Dean ang kaibigan at nilingon ang si Aldrin. Talagang hindi ito umalis sa kinaluhuran at hinihin
last updateLast Updated : 2024-07-16
Read more

Chapter 472-Vows

"Parang wala lang nangyaring gulo kanina at lahat ay kalmado na at nakangiti habang nakasunod ang tingin kay Clara na siyang naglalakad patungo sa altar.Hindi na naman mapigilan ni Clara ang mapaluha nang makitang nagpunas ng luha sa mata si Aldrin. Wala sa hinagap niya na ang isang Aldrin ay iiyak dahil sa babae. Ang cute ng mga anak niya at matyaga ring naghihintay sa kaniya na makarating sa altar. Pagtingin niya kay Dean ay nakangiti ito sa kaniya at hindi na mukhang malungkot.Agad na kinuha ni Aldrin ang palad ng dalaga nang makalapit sa kaniya at hinalikan ang likod ng palad. "Thank you po!" Nagmano siya sa mga magulang ng dalaga."Ingatan at alagaan mo ang anak namin. Maraming hirap na siyang pinagdaanan mula noong maliit at umaasa kaming sa piling mo ay maging masaya siya!" ani Daisy sa binata."Hindi po ako makapangako pero gagawin ko po ang nararapat at ayaw kong ma dissapoint kayo. Mahal ko po si Clara at ang anak namin!"Nakagat ni Clara ang loob ng labi upang supilin ang
last updateLast Updated : 2024-07-17
Read more

Chapter 473-Pag-ako sa kasalanan

Walang tigil sa pag iyak si Beatrix habang pinapanood sa screen monitor ang ganap sa kasal nila Aldrin at Clara. Sobrang sakit ng puso niya at naapakan pa ang ego niya. "Anak, tama na." Gusto mang yakapin ni Lita ang anak ay hindi niya magawa at pareho silang may posas sa mga kamay."Mum, ayaw ko pong makulong!" Umiiyak pa ring turan ni Beatrix. "Huwag kang mag alala, anak, ako lang ang makukulong dito." Pagtingin niya sa asawa ay galit ang tingin sa kaniya at hindi nagsasalita. Alam niyang sinisisi rin siya at hindi rin makatulong kung magsalita ito nang hindi maganda."Mum, paano na ako? Anong mukha na ang ihaharap ko sa lahat ng nakakilala sa akin?" Halos pabulong lang na tanong muli ni Beatrix sa ina."Uuwi na tayo sa probinsya at doon magsimula muli sa ating buhay," ani ng ama ni Beatrix. "Paano po si Mommy?"Napabuntong hininga ang ginoo at nag iwas ng tingin sa sa asawa. "Kailangan niyang pagbayaran ang kasalanang nagawa lalo na at may tistigo. Pasalamat na lang tayo kung hi
last updateLast Updated : 2024-07-19
Read more

Chapter 474-Pagtitipon

"Hindi pa ba kayo tapos diyan?" tanong ni Adrian sa anak na nakadungaw sa pinto."Lalabas na po," ani Aldrin at inalalayan ang asawa na tumayo.Pagkaapak nilang mag asawa sa mini stage ay tumunog agad ang baso, kinakalansing ng lahat gamit ang kutsara. Hudyat iyon na request ng lahat na maghalikan ang bagong kasal.Malugod na pinagbigyan ng dalawa ang lahat at mapagmahal na halik ang iginawad ni Aldrin sa labi ng asawa.Palakpakan ang lahat lalo na nang ayaw pang bitiwan ni Aldrin ang labi ng asawa nito. Makwela ang baklang host kaya lalong naging masaya ang ikinasal at mga bisita. "So, sino ang susunod na ikakasal?" nakangiting tanong ni Travis habang isa-isang tinitingnan ang mga apo niya kina Arrian, Trisha at Natasha."Dad, dumidede pa sa bote itong anak ko." Eksaheradong turan ni Natasha habang karga ang anak at tulog na. Natawa si Dark sa pagiging protective ng asawa sa anak nilang tatlong taon lamang. Gusto ng asawa ay ito ang kumakarga sa anak nila habang dumidede sa bote. M
last updateLast Updated : 2024-07-19
Read more

Chapter 475-Alexander

"Bro, ano ang problema at mukhang natabangan ka sa mga babae ngayon?" tanong ni Roy kay Alexander habang umiinum sila ng wine sa isang sikat na night club.Ininum muna ni Alexander ang laman ng baso niya bago sinagot ang kaibigan. "Sa tingin mo, totoo ang kasabihang namamana ang pag-aasawa nang mas bata o matanda?"Kamuntik nang maibuga ni Roy ang alak na nasa bibig nito dahil sa tanong ng kaibigan. Napapansin niyang naging praning ang kaibigan sa ganoong issue mula nang mag eighteen ito. Naging maingat na rin ito sa babae at tinatanong pa ang edad. Hindi tulad dati na kapag maganda, sexy at maputi ay ikinakama na agad.Binitiwan ni Alexander ang hawak na baso at inihilamos ang palad sa sariling mukha. "Kailangan ko muna sigurong magbakasyon.""Bakit, mayroon ka na bang iniiwasang matandang babae?" Biro ni Roy at natatawa sa inaakto ng kaibigan."Gago, gusto ko lang magpahinga sa babae." Tangkang babatukan niya si Roy ngunit nakaiwas."Ang sabihin mo, gusto mo lang tumikim ng native g
last updateLast Updated : 2024-07-21
Read more

Chapter 476-Pagbabago

"Bakit kasi nakatulog agad ako nang gabing iyon?" Paninisi ni Alexander sa sarili. Hindi na kasi niya nakagisnan ang babaeng nakatalik na kahit pangalan ay hindi niya alam.Hindi lang naman ang babaeng iyon ang naangkin niyang virgin. Pero kaiba talaga ang huling nakainig. Doon niya ramdam ang heaven nang maangkin ito hanggang sa makaraos. Gusto niyang maulit at kung maari ay siya lang ang lalaking makagalaw sa katawan nito. Kung kinakailangang bayaran niya ang bawat gabi o bilhin ito ay gagawin niya. Ngunit parang bula na nawala ang babae at walang iniwang bakas na iniwan upang mahanap niya.Nagpasya na siyang umuwi sa bahay ng mga magulang sa halip na sa sariling condominium. "Anak, lasing ka ba?" nag aalalang tanong ni Arriana nang makita ang anak na nakaupo sa sofa at nakapikit ito."Sorry, mum!" ani Alexander habang nanatiling nakapikit ang mga mata. Inaantok na kasi siya at parang hindi na kayang umakyat sa sariling silid."Alexander, pinag aalala mo na naman ang iyong ina!"M
last updateLast Updated : 2024-07-21
Read more

Chapter 477-Bakasyon

"Apo ko, bakit hindi ka nagpasabing darating ka? Napasundo sana kita sa airport!" Hindi na magkamayaw si Renalyn pagkakita sa apo na nasa loob ng sala.Nakangiting niyakap ni Alexander ang abuela at humalik sa noo nito. "Ok lang po, lola, gusto rin kitang esurprisa.""Pasaway kang bata ka. Mabuti at naisip mong magbakasyon dito. Nag aalala na ang daddy mo at puro babae na lang ang inaatupag mo sa iyong buhay."Napakamot sa ulo si Alexander bago inakbayan ang abuela. "Lola, hinaan niyo lang ang boses mo at naka may makarinig at matakot mga babae sa akin." Pabiro niyang saway sa abuela.Pumalatak si Renalyn at marahang tinapik ang likod ng palad ng apo na nakahawak sa braso niya. "Halika at alam kong pagod ka sa beyahe. Magpahinga ka muna sa silid mo habang ipaghahanda ka ng pagkaing gusto mong kainin dito sa probinsya.""Thank you, lola!" Inalalayan niya ang abuela paakyat sa hagdan. May edad na rin kasi ito at may problema sa tuhod kaya hindi madalas bumibeyahe upang bisitahin sila sa
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more
PREV
1
...
4647484950
...
57
DMCA.com Protection Status