"Senyora, hinahanap niyo po ba ako? Pasensya na po at hindi ko napansin na wala na sa tabi ko ang youngmaster," ani ng yaya ni Tyler.Nangunot ang noo ni Beatrix at napatingin sa katulong na nasa paanan na ng hagdan. Nakilala agad niya ang boses nito at kapareho ng babaeng nanakit sa kaniya kanina. Hindi siya maaring magkamali, ito lang naman ang nasaktan niya kagabi at gumanti sa kaniya kanina."May problema po ba, ma'am?" tanong ni Maya sa ina ni Tyler bago nagmamadaling lumapit sa bata."See, lola? Hindi po totoong matagal na nawala si Yaya dito. Kasama ko po siya sa room ko at hindi siya umalis ng bahay." Pagtatangol ni Archer sa katulong.Nanlaki ang mga mata ni Beatrix nang makita ang yaya ng bata. Nagpapasaklolo ang tingin niya sa ina na halatang nagtataka rin nang makita ang katulong. "Umamin ka, ikaw ang babaeng nanakit sa akin kanina!" Duro ni Beatrix sa katulong.Mukhang natakot na inilayo ng katulong ang sarili kay Beatrix kasama ang bata."Beatrix, nakakaapikto sa bata it
Read more