"Daddy, talo na naman kita!" Mukhang nainis na si Archer dahil natatalo ang ama."Sorry anak, tumatanda na kasi ang daddy kaya mahinang lumangoy." Pagsadahilan ni Aldrin. Pero ang totoo ay gusto niyang magpatalo upang matuwa ang anak. Ngunit mukhang baliktad ang nangyari."No cheating daddy! Gusto ko po fair na laban!" Salubong na ang mga kilay ni Archer habang nakasimangot.Napakamot si Aldrin sa batok kahit hindi naman iyon makati. Hindi niya akalaing pati ang ugali ang mamana sa kaniya ng anak. Lumangoy silang muli pero talagang natalo siya. "Sorry, anak, napagod na si Daddy kaya talo.""Ang hina mo, daddy. Paano ka po niyan pakasalan ni mommy?"Muling napakamot si Aldrin pero sa pagkakataong ito ay sa ulo. Parang biglang sumakit ang ulo niya sa mga sinabi ng anak.Pinigilan ni Robin ang matawa nang marinig ang apo. Ang bata pa nito pero ang talas mag isip at manalita. Ipinatong muna niya ang dalang tray na may lamang meryenda bago lumapit sa mga ito. "Kumain muna kayo, hijo, apo.
Magbasa pa