Nalibang si Ava sa pagtulong sa ina at hindi namalayan ang paglapit ng donya sa kanila."Narito pala ang dalaga mo, Loida." Ngumiti si Renalyn sa anak ng katulong nila."Good afternoon po, Donya Renalyn." Bahagya siyang yumukod habang bumabati sa ginang."Congratulations nga pala at nakapagtapos ka na sa pag aaral mo!""Thank you po, Donya Renalyn. Utang na loob ko po sa pamilya ninyo ang medalyang natamo ko ngayon.""Huwag mong isipin iyan, hija. Nakapagtapos ka dahil sa talino, sipag at tyaga mo.""Aalis na rin po siya sa sunod na araw, donya," ani Loida."Bakit hindi na lang kayo magsabay ng apo ko pabalik sa Manila?" Suhistyon ng donya."Huwag na po, may ticket na rin po ako pabalik sa Manila at kailangan kong mauna doon dahil marami pa akong aasikasuhin bago makapagsimula sa pagtuturo."Napangiti si Renalyn at natutuwa sa dalaga. "Baka maging estudyante mo pa ang apo ko."Ngumiti lang si Ava sa matanda. Hindi pa niya nakikita ang apo nito. Hindi naman kasi niya ugaling alamin an
Magbasa pa