Chapter 14Astherielle's POVKalma, Asthe, medyo malaman ang statement niyang iyan pero hindi naman siguro para sa lahat, hindi para sa atin na hindi naman nakahu-hook up ang itsura.Pero sa pagkakaintindi ko, parang sinabi niyang pumapatol siya sa kahit sino basta gusto niya at gusto siya nito, kahit pa estudyante iyon. Nag-kissed kami, pero aksidente lang iyon. Malabong magkagusto ito sa akin kasi hindi ko rin naman gusto ang sarili ko para dito. At sa nakita kong tipo nitong babae, isa na iyong babaeng naghihintay kuno sa kaniya sa parking area, tila sinusuka ako ng standard niya na nasa isip ko."Hindi po ba...bawal iyon? Student and professor's affair na tinatawag...""Yeah," agaran naman nitong tango. "Totoo. Bawal nga. Talagang bawal sa mga passionate teachers, pero..." Tumigil ito at tinulungan ang sarili nitong makapasok dito sa pintuan kaya medyo nagkabanggaan ang mga noo namin. "Marites ka talaga, 'no? So, interested about me or the topic?"Pinabilis ko ang pagkurap. "Hindi
Huling Na-update : 2023-03-21 Magbasa pa