Home / Romance / Living With The Billionaire / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Living With The Billionaire: Chapter 61 - Chapter 70

86 Chapters

Chapter 61

Sandra's POVMULING hinawakan ng mga pulis ang aking braso, saka ako inalalayang tumayo at isinama palabas ng caution fence. Hindi na rin ako nakapagsalita pa at tanging pagtulala na lang ang aking nagawa.Nakaupo ako sa isang upuan na nandoon habang si Jennie naman ay patuloy sa paghaplos sa aking balikat."Sandy, tibayan mo ang loob mo. Siguradong buhay pa si Lucas. 'Wag kang mawawalan ng pag-asa," sunod-sunod na sambit ni Jennie sa akin. Pinalalakas niya ang loob ko na halos nais nang sumuko.Tumango ako at tumingin sa kanya."Tama ka, Jennie. Buhay si Lucas, nararamdaman ko 'yon."Mahigpit akong niyakap ni Jennie at nang maramdaman ko ito, hindi ko maiwasang hindi maluha."May katawan!"Agad kaming napalingon nang marinig ang malakas na sigaw ng search and rescue na nandoon. Mabilis akong napatayo at nakaramdam ng kaba nang malaman na nakakita sila ng katawan ng isang tao. Ihahakbang ko sana ang aking mga paa at tatakbong muli ngunit agad akong pinigilan ni Jennie."Let's wait, Sa
Read more

Chapter 62

Sandra's POVMADILIM na ang palingid, nanatili pa rin akong nakatayo sa lugar kung saan huling nakita ang naaksidenteng kotse ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nahahanap ng mga taong inatasan ko.Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang araw na iyon. Matagal ang hinintay ng kanyang abugado upang magdesisyong ibigay kay Levi ang wil and testament ni Lucas na noon pa nito hinanda. Hindi ko akalain na mararamdaman ni Lucas na mangyayari ang bagay na ito sa kanya, sa mismong araw ng kasal pa. Sana pala, noong nakita kong ginagawa niya ang wil and testament na ito, pinigilan ko siya, baka sakaling hindi ito natuloy.Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang maramdaman ko ang paggapang ng luha sa aking pisngi. Agad ko itong pinahiran saka muling pinigilan ang paghikbi."Sandy, let's go. Mahamog na rito at malapit nang lumalim ang gabi. Baka mahirapan tayong makabalik," sunod-sunod na paalala sa 'kin ni Gab habang naghihintay sa kotse.Mabuti na lang ay nandito pa rin ang lala
Read more

Chapter 63

Sandra's POV"Bingi ka ba? Hindi mo ba ko naririnig? Ang sabi ko, get out!"Nais ko mang igalaw ang aking katawan at mahigpit na yakapin si Lucas ay hindi ko magawa. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan na may tulalang mata.Pilit kong binuksan ang nanginginig kong labi upang makapag bitiw ng salita."L-Lucas, ako to si Sandy," pagpapakilala ko sabay sa paglagaslas ng maaalat na luha sa aking mata.Nanatiling nangninisik ang mga mata niya at tila hindi talaga niya ako nakikilala."Sorry, I don't know you," pagpupumilit niya. "Nurse! Nurse!"Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang pagtatawag ni Lucas ng nurse. Agad namang pumasok ang isang nurse sa silid kung nasaan kami."Sir, tinawag nyo po ako?" saad ng nurse."Paalisin mo ang babaeng ito. Hindi ko siya pinayagan na pumasok sa kwarto ko pero basta na lang siyang pumasok dito," sunod-sunod na saad ni Lucas.Maya-maya lang, muli kaming napatingin sa pinto nang makita ang pagpasok ng mga pulis at bodyguard ni Lucas. Nababakas
Read more

Chapter 64

Sandy's POVLumipas na ang dalawang gabing nandito si Lucas sa mansion, ngunit tila wala pa rin ang nagbago sa pagitan naming dalawa. Halos hindi niya ako kinakausap at hindi rin sumasabay sa pagkain. Nais kong maalala niya ako ngunit tila ayaw niya. Pakiramdam ko ay hindi niya ako nais maalala.Nang gabing iyon, nagdesisyon akong magdala ng pagkain sa silid ni Lucas. Gusto ko siyang makausap nang masinsinan at kung ano ba ang plano niya sa aming dalawa."Salamat po, manang," saad ko matapos kunin ang tray ng pagkain na pinahanda ko sa kasambahay.Binuhat ko ito at lumakad patungo sa silid ni Lucas. Pilit kong ningiti ang aking labi upang sa oras na makita ako ni Lucas, mapapangiti rin siya. Ngunit hindi ko akalain na ako ay magugulat sa mga bagay na maririnig ko mula sa kanyang silid.Nang makarating ako sa pinto ng silid ni Lucas, akmang kakatok na ako rito ngunit agad akong napahinto nang marinig ang tinig ng isang babae na nagmumula sa loob ng silid na ito."Lucas, alam kong hindi
Read more

Chapter 65

Sandra's POVNakataas ang kilay ni Lucas. Nababakas sa kanyang mukha na tila naiinis sa kanyang nakikita. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko ito. Imbes na kaba ay naligayahan ako sa aking nakita."Lucas, mabuti naman at pumunta ka rito sa opisina," nakangiti kong saad.Marahan namang tumayo si Gab mula sa pagkakaupo at nagpamulsa. Ngumiti siya at tumingin sa direksyon ni Lucas."Welcome back, Sir Lucas," aniya sabay sa paglahad ng kanyang kamay.Kunot-noong tiningnan ni Lucas ang nakalahad na kamay ni Gab, saka muling tumaas ang kabilang kilay. Dahil sa ginawang ito ni Lucas, binawi na lang ni Gab ang kamay niyang iyon at muling binalik sa loob ng kanyang bulsa.Sinimulang ihakbang ni Lucas ang kanyang mga paa. Nang gawin niya iyon, napako ang ngiti sa aking mga labi habang nakikita kong papalapit siya sa akin. Ngunit maya-maya lang, unti-unting bumagsak ang mga nakangiting labi sa aking mukha nang dumapo ang tingin ko sa pintuan.Nakita ko si Abby
Read more

Chapter 66

Sandra's POVKUMUNOT ang aking noo nang maramdaman ang isang maliit na katawan sa aking tabi. Mula sa malalim na pagkakatulog, dahan-dahan kong binuksan ang mabigat na talukap ng aking mata. Pilit kong inaninag kung sino ang taong nasa tabi ko, saka unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang natutulog na si Levi.Hindi pa man nakalilipas ang ilang minuto, dahan-dahang minulat ni Levi ang kanyang mga mata."Good morning, Levi," pagbati ko sa aking anak habang nababakas ang ngiti sa labi."Good morning, mommy," tugon naman niya."Dito ka ba natulog kagabi?" tanong ko."Hindi po. Nagising ako dahil sa bad dreams at pumunta ako rito, saka natulog sa tabi nyo," aniya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nadadalas na rin kasing nananaginip si Levi nang hindi maganda. Naaawa na rin ako sa anak ko at kung minsan, gusto ko na ring manatili muna siya sa parents ko. Sa tingin ko, hindi na kinakaya ng murang isipan ni Levi ang mga nangyayari ngayon sa mansion at isa it
Read more

Chapter 67

Trina's POV'GAMIT ang aking palad, marahan kong sinuklay ang buhok ni Lucas na ngayon ay nakahiga sa kama. Nasa kanyang bibig ang oxygen na tumutulong upang siya ay makahinga nang maayos. Ang totoo, kinakabahan ako sa nangyaring ito. Alam kong planado ko ang mga bagay-bagay, ngunit hindi ko akalain na ganito kalala ang mangyayari. Hindi naaayon sa plano ang muntik na niyang pagkamatay."Good news po, Ma'am Trina. Stable na ang lagay ni Sir Lucas. Naging malakas nga lang ang pagtama ng kanyang ulo sa kotse kaya hanggang ngayon, wala pa rin syang malay," paliwanag sa akin ng doktor.Marahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa isang maliit na upuan katabi ng higaan ni Lucas, saka ako tumingin sa doktor at humarap sa kanya."Ano ang posibleng mangyari sa oras na nagising siya?"Umiling siya at tila problemado. Nababakas sa mukha ng doktor ang pag-aalala at pag-aalinlangan sa bagay na kanyang sasabihin. Sinimulan niyang ilagay ang mga kamay sa kanyang bulsa, at bago siya magsimulang magsal
Read more

Chapter 68

Sandra's POVISANG lagok pa ng alak ang aking ginawa habang naririnig ang dagundong ng musika."Sandy, tama na 'yan. Kanina ka pa umiinom, nakarami ka na."Lumingon ako sa babaeng kasama ko ngayon sa lamesa habang nandito kami sa loob ng bar. Isang mapait na ngiti ang binigay ko sa kanya, saka muling humagulgol nang iyak."Jennie, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang sukuan ang lahat ng ito," sunod-sunod kong saad.Mahigpit akong niyakap ni Jennie. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa aking likod upang ako ay pakalmahin."Tahan na, Sandy. Naiintindihan kita, alam kong kailangan mong ilabas ang lahat ng sakit pero isipin mo rin ang anak mong si Levi. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan siya," aniya.Tila isang libong karayom ang tumusok sa aking puso nang sabihin ni Jennie ang bagay na iyon. Hindi ko lubos maisip kung ano ang nararamdaman ni Levi ngayon. Ayokong magtanim siya ng sama ng loob sa kanyang ama, ngunit dahil sa ginagawang ito ni Luc
Read more

Chapter 69

Sandra's POVHALOS hindi ako makahinga sa bagay na aking nakikita na naka-flash sa screen ng laptop. Alam ko naman at inaasahan ko na ang bagay na ito, ngunit hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko. Sanay na ako sa sakit dahil noon palang, halos madurog na ako sa lahat ng pagsubok, ngunit sa pagkakataong ito, mas doble pa ang bagay na aking nararamdaman.Mabilis akong napatingin sa pinto ng aking opisina nang bigla itong bumukas nang malakas. Niluwa nito si Gab na mabilis at tila naguguluhan habang naglalakad patungo sa aking kinauupuan. Nababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala."Sandy, nakita mo na ba?" saad ni Gab na halatang kinakabahan sa mga bagay na nangyayari.Mariin akong napalunok. Ang bigat sa aking dibdib na nadarama ko kanina ay bigla na lang bumuhos mula sa aking luha. Hindi ko napigil ang mga hikbi na lumabas sa aking labi."G-Gab, paano? T-Totoo ba to?" tanong ko habang humihikbing nakatingin kay Gab. "S-Sabihin mong hindi ito totoo, Gab?" pagtangi
Read more

Chapter 70

Sandra's POVISA SA mga bagay na nagpapakirot sa ating puso ay ang masasakit na salitang binibitiwan ng mga taong mahalaga para sa atin. Sa tuwing sasaktan nila tayo, tila isang tiwala ang nawawala at mahirap nang ibalik.Hindi na ako muling bumalik sa opisina, dumiretso ako sa aking bahay at doon nagpahinga. Bagsak ang aking balikat nang pumasok ako sa loob. Maging ang mga magulang ko ay hinayaan na lang akong tumungo sa aking silid at hindi na tinanong pa. Marahil ay alam na rin nila ang mga bagay na nangyari. Alam na rin nila na ikakasal na si Lucas at hindi sa akin.Nakita ko rin ang lungkot sa mga mata ni nanay kanina at sa palagay ko, sa oras na yakapin ko siya, hindi ko na mapipigil ang sarili na humagulgol sa pag-iyak.Nang makarating ako sa aking silid, doon ko binuhos ang aking luha. Agad akong humiga sa kama at mahigpit na niyakap ang aking unan."Mom?"Natigilan ako nang makarinig ng isang tinig mula sa pinto. Agad kong pinahiran ang aking luha at umayos nang upo. Bumungad
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status