Sandra's POVHALOS hindi ako makahinga sa bagay na aking nakikita na naka-flash sa screen ng laptop. Alam ko naman at inaasahan ko na ang bagay na ito, ngunit hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko. Sanay na ako sa sakit dahil noon palang, halos madurog na ako sa lahat ng pagsubok, ngunit sa pagkakataong ito, mas doble pa ang bagay na aking nararamdaman.Mabilis akong napatingin sa pinto ng aking opisina nang bigla itong bumukas nang malakas. Niluwa nito si Gab na mabilis at tila naguguluhan habang naglalakad patungo sa aking kinauupuan. Nababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala."Sandy, nakita mo na ba?" saad ni Gab na halatang kinakabahan sa mga bagay na nangyayari.Mariin akong napalunok. Ang bigat sa aking dibdib na nadarama ko kanina ay bigla na lang bumuhos mula sa aking luha. Hindi ko napigil ang mga hikbi na lumabas sa aking labi."G-Gab, paano? T-Totoo ba to?" tanong ko habang humihikbing nakatingin kay Gab. "S-Sabihin mong hindi ito totoo, Gab?" pagtangi
Sandra's POVISA SA mga bagay na nagpapakirot sa ating puso ay ang masasakit na salitang binibitiwan ng mga taong mahalaga para sa atin. Sa tuwing sasaktan nila tayo, tila isang tiwala ang nawawala at mahirap nang ibalik.Hindi na ako muling bumalik sa opisina, dumiretso ako sa aking bahay at doon nagpahinga. Bagsak ang aking balikat nang pumasok ako sa loob. Maging ang mga magulang ko ay hinayaan na lang akong tumungo sa aking silid at hindi na tinanong pa. Marahil ay alam na rin nila ang mga bagay na nangyari. Alam na rin nila na ikakasal na si Lucas at hindi sa akin.Nakita ko rin ang lungkot sa mga mata ni nanay kanina at sa palagay ko, sa oras na yakapin ko siya, hindi ko na mapipigil ang sarili na humagulgol sa pag-iyak.Nang makarating ako sa aking silid, doon ko binuhos ang aking luha. Agad akong humiga sa kama at mahigpit na niyakap ang aking unan."Mom?"Natigilan ako nang makarinig ng isang tinig mula sa pinto. Agad kong pinahiran ang aking luha at umayos nang upo. Bumungad
Lucas's POVINAYOS ko ang suot kong suit at ang puting kurbata na nasa loob ng kuwelyo. Matapos akong ayusan ng mga tao na nandito sa loob ng dressing room, naglakad ako at umupo sa maliit na sofa na nandoon, saka sinuot ang aking sapatos."Sir Lucas, handa na po ang lahat," saad ng wedding coordinator."Sige, lalabas na rin ako," tugon ko.Marahan akong tumayo at lumakad sa isang full body mirror at tiningnan ang sarili.'Ito na ang hinihintay mong araw, Lucas.'Sa araw na ito, wala na siyang kawala pa. Hindi ko akalain na tatagal nang ganito ang lahat, ngunit kung minadali ko ang proseso, baka mapunta lang sa wala ang lahat ng paghihirap ko. Mahirap para sa akin ang naging desisyon kong iyon, ang magpanggap at saktan si Sandy.Sa totoo lang, halos madurog ang aking puso sa tuwing sinasabihan ko siya nang masasakit na salita. Doble ang sakit na bumabalik sa akin, ngunit sa oras na matapos ang lahat ng ito, babawi ako sa mag-ina ko. Babawi ako sa lahat ng nagawa ko.Hintayin mo lang a
Lucas's POVWALA na akong sinayang na sandali, agad akong sumakay sa kotse at inalam ang locasyon ngayon ni Sandy. Ayon sa aking inatasan, kasalukuyan siya ngayong nasa airport at paalis na ng bansa.Hindi mapakali kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa, saka ko tinawagan ang koneksyon ko sa airport."Hello, Sir Lucas? Is there anything I can do for you?" tanong ng lalaking ito sa kabilang linya."Pigilan niya si Sandy na umalis sa bansa. Parating na ako diyan," utos ko sa kanya saka binaba ang telepono.Alam kong sa maiksing utos kong iyon, makukuha niya ang nais kong sabihin. Hanggang sa maya-maya lang, habang binabaybay namin ang kalsada, naipit sa traffic ang sinasakyan kong kotse."F*ck! May iba pa bang daan?" tanong ko sa aking driver."Pasensya na po, Sir. Pero wala na pong ibang daan. Saka hindi na rin po tayo makakaalis dito, bumper to bumper na po ang traffic," paliwanag niya."Sh*t!" inis kong wika saka sinuntok ang kamao sa unahan ng sasakyan.Hanggang sa maya-maya lang,
Sandra's POVNAKATANAW ang aking mata sa bintana ng eroplano habang pinanonood ang makapal na ulap. Kasalukuyan kaming nasa business class flight patungo sa Europe at doon namin nais magsimulang muli. Nakabili na rin kami ng condo roon at sariling sasakyan. Everything is ready pero pakiramdam ko pa rin ay may kulang.Lumingon ako sa aking tabi, nakita ko si Levi na mahimbing na natutulog. Nakakumot siya dahil sa malamig na aircon at nakayakap sa kanyang teddy bear. Nakita kong nakababa nang kaunti ang kumot niya kaya bahagya akong napangiti.Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dulo ng kumot, saka ko ito hinila at inayos ang pagkakatakip nito sa kanyang katawan. Ngunit nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang maliit na butil ng luha sa kanyang mata.'Marahil ay iniisip na naman niya ang kanyang daddy na si Lucas. I'm sorry, Levi. But I know maiintindihan mo rin ang lahat pagdating ng panahon. Sabay tayong maghihilom, anak.'"May problema ba, Sandy?"Napalingon ako sa kanilan
Sandra's POVKUMUNOT ang aking noo at napatanong sa sarili. Binura ko pa ba ng tuluyan ang mensaheng iyon?"Totally deleted na sa trash file ko ang email?" tanong ko sa sarili. "Paano nangyari 'yon? Dapat ay thirty days pa bago totally mag-delete ang mga email sa trash," muli kong sabi.Napailing na lang ako at huminga nang malalim. Oh, well. Wala naman na akong magagawa kung nabura na. Baka sign na rin ito upang kalimutan na nang tuluyan si Lucas. I guessed destiny na rin ang nagsabi na huwag na lang.Marahan kong binaba ang screen ng aking laptop at sinandal ang aking likod sa upuan. Tinaas ko ang aking ulo at tumingin sa malayong kisame. Pinatong ko ang aking palad sa aking dibdib at pinakiramdaman ang puso ko. Mabilis ang tibok nito. Tila may kung ano sa loob ko ang nanghihinayang dahil hindi ko nabasa ang mensaheng iyon.Mabilis akong umiling.'Ano ka ba, Sandy? Ano naman kung hindi mo nabasa 'yung message? bulyaw ko sa sarili.Pilit kong inalis ang bagay na iyon sa aking isip. M
Sandra's POVNAKANGITI ang aking labi habang minamasdan ang ngiti sa labi ni Levi. Kasalukuyan siyang naglalaro sa park gamit ang kanyang bisikleta. Naka-alalay naman sina nanay at tatay sa kanya habang kami ni Gab ay nakaupo sa loob ng malaking tent na inayos namin kanina."Mommy, tingnan mo ko. Kaya ko na walang hawak!" masayang sigaw ni Levi habang nagpapasikat sa amin."Diyos ko po, Levi! Humawak ka nga!" nag-aalalang sigaw naman ni nanay."Mami La, I can do this. Brave na po ako!" matigas ang ulong saad ni Levi."Careful, Levi!" sigaw ko mula sa kinaroroonan namin ni Gab."I will, mom!"Muli akong tumawa nang ipadyak ni Levi ang kanyang paa at nagsimula na namang magpatakbo ng kanyang bisikleta. Halos-hingal takbo namang humahabol sina nanay at tatay sa kanya. Matigas talaga ang ulo nitong anak ko pagdating sa paglalaro. Napapailing na lang ako sa habang minamasdan siya, saka pinipigilan ang sunod-sunod kong pagtawa."Pasaway talaga itong si Levi," hindi naiwasan kong bulong."Ma
Sandra's POVNABABALOT ng kakaibang amoy ang paligid. Napakunot ang aking noo dahil sa amoy ng gamot na nananatili sa aking ilong."Anak, gising ka na ba?" narinig kong sabi ni nanay.Maya-maya lang, unti-unti kong ginalaw ang aking katawan at marahang binuksan ang talukap ng aking mga mata."N-Nay?" nauutal kong wika saka hirap magsalita.Marahan kong nilubot ang aking paningin. Noong una ay malabo hanggang sa unti-unti itong lumilinaw."Bakit ako nasa ospital?" muli kong tanong.""Hinimatay ka kanina, Anak. Bakit ba ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni nanay.Maya-maya lang, sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito. Niluwa ng pintong iyon ang doktor sa ospital na ito. Lumapit siya sa amin habang hawak ang ilang papel sa kanyang clipboard paper."Good day, Ms. Sandy. I'm your assigned doctor. You feeling better?" tanong sa akin ng doktor.Nang tuluyan siyang makalapit sa aming kinaroroonan. Hinawakan niya ang balikat ni nanay na nooy nababakas ang pag-aalala sa mukha.
Sandra's POVLUMIPAS ang ilang araw matapos ang kasal namin ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami. Pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ang aking paa.Marahan kong pinikit ang talukap ng aking mga mata, saka dinama ang halik ng hangin sa aking pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ang paghampas ng alon ng dagat sa sinasakyan naming yate..Maya-maya lang, isang mainit na kamay ang yumakap sa aking baywang. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Lucas. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mahigpit akong niyakap mula sa likuran."Sa wakas, atin na rin ang araw na ito," aniya.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at ganoon din naman ang aking ginawa. Naramdaman ko ang kamay ko Lucas na hinawak sa aking balikat, saka niya ako pinaharap sa kanya."I love you, my wife," aniya na labi na nagbigay tuwa sa aking puso."I love you more, my husband," tugon ko.Tumama ang tingin ni Lucas
Gab's POVNAGSIMULANG magpalakpakan ang mga tao. Naririnig ko ang kasiyahan na nagmumula sa venue ng kasal. Kahit nasa loob ako ng kotse, alam ko kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid niya.Huminga ako nang malalim saka mapait na ngumiti. Sa wakas, kahit paano ay may nagawa naman akong tama. Akala ko ay lalamunin na ako ng kasamaan at galit sa aking puso.Hinawakan ko ang manibela at saka sinimulang i-start ang kotse. Sana ay napasaya ko si Sandy. Sana ay natupad ko ang tanging hiling niya. Siguro naman ay hindi na sila maghihiwalay, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi ko na talaga bitiwan pa si Sandy.Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya na yata ang babang huli kong mamahalin dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng hinahanap ko.Nagsimulang gumulong ang gulong ng aking kotse palayo sa lugar na iyon. Palayo kung saan naiwan ang kalahati ng aking puso.Congratulations, Sandy. Sana maging masaya kayo ni Lucas.Habang binabaybay ko ang kalsada pabalik sa Maynila, muling bumal
Sandra's POVALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita
Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw, ginugol ko ang aking oras kasama ng aking pamilya. Wala akong sinabi sa kanila at hindi ko pinagbigay alam ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi ang tungkol kay Lucas at ang pagtatalo namin ni Gab. Ngunit alam kong kahit wala akong sabihin, nararamdaman ni nanay ang mga nangyayari sa akin.Kinagabihan, nakatutok ako sa aking laptop at nagtitingin ng flight pabalik ng Pilipinas. Oo. Nasi ko nang bumalik doon dahil sa tingin ko, hindi rin naman ako makapagsisimulang muli sa lugar na to dahil in the first place, wala naman akong dapat simulan.Walang may kasalanan at walang mali sa mga bagay na ginawa ni Lucas. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon at wala na akong galit sa kanya. Marahilsa ngayon, hindi ko pa kayang humarap muli kay Lucas. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nagkulang ako sa pang-unawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan at hindi ko alam kung paano ko na siya muling haharapin."Anak, gising ka pa ba?"
Sandra's POVHINDI KO alintana ang sakit ng aking ulo dahil sa mahabang biyahe na aking ginawa. Wala akong sinayang na oras dahil agad akong tumawag ng taxi at nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Trina.Sa pagdating ko roon, lumapit ako sa mga pulis na nandoon at nagtanong kung anong oras maaaring bumisita sa preso. Mabuti na lang at pinayagan akong makipag-usap dahil oras pa naman daw ng dalaw.Pinapasok nila ako sa animoy waiting area at doon naghintay kay Trina. Kahoy ang kanilang upuan at maging ang lamesa ay kahoy rin. Magkaharap ang upuan at tama lang ito upang mas makausap ko nang maayos si Trina.Makalipas ang ilang minutong paghihintay, natulala ako nang makita ko si Trina sa mukha ng babaeng si Abby.Naglalakad siya habang may posas sa kamay. Hawak siya ng isang pulis at diretso siyang nakatingin sa akin habang may matalim na tingin.Nang makaupo siya sa aking harapan, lumayo ang pulis na may hawak sa kanya at tumayo sa tabi ng pader, animoy naghihintay na matapos a
Sandra's POVSA PAGPASOK ko sa loob ng kotse, hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Iniyuko ko ang aking ulo sa manibela saka doon tuluyang pinakawalan ang luha sa aking mga mata. Napakasakit ng aking puso at pakiramdam ko, isang libong karayom ang tumutusok dito. Akala ko noon ay malilimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko mula kay Lucas ngunit nagkamali ako. Tila lahat ng sakit at pagdurusa na pinaramdam niya sa 'kin noon ay unti-unting bumalik sa aking sistema.Pilit kong pinakalma ang sarili. Huminga ako nang malalim saka sinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ng kotse. Mariin kong hinawakan ang manibela saka pinikit ang aking mga mata.Wala na. Tama na. Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kanya. Sana ito na talaga ang huli dahil hindi ko na kakayaning lumuha pa.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa loob ng aking bulsa, dahilan upang kumalma ang aking puso. Mariin kong pinahiran ang aking luha at pilit na pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang c
Sandra's POVKINABUKASAN, nag-book ako ng isang restaurant at siniguradong walang sino man ang makapapasok dito. Isang oras lang ang kinuha ko sa schedule nila dahil alam kong sasapat na iyon para sa aming dalawa ni Lucas. Nais ko lamang makipag-usap sa kanya hindi dahil nais ko nang bumalik, kung hindi naia ko nang putulin ang ano mang ugnayan namin.Nang maranasan kong tumira rito sa malayo, muli kong naramdaman ang kalayaan at kasiyahan. Kalayaan sa paligid na ginagalawan ko. Kalayaan sa sakit ng nga bagay na naramdaman ko. Mas gusto ko ang ganitong buhay. Iyong buhay na wala akong tinatapakang tao at walang sino man ang magtatanim ng sama ng loob sa akin.Nang araw na iyon, hindi ko sinabi kina nanat at tatay kung saan ako pupunta. Hindi rin ako nagsabi kay Gab dahil ayoko nang mag-alala pa siya. Ako lang at si Lucas ang nakakaalam ng pagkikita naming iyon.***HUMINGA ako nang malalim at marahang nilapat ang aking kamay sa manibela ng kotse. Diretso akong tumingin sa kalsada at na
Sandra's POVSADYANG mapaglaro ang buhay. Kung minsan, may mga bagay na nangyayari sa atin at hindi natin naiintindihan kung bakit. May mga pagsubok na ibibigay sa atin na akala natin ay hindi natin malalagpasan, ngunit sa huli, magugulat ka na lang at masasabing, kinaya ko pala?Ang totoo, hindi nakakasawang magmahal at magbigay ng pagmamahal sa isang tao. Alam mo ba ang nakakasawa? Iyong magpatawad nang paulit-ulit at paulit-ulit din naman niyang gagawin ang ginawa niyang mali.Hindi nakakasawang magmahal, ngunit nakakasawa nang magpakatanga. Kung kailangan nating tumigil at sabihan ang sarili natin na tama na, tama na. Sana ay matuto rin tayong mahalin ang ating sarili. Sana marunong din tayong makaramdam kung kailan tayo hihinto sa pagpapakatanga tulad ng bagay na nararanasan ko ngayon. Sa dami ng bagay na pinagdaanan ko, sa pagkakataong ito, tila napagod na ako. Napagod na ako sa paulit-ulit na nangyayari sa aking buhay. Sa paulit-ulit na pananakit sa akin ng tadhana. Baka kaya h
Sandra's POV"IS IT really possible to retrieve a deleted email?" tanong ko sa IT employee na nakaupo ngayon sa aking upuan.Sinusubukan niya kasing ibalik ang email ni Lucas na noong isang araw ko pang hinahanap. May kung ano sa aking isip ang nais talagang mabasa ang email na iyon at ayokong huminto hangga't hindi ko ito nakikita."Of course, madame. I can retrieve anything you like. I am the most expert IT employee in this company," pagyayabang ng kasama kong ito."Well that's good. Please make sure that you will recover the email.""Sure!"Hinila ko ang isang upuan na malapit sa aking table, saka umupo sa katabi ng IT employee na iyon. Napamangha ako sa bilis ng kanyang daliri at maging ang mata niya ay napakabilis din. Nakabibilib na may ganitong mga speciality ang mga empleyado rito at mabuti na lang at naisip kong tumawag sa isa sa kanila.Makalipas ang ilang minuto, tumigil na rin ang pagtaas ng mga letra na naka-flash sa screen ng aking laptop. Maging ang daliri ng lalaking i