Dahil araw ng linggo at wala pa rin silang pasok sa opisina ay buong maghapon pa rin silang magkasama ni Samuel. Hindi ito umalis sa unit niya. Nanood lang silang muli ng movie. Hindi na niya nabilang kung ilang movie na ang natapos nila maghapon. Iba't ibang genre din ng movie ang pinanood nila. May action, may drama at may romance.Nag-order sila ng mga pagkain sa labas dahil kakaunti pa lang ang stock na pagkain ni Shalanie sa unit niya. Hindi pa kasi siya nakakalabas para mag-grocery. Sinulit nila ang buong maghapon na iyon. Ilang beses din siyang inangkin ni Samuel sa iba’t ibang parte ng unit niya na parang walang kasawaan. Mabuti na lang at wala na silang nasisira pa na gamit. “Aahh, Samuel,” ungol niya nang laruin ng dila nito ang loob ng kanyang tainga. Kakaibang kiliti ang hatid niyon sa kanya. Pakiramdam niya ay namamasa na naman ang hiyas niya. Gabi na at sa palagay niya ay alas syete na sa mga oras na iyon. Hindi na niya mabilang kung pang ilan na nila iyon ni Samuel.
Last Updated : 2023-10-24 Read more