“Paano mo nalaman ang lugar na ito?” Kyuryosong tanong ni Shalanie kay Samuel habang sinisimulan na nilang kumain. May dalawang lalaking attendant ang nagdala ng mga pagkain nila roon. Natakam siya nang makita niya ang mga pagkain dahil bukod sa mukhang masasarap ay mabango din ang amoy ng mga ito.“Sa mga kaibigan ko. Marami silang alam na magagandang lugar at isa nga ito doon. First time ko rin dito at hindi ko alam na ganito ito kaganda.” “First time mo dito?” takang tanong niya. Iniisip kasi niya na matagal ng alam ni Samuel ang lugar na iyon kaya doon siya nito dinala. Iniisip din niya na baka hindi siya ang unang babae na dinala nito dito. Sa ganoon kagandang lugar ay hindi iyon imposible. At hindi rin ‘yon imposible kay Samuel. Bahagya siyang huminto sa pagkain at tumitig kay Samuel. Tumitig din naman ito sa kanya.“O-Oo.”“So, a-ako pa lang ang nadadala mo rito?” Hindi na niya napigilan pang itanong dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka isipin lang niya iyon ng isipin at
Abala siya sa harap ng kanyang laptop nang dumating si Samuel. Napatingin siya sa kanyang orasan. Ala-una na pala ng hapon. Bigla niyang naalala na hindi pa pala siya kumakain ng lunch. “Hi, Boss,” kaagad na bati ni Samuel sa kanya pagpasok pa lang nito sa pinto ng opisina niya. Kaya naman napatunghay siya rito. As usual hindi na naman ito kumatok. Wala yatang pinto sa bahay nila.“Tumakas ka na naman ba sa boss mo?” tanong niya rito. Ngumisi ito tapos ay lumapit sa kanya at hinalikan siya sa kanyang mga labi. “Gawain ko ba ‘yon?” “Oo,” walang pag-aalinlangan niyang sagot. Sa palagay niya ay ginagawa talaga iyon ni Samuel. Iniisip nga niya na parang masiyado itong easy sa trabaho nito. Hindi lang siguro mahigpit ang boss nito. Nakukyuryoso na tuloy siya sa boss nito. Tila ba gusto niya itong makilala. Natawa naman si Samuel sa kanya at napakamot pa ito sa ulo. “Totoo bang narito si Don Roberto?” bigla ay usisa nito. Bahagya naman siyang natigilan dahil sa pagtataka. Paano naman ni
Nang bumalik si Shalanie sa opisina nito ay naabutan niya roon si Samuel. Ang ganda ng upo nito sa sofa at abala sa hawak nitong cellphone. Hinihintay siya nito. Nagulat siya dahil ang akala niya ay tuluyan na itong umalis nang magpaalam ito. Tumawag daw ang ina nito at iniimbitahan nito si Shalanie sa mag-dinner sa bahay nila. Kahit nahihiya ay hindi ito nagawang tanggihan ni Shalanie. Gusto rin niyang makilala ang mama ni Samuel. Noong nagpunta kasi ito sa Canada noon ay hindi sila nabigyan ng pagkakataon na magkaharap. Sa pagkakaalam niya ay ilang araw lang iting namalagi roon kasama ang dalawang kapatid nito. Bigla niyang naalala ang kaarawan nito na pinag-overtime niya si Samuel. Hindi naman kasi niya alam na nasa Canada ang mama nito. Nahihiya tuloy siya.“Are you okay?” tanong ni Samuel sa kanya. Marahil ay napansin nito na kinakabahan siya. Hinawakan ni Samuel ang mga kamay niya at bahagyang pinisil. Nasa sasakyan na sila patungo sa bahay nila Samuel.Si Samuel ang nagmamane
Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang relasyon nilang dalawa ni Samuel. Mas lalo pa yata nilang minamahal ang isa't isa sa paglipas ng mga araw.Palagi pa rin siyang pinupuntahan ni Samuel sa opisina niya tuwing lunch para sabayan siyang kumain. Naging habbit na nila iyon. Nagpapa-deliver ito o di kaya ay sa labas sila kumakain dipende sa work load ni Shalanie. Sa tuwing uwian naman ay sinusundo siya ni Samuel at inihahatid siya sa unit niya.Kung weekend naman ay doon sila nagtutungo sa bahay nila Samuel, na ikinatutuwa ng labis ng ina ni Samuel. Gustong gusto nito na nagtutungo roon si Shalanie at ipinagluluto siya nito ng paboritong niyang sinigang. Gustong-gusto naman ni Shalanie ang luto nito. Bigla ay na-miss niya ang kanyang yumaong ina. Iyon kasi ang madalas nitong iluto noong nabubuhay pa. Kaya naging paburito niya iyon mula bata magpahanggang ngayon. Noong nasa Canada siya ay bihira lang siyang makakain niyon kaya naman ini-enjoy niya iyon ng husto ngayon.Kung mi
Imbis na umuwi sa condo ay dinala siya ni Sanya sa isang bar. Ilang beses na kasing nagpaikot-ikot ang taxi na sinasakyan nila ngunit tila walang balak na bumaba si Shalanie. Ilang beses na rin siyang tinatanong ni Sanya kung saan ang address ng condo niya pero hindi siya umiimik.Ang totoo ay ayaw talaga niyang umuwi dahil baka puntahan lang siya roon ni Samuel. Hindi niya alam kung bakit naisip pa niya iyon gayong alam rin niyang malabo naman iyong mangyari. Hindi siya nito pupuntahan dahil may kasama itong ibang babae. Humupa na sa pagtulo ang mga luha niya ngunit tulala naman siya na waring napakalalim nang iniisip.Bago sila pumasok sa bar ay tinawagan na muna ni Sanya ang isa sa mga ka-meeting nila doon sa restaurant na inalisan nila. Nagdahilan na lamang ito na biglang sumama ang pakiramdam ni Shalanie kaya kailangan na nilang umalis at hindi na nakapagpaalam pa sa mga ito. Wala naman daw problema ang sabi ng kausap nito, nag-alala pa ito sa kalagayan ni Shalanie.Sa table mala
“I’ll take her home.” Kaagad nang nilapitan ni Samuel si Shalanie. Umupo muna siya sa harapan nito at pinagmasdan ito. Inayos niya rin ang nagkalat nitong buhok sa mukha. “Ano bang nangyari, bro?” tanong ni Clyde. Lumapit ito sa kanya kaya napatayo siya. Tumingin siya rito na may lungkot na mga mata. Gusto niyang ipaliwanag ang nangyari pero mahaba itong kuwento. Hindi pa man siya nagsasalita ng sumunod na magtanong naman sa kanya si Genji. Lumapit din ito sa kanila. “Yeah. What happen? Naabutan namin siya na lasing na lasing na. Hindi na niya ako pinansin ng tawagin ko siya. Hanggang nakatulog na nga siya sa table nila. Ang sabi ni Sanya broken hearted daw. It’s that true?”Napabaling ang paningin niya kay Sanya na nanatiling nakaupo sa sofa malapit sa table. Naka-peace sign naman ito sa kanya at nakangiti. Wala pa naman itong bakas ng tama ng alak. Malakas din siguro itong uminom dahil hanggang sa mga oras na iyon ay nakikipag-inuman pa ito sa mga kaibigan niya. “It’s just a misu
Kahit wala sa mood si Shalanie at may hang over pa siya mula sa pag-inom ng alak sa bar ay pumasok pa rin siya sa opisina. Nanghihina ang katawan niya pero gusto niyang maging-busy upang hindi niya maisip pa si Samuel at ang panloloko nito sa kanya. Baka mabaliw siya sa sobrang pag-iisip kung mag-iisa lang siya sa unit niya maghapon. Kahit sobra siyang nasaktan ay ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya iiyak pa o magmukmok na lang. Bago magtungo sa office niya ay dumaan muna siya sa coffee shop at bumili ng paborito niyang kape. Baka sakaling maiba ang mood niya kapag nakainom siya nito. Isa kasi ang kape sa pampakalma niya kapag stress siya. Bumili na rin siya ng isa pa para kay Sanya. Gusto niya itong pasalamatan sa ginawa nitong pag-comfort sa kanya kagabi at paghatid nito sa kanya pauwi sa condo niya. Malaking bagay iyon para sa kanya. May mga bumabati sa kanyang mga employee na nakakasalubong niya habang patungo siya sa kanyang office pero hindi niya magawang tuguni
Kinabukasan ay masama pa rin ang pakiramdam niya pero pumasok pa rin siya sa opisina. Marami siyang trabaho at wala siyang planong magpahinga. Tama na siguro iyong maaga siyang umuwi kahapon.Patuloy pa rin ang panunuyo sa kanya ni Samuel. Napagod na lang yata ito kaka-doorbell kagabi ay hindi talaga niya ito pinagbuksan. Hanggang nakatulog na siya. Hindi na niya alam kung hanggang anong oras ito naghintay sa labas ng unit niya.Muli niya itong nadatnan sa loob ng opisina niya. Nagbilin siya kay Sanya na huwag na itong papapasukin sa loob ng opisina niya ngunit mukhang wala ring nagawa ang assistant niya dahil likas na makulit si Samuel. May dala na naman itong isang bukos ng bulaklak. Naroroon pa nga sa mini table niya ang dala nitong bulaklak kahapon at hindi niya ginagalaw. Aanhin naman niya ang mga bulaklak na iyon? Nagsasayang lang siya ng pera.Bakit ba nandito na naman siya? Bakit hindi niya gugulin ang oras niya doon sa babe niya? Bakit ako ang ginugulo niya? Nakukunsensiya ba
Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala
TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two
Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d
Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang
"Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang
"Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku
Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland
HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience
LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni