Hanggang sa natapos itong embalsamuhin ay hindi siya umuwi. Sinamahan niya ang pamilya nito roon. Isa pa ay siya rin ang sumagot sa lahat ng gastos nito simula sa kabaong hanggang sa service nito sa libing.Hiyang- hiya siya sa pamilya nito sa totoo lang. Kaninang tinatanong ang misis nito kung bakita daw ba kase ito naroon sa tindahang iyon ay hindi ito makasagot dahil hindi naman daw ito nagsabi kung saan ito pupunta. Ang paalam lamang daw nito ay may kailangan daw itong taong kailangang manmanan.Bagamat nagpaalam nga ito ay hindi naman nito nasabi sa asawa nito kung sino ba ang nag- utos rito at alam niya sa sarili niyang siya iyon.Dahil sa kaniya ay pinatay ito. Dahil sa kaniya ay nawalan ng asawa ang misis nito at higit sa lahat ay dahil sa kaniya ay may dalawang paslit na nawalan ng ama.Bigla siyang napapikit. Wala siyang lakas ng loob para umamin rito. Hindi niya alam pero tila ba nahihiya siya dahil kasalanan niya. Ngunit ipinapangako niya sa sarili niya na bibigyan niya ng
Magbasa pa