Pagkarating nga niya sa bahay niya ay nagmamadali siyang pumasok. Naabutan niya sa sala si Baxter na nakikipagkulitan kay Vin.Napatigil ang mga ito nang makita nila siya. Kaagad namang tumayo mula sa pagkakaupo ang kaniyang anak at niyakap siya. Niyakap niya rin naman ito pabalik dahil ngayon- ngayon niya lang naranasan na may nag- aantay sa kaniya kapag dumarating siya at isa pa ay ang sarap sa pakiramdam na may sasalubong sa kaniya kapag umuwi siya.Hinalikan niya ito sa noo pagkatapos ay kinausap nito."Pwede bang doon ka muna sa kwarto mo at may pag- uusapan lang kami ng Tito Baxter mo?" Nakangiti niyang pakiusap rito.Agad naman itong tumango sa kaniya lalo na at nakakaintindi naman ito. Hindi naman ito yung klase ng bata na mahirap pakiusapan.Nang tumango ito ay kaagad niyang nginitian ito pagkatapos ay ginulo ang buhok. Nagpapasalamat siya kay Jazz dahil pinalaki nitong mabait ang anak nila.Agad din naman itong ngumiti sa kaniya pagkatapos ay lumayo na at naglakad na paakya
Isinagawa nga nila kaagad ang kanilang plano. Nang matapos lamang silang magplano ay kaagad siyang nagbihis. Kailangan nilang bumalik doon para i- check kung nanduon nga talaga si Jazz. Hindi na sila dapat pang mag- aksaya ng oras dahil ilang araw na itong nawawalanat hindi nila alam kung ano ang sitwasyon nito.Pagkatapos nga niyang nagbihis ay kumain sila kaagad. Hindi naman pwedeng pumunta sila doon na wala silang kain e di para silang sumabak sa laban na wala silang bala kapag nagkataon.Pagkatapos nilang kumain ay kaagad na silang sumakay sa sasakyan. Hindi na niya inabisuhan si Lizette na pupunta sila doon dahil baka maitago lamang nito ang dapat nitong itago.Kailangan nila itong mahuli sa akto para mapatunayan nilang may ginagawa nga talaga ang mga ito.Ilang sandali pa ay naroon na sila sa tapat ng bahay nito. Malapit lang naman ito sa bahay niya kaya ilang minuto lang ang kinailangan nila at nanduon na sila kaagad.Nauna na siyang bumaba ng sasakyan. Wala namang guard si Liz
Nagising si Jazz. Halos hindi pa niya maimulat ang kaniyang mga mata dahil nahihilo siya. Hindi niya alam pero ang natatandaan niya lamang ay ang pinaamoy nila siya ng pangpatulog yata iyon.Unti- unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Nahihilo pa siya hanggang sa mga oras na iyon ngunit pinili na lamang niya ang imulat ng kaniyang nga mata. Halos walang lakas ang katawan niya at ramdam na ramdam niya ang panghihina.Idagdag pa na masakit pa rin hanggang sa mga oras na iyon ang katawan niya dahil sa pagbangga niya sa pinto.Ilang sandali pa ay tuluyan na niyang naimulat ang mga mata niya. Kahit nahihirapan siya ay nagawa niyang ilibot ang kaniyang paningin sa kaniyang paligid.Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Niyuko niya ang kaniyang sarili. Nakatali na ang kaniyang katawan sa isang upuan. Wala siyang kasama ng mga oras na iyon sa lugar na iyon. Napatingala siya sa kaniyang taas. Kaagad siyang napapikit dahil sa pagkasilaw. Nasilaw siya sa
"Anong plano mo ngayon?" Tanong sa kaniya ni Baxter.Nasa sala na sila ng mga oras na iyon. Kabababa lang nila galing sa silid ni Vin.Tuluyan na nga nilang nakumpirma ang kanilang hinala na hawak ni Vince si Jazz."Kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat. Bukas na bukas ng umaga ay pupunta tayo sa bahay ni Lizette at kailangan na nating magdala ng Pulis. Hindi pa man sapat ang hawak nating ebidensiya ay malaki na ang maitutulong nito." Sabi niya kay Baxter.Kahit busy siya sa kaniyang trabaho ay kailangan niya iyong pagtuunan ng pansin dahil ang nanay na ng anak niya ang nakasalalay dito. Isa pa ay para na rin mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Kuya Dan dahil nasisiguro niyang si Vince din ang may gawa nito rito.Napabuntung- hininga naman si Baxter at pagkatapos ay napahilamos ng mukha."Sige. Matutulog na muna ako at maaga pa tayong gigising bukas." Sabi nito at pagkatapos ay tumayo na at umakyat na sa taas. Sa guest room ito matutulog panigurado.Siya man ay napa
Alas singko pa nga lang ng umaga ay gising na siya at nakaligo na siya. Hindi na sila dapat pang mag- aksaya ng oras.Lumabas siya ng kaniyang silid upang tingnan ang kasama niya na si Baxter sa guest room ngunit nang mabuksan niya ito ay tulog na tulog pa rin ito nang mga oras na iyon.Nagdahan- dahan siyang isinara ang pinto para hindi ito magising. Siya na lamang mag- isa ang pupunta doon. Bumalik ulit siya sa kaniyang silid at nagbihis pagkatapos ay inilabas ang nakatago niyang armas sa kaniyang closet. Hindi niya inakalang magagamit niya iyon. Pang emergency lamang sana iyon ngunit ngayon ay gagamitin na niya ito.Regalo pa ito noon sa kaniyang ng kaniyang yumaong ama. Ang sabi nito ay baka daw pasukin sila sa kanilang bahay kaya importanteng may baril siya lagi sa kaniyang silid para mayroon siyang proteksiyon o may armas siya.Inilabas niya ito sa kahon kung saan ito nakatago. Siniguro muna niyang may bala ito at pagkatapos ay nang masiguro niyang may bala ito ay isinukbit na n
Umaga pa nga lang ay sobrang busy na ni Baxter samantalang si Axe Finn ay pumasok pa sa kaniyang opisina. Ang sabi niya ay magha- halfday na lamang daw ito at kailangan niya pa daw pumasok kahit pa biyernes na.Maaga pa nga kang ay nanduon na rin Gion upang pangasiwaan ang pagsasaayos ng magiging event place ng campaign rally ni Axe Finn. Sa halip na sa tapat na court sa bahay nito ay inilipat nila sa isang open field ng isang eskwelahan doon para na rin mas maluwang ang magiging venue.Sinuggest niya din iyon dahil baka marami siyang followers ang magpunta para sa face reveal niya. Isa pa ay nasisiguro din naman niyang marami ding taong pupunta doon dahil na rin marami rin naman talagang sumusuporta kay Axe Finn.------"Boss ito na ang mga bago nating kasama." Sabi ni Magno kasama ang sampung tao na kasama nito.Ito na ang pinakahihintay niyang araw. Ang araw ng kaniyang paghihiganti. Sa araw na ito ay gagawin na niya ang matagal na niyang pinagplanuhan. Maisasakatuparan na niya ang
Ang isang butil ng luha kaninang bumagsak ay nasundan pa. Namanhid ang buong mukha niya dahil sa mga sampal sa kaniya ni Vince. Nasisiguro niya na kung may salamin lang at titingnan niya ang kaniyang mukha ay maga na dahil sa lakas ng impact ng pagkakasampal sa kaniya.Nalasahan niya rin ang dugo sa gilid ng kaniyang mga labi. Pumutok ang mga ito nang sampalin siya ni Vince. Wala na siyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Manhid na ang buo niyang katawan dahil sa pinaghalo- halong sakit, pagod at stress. Napaiyak na lamang siya. Ang dami nitong tauhan na kinuha para sa plano nitong pagdakip kay Axe Finn at kay Vin. Ang lalaki ng mga katawan ng mga ito at hindi niya alam kung may laban ba si Axe Finn sa mga ito kung sakali.Wala siyang magawa kundi ang maiyak. Ito na ba ang katapusan niya? Nila?Napapikit siya at pagkatapos ay napaupo sa gilid ng dingding. Wala naman siyang magagawa kundi ang antayin na lamang ang mga susunod na magyayari o ang wakas ng buhay niya.-------Lunch brea
Alas syete nga ang start ng kaniyang campaign rally at alas sais na ng gabi. Isang oras na lamang ang kanilang dapat antayin at nakabihis na siya. Pati si Baxter ay nakabihis na rin.Handa na ito sa kaniyang pag- fe- face reveal. Napalingon naman ito sa kaniya ng mapansin nitong nakatingin siya rito."What?" Inis na tanong nito. Sinumpong na naman ito ng kasungitan nito. Matagal- tagal na rin naman ng huli siya nitong sinungitan. Medyo mabait ito sa kaniya nitong mga nakaraang araw dahil nga may problema silang kinakaharap. Pero nang gabing iyon ay hindi niya maintindihan kung bakit ito nagsusungit sa kaniya.Napailing na lang siya bilang sagot dito."Are you nervous?" Tanong niya rito. Bigla naman itong napatitig sa kaniya at pagkatapos ay tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo at nagsalamin."Is it obvious?" Tanong nito sa kaniya.So kinakabahan nga ito. Katanda- tanda na nito bakit kailangan pa nitong kabahan isa pa ay wala naman itong dapat ikakaba lalo na at hindi naman ito pangit d