“Oh Hijo, bitbitin mo ito… pati na rin ito,” sambit ni Papa sabay abot ng dalawang malaking basket kay Brion kung saan naglalaman ang mga kakainin namin para sa tanghalian at kung ano-ano pa. Agad akong lumapit para abutin ang mga dapat kukunin ni Brion.“Pa, naman… ako na po,” sambit ko at akmang kukunin ang mga basket pero kinuha agad iyon ni Brion at inilayo sa akin. “It’s fine,” nakangiting aniya habang taas-baba ang mga kilay. Okay lang ba talaga? Baka mamaya sinusumpa na niya ang pamilya ko. Lalo na kagabi, doon siya sa kwarto ni Derick natulog, eh baka mamaya niyan ay sa sahig siya natulog. Baka ma-yari ako pagbalik sa trabaho! Tapos ngayon baka hindi pa siya kumportable sa suot niya, katulad ko ay nakasuot ito ng tipikal sa pambukid. Naka-long sleeve na polo tapos mahabang pants, tapos naka-straw hat. Well, para din naman sa kapakanan niya ‘no, tirik ang araw kaya okay na rin ‘yon. Sasama-sama kasi siya dito eh, e ‘di mag-tiis siya. Habang hinihintay namin si Papa rito sa h
Huling Na-update : 2023-03-12 Magbasa pa