Nagising ako nang dahil sa liwanag na nagmumula sa malaking glass mirror sa kwarto ko na panigurado ay nakalimutan kong isarado kagabi. Nag-unat ako ng braso bago tumayo at nakitang alas-nuebe na pala ng umaga, maganda ang sikat ng araw ngayon at hindi gaano tirik ang araw. Dahil d’yan, tatambay ako sa pool area bago man lang gumala mamaya.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Sir Brion na nakaupo sa balcony na nagkakape at nakaharap sa laptop.
“I cooked breakfast, baka gusto mo kumain,” biglang sambit nito kaya naman dumiretso ako sa kusina at doon nakita ang nakahain na pagkain. Muli ko naman itong tinakpan bago naghilamos at kumain.
Ilang sandali pa ay pumasok na ito bitbit ang kanyang laptop at kape. Ibinaba nito ang laptop sa dining table bago linagay sa lababo ang kanyang baso.
“So, how was it?” tanong niya, nagulat pa ako dahil nakaupo na pala ito sa harap ko.
Kung makatanong naman akala mo menudo o afritada yung niluto, hotdog, sinangag, at itlog or hotsilog lang naman. Well, for someone like him, hindi na ito ‘lang’ dahil hindi naman pala-luto ang isang ‘to.
“Masarap naman po, Sir… yung itlog at fried rice ay hindi maalat.” Tumango-tango matapos sumubo muli ng kanin. Honest review ‘yan, ha.
Tumango-tango ito sabay ngiti na akala mo pasok ang niluto niya at pwede na mag-asawa.
“By the way, Sir… since last day na natin ngayon bago umuwi ng madaling araw, bababa ako sa pool area. Papahangin at relax lang. Aalis din ako after at gagala dito sa New York,” pagpapaalam ko bago inubos ang laman ng plato ko.
“Sure,” simpleng sagot nito at halata ngang abala na sa ginagawa nito sa laptop.
Kaya naman kumilos na ako at bumaba sa pool area. Bago pumunta doon ay nag-order muna ako ng strawberry shake. I’m wearing a not so revealing two piece, naka-tapis din ako ng manipis sa aking bewang at naka-sunglasses. Umupo ako sa lounge chair at pinagmasdan ang paligid. Wala masyadong tao kaya syempre hindi ako mahihiyang kumilos. Syempre ano, wala ako sa Pilipinas kaya medyo mahihiya talaga ako. Humiga ako sa aking kinauupuan at kasabay nyon ay ang paghampas ng hangin. Grabe, sobrang relaxing ng hangin dito ang sarap lunukin. Charot! Hindi nakakasilaw ang init ng araw ngayon kaya may lakas ako ng loob makipag-titigan sa langit, well naka-sunglass naman ako. Ilang sandali pa ay na-alala kong dala ko nga pala ang aking cellphone. Kaya naman muli akong tumayo para kumuha ng pictures.
I took some selfies before taking pictures of the surroundings until someone approached and called me.
“Damara, right?”
Napalingon ako agad at nakita ang isang pamilyar na mukha.
“Yeah! Sir Alhix, it’s Damara.” Nakangiti na sambit ko bago umupo muli sa kinauupuan ko kanina.
“Drop the ‘Sir’ thing, just call me Alhix,” natatawang sambit nito bago itinukod ang dalawang kamay nito sa kinauupuan nito na katabi ko saka lumingon sa direksyon ko.
“You’re not with Bry, anong ginagawa niya?” aniya, bakas sa accent nito ang pagiging foreigner.
“He’s busy po doing business staff–”
“C’mon, just stop the formality. Parang sobrang tanda ko naman for you.” Natawa na naman ito, lalong guma-gwapo eh.
“O-Okay, haha. Well, he’s busy doing some business while I'm enjoying and relaxing here.” Natatawang sambit ko dahil habang nag-re-relax ako dito ay abalang-abala ang boss ko sa trabaho.
“You have known my friend for a long time, right?” biglang tanong nito saka umupo paharap sa akin at ipinatong ang mga siko sa kanyang hita.
“Well, I don't really know him personally. Ang alam ko lang he’s terrible, alcoholic, and a womanizer,” sagot ko in a sarcastic way bago kinuha ang shake ko at uminom. Kahit pa kaibigan niya itong kaharap ko hindi ako natatakot na magsumbong ito kasi iyon ang nakikita ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko habang napapailing pa.
“We cannot deny that… pero curious lang ako, has he ever tried to flirt with you the way he flirted with other women?”
Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niyang ‘yon. Seryoso? Si Sir Bry, lalandiin ako? Malabo pa sa blurred mangyari ‘yon.
“Hindi, that will never–ever happen. Ako? Papatulan non? Kumpara mo sa mga nakakasama niyang babae, walang-wala ako ‘no. Also, I won’t let him do that, he’s too dangerous. I don’t wanna risk what’s already risky,” diretsong sagot ko at muling uminom ng shake.
Anong klaseng tanong naman kasi ‘yon? It’s obvious na hindi ako papatulan ng isang mayaman na pogi na ‘yon, sobrang sungit pa. Minsan ‘yung joke ang dry. Pero syempre tatawa ako, kahit dry ‘yon. Boss ko ‘yan eh.
“You seriously look down on yourself? You look pretty actually, base pa kay Bry you work hard that impressed him.”
Impressed him? Really? Na-impress siya kung gaano ako ka-sipag magtrabaho? Salary increase naman dyan oh. Charot! Malaki na nga pala ang sahod ko.
“Talaga ba, dapat lang ano. It is because I really love what I’m doing kaya ganun ako ka-hard working sa ginagawa ko,” usal ko at napangiti naman siya saka tumango-tango na tila na-impress sa sagot ko.
Bata palang kasi ako gusto ko na talaga mag-secretary. Naimpluwensyahan na rin siguro ako sa mga nakikita ko sa TV at nababasa ko sa libro kung gaano sila magtrabaho at kung anong ginagawa nila. It is exactly what I wanted.
“By the way, are you free for tonight? Let’s grab a drink.”
“I’m not actually sure, magpapaalam muna ako kay Sir Bry.”
“Ako na ang bahala magsabi sa kanya.”
“I don’t think he might accept that, ako na lang siguro ang magsasabi. I’m not pretty sure kung free ako dahil balak ko gumala so baka kagabihin na rin ako,” pagpapaliwanag ko.
“Ohhh, okay. Sa club lang din naman dito sa Carters…. So if I didn’t see you around–meaning you are not really free.”
Ilang sandali pa ay napag-desisyon-an ko na ring umakyat dahil anong oras na at gagala pa ako. Tumambay lang talaga ako sa pool area ng naka-swimsuit pero hindi nag-swimming. Syempre nag-picture lang ako doon ano. Nagbihis lang ako at nagsabi sa amo ko na aalis na para gumala along New York. Mabuti na lamang ay nakapag-papalit ako ng pera upon arriving here at New York. Nang makausap ko rin sila Mama kagabi ay gusto raw nila ng pasalubong galing dito.
First stop, Central Park. Pagka-baba ko ng uber ay nag-lakad-lakad na ako patungo sa kung saan ang agos ng mga tao. Ang dami rin kasing tao. Hanggang sa nakarating ako sa actual park kung saan malawak ang paligid, maaliwalas at may lake pa. Habang naglalakad ay todo kuha ako ng pictures, hanggang sa nakarating ako sa isang bridge ay doon ako tumigil para kunan ang ka-buo-an ng lugar.
“Ahm… excuse me, can you take a picture of me?” tanong ko sa isang babae na siyang kakatapos lang kumuha ng litrato. Ngumiti naman ito at kinuha ang cellphone ko. Agad akong umayos at tumayo para kuhaan ako nito ng litrato kasama ang ka-buo-an ng lugar. Nagpasalamat naman ako sa kanya ‘tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nalibot ko na ang Central Park. Nang makalabas sa mismong lugar ay tinignan ko ang pangalawa sa list ko. Ito ay ang Metropolitan Museum of Art. Sumakay lang ako ng yellow cab patungo ron at nang makarating ay nadatnan ko na naman ang napakaraming tao. Hindi naman ganun karami dahil makakapag-lakad at libot ka naman nang maayos. Yung entrance ay tipikal na entrance sa mga usual na museum, katulad ng national museum sa Pilipinas. Agad akong nagtungo kung saan ang mga sculptures na siyang nakita ko sa internet at hindi ako na-bigo dahil mas nakakahanga ito sa personal. Halatang hulmadong-hulmado at matibay ang pagkakagawa. Parang noong high school lang ay pinag-aaralan namin ang mga ganito sa isang subject, ngayon personal ko na siyang nakikita. Sunod akong nagtungo sa mga paintings at doon ay hindi rin ako nagtagal dahil maraming tao sa part na ‘yon. Last stop ay sa time square kung saan ang usual place to go ng nakararami. Hapon na nang makarating ako at malapit na rin ang sunset kaya naman damang-dama mo talaga ang New York sa lugar na ito. Matataas na building, makulay na paligid at billboards kung saan-saan. Kung ano yung mga nakikita ko sa balita at internet ay kitang-kita ko ngayon sa personal. Kaya naman walang sawa ako kumuha ng pictures. Mapapakanta ka talaga rito ng empire state of mind ni Jay-Z at Alicia Keys eh.
Nang mapadaan sa mga stores ay bumili na ako ng mga pwede kong pasalubong sa pamilya ko dahil nga nagsabi sila sa akin nang makausap ko sila kagabi. Kung anong kaya ng budget ay binili ko na dahil minsan lang naman ako rito.
Matapos ko maglibot ay nagdesisyon na akong umuwi dahil baka ma-yari na ako sa boss ko na abala sa trabaho tapos ako heto at pagala-gala.
Medyo madilim na nang makabalik ako sa hotel at nadatnan ko ang amo ko na siyang nakabihis at nag-aasikaso.
“Mabuti at umuwi ka pa,” seryosong sambit nito habang nag-aayos ng kanyang necktie.
Parang linya ni Mama at Papa ‘yon tuwing gumagala ako ah.
“Pasensya na po,” sambit ko while giving him an apologetic smile. He just stared at me emotionlessly.
“Magbihis ka dahil may party sa club ng Carters. Go, I’ll be waiting.” Umupo siya sa sofa at tinitigan ako na tila ba sinasabi nitong time is running at magmadali ako. E ‘di ginawa ko, dali-dali akong kumilos. Alangan pag-hintayin ko pa ang boss ko ‘di ba. Nag-suot ako ng black backless dress na may slit hanggang hita partnered with black heels. Sabay kaming pumunta ni Sir Bry sa club ng Carters at ito ay sa itaas lamang ng Casino. Dumating kami nang tila exclusive na tao lamang ang narito. At doon sinabi ng isa sa board of directors na exclusive na tao lang nga talaga ang invited sa party. Ang shala naman at nandito pa talaga ako.
“Hello, Mr. Burkes. Good evening,” pagbati ni Sir Bry sa kaibigan ng kanyang ama at nakipag-kamay.
“Good evening, Mr. Carter and… Ms. Vertudez, am I right?” sambit nito nang bumaling sa akin. Kinuha ko naman ang kamay niya ng i-alok niya ito upang makipag-kamay.
“Yes, Mr. Burkes. It’s nice to see you here,” nakangiting sagot ko at tumango naman siya.
Na-meet ko na rin siya noong unang pumunta ko rito sa New York branch, isa siya sa malapit na kaibigan daw ng yumaong ama ng amo ko. Ilang sandali pa habang nag-uusap ang dalawa ay may nakita akong papalapit at saka ko lang naaninag nang tuluyan itong makalapit sa amin, it’s Ms. Olivia who’s wearing a sparkling grey dress na fitted at talaga namang mas namumukadkad ang kanyang pagka-elegante.
“Good evening, Ms. Olivia–”
“Good evening, Bry. How are you?”
Natigil ako nang walang emosyon ako nitong nisulyapan lamang at binati si Bry saka ito hinaplos sa braso. Napa-kagat ako sa labi dahil sa hiya, pero siguro ay hindi lang ako nito narinig dahil sa lakas ng music sa loob ng club. Nanahimik na lang sa tabi ng amo ko habang abala ito sa pakikipag-usap sa dalawa at sa iba pang lumapit sa kanila.
“Bakit ba kasi kasama pa ako rito? Hindi naman ako ganun ka-importanteng tao para sa party na ito eh. Puro mga yayamanin at businessman nandito eh,” inis na bulong ko.
“Hey, what are you muttering at?”
Na-gitla ako nang biglang may sumulpot sa tabi ko.
“Sir Alhix. H-Hello!” sambit ko at naiilang na ngumiti. Syempre naka-distansya ako sa amo ko nang ibulong ko ang mga ‘yon sa sarili ko ano. Kaya malamang hindi rin narinig nito ni Sir Alhix ang sinasabi ko, mukha nga lang siguro akong ewan dahil parang natawa ito at bumubulong ako sa hangin.
“I told you to drop the formality,” aniya sabay kuha ng dalawang baso ng alak sa kadaraan lamang na waiter saka inabot sa akin ang isa.
“Thanks.” I took the glass and raised it a little to say thank you before drinking.
“Do you feel out of place here?” tanong nito bago lumapit sa high table at nilapag doon ang kanyang baso. Sumunod naman ako at ginaya ang ginawa niya. Gaya-gaya kasi ako, joke.
“Not really, hindi ko lang alam kung kailangan ba na nandito ako. Wala naman akong gagawin dito. Do I need to take notes of all the things that they are talking about?” inis na sambit ko as I gestured behind me where my boss was. Natawa naman si Alhix saka uminom.
Ang gwapo naman talaga nito matawa.
“Well, I think the feeling’s mutual. My Dad’s here, I don’t know my purpose here either,” sagot nito. “Well, since party naman ito. My purpose now is to enjoy and get drunk here. Bayad din naman ‘to ng amo mo.” Uminom ito ng alak ‘tsaka ito itinaas to raise a toast.
Baka nga ‘yon din ang purpose ko rito, para hindi ako mukhang kabute dito, magpa-party na lang din ako at mag-eenjoy dahil bayad naman ito ng bilyonaryo kong amo.
Si Alhix na nga ang naging ka-kwentuhan ko habang umiinom dahil wala naman kami ibang pwede makausap. Although may mga lumalapit sa kanya pero bumabati lang ito sa kanila. Dahil doon ay mas na-kilala ko si Alhix, maliban sa siya ang nag-hahandle sa ilang branch ng kanilang business. Madali itong pakisamahan, sobrang jolly kausapin at hindi ka talaga mahihiyang mag-kwento sa kanya. Parang kung anong vibes at energy ay kayang-kaya niyang sabayan. Kahit medyo conyo magsalita dahil Fil-Am ito.
“Anyway, you don’t have any boyfriend, right?” biglang sambit ni Ahlix sabay inom ng alak na hindi namin alam kung pang-ilang baso na ba itong hawak namin.
“Yes and wala pa sa isip ko na magkaroon ng boyfriend.”
“Why?”
“I just can’t as of now, my last relationship didn’t work.”
Not in a bad way ah, it’s just that me and Jamyr didn’t work as a relation or lover. Siguro dahil hanggang friends lang talaga kami.
“What if magwork naman if you try to?” biglang seryoso na tanong nito. Kahit medyo nahihilo na ako ay kitang-kita ko ang diretso nitong tingin sa akin.
I sighed before answering him. “Maybe soon, sobrang busy lang ako sa trabaho as of now and busy supporting my family in the province. Wala pa akong balak. Darating din naman ‘yon, if it's worth risking then why not?”
“What if he is already existing around you?”
“I-I don’t think so, maybe… but just like what I’ve said, wala pa akong balak,” I answered bago inubos ang laman ng baso ko. Sakto namang may dumaan na waiter kaya muling kumuha si Ahlix ng baso para sa aming dalawa pero natigil ako nang biglang may lumapit sa akin at hinawakan ako sa bewang.
“That’s enough, Ahlix. We’re going back to our unit.”
Doon ay mas lalo akong na-tigil nang mapagtantong si Sir Brion ang nasa tabi ko’t nakahawak sa aking bewang. Tila may kuryente na dumaloy sa sistema ko dahilan para hindi ako makakilos. Kahit na ramdam ko na ang tama ng alak sa akin ay alam ko kung anong nangyayari ngayon.
“Oh, okay. Thank you by the way, Damara. Nice meeting you again. I gotta go too, bro.” Nakangisi nitong inangat ang kanyang baso bilang pagpapaalam bago umalis.
Sa sobrang hindi ko ma-process sa utak ko ang nangyari ay ngayon ko lang na-realize na nasa hotel na pala kami. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang nag-sink in sa akin na hindi ko na kausap pa si Ahlix.
“Hey! What do you think y-you’re doing? I was talking to Ahlix just a moment ago, why am I here?” I mumbled before removing Brion’s arm around my waist.
I tried to stand straight ngunit nakaramdam ako ng pagkahilo na para bang lumilindol. Dahil doon ay para akong tanga na nagba-balance makatayo lang ng diretso.
“See? You’re drunk, that's why you’re here already, Damara. C’mon just take a seat, let me remove your heels,” kalmadong sambit nito saka ako marahang tinulak para umupo sa sofa.
Drunk? I guess?
I took a deep breath as I felt the heavy feeling because of the alcohol, I closed my eyes and let myself drown by darkness.
It's been almost 2 weeks mula ng makabalik kami from New York, sobrang busy mula non dahil sa daming napag-usapan sa business meeting. Tapos pag-balik dito ay puro din meetings dahil syempre to deliver what happened during the meeting in New York. So far, so good naman dahil all we need to do is to arrange the things the casino-resort should arrange. Things shall be smooth and well-organized dahil syempre to increase the sales and to maintain the trust of investors and stakeholders. “Hello, Good afternoon! Is this Amorsolo De Jesus?” tanong ko mula sa telepono habang nakaharap sa aking computer kung saan naka-flash ang email na pinarating ko.“Yes, speaking.”“Okay. This is Damara Vertudez of Carter Casino-Resort, let me just remind you about the email I sent three days ago containing your scheduled appointment with Mr. Carter later at 7:00 pm in line with sponsorship. Were you able to read the email, Mr. De Jesus?” “Oh, yeah! I’m sorry for not replying to the email. By the way, tha
Nasa labas na ako ng condominium dala ang mga gamit ko. Sasakyan ni Sir Bry ang gagamitin at ang sabi niya ay hintayin ko na lamang ito rito sa labas para sunduin ako. Ang sabi ko ay mag-commute na lamang kami at sumakay ng bus para hindi ito mapagod sa pagmamaneho dahil malayo ang probinsya namin pero makulit ito at gusto talaga mag-drive. Well, sa bagay bakit ko nga naman isasakay sa public transportation ang isang ‘yon? Baka murahin pa ako ng isang ‘yon sa isip niya. Alas-syete na ng umaga nang makarating at alis kami ni Sir Bry. At talaga namang siya talaga ang nagmamaneho. Sobrang awkward at nakakahiya naman ng sitwasyon na ‘to. “Tama naman ang dinaraanan natin, ‘di ba?” he asked before turning the steering wheel. “Y-Yes po, Sir,” nahihiyang sagot ko habang nakatingin sa harapan. Iyon lang ang naging conversation namin habang nasa byahe. It’s been 30 minutes at tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Bukod sa awkward ang atmosphere dito sa loob ng sasakyan ang nakaka-bwisit din
“Oh Hijo, bitbitin mo ito… pati na rin ito,” sambit ni Papa sabay abot ng dalawang malaking basket kay Brion kung saan naglalaman ang mga kakainin namin para sa tanghalian at kung ano-ano pa. Agad akong lumapit para abutin ang mga dapat kukunin ni Brion.“Pa, naman… ako na po,” sambit ko at akmang kukunin ang mga basket pero kinuha agad iyon ni Brion at inilayo sa akin. “It’s fine,” nakangiting aniya habang taas-baba ang mga kilay. Okay lang ba talaga? Baka mamaya sinusumpa na niya ang pamilya ko. Lalo na kagabi, doon siya sa kwarto ni Derick natulog, eh baka mamaya niyan ay sa sahig siya natulog. Baka ma-yari ako pagbalik sa trabaho! Tapos ngayon baka hindi pa siya kumportable sa suot niya, katulad ko ay nakasuot ito ng tipikal sa pambukid. Naka-long sleeve na polo tapos mahabang pants, tapos naka-straw hat. Well, para din naman sa kapakanan niya ‘no, tirik ang araw kaya okay na rin ‘yon. Sasama-sama kasi siya dito eh, e ‘di mag-tiis siya. Habang hinihintay namin si Papa rito sa h
“Oh nakabalik na pala kayo, kumain na ba kayo? Sakto at naghanda na ako para sa tanghalian natin,” sambit ni Mama nang makapasok kami ng bahay ni Brion.Kagagaling lang namin sa bayan dahil ipinag-grocery ko sila Mama maging ang mga magsasaka namin. Sila Mama na lamang ang bahala mag-repack ng mga iyon at ipamigay. Magkatabi kami ni Brion na kumain kasabay sila Mama, matapos niyon ay si Mama na rin ang nag-ayos dahil kailangan na pumasok nila Sophia at Derick. Habang kami ni Brion ay kailangan na mag-asikaso dahil alas-tres ang uwi namin pabalik sa Maynila.Muli kong nakita ang cheque sa lamesa ko, humahanap ako ng tyempo maibigay ito kila Mama. At sa tingin ko ay ngayon na ‘yon. Lumabas na ako dala ang aking mga gamit bago nagtungo sa kusina kung saan nadatnan ko sila Mama na nakaupo sa lamesa at nag-uusap sa hindi ko malamang dahilan, pero bakas ang pag-aalala sa kanilang mukha. Marahil ay dahil sa problema na kinakaharap ng aming bukid. “Ma… Pa,” sambit ko bago nilapag ang cheque
I was fixing my things when I heard someone knocking the door of my office.“Come in!” sagot ko bago nilagay ang mga documents sa isang table para mas organize. “Aren’t you done yet? I’ve been waiting for 10 minutes, goodness!” tila iritableng sambit niya, sino pa? Eh ‘di ang amo kong daig pa babae kung umatake ang mood swings. “Inaayos ko pa ang mga documents na gagawin at aasikasuhin ko for tomorrow, patapos na rin naman ako eh,” sambit ko bago tuluyang pinunasan ang lamesa ko using wet wipes. Nang tuluyang matapos ay doon kami sabay na lumabas ni Brion. Ang dami-dami pa nitong sinasabi at nagrereklamo dahil pinaghintay ko siya. Napapa-irap na lang ako at kahit gusto ko siyang batukan ay pigil na pigil ako dahil ayoko makipagtalo sa kanya at baka magising na lang akong pinag-chi-chismisan dito sa buong carters. Wala na nga akong friends dito gaagwa pa ako ng issue.“Sinabi ko na kila Ate Nida na doon tayo kakain,” aniya bago itaas ang magkabilang sleeves ng kanyang polo hanggang
“Good morning, Ms. Damara!” masiglang bati na naman sa akin ng ilang empleyado ng Carters, ang ilan ay mga interns pa. I was checking my memo for any meeting today while walking towards the elevator and so far, isa lang ang scheduled meeting this afternoon. Habang ngayong umaga ay appointment meeting naman with some investors. Nang bumukas ang elevator ay pumasok na ako agad without looking on the way dahil I could visualize it without even directly looking in front. “Schedule for today?” someone asked beside me and… halos nagulantang ako nang ma-realize kung kanino ang boses na iyon.“A-Ah… good morning, Sir! For this morning around 9AM you have an appointment with Mr. Liam who just came here in the Philippines recently. 11 AM appointment with Ms. Olivia. This afternoon, you have a board meeting around 2 PM,” naka-ngiti na sambit ko while looking at him. He wasn’t looking at me. He’s just seriously looking in front while his hands are in his pockets. Well, I guess narinig naman n
“W-What happened?” nag-aalala na sambit ko nang makarating ako sa address na binigay ni Sir Mathew. Ngayon ay nasa parking area na sila at may ilang mga bouncer at isang grupo ng kalalakihan.I saw Sir Mathew’s holding Bry’s arm like he was stopping him for a fight while the other guys are doing the same on their friend. Guess I know now what happened.“Pasensya na sa abala, Damara. Napa-away kasi ang isang ‘to eh. Naparami na rin kasi ang inom, I don’t even know kung bakit iba ang mood niya ngayon,” sambit ni Sir Mathew.“What are you doing here, huh? Aren’t you with that guy friend of yours?” ani Bry at bakas sa boses nito ang pagka-seryoso.Nagkatinginan kami ni Sir Mathew at sabay na napa-iling. “Pwede bang ikaw muna ang bahala sa kanya? I have something to do urgently kasi,” I sighed before nodding. “May problema pa ba rito?” tanong ko habang nakatingin sa grupo ng kalalakihan na ngayon ay kausap ang kanilang kaibigan na marahil nakaaway ni Bry.“Good thing ayos na ang lahat.
“Don’t worry, I ain’t doing anything,” sambit ng parehong boses na siyang nagpupumilit na ihatid ako.“C’mon, let’s just allow him. He’s big time, s-sige! Ikaw na ang bahala sa kaibigan namin, ingatan mo iyan ah!” I heard Arcie say while rushing to help me with someone. Ngayon ay alam kong si Arcie ang naka-alalay sa akin ngunit hindi ko alam kung sino pa ang isa. They both helped me get into my car which I felt an instant relaxation. Ilang sandali pa naramdaman ko ang ang ginahwa sa aking katawan dahil alam kong nasa loob ako ng sarili kong sasakyan until I really felt asleep and let myself drown by darkness. “Ahh~finally! My comfort! C’mon! Let’s go home,” I said in a sleeping and tipsy tone.I heard no one but my car’s already moving, ibig sabihin lamang niyon ay pauwi na kami. Maybe this is Jamyr, pero I heard them talking about my Boss? Kung siya nga ito, aba eh bahala sya! H’wag lang niya ako masumbat-sumbatan, ‘no.After awhile, ramdam ko na ang pag-slow down ng sasakyan han
“A-Are you s-serious?” hindi makapaniwalang tanong ko habang pinapanood itong hubarin ang kanyang polo. Napa-lunok ako nang tuluyan kong makita ang matipuno nitong katawan. He stared at me before kneeling onto the bed in between my legs. Imbis na sumagot, agad nitong hinawakan ang likod ng aking ulo ‘tsaka ako agad na hinalikan. Sa sobrang gulat ay napahawak ako agad sa braso nito, ngunit agad niya ring hinawakan ang kamay ko na iyon at nilagay sa kanyang balikat na para bang ginagabayan nya ako sa tamang pag-respond sa kanyang mga halik. By that, hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kung hindi magpadala sa mga agresibo nitong paghalik.Ang paglakbay ng kanyang mga kamay, kilos, at halik sa iba’t ibang parte ng aking katawan ay dahilan para makaramdam ako ng init na ngayon ko lamang naramdaman. Hanggang sa mapagtanto kong pareho na kaming walang damit na dalawa. Marahang bumitaw si Brion sa pagkakahalik sa akin tsaka ako matiim na tiningnan habang nasa ibabaw ko ito. Kasunod n
“Bakit dito pa tayo kumain? Meron naman sa hotel?” tanong ko habang lilinga-linga sa buong restaurant na sobrang yayamanin, ang lalaki ng mga chandelier at talaga namang sobrang fancy ng mga kagamitan. “I wanted to try the foods here, this is quite popular according to Engr. Alfonso,” aniya habang nagbabasa ng menu.Kinuha ko naman ang menu sa harap ko at nag-hanap na ng makakain.“Jusko, pati presyo talaga namang fancy,” mahinang sambit ko at narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. Nag-order na lang ako ng bistek at isang creamy tuna pasta. “Do you like it here?” biglang aniya habang kami ay naghihintay sa aming order.Marahan naman akong tumango at nakita ko ang biglang pagngiti nito.“That’s good, I like it here,” sagot nito na diretsong nakatingin sa akin. Ilang segundo rin ‘yon bago ito biglang umiwas ng tingin at napa-hawak sa kanyang batok. I cleared my throat because of shyness and awkwardness. Ano ba naman ito, parang kaming ilag at ilang sa isa’t isa and that’s kind
Nang maka-akyat sa unit namin, ay sinabihan ako nito na mag-hintay at may i-aabot siya kaya naman nag-hintay ako. Ilang segundo lamang ay may inabot siya sa akin na mga papel.“Sort this out and put it in a powerpoint, we need to present everything once we came back to Manila,”“Okay po, that’s noted.” Pumasok na ito sa kanyang hotel room at ganun din ako. Hindi pa naman ako nagugutom kaya naman nag-shower na muna ako at inumpisahan ang ini-utos nito sa akin. Nang kalagitnaan ng aking mag-ta-trabaho, biglang tumunog ang phone ko. It was him, calling me. Sinagot ko naman ito na may kasabay na pag-irap.“Yes, what?”“You go here in my hotel room, let’s eat our dinner–I ordered some,” aniya at agad na ibinaba ang linya nang hindi man lang ako hinayaang sumagot, tumanggi, o ano pa man.I sighed before fixing my things, narito lang ako sa sala kaya naman nilagay ko na lamang ang mga gamit ko sa coffee table at nagtungo sa hotel room niya na nasa tapat lang naman ng akin.Nang makapasok s
“W-What a-are you doing?” nauutal na tanong ko.Nakatingin lamang ito habang patuloy sa pagtanggal ng butones ng kanyang polo. As he finally unbuttoned his polo, he immediately took it off which made my eyes widened.“What? Are you just gonna watch me? It’s freaking hot, Damara, you can watch me after you turn on the aircon,” aniya ‘tsaka tumawa at humilata sa higaan ko.Inirapan ko ito sa inis at kunot ang noo na binuksan ang aircon. “You’re not drunk, aren’t you?” naka-pamewang na sambit ko habang nakaharap sa kanya.“Who told you I’m drunk?” aniya na tila natatawa nang umupo ito sa pagkaka-higa at tumingala sa akin na ngayon ay nasa harap niya.“Eh mukha kang lasing kaninang dala-dala ka rito ni Sir Mathew eh,” “I’m just tipsy, tired, and sleepy,” aniya at nag-kibit balikat. “Plus, I’m too tired to go at my place,”“Eh sino naman ang nagmaneho sa ‘yo pauwi? Alangan namang mag-commute si Sir Mathew dahil inihatid ka niya rito?” “He used my car para ihatid ako habang dala ng isa p
Today is another day to work na naman! At ngayon naman ay trabaho na naman. Sobrang dami nga ng papel na nakatambak sa table ko. Mula kaninang umaga ay padagdag ng padagdag. Habang umiinom ng tubig ay biglang nag-ring ang aking phone na agad ko naman sinagot.“Yes, Sir Bry?” Umupo akong muli sa aking swivel chair.“Reschedule my meeting with the investors,”“P-Po?” Napa-upo ako ng diretso dahil sa sinabi niyang ‘yon. “P-Pero, Sir, this week na po kasi ‘yon,” “Reschedule it next week, I have a hangout with my friends on that day. Next week ay may bakanteng araw naman, you schedule it on that day instead,”“P-Pero nakapag-send na po ako ng emails–” with that he end the call.Napa-buntong hininga na lamang ako dahil wala na naman akong nagawa.I took my planner together with my calendar to check all the details. At syempre dahil ako na naman ang bahala eh sinunod ko na lamang ang sinabi niya at ginawan ng paraan kung anong dahilan ang sasabihin sa mga investors. Hindi naman ako si Batm
“Where are you friends? Why are you walking around looking so dizzy?”Hindi ko pinansin ang panenermon nito at patuloy lang ako sa pag-suka, habang siya ay hinahagod ang likod ko. Halos i-subsob ko na ang mukha ko sa inidoro at nagsusuka habang nakaupo. Ito namang si Brion ay todo sermon sa akin. Oo, siya nga. Nalaman ko lang nang tuluyan ako nitong alalayan papasok ng banyo dahil nasusuka na pala ako. Matapos ang nakakapagod na pagsusuka ay hingal akong napa-tayo at tiningnan ito na siyang diring-diri sa kanyang nakita. He immediately pushed the flush button of the toilet that I forgot to push. Ilang sandali lamang ay nakarinig kami ng nagtatawanan na boses ng lalaki kaya nanlaki agad ang mata namin pareho. “Why are we here?!” mariin na bulong ko at agad nitong isinara ang pinto ng cubicle. He gestured me to shut up by putting his index finger on his lips, napairap naman ako dahil doon at kumuha na lamang ng tissue sa bag ko at mouthwash. Oo, palagi akong may dala at maging ng mi
I was just busy writing down some things na pinag-uusapan ngayon sa meeting, it was about the expenses sa branch dito sa Manila and about another marketings, some updates and so on. Matapos ang halos tatlong oras na meeting balik muli sa trabaho. Set ng appointment at remind ng meeting para kay Bry habang nag-aayos ng iba’t ibang papers maging encode ng iba’t ibang papers. At ngayon naman, kakatapos lang ng meeting niya virtually with some people sa Carter's New York and Nevada. At ako ngayon ay nag-aayos ng mga information na na-talak nila during the meeting. While working, nakaramdam ako ng gutom, kaya naman bumaba ako para bumili ng makakain at iced coffee na rin pampagising.“Uy!” Napa-lingon ako nang marinig ‘yon. Paglingon ko sa kanan ko, iyong bago pala sa marketing. I raise both of my eyebrows while pointing at myself to ensure that he’s talking to me. Natatawa naman itong tumango bago lumapit sa akin.“Para kay Sir Bry?” tanong niya habang nakaturo sa iced coffee na hawak
Hiwalay ang cart namin ni Brion, syempre at magkaiba kami ng trip sa buhay. Sinilip ko ang mga pinag-bibili nito at puro beer, snacks, at ang ilan ay instant foods. Well syempre anytime naman ay pwede itong kumain sa mansion. Eh ako? Alangan namang umuwi pa ako ng probinsya para doon kumain ng lutong ulam. Humiwalay na ako kay Brion at nagtungo na sa meat section habang naglalakad kami.Abala ako sa pag-lagay at bili ng mga karne, isda, at ilang mga frozen goods nang biglang sumulpot si Brion sa tabi ko.“That’s a lot, though,” aniya habang nakatingin sa laman ng cart ko.“This is good for 2 weeks already, para hindi ako ganun pa-labas-labas para mamalengke.” I pushed my cart at umalis na habang nakasunod naman itong si Bry sa akin.Napatingin ako sa cart nito at ayun ilang mga sabong panlaba at ligo ang nadagdag sa cart nito.Pumila na kami sa cashier, habang nag-pa-punch nga si Ateng cashier ay panay ang tingin nito kay Brion at medyo nahihiyang napapangiti.“5,381 pesos po lahat,
“Excuse me?” ani Ms. Olivia habang nakatingin na tila ba naistorbo ko siya sa pagpasok sa opisina ni Brion.“Ahm, pasensya na po, Ms. Olivia. Bawal po kasi pumasok unless may appointment po kay Sir Bry. If you have any concern po you can direct it to me first–”“No,” pag-putol nito sa statement ko habang diretsong nakatingin sa akin.Alam mo yung tingin na “I don’t give a f*ck,” ganun! “E-Eh kasi po, Ms. Olivia, busy po si Sir Bry ngayon. Occupied po ang schedule niya for today, pwede niyo po i-daan sa akin ang sadya ninyo at makakasiguro po kayong makakarating kay Sir Bry ‘yon,” naka-ngiti na sambit ko kahit na kinakabahan na ako sa posibleng sagot niya sa akin. “Shut the f*ck up, can you? You are so annoying. Si Brion ang kailangan ko at hindi ang isang katulad mo.” Mariin ako nitong tinitigan ‘tsaka na naman ako nito tiningnan mula ulo hanggang paa. Ang ilang empleyado ay napa-tingin din sa direksyon namin dahil sa taas ng boses ni Ms. Olivia.“A-Ahm Ms. Olivia, bawal po kasi tal