“Meeting adjourned!” Sir Bry stated nang matapos ang halos dalawang oras na meeting regarding sa business meeting na magaganap for tomorrow kasama ang board of directors.
“Have you noted everything?” tanong nito ng makalapit sa kinauupuan ko at tumango naman ako. “Great, that would be all.”
Lumabas na ko ng meeting room at dumiretso sa office ko para tapusin ang ilang natitirang papel na kailangan kong asikasuhin. Dahil panigurado, maraming kaganapan ang mangyayari bukas. We are having a three day business trip to New York kung saan ang branch ng Carter Casino-Resort abroad kung saan may mga investors din na kailangan i-meet ng Boss ko.
Tinapos ko lang ang natitirang trabaho ko for this day bago nag-hintay ng out ko at umuwi na.
“Kumusta r’yan, Ma, Pa?” pangungumusta ko sa pamilya ko nang i-video call ko sila pagkarating na pagkarating ko sa condo at humilata sa sofa.
“Ayos lang naman, ‘nak. Ikaw ryan? Baka naman pinapagod mo ang sarili ryan, magpahinga ka rin,” nag-aalalang sambit ni Mama.
“Normal lang naman ang mapagod sa trabaho, Ma!” pagbibiro ko saka ipinatong ang dalawnag kong paa sa coffee table.
“Eh ang boss mo ayos pa ba naman siya sa iyo?” tanong ni Papa.
“Naku, Pa… ang mahalaga maayos ang sahod ko.” Agad namang natawa ang magulang ko dahil doon. Busy raw ang mga kapatid ko kaya hindi ko na kinausap pa. Sinabi ko lang din sa kanila na may business trip kami sa New York bukas and they better wait for me to video call them.
Ilang sandali pa ang nag-hugas na rin ako ng katawan bago tuluyang nag-impake ng mga kakailanganin ko for tomorrow. Alas-sais kasi ang flight namin and dadaanan nalang daw ako dito ng magaling kong Boss so better be ready dahil baka mainip ito sa kabagalan ko kumilos. Ganun kasi ako kung minsan, may pagka-bagal kumilos. Well, not all the time.
Matapos kong mag-impake ay kumain na ako ng dinner kahit late na, parang pa-midnight snack na ata ‘tsaka ko humiga para magpahinga.
I woke up because of the alarm of my phone. It’s 4:00 in the morning, bumangon na ako para mag-asikaso ng agahan ko para kumain at naligo na after. Habang nag-lalagay ako ng make-up ay nag-beep ang phone ko at lumabas sa screen ang message ng magaling kong Boss.
[Sir Bry: We’ll be fetching you on the rooftop.]
Nag-reply naman ako at sinabing, [Okay po, Sir.]
Since light make-up lang naman ang nilagay ko, natapos din ako agad ‘tsaka naka-business attire ako. Kinuha ko na ang coat ko bago ang mga luggage. Habang patungong rooftop ay nag-beep na naman ang phone ko at nakita ang message na naman ng Boss ko na malapit na raw sila. Hindi na ako nag-reply pa dahil nasa loob na rin naman ako ng elevator patungong rooftop.
Naghihintay lang ako ng ilan pang minuto at tanaw ko na nga ang helicopter. Ito kasi ang sasakyan patungo sa kung saan ang private jet-plane nito ni Sir Bry.
Someone assist me and took my luggage bago naman ako in-assist ng isa pa para maka-upo ng maayos sa tabi ni Sir Bry. Pinasuot sa aking sa headset bago kami tuluyang umalis. Mag-aalas sais na nang makarating kami sa airline kung saan ang private plane ni Sir Bry.
As we arrived, nasa loob na daw ang mga board of directors at kami na lang pala ang hinihintay. Sinundan ko lang ang attendant na siyang nag-aassist sa aking patungo sa seat ko. Nang nakaupo ako ay kinuha nito ang luggage ko para ilagay sa baggage compartment. Maya-maya lamanga ay umupo na rin si Sir Bry sa kaliwang bahagi ng bintana.
Nag-sign of a cross ako ng tuluyang lumipad ang plane bilang gabay na rin sa byahe.
“Have you listed all the things we need to do for the business trip?” tanong nito habang nakatuon ang pansin sa hawak nitong magazin.
“Yes, Sir. Tomorrow morning, we have a business meeting with the investors at Carter Casino-Resort, talk about maximizing the club or bar area and adding a billiards area.” Kinuha ko ang printed copy ng mga dapat pag-usapan sa meeting at inabot ito sa kanya. “Nailagay ko na rin po ang lists ng investors.” Tumango-tango ito habang binabasa ang inabot ko ‘tsaka ito binalik sa akin.
“Okay, so basically we just need to visit the Casino-Resort later upon arriving. My friends are waiting,” sambit nito bago sumandal sa kinauupuan at pumikit.
Bakit naman ang gwapo nito.
Umiling ako ng ilang beses dahil sa sarili kong naisip. Why am I even complimenting him that way? Well, aminado akong gwapo talaga sya. May parte lang talaga sa ugali niya ang nakakapangit ng image. I mean, not totally… Nakakainis lang talaga sya minsan. Normal naman siguro ‘yon ano? Ang mainis sa boss mo? Ang pampalubag loob ko nalang siguro ay dahil maayos at malaki magpasahod.
Ilang sandali pa ay nakaidlip ako at nagising din dahil tanghalian na pala. Tinanong ako ng attendant kung anong gusto ko base kung anong available sa menu. Sinabi ko na lang ay truffle pasta, iyon lang kasi ang pamilya sa akin.
“Do you want champagne, ma’am?” pag-offer nito at tumango nalang ako.
Jusko, tanghaling tapat champagne? Um-oo naman ako, hays.
Umalis na ‘yung attendant at napansing nakatingin sa akin si Sir Bry.
“Is that all you wanted to eat?” tanong nito at marahan akong tumango na tila nag-aalangan pa akong sumagot. After a moment… ayun na nga, end of conversation. Bakit na ulit ang atensyon nito sa pagbabasa ng magazine.
Bakit parang kasalanan ko pang kinausap ko ang kumag na ‘to? Kaloka.
Dumating na ang pagkain ko syempre ay kinain ko na rin agad. In fairness, masarap ang pagkakagawa ah. Nag-request na rin ako ng fruit shake. Tahimik lang akong kumain hanggang sa matapos at bigla akong tinanong ni sir Bry which is himala at parang ang ganda ng ihip ng hangin sa kanya.
“So, what are you planning to do upon arriving in New York?”
Tumaas ang pareho kong kilay sa gulat dahil sa tanong niya. Pero naisip ko, matagal-tagal din mula nang huling nakapunta ako ng New York, baguhan pa ako sa Carter Casino-Resort noon.
“Gagala muna siguro, Sir. Ayos lang naman po ‘yon, ano?”
“Of course… by the way, ilan ang investors na dadalo sa meeting?”
“Total of three, Sir.”
“Who are they?”
“Mr. Chao, Mr, Bryden, Mr. Lim, and…” Sinilip ko muli ang papel kung saan ang agenda. “And Ms. Olivia Dionne.”
“Ohh, I didn’t expect Olivia to be attending.” Tumango-tango ito bago tumingin sa bintana.
Knowing Ms. Olivia, malamang ay pupunta ‘yon. Gusto ba naman makita ang Boss ko eh. Halata kasi sa mga kilos o galaw ni Ms. Olivia na may gusto siya kay Sir Bry. Hindi ko naman maitatanggi na maganda itong si Ms. Olivia, maputi, sexy, sobrang feminine kung kumilos at elegant. Ewan ko ba rito kay Sir Bry at parang hindi niya pansin ‘yon. Kumpara naman sa mga babaeng nakakasalamuha nito ay si Ms. Olivia ang mas bagay sa kanya. Ito namang si Sir Bry, maayos makitungo talaga kay Ms. Olivia, well they are actually friends. Pero siguro hindi ganoon ka sobrang active as a friend. They became friends because of family businesses. Malapit kasi ang family nila Ms. Olivia at Sir Bry… well base sa mga nalaman ko dahil hindi ko naman naabutang buhay ang pamilya ni Sir Bry. Hindi ko na rin matandaan ang pagkakasabi sa akin ng isang employee kung kailan nawala ang parents niya.
Dumaan ang mga oras na puro kain at tulog lang ang ginagawa ko sa byahe. Hanggang sa nakarating na kami sa Carter Casino-Resort New York Branch mga bandang 10:30 ng gabi. Lahat ay abala sa pag-aasikaso. Nakabukod ng unit ang ilang board of directors habang kami ni Sir Bry ay nasa isang unit lang pero dalawa ang kwarto. Aapila pa sana ako pero sabi ni Sir Bry ay secretary niya ako at gusto niya ay madali akong hagilapin kaya pumili ito ng unit na medyo malaki at dalawa ang kwarto. Magrereklamo pa ba ako eh may punto naman siya.
Inayos ko na ang mga gamit ko bago nag-shower para tuluyan ng makapag-pahinga. Grabe ilang oras ba naman kaming naka-upo eh.
Maya-maya lamang ay may kumatok sa pinto.
“What do you want for dinner?” sambit ni Sir Bry mula sa likod ng pintuan.
Since nasa Carter Casino-Resort naman kami, they offer Filipino foods kaya hindi na ako nag-alangan pang magsabi.
“Adobong baboy po main course tapos leche flan for dessert!” usal ko habang palapit sa pintuan at pinagbuksan ito.
At nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka-tapis lamang ito habang nagpupunas ng kanyang buhok.
“Hey, I’m asking you what’s your preferred drink? Don’t be so obsessed with my body, Damara.”
Dahil doon ay napa-iling ako at tinitigan siya nang masama.
“Hoy, ang kapal naman ng apog mo! I’m not obsessed ‘no… It’s just…”
“It’s just what?” aniya at biglang lumapit sa akin dahilan para mapa-atras ako papasok sa kwarto ko.
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa lapit nito sa akin. I could even smell him, ang bango! Ang fresh!
“It’s just distracting, okay? Anong obsessed na pinagsasabi mo riyan. Excuse me? Hello?” depensa ko ‘tsaka ito nilagpasan at dumiretso sa sofa at binuksan ang TV. Narinig ko ang pagtawa nito dahilan para mapa-irap ako.
Minsan ‘yung biro ng isang ‘to nakakabwisit dahil lumalakas ihip ng hangin.
“So, what’s for your drink?”
“Milkshake,” simpleng sagot ko.
Ilang sandali mula nang kunin ang order namin ay dumating din agad after a couple of minutes. Tahimik lang kaming kumain at matapos nyon ay nagpahinga na kami dahil maaga pa ang meeting para bukas.
Kinabukasan, nagtungo na kami agad sa main building para sa business meeting. I was just listening and assisting Sir Bry while he was discussing. Base sa napagkasunduan ng mga nasa posisyon, specially ang President ng branch dito sa New York na magdagdag ng billiards area at palawakin ang club area. While sa investment, lalong lumaki ang offer ng bawat investors dahil sa laki ng profit ng Carter Casino-Resort dito sa New York. Nakatapak din kasi sa top 5 ang Carter kaya talagang lumalapit ang investors.
Matapos ang meeting ay sama-sama kaming kumain ng Carter Casino-Resort Ph Branch sa isang restaurant malapit sa New York branch, hindi ko inaasahan na kasama si Ms. Olivia. Baka inaya siya ni Mr. Bry, dahil syempre magkakilala sila at syempre Filipina.
“How’s life, Bry? It’s been how many months mula nang magkita tayo. You’re so busy siguro ‘no?” sambit ni Ms. Olivia.
“Well, I’m fine. I’m a little bit busy but my secretary is busier than me,” sagot naman ni Sir Bry na hindi mo malaman kung joke ba… pero parang seryoso siya sa sinabi niyang ‘yon dahil abala ito sa pagkain.
Napatingin naman sa aking si Ms. Olivia na tila hindi inaasahang sasabihin iyon ni Sir Bry. I saw how her expression changed na tila nawalan ito ng gana bigla. Napalunok ito at buntong hininga bago ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.
Okay? Medyo hindi maganda ang simoy ng hangin dahil doon.
Matapos namin kumain ay bumalik na rin kami agad sa resort para makapag-pahinga. Nakahilata ako sa kama habang inaayos ang mga napag-usapan kanina during meeting habang si Sir Bry ay abala sa panonood sa sala.
“We will have to visit the Casino later and meet some of my friends,” dinig kong usal nito mula sa sala dahilan para kumunot ang noo ko.
“Sir?” tanong ko upang makumpirma.
“Didn’t you hear me? Are you deaf now, Ms. Vertudez?”
Napalunok naman ako sa seryoso nitong tono ng pananalita.
“O-Okay po, Sir. That’s noted.”
Bakit kasama pa ako kung imi-meet lang din pala niya ang mga kaibigan niya.
“We’re going to examine the place, just so you know,” pahabol na sambit nito kaya tumango naman ako.
I spend my time organizing everything or let’s just say doing my job. Matapos nyon ay nag-ayos na rin ako dahil nga pupunta kami sa Casino to visit the place. Kumain na rin naman kami kaya nag-ayos nalang talaga. Simpleng gray dress na backless lang ang sinuot ko partnered with gray sandals. Naghihintay na si Bry sa sala kaya naman nag-apply lang ako ng light make up at kinuha na ang purse ko saka lumabas.
“My goodness, you took so long pre—paring…” Natigil ito nang makita ako.
Ilang sigundo kaming nagtitigan dahil sa lalim ng pagkakatingin nito sa akin. He cleared his throat before looking away dahilan para umiwas din ng tingin.
Alam ko namang maganda ako, pero ang awkward ng atmosphere.
“L-Let’s go,” sambit nito at nauna na lumabas at dali-dali naman akong sumunod.
Grabe, kung nagandahan ka sa akin Sir pwede mo naman sabihin, ‘no ka ba. Charot!
“Hello, it’s been a year,” pagbati ni Sir Bry sa kaibigan nito na halatang may lahi na americano.
“Hi, how are you? And who’s this pretty lady, again? Is she the one you’re talking about last time–”
“She’s my secretary,” pagpuputol ni Sir Bry sa kaibigan niya dahilan para mapangisi ito.
“Oh, okay. Hello, I’m Ahlix… Bry’s friend,” naka-ngisi pa rin na sambit nito at tinaasan ng dalawang kilay si Sir Bry na siya namang napa-iling na lamang.
“Ahm, hello. I’m Damara, Sir Bry’s secretary,” nakangiti na pagpapakilala ko at nakipag-kamay sa kanya ng ilahad nito ang kanyang kamay. Tila nagulat naman ito nang marinig ang pangalan ko at napatingin kay Sir Bry. I saw how Sir Bry slightly slap Sir Ahlix’s body using the back of his hand dahilan para matawa na naman itong si Sir Ahlix.
Minsan talaga may kakaiba sa mga lengwahe ng mga gwapo at may lahi eh. Ilang sandali lamang ay nagkayayaan ang mga ito na maglaro habang ako ay pinili na lang na maglibot. Karamihan ng tao ay halata mong mga yayamanin. Mga abala sa sugal at nagka-katuwaan. Nahagip naman ng mata ko ang bar area sa hindi kalayuan, tabi nito ay hagdan patungo naman sa club area. Habang ako’y naglilibot ay bigla na lang may sumulpot na lalaki sa tabi ko.
“Hey, I was watching you over there and I can’t help myself to approach you. Wanna drink?” aniya nang ituro ang lugar kung saan ito galing which is sa pinaka-gilid ng bar ‘tsaka nag-abot ng baso ng alak sa akin.
Hindi ko maitatanggi na gwapo ito pero sa itsura niya, tila nasa 40 years old at parang pamilyado na ata. Napa-atras naman ako at pilit ang ngiti na umiling sa offer niyang alak.
“C’mon, it’s just a drink. We can have more for later!” biglang sambit ng lalaki na akala mo excited dahilan para samaan ko ito ng tingin at akmang aalis nang hilain nito bigla ang kamay ko pabalik.
“Aray! Bitawan mo nga ako!” singhal ko dahil sa mahigpit na magkakahawak nito sa braso ko kahit na hindi naman nito ako naiintindihan. “L-Let go off me!” Nagpupumiglas ako pero dahil mas malakas ito ay hindi ako ma-kawala. Ibinaba nito ang hawak niyang baso ng alak na dapat ay para sa akin at hinawakan ako sa bewang at pilit na sinasama sa kaniya.
“Bwisit na ‘to, sinabi nang ayaw ko nga–” Napatigil ako sa pag-singhal ng mapag-tantong hindi na nakahawak pa sa akin ang lalaki at hawak na siya sa kwelyo ni Sir Bry ‘tsaka niya ito itinulak dahilan para masubsob ito sa lamesa kung saan may naglalaro.
Agad nagtingian ang mga tao dahil sa gulong nangyari. Napakagat ako sa labi dahil doon.
“Are you okay?” tanong ni Sir Bry as he held my waist. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko. Kita at bakas sa mukha ni Sir Bry ang pag-aalala.
“Y-Yes po, Sir.”
“You bastard! How could you do that!” biglang sambit ng lalaki at napakapit ako sa braso ni Sir Bry nang akma siya nitong susuntukin ngunit agad naman siyang pinigilan ng isang security.
“I apologize for the mess, Mr. Carter,” paumanhin ng security.
“Get him out of here, please,” kalmadong sambit ni Sir Bry na syang ikina-kunot ng noo ng lalaki.
“Who the hell are you to even say that?” tila sarkastiko at hindi makapaniwala na usal nito.
“I’m the owner of this place where you are right now, asshole,” diretso at may awtoridad na sagot ni Sir Bry na siyang ikinadilim lalo ng tingin ng lalaki na siyang hinila na ngayon ng security guard.
Napa-buntong hininga ako dahil sa nangyari. Kaloka, gusto ko lang naman mag-libang pero may perwisyo pa.
“You stay beside me and don’t f*cking leave.”
At bumalik ako sa reyalidad ng sambitin iyon ni Sir Bry na ngayon ay hawak pa rin ako sa bewang at naglalakad na pabalik kung saan ang mga kaibigan niya.
Nagising ako nang dahil sa liwanag na nagmumula sa malaking glass mirror sa kwarto ko na panigurado ay nakalimutan kong isarado kagabi. Nag-unat ako ng braso bago tumayo at nakitang alas-nuebe na pala ng umaga, maganda ang sikat ng araw ngayon at hindi gaano tirik ang araw. Dahil d’yan, tatambay ako sa pool area bago man lang gumala mamaya. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Sir Brion na nakaupo sa balcony na nagkakape at nakaharap sa laptop.“I cooked breakfast, baka gusto mo kumain,” biglang sambit nito kaya naman dumiretso ako sa kusina at doon nakita ang nakahain na pagkain. Muli ko naman itong tinakpan bago naghilamos at kumain.Ilang sandali pa ay pumasok na ito bitbit ang kanyang laptop at kape. Ibinaba nito ang laptop sa dining table bago linagay sa lababo ang kanyang baso. “So, how was it?” tanong niya, nagulat pa ako dahil nakaupo na pala ito sa harap ko.Kung makatanong naman akala mo menudo o afritada yung niluto, hotdog, sinangag, at itlog or hotsilog lang naman. W
It's been almost 2 weeks mula ng makabalik kami from New York, sobrang busy mula non dahil sa daming napag-usapan sa business meeting. Tapos pag-balik dito ay puro din meetings dahil syempre to deliver what happened during the meeting in New York. So far, so good naman dahil all we need to do is to arrange the things the casino-resort should arrange. Things shall be smooth and well-organized dahil syempre to increase the sales and to maintain the trust of investors and stakeholders. “Hello, Good afternoon! Is this Amorsolo De Jesus?” tanong ko mula sa telepono habang nakaharap sa aking computer kung saan naka-flash ang email na pinarating ko.“Yes, speaking.”“Okay. This is Damara Vertudez of Carter Casino-Resort, let me just remind you about the email I sent three days ago containing your scheduled appointment with Mr. Carter later at 7:00 pm in line with sponsorship. Were you able to read the email, Mr. De Jesus?” “Oh, yeah! I’m sorry for not replying to the email. By the way, tha
Nasa labas na ako ng condominium dala ang mga gamit ko. Sasakyan ni Sir Bry ang gagamitin at ang sabi niya ay hintayin ko na lamang ito rito sa labas para sunduin ako. Ang sabi ko ay mag-commute na lamang kami at sumakay ng bus para hindi ito mapagod sa pagmamaneho dahil malayo ang probinsya namin pero makulit ito at gusto talaga mag-drive. Well, sa bagay bakit ko nga naman isasakay sa public transportation ang isang ‘yon? Baka murahin pa ako ng isang ‘yon sa isip niya. Alas-syete na ng umaga nang makarating at alis kami ni Sir Bry. At talaga namang siya talaga ang nagmamaneho. Sobrang awkward at nakakahiya naman ng sitwasyon na ‘to. “Tama naman ang dinaraanan natin, ‘di ba?” he asked before turning the steering wheel. “Y-Yes po, Sir,” nahihiyang sagot ko habang nakatingin sa harapan. Iyon lang ang naging conversation namin habang nasa byahe. It’s been 30 minutes at tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Bukod sa awkward ang atmosphere dito sa loob ng sasakyan ang nakaka-bwisit din
“Oh Hijo, bitbitin mo ito… pati na rin ito,” sambit ni Papa sabay abot ng dalawang malaking basket kay Brion kung saan naglalaman ang mga kakainin namin para sa tanghalian at kung ano-ano pa. Agad akong lumapit para abutin ang mga dapat kukunin ni Brion.“Pa, naman… ako na po,” sambit ko at akmang kukunin ang mga basket pero kinuha agad iyon ni Brion at inilayo sa akin. “It’s fine,” nakangiting aniya habang taas-baba ang mga kilay. Okay lang ba talaga? Baka mamaya sinusumpa na niya ang pamilya ko. Lalo na kagabi, doon siya sa kwarto ni Derick natulog, eh baka mamaya niyan ay sa sahig siya natulog. Baka ma-yari ako pagbalik sa trabaho! Tapos ngayon baka hindi pa siya kumportable sa suot niya, katulad ko ay nakasuot ito ng tipikal sa pambukid. Naka-long sleeve na polo tapos mahabang pants, tapos naka-straw hat. Well, para din naman sa kapakanan niya ‘no, tirik ang araw kaya okay na rin ‘yon. Sasama-sama kasi siya dito eh, e ‘di mag-tiis siya. Habang hinihintay namin si Papa rito sa h
“Oh nakabalik na pala kayo, kumain na ba kayo? Sakto at naghanda na ako para sa tanghalian natin,” sambit ni Mama nang makapasok kami ng bahay ni Brion.Kagagaling lang namin sa bayan dahil ipinag-grocery ko sila Mama maging ang mga magsasaka namin. Sila Mama na lamang ang bahala mag-repack ng mga iyon at ipamigay. Magkatabi kami ni Brion na kumain kasabay sila Mama, matapos niyon ay si Mama na rin ang nag-ayos dahil kailangan na pumasok nila Sophia at Derick. Habang kami ni Brion ay kailangan na mag-asikaso dahil alas-tres ang uwi namin pabalik sa Maynila.Muli kong nakita ang cheque sa lamesa ko, humahanap ako ng tyempo maibigay ito kila Mama. At sa tingin ko ay ngayon na ‘yon. Lumabas na ako dala ang aking mga gamit bago nagtungo sa kusina kung saan nadatnan ko sila Mama na nakaupo sa lamesa at nag-uusap sa hindi ko malamang dahilan, pero bakas ang pag-aalala sa kanilang mukha. Marahil ay dahil sa problema na kinakaharap ng aming bukid. “Ma… Pa,” sambit ko bago nilapag ang cheque
I was fixing my things when I heard someone knocking the door of my office.“Come in!” sagot ko bago nilagay ang mga documents sa isang table para mas organize. “Aren’t you done yet? I’ve been waiting for 10 minutes, goodness!” tila iritableng sambit niya, sino pa? Eh ‘di ang amo kong daig pa babae kung umatake ang mood swings. “Inaayos ko pa ang mga documents na gagawin at aasikasuhin ko for tomorrow, patapos na rin naman ako eh,” sambit ko bago tuluyang pinunasan ang lamesa ko using wet wipes. Nang tuluyang matapos ay doon kami sabay na lumabas ni Brion. Ang dami-dami pa nitong sinasabi at nagrereklamo dahil pinaghintay ko siya. Napapa-irap na lang ako at kahit gusto ko siyang batukan ay pigil na pigil ako dahil ayoko makipagtalo sa kanya at baka magising na lang akong pinag-chi-chismisan dito sa buong carters. Wala na nga akong friends dito gaagwa pa ako ng issue.“Sinabi ko na kila Ate Nida na doon tayo kakain,” aniya bago itaas ang magkabilang sleeves ng kanyang polo hanggang
“Good morning, Ms. Damara!” masiglang bati na naman sa akin ng ilang empleyado ng Carters, ang ilan ay mga interns pa. I was checking my memo for any meeting today while walking towards the elevator and so far, isa lang ang scheduled meeting this afternoon. Habang ngayong umaga ay appointment meeting naman with some investors. Nang bumukas ang elevator ay pumasok na ako agad without looking on the way dahil I could visualize it without even directly looking in front. “Schedule for today?” someone asked beside me and… halos nagulantang ako nang ma-realize kung kanino ang boses na iyon.“A-Ah… good morning, Sir! For this morning around 9AM you have an appointment with Mr. Liam who just came here in the Philippines recently. 11 AM appointment with Ms. Olivia. This afternoon, you have a board meeting around 2 PM,” naka-ngiti na sambit ko while looking at him. He wasn’t looking at me. He’s just seriously looking in front while his hands are in his pockets. Well, I guess narinig naman n
“W-What happened?” nag-aalala na sambit ko nang makarating ako sa address na binigay ni Sir Mathew. Ngayon ay nasa parking area na sila at may ilang mga bouncer at isang grupo ng kalalakihan.I saw Sir Mathew’s holding Bry’s arm like he was stopping him for a fight while the other guys are doing the same on their friend. Guess I know now what happened.“Pasensya na sa abala, Damara. Napa-away kasi ang isang ‘to eh. Naparami na rin kasi ang inom, I don’t even know kung bakit iba ang mood niya ngayon,” sambit ni Sir Mathew.“What are you doing here, huh? Aren’t you with that guy friend of yours?” ani Bry at bakas sa boses nito ang pagka-seryoso.Nagkatinginan kami ni Sir Mathew at sabay na napa-iling. “Pwede bang ikaw muna ang bahala sa kanya? I have something to do urgently kasi,” I sighed before nodding. “May problema pa ba rito?” tanong ko habang nakatingin sa grupo ng kalalakihan na ngayon ay kausap ang kanilang kaibigan na marahil nakaaway ni Bry.“Good thing ayos na ang lahat.
“A-Are you s-serious?” hindi makapaniwalang tanong ko habang pinapanood itong hubarin ang kanyang polo. Napa-lunok ako nang tuluyan kong makita ang matipuno nitong katawan. He stared at me before kneeling onto the bed in between my legs. Imbis na sumagot, agad nitong hinawakan ang likod ng aking ulo ‘tsaka ako agad na hinalikan. Sa sobrang gulat ay napahawak ako agad sa braso nito, ngunit agad niya ring hinawakan ang kamay ko na iyon at nilagay sa kanyang balikat na para bang ginagabayan nya ako sa tamang pag-respond sa kanyang mga halik. By that, hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kung hindi magpadala sa mga agresibo nitong paghalik.Ang paglakbay ng kanyang mga kamay, kilos, at halik sa iba’t ibang parte ng aking katawan ay dahilan para makaramdam ako ng init na ngayon ko lamang naramdaman. Hanggang sa mapagtanto kong pareho na kaming walang damit na dalawa. Marahang bumitaw si Brion sa pagkakahalik sa akin tsaka ako matiim na tiningnan habang nasa ibabaw ko ito. Kasunod n
“Bakit dito pa tayo kumain? Meron naman sa hotel?” tanong ko habang lilinga-linga sa buong restaurant na sobrang yayamanin, ang lalaki ng mga chandelier at talaga namang sobrang fancy ng mga kagamitan. “I wanted to try the foods here, this is quite popular according to Engr. Alfonso,” aniya habang nagbabasa ng menu.Kinuha ko naman ang menu sa harap ko at nag-hanap na ng makakain.“Jusko, pati presyo talaga namang fancy,” mahinang sambit ko at narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. Nag-order na lang ako ng bistek at isang creamy tuna pasta. “Do you like it here?” biglang aniya habang kami ay naghihintay sa aming order.Marahan naman akong tumango at nakita ko ang biglang pagngiti nito.“That’s good, I like it here,” sagot nito na diretsong nakatingin sa akin. Ilang segundo rin ‘yon bago ito biglang umiwas ng tingin at napa-hawak sa kanyang batok. I cleared my throat because of shyness and awkwardness. Ano ba naman ito, parang kaming ilag at ilang sa isa’t isa and that’s kind
Nang maka-akyat sa unit namin, ay sinabihan ako nito na mag-hintay at may i-aabot siya kaya naman nag-hintay ako. Ilang segundo lamang ay may inabot siya sa akin na mga papel.“Sort this out and put it in a powerpoint, we need to present everything once we came back to Manila,”“Okay po, that’s noted.” Pumasok na ito sa kanyang hotel room at ganun din ako. Hindi pa naman ako nagugutom kaya naman nag-shower na muna ako at inumpisahan ang ini-utos nito sa akin. Nang kalagitnaan ng aking mag-ta-trabaho, biglang tumunog ang phone ko. It was him, calling me. Sinagot ko naman ito na may kasabay na pag-irap.“Yes, what?”“You go here in my hotel room, let’s eat our dinner–I ordered some,” aniya at agad na ibinaba ang linya nang hindi man lang ako hinayaang sumagot, tumanggi, o ano pa man.I sighed before fixing my things, narito lang ako sa sala kaya naman nilagay ko na lamang ang mga gamit ko sa coffee table at nagtungo sa hotel room niya na nasa tapat lang naman ng akin.Nang makapasok s
“W-What a-are you doing?” nauutal na tanong ko.Nakatingin lamang ito habang patuloy sa pagtanggal ng butones ng kanyang polo. As he finally unbuttoned his polo, he immediately took it off which made my eyes widened.“What? Are you just gonna watch me? It’s freaking hot, Damara, you can watch me after you turn on the aircon,” aniya ‘tsaka tumawa at humilata sa higaan ko.Inirapan ko ito sa inis at kunot ang noo na binuksan ang aircon. “You’re not drunk, aren’t you?” naka-pamewang na sambit ko habang nakaharap sa kanya.“Who told you I’m drunk?” aniya na tila natatawa nang umupo ito sa pagkaka-higa at tumingala sa akin na ngayon ay nasa harap niya.“Eh mukha kang lasing kaninang dala-dala ka rito ni Sir Mathew eh,” “I’m just tipsy, tired, and sleepy,” aniya at nag-kibit balikat. “Plus, I’m too tired to go at my place,”“Eh sino naman ang nagmaneho sa ‘yo pauwi? Alangan namang mag-commute si Sir Mathew dahil inihatid ka niya rito?” “He used my car para ihatid ako habang dala ng isa p
Today is another day to work na naman! At ngayon naman ay trabaho na naman. Sobrang dami nga ng papel na nakatambak sa table ko. Mula kaninang umaga ay padagdag ng padagdag. Habang umiinom ng tubig ay biglang nag-ring ang aking phone na agad ko naman sinagot.“Yes, Sir Bry?” Umupo akong muli sa aking swivel chair.“Reschedule my meeting with the investors,”“P-Po?” Napa-upo ako ng diretso dahil sa sinabi niyang ‘yon. “P-Pero, Sir, this week na po kasi ‘yon,” “Reschedule it next week, I have a hangout with my friends on that day. Next week ay may bakanteng araw naman, you schedule it on that day instead,”“P-Pero nakapag-send na po ako ng emails–” with that he end the call.Napa-buntong hininga na lamang ako dahil wala na naman akong nagawa.I took my planner together with my calendar to check all the details. At syempre dahil ako na naman ang bahala eh sinunod ko na lamang ang sinabi niya at ginawan ng paraan kung anong dahilan ang sasabihin sa mga investors. Hindi naman ako si Batm
“Where are you friends? Why are you walking around looking so dizzy?”Hindi ko pinansin ang panenermon nito at patuloy lang ako sa pag-suka, habang siya ay hinahagod ang likod ko. Halos i-subsob ko na ang mukha ko sa inidoro at nagsusuka habang nakaupo. Ito namang si Brion ay todo sermon sa akin. Oo, siya nga. Nalaman ko lang nang tuluyan ako nitong alalayan papasok ng banyo dahil nasusuka na pala ako. Matapos ang nakakapagod na pagsusuka ay hingal akong napa-tayo at tiningnan ito na siyang diring-diri sa kanyang nakita. He immediately pushed the flush button of the toilet that I forgot to push. Ilang sandali lamang ay nakarinig kami ng nagtatawanan na boses ng lalaki kaya nanlaki agad ang mata namin pareho. “Why are we here?!” mariin na bulong ko at agad nitong isinara ang pinto ng cubicle. He gestured me to shut up by putting his index finger on his lips, napairap naman ako dahil doon at kumuha na lamang ng tissue sa bag ko at mouthwash. Oo, palagi akong may dala at maging ng mi
I was just busy writing down some things na pinag-uusapan ngayon sa meeting, it was about the expenses sa branch dito sa Manila and about another marketings, some updates and so on. Matapos ang halos tatlong oras na meeting balik muli sa trabaho. Set ng appointment at remind ng meeting para kay Bry habang nag-aayos ng iba’t ibang papers maging encode ng iba’t ibang papers. At ngayon naman, kakatapos lang ng meeting niya virtually with some people sa Carter's New York and Nevada. At ako ngayon ay nag-aayos ng mga information na na-talak nila during the meeting. While working, nakaramdam ako ng gutom, kaya naman bumaba ako para bumili ng makakain at iced coffee na rin pampagising.“Uy!” Napa-lingon ako nang marinig ‘yon. Paglingon ko sa kanan ko, iyong bago pala sa marketing. I raise both of my eyebrows while pointing at myself to ensure that he’s talking to me. Natatawa naman itong tumango bago lumapit sa akin.“Para kay Sir Bry?” tanong niya habang nakaturo sa iced coffee na hawak
Hiwalay ang cart namin ni Brion, syempre at magkaiba kami ng trip sa buhay. Sinilip ko ang mga pinag-bibili nito at puro beer, snacks, at ang ilan ay instant foods. Well syempre anytime naman ay pwede itong kumain sa mansion. Eh ako? Alangan namang umuwi pa ako ng probinsya para doon kumain ng lutong ulam. Humiwalay na ako kay Brion at nagtungo na sa meat section habang naglalakad kami.Abala ako sa pag-lagay at bili ng mga karne, isda, at ilang mga frozen goods nang biglang sumulpot si Brion sa tabi ko.“That’s a lot, though,” aniya habang nakatingin sa laman ng cart ko.“This is good for 2 weeks already, para hindi ako ganun pa-labas-labas para mamalengke.” I pushed my cart at umalis na habang nakasunod naman itong si Bry sa akin.Napatingin ako sa cart nito at ayun ilang mga sabong panlaba at ligo ang nadagdag sa cart nito.Pumila na kami sa cashier, habang nag-pa-punch nga si Ateng cashier ay panay ang tingin nito kay Brion at medyo nahihiyang napapangiti.“5,381 pesos po lahat,
“Excuse me?” ani Ms. Olivia habang nakatingin na tila ba naistorbo ko siya sa pagpasok sa opisina ni Brion.“Ahm, pasensya na po, Ms. Olivia. Bawal po kasi pumasok unless may appointment po kay Sir Bry. If you have any concern po you can direct it to me first–”“No,” pag-putol nito sa statement ko habang diretsong nakatingin sa akin.Alam mo yung tingin na “I don’t give a f*ck,” ganun! “E-Eh kasi po, Ms. Olivia, busy po si Sir Bry ngayon. Occupied po ang schedule niya for today, pwede niyo po i-daan sa akin ang sadya ninyo at makakasiguro po kayong makakarating kay Sir Bry ‘yon,” naka-ngiti na sambit ko kahit na kinakabahan na ako sa posibleng sagot niya sa akin. “Shut the f*ck up, can you? You are so annoying. Si Brion ang kailangan ko at hindi ang isang katulad mo.” Mariin ako nitong tinitigan ‘tsaka na naman ako nito tiningnan mula ulo hanggang paa. Ang ilang empleyado ay napa-tingin din sa direksyon namin dahil sa taas ng boses ni Ms. Olivia.“A-Ahm Ms. Olivia, bawal po kasi tal