"Anak Iris! Huminahon ka mo na, okay! Kanina ka pa umiiyak! Hindi kita maintindihan! Nasaan si Andrie? Nasaan ang apo ko?" Kita ko ang lungkot sa mga mata ni mom. Lubos siyang nag-aalala sa akin at kay Andrie. Hindi siya mapakali habang hawak ang mga kamay ko."Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko na alam kung saan ako pupunta? Wala na akong ibang matakbuhan! Kinuha nila sa akin si Andrie." I shook my head. Pumapatak lamang ang mga luha ko. "Hindi ko man lang nailigtas ang anak ko! Wala man lang akong nagawa bilang ina! I'm sorry!" Napahikbi ako at napahagulgol sa pag-iyak. Labis na lungkot ang nararamdaman ng puso ko. Nag-uunahan lamang sa pag-agos ang mga luha ko.Napailing si mom habang nakatingin sa mga mata ko. Napaiyak na rin siya. Alam kong nararamdaman ni mom kung gaano ako nasasaktan. Kung gaano kabigat ang dinadala ko ng puso ko. Mahigpit niya akong niyakap. Naramdaman ko na lang ang paghagod ng kaniyang kamay sa likuran ko. Alam kong nasasaktan siya ng sobra. Kulan
Huling Na-update : 2023-06-02 Magbasa pa