Home / Romance / Hiding the Billionaire's Daughter / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Hiding the Billionaire's Daughter : Chapter 101 - Chapter 110

237 Chapters

Axel & Thalia 48

Thalia's POV "Thali, gising! Fuck! Gumising ka!" Mahinang tapik sa pisngi at paghikbi ang narinig ko na nagpabalik ng aking malay. Pabalikwas akong bumangon at sunod-sunod na umubo ng tubig alat. Mabilis akong niyakap nang kung sino. Buong akala ko, mamamatay na ako kanina. Pero nang makita ko ang naluluhang mukha ni Axel sa tabi ko, nakahinga ako nang maluwag. "Axel!" Humagulgol ako nang muli siyang mayakap. "You got your memories back?" "Why did you do that, huh? You almost died! Bakit kailangan mong gawin iyon!" galit niya akong pinagalitan pero wala akong pakialam. Kahit saan pa, susundan ko siya. "Natakot akong baka mawala ka ulit sa akin!" umiiyak kong tugon. Mahina siyang nagmura bago mabilis na tumayo at binuhat ako. Nagtataka ako sa ginawa niya, pero nang makita ang laylayan ng suot kong wedding dress, halos lumabo ang mga mata ko. Blood. Para akong pinanlamigan ng katawan. Mahabang oras ang tinakbo ni Axel para lang marating namin ang maliit na hospital sa bayang i
last updateLast Updated : 2023-03-31
Read more

Axel & Thalia 49

Thalia's POVPANAY ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko habang lulan ng sasakyan ni Adler at pabalik na ng Manila. Hindi ako makapaniwala sa nalaman."Is... Papa Tiago really dead?"Mula sa daan ay malungkot na tumingin sa akin si Adler. "Nakipaghabulan kami sa kalaban kagabi. Ang kapatid mismo ni Axel ang bumaril sa kaniya."Mariin akong pumikit. "Oh, God! Hanggang kailan ba niya ito gagawin? Si Papa Tiago! Gusto niya lang kaming protektahan!""Huwag ka nang umiyak, Thalia. Makakasama iyan sa bata."Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Adler. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko.Binuksan ni Adler ang compartment ng sasakyan niya at inabutan ako ng isang bottled water."Putlang-putla ka na. Drink it."Tinanggap ko ito at uminom nang kaunti. Kaunting oras pa, makakarating na kami sa Manila. Pero unti-unting hinihila ng antok ang kamalayan ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, stress o matinding kalungkutan. Hanggang sa tuluyan na pala a
last updateLast Updated : 2023-04-01
Read more

Axel & Thalia 50

Thalia's POV"Itigil mo na ito, Adler! Walang magandang maidudulot ang paghihiganti!"Nginisian niya ako. "Nasasabi mo lang iyan dahil hindi pamilya n'yo ang nasira at nagdusa. Hindi ikaw ang nawalan ng magulang. Hindi mo pinagdaanan ang lahat nang pinagdaanan namin!""Muntik nang masira ang pamilya namin dahil kay Tita Dayana! Ilang beses nalagay ang buhay namin sa peligro nang dahil sa iyo! At nawalan ako ng anak!" Tuluyan akong humagulgol.Natigilan siya bigla. Salubong ang kilay na bumaba ang paningin niya sa tiyan ko."Nakunan ka?""Nang dahil sa inyo! You killed my unborn baby! You killed her!"Inis na ibinaba niya ang baril. Malakas siyang nagmura matapos pumikit. Ilang sandali lang, itinuro na niya si Anna."Ibigay mo sa akin ang batang iyan.""H-hindi!" Mabilis kong tinago sa likuran ko ang bata."Ibigay mo sa akin ang bata!""Anong gagawin mo sa kaniya!""Kung ayaw mong pati ang batang iyan, patayin ko, ibigay mo siya sa akin!""No! Huwag kang lalapit!"Tumigil siya sa pagla
last updateLast Updated : 2023-04-02
Read more

Epilogue

Axel's POV MATAGAL akong nakatitig sa naluluhang mukha ng taong tinuring na naming pangalawang ina mula nang mawala ang aming mga magulang. Kahit na panay buhos ang mga luha sa pisngi niya, masaya siyang nakangiti sa akin. "I'm so proud of you, Axel. I'm sorry I wasn't there for the three of you. I'm so sorry." Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. "We are forever thankful to you, Ate Dayana. Marami kang sinakripisyo para sa amin." "Hindi ako naging mabuting ate. Pinabayaan ko kayo. Hindi ako naging magandang ehemplo, kaya napariwara si Adler." "No, don't blame yourself. Pinili niyang maging ganoon. Marami siyang pagkakataon para magbago, pero mas ginusto niyang magpalamon sa galit. And it's not your fault. You did everything you can for him. It's not our fault." Minsan, wala sa iba ang kasalanan kung bakit nagiging halimaw ang isang tao. Minsan, sarili natin ang dahilan kung bakit nagiging masama tayo. Dahil lahat ng desisyon, tayo ang gumawa. Tayo ang pumili. Pareho kaming
last updateLast Updated : 2023-04-03
Read more

HTBD SERIES 3

BlurbAng sabi nila, ang kasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan. Pero paano kung isa lang ang nagmamahal sa inyong dalawa?Malaking kasalanan ang ginawa ni Dianne para makuha ang lalaking matagal na niyang iniibig.Eros and Thalia—the man of her dreams and her own sister—are getting married. Hindi niya ito matanggap, kaya para makuha ang binata, ibinigay niya ang sarili at sapilitan itong pinakasalan.What she thought was the start of their love story—was actually the beginning of her nightmares. Hindi siya matanggap ni Eros bilang asawa kaya ginawa nito ang lahat upang maging miserable ang buhay niya.Lagi siyang sinasaktan at pinagsasalitaan nito nang masama. Pero sa kabila ng lahat ng sugat at sakit na ibinigay ng lalaki, pinanindigan niya ang pagpapakasal dito.She did not give up—not until his mistress came to the picture. She lost their unborn baby, and instead of mourning with her, Eros left with his mistress.And she let him.This time, Dianne finally had enough. But whe
last updateLast Updated : 2023-04-04
Read more

Eros & Dianne 1

Dianne's POVMABILIS akong tumayo nang makitang lumabas mula sa isang pintuan si Susan. Nakahalukipkip ito at mukhang iritado. Lumapit siya sa akin nang nakaarko ang mga kilay.Bumaba ang paningin ko sa kabuuan niya. Nakasuot siya ng crop top at shorts na sa sobrang ikli, halos kita na ang mga singit niya."Puwede ba kitang makausap?""Nag-uusap na tayo," maldita niyang sagot na ikinainis ko.Huminga ako nang malalim at pilit hindi pinahalata sa kaniya ang inis na nararamdaman ko. I walked closer to her and looked at her with pleading eyes."Layuan mo na ang asawa ko. Nakikiusap ako sa iyo."Tinawanan niya lang ako sa paraang nang-iinsulto. "Huwag ako ang sabihin mo niyan. Si Eros ang hindi maka-get over sa akin.""Huwag mong baliktarin ang sitwasyon!" tatalikuran niya sana ako pero natigilan siya sa sinabi ko. "Kilala ka na ng lahat. You're a gold-digger. A bitch. Kabit ng bayan. Alam kong pera lang ang habol mo sa asawa ko!"Mahigit dalawang oras akong naghintay sa sala ng bahay niy
last updateLast Updated : 2023-04-08
Read more

Eros & Dianne 2

Dianne's POV "Hindi mo na siguro uulitin ang ginawa mo?"Mula sa egg and bacon, nag-angat ako ng paningin sa seryosong mukha ni Eros. Nagkakape siya habang may nakaipit na sigarilyo sa dalawang daliri."Hindi na," matipid kong tugon.Pinagpatuloy ko ang pagkain habang abalang nakatutok ang mga mata ni Eros sa laptop niya."Sa susunod na pagbubuhatan mo ng kamay si Susan, hindi na ako magiging mabait sa iyo.""Kailan ka ba naging mabait sa akin?"Pareho kaming nag-angat ng mukha at nagkatinginan sa nasabi ko. Hindi ko rin inaasahan na lalabas iyon sa bibig ko."Sumasagot ka?"I swallowed when I felt a lump in my throat. "Bata ba ako para hindi puwedeng sumagot?""Dianne!" Malakas niyang hinampas ang kamay sa ibabaw ng mesa kaya mabilis akong tumingin ulit sa plato ko.Binalot uli kami ng katahimikan pagkatapos no'n. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya pinaglalaruan ko na lang ang pagkain sa plato ko."Mag-sorry ka kay Susan.""What?" Namimilog ang mga matang tumingin ako sa kaniya."
last updateLast Updated : 2023-04-09
Read more

Eros & Dianne 3

Dianne's POV HINANDA ko na ang sarili ko habang nakaupo sa malaking sofa sa malawak na living area ng bahay namin.I don't care whatever happens to that bitch—o kahit masira pa ang pangalan ko. Basta galit ako at gusto kong gumanti sa babaeng iyon!Mula sa kawalan, bumaba ang paningin ko sa cellphone kong nasa ibabaw ng coffee table. Kanina pa ito ring nang ring. Daddy and his secretary has been calling me nonstop but I'm not picking up and I don't have any plans to answer their calls.Dinampot ko ang wine glass na katabi lang ng cellphone ko at saka inubos ang laman nito. I needed a drink. Sigurado akong malaking gulo na naman ang mangyayari mamaya."Ma'am, nandiyan na si Sir." Puno ng pag-aalala ang buong mukha ni Ate Aba nang makalapit ito sa akin."Doon ka na muna sa kuwarto mo, ate.""Pero ma'am, paano ka?""I'm okay. I'll handle this."Pag-aalala at takot ang makikita sa mukha niya at halatang ayaw niyang sumunod sa akin, pero sa huli, wala siyang nagawa kundi tanguan ako. Ayaw
last updateLast Updated : 2023-04-10
Read more

Eros & Dianne 4

Dianne's POVNGUMITI ako nang makitang pumasok sa restaurant ang dalawang taong kanina ko pa hinihintay. Lumapit ang mga ito sa table kung nasaan ako at naupo sa tapat ko."Pinili ko ang restaurant na ito dahil kakilala ko ang may-ari. Mabibigyan tayo ng privacy."Ngumisi si Susan bago tinanggal ang malaking shades na suot niya. Halos matakpan na no'n ang buo niyang mukha."Privacy? Para saan? Para may privacy ka oras na lumuhod ka na at nagmakaawa?"Nagkatitigan kaming dalawa. Halata sa mukha niya na galit na galit siya at kulang na lang, sugurin at kalmutin ako sa mukha.Tumikhim ang abogadong kasama niya. Medyo payatin ito, may suot na reading glasses, at sa palagay ko ay nasa early 50s ang edad."Mrs. Lacsamana, gusto ko lang sabihin na ayaw makipag-areglo ng kliyente ko. Kaya lang kami nandito dahil sa pinangako mong paghingi ng tawad.""Paghingi ng tawad?" Ngumiti ako nang nakakaloko. "I didn't say anything about that."Nagkatinginan silang dalawa. Lalong tumaas ang mga kilay ni
last updateLast Updated : 2023-04-11
Read more

Eros & Dianne 5

Dianne's POVMUGTO na ang mga mata ko sa pag-iyak pero hindi pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi lang ako parang sinampal sa mga sinabi ni Eros kanina, para din akong sinaksak nang paulit-ulir ng kutsilyo sa puso."Gusto lang naman kitang makasama. Gusto ko lang iparamdam sa iyo ang pagmamahal ko. I'm sorry... kung alam ko lang na ganito ang mangyayari... sana hindi na lang... sana hindi na lang tayo nagkakilala."Nasa guest room ako ngayon na katabi lang ng kuwarto namin. Dito ako madalas magkulong sa tuwing nagkakaroon kami ng malaking pag-aaway ni Eros.Nakaupo ako sa sahig. Ang likod ko ay nakasandal sa pader at yakap ko ang mga tuhod ko."Asawa mo pa rin ako."Napapitlag ako nang makarinig nang malakas na pagsara ng pinto sa kabilang kuwarto. Sandali akong natahimik bago lalong umiyak.Umalis na naman siya. At hindi ko alam kung kailan siya babalik.Mag-iisang linggo na akong nakatulala sa nakabukas na balkonahe ng kuwarto namin. Isang linggo na ring hindi umuu
last updateLast Updated : 2023-04-12
Read more
PREV
1
...
910111213
...
24
DMCA.com Protection Status