Home / Romance / One Hot Night With The Billionaire / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng One Hot Night With The Billionaire: Kabanata 51 - Kabanata 60

69 Kabanata

#51

ILANG araw na ang nakalipas matapos ang nangyaring pag-aaway nina Eionn at Lance. Hindi na namin pa napag-usapan ang tungkol sa pangyayaring 'yon. Sa tuwing sinusubukan naman akong kausapin ni Eionn tungkol sa nangyaring paghahamak sa akin ni Lance ay agad kong iniiba ang usapan dahil ayaw ko nang alalahanin pa ang lahat ng mga masasakit na salitang binitiwan ni Lance. Masaya na ako na kahit papaano ay may isang taong hindi ako pinagdududahan. . . iyon ay walang iba kung 'di si Eionn.   "Elle, ako na ang gagawa niyan," masuyong wika ni Eionn. Nagulat pa ako nang kunin niya mula sa mga kamay ko ang vacuum.   Pagkatapos mag-almusal ay sinimulan ko ang paglilinis sa sala. Inuna ko ang pag-vacuum ng carpet. Akala ko ay busy si Eionn sa pagpapahinga pero heto siya at nang-aagaw ng gawaing bahay.   "Teka, ako na, Eionn!"   Kukunin ko pa sana ang vacuum sa kamay niya kaya lang ay inilayo
last updateHuling Na-update : 2023-04-20
Magbasa pa

#52

NAGISING na lamang ako nang maramdaman ang marahang mga haplos sa aking pisngi. Pagkamulat ng mga mata ko ay ang namumungay na mga mata agad ni Eionn ang una kong nakita. Ramdam ko pa ang antok pero hindi ko magawang alisin ang paninitig sa mga mata niyang animo'y nakikipag-usap sa akin.   "The movie has ended," bulong niya habang patuloy pa rin ang paghaplos sa aking pisngi.   Saka lamang ako natauhan dahil sa narinig. Mabilis akong umayos ng upo mula sa pagkakasandal sa kanyang balikat. Tiningnan ko agad ang pisngi at gilid ng labi ko para masiguradong wala akong laway doon.   Nakakahiya!   Nakatulog ako habang nanonood kami ng movie!   "Naku, pasensya ka na. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako," saad ko sa nahihiyang tono pagkatapos ay tinupi ang kumot na binili niya para sa akin.   Masyadong malamig sa sinehan na i
last updateHuling Na-update : 2023-04-21
Magbasa pa

#53

MABIBIGAT ang mga talukap ng mga mata ko habang hinahayaan si Ma'am Eisha na ayusin ang aking buhok. Maaga pa lang ay nagpunta na siya rito sa bahay ng kapatid niya para tulungan ako sa pag-aayos. Katulad namin ni Eionn ay pupunta rin si Ma'am Eisha sa kasal ng kaibigan ng kuya niya at panigurado ay pupunta rin do'n ang isa pa nilang kapatid. Ang pasaway na 'yon. . . Sana lang ay hindi ko siya makita sa simbahan mamaya.   Bumuntonghininga ako. Hanggang ngayon ay hati ang puso ko sa desisyong sumama kina Eionn sa kasal na 'yon. Hindi pa rin talaga mawala sa dibdib ko ang takot na baka mag-away na naman sila ni Lance nang dahil lang sa akin. Baka pagmulan pa nang pagkasira ng araw ni Brett at nang magiging asawa niya.   "Elle, mukhang antok na antok ka. Hindi ka ba pinatulog ng kapatid ko kagabi?" makahulugang tanong ni Ma'am Eisha dahilan para magising ang diwa ko.   "M-Ma'am Eisha!" bulalas ko.&nbs
last updateHuling Na-update : 2023-04-22
Magbasa pa

#54

ENGRANDE ang naging kasalan nina Brett at ang napangasawa niyang si Danica. Sabi ni Ma'am Eisha ay isa ang simbahan na ito sa mga pinakamalaki at kilalang mga simbahan dito sa Pilipinas. Pribado ang naging kasalan at tanging ang mga pamilya, malapit na mga kamag-anak at mga kaibigan lang ang naro'n.   Unang beses kong makapunta sa kasalan kaya naman hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pagkatapos panoorin ang paghalik ni Brett sa kanyang napangasawa. Kita sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Ramdam ko na itong araw na 'to ang pinakamasayang araw para sa kanilang dalawa.   "You know what? Dami ring struggles ng couple na 'yan. Danica's parents didn't like Brett at first. Pakiramdam nila ay masamang impluwensya lang ito sa unica hija nila kaya ang dami nilang paandar para magkahiwalay ang dalawa," nangingiting wika ni Ma'am Eisha sa tabi ko.   Pareho kaming nakatayo mula sa kinauupuan
last updateHuling Na-update : 2023-04-23
Magbasa pa

#55

GALIT kong pinagmasdan si Ehryl.  Kita ko ang pagkatuso sa mga mata niya, na animo'y nagsasabi na wala akong laban at wala akong magagawa sa mga nangyari dahil kasalanan ko na nahulog ako sa kambal niya. . .   Ramdam ko ang kirot sa aking dibdib. Kinakain ako ng pagkabigo at gusto nang kumawala ng mga luha ko ngunit hindi ako papayag na makita nang lalaki na 'to kung gaano ako nasasaktan ngayon.   "Masaya bang manakit ng tao, Ehryl?" sarkastiko kong tanong sa kanya.   Ngumisi ito. "Well, I am not hurting anyone but I guess, sometimes secrets could hurt you so bad, right Calys?"   Nagtiim bagang ako. Hindi ko na alam kung ano ang totoo. Isipin ko palang na tama si Ehryl ay nasasaktan na ako.   Bakit nilihim sa akin ni Eionn ang tungkol kay Arlana? Bakit niya ako nagustuhan gayong may babae na pala siyang iba?   Bakit?
last updateHuling Na-update : 2023-04-24
Magbasa pa

#56

"ELLE. . ." tawag sa akin nang pamilyar na boses mula sa aming likuran.   Awtomatikong nabitin ang paghinga ko dahil sa boses na 'yon ni Eionn. Kinagat ko ang aking ibabang labi at huminga nang malalim. Ni hindi ko siya magawang harapin man lang dahil mabigat ang emosyong kumakain sa akin.   "I'm sorry I had to leave you for a moment. I just had to deal with something," dagdag pa niya. Nahimigan ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya dahilan para mapapikit ako nang mariin.   "Ayos lang. Kasama ko naman si Ma'am Eisha," malamig kong sagot sa kanya.   Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kabilang gilid ko kaya mas lalong naghuramentado ang puso ko. Alam ko na nakatitig siya sa akin pero diretso lamang ang tingin ko sa platong nasa harap ko.   "Are you mad at me?" tanong niya.   "Hindi," tanging wika ko, hindi pa rin siya magawang tin
last updateHuling Na-update : 2023-04-25
Magbasa pa

#57

  SUNOD-SUNOD na mga katok ang ginawa ko sa pinto ng apartment ni Auntie Levi. Mabibigat at basa ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Tila ba walang makakapagpaalis no’n, walang makapagpapahupa.  “Auntie. . .” Yumuko ako at nagpatuloy sa pagkatok.  Alam kong narito siya dahil hapon pa lamang. Alas siete ng gabi ang palaging oras ng alis niya kapag pupunta sa trabaho. Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.  “Ano ba ‘yan! Grabe naman makakatok! Bakit ba—” lintanya ni Auntie nang buksan niya ang pinto pero agad ding natigilan nang makita ako. “Elle? A-anong nangyari sa ‘yo?”  Namuong muli ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Nanginginig ang labi ko habang nakatingin sa aking tiyahin.  “Auntie. . .” tawag ko sa kanya sa basag kong boses. Lumapit ako s
last updateHuling Na-update : 2023-04-26
Magbasa pa

#58

   RAMDAM ko ang sakit ng aking sentido nang magising ako kinabukasan. Nang imulat ko ang mga mata ko ay ang sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana ang una kong nakita. Masakit man ang ulo ay nagawa ko pa ring bumangon at libutin ng tingin ang kabuuan ng kwarto.   Napabuntonghininga ako nang matantong narito ako sa aking kwarto sa apartment ni Auntie Levi. Amoy na amoy ang alak sa suot kong tube dress. Siguro ay dala ng kalasingan kaya hindi na ako nakapagpalit pa ng damit pantulog. Dumapo ang kamay ko sa aking sentido at marahang minasahe iyon habang inaalala ang mga nangyari kagabi.   Hindi masyadong klaro sa akin ang lahat dahil marami akong nainom na alak sa bigat ng nararamdaman ko kagabi. Sa isang iglap ay bumalik ang bigat na ’yon sa aking dibdib. Lumunok ako at mariing kumurap, pinipigilan ang sarili sa muling pagkabasag.   Ni hindi ko alam kung paano pa babalik sa traba
last updateHuling Na-update : 2023-04-27
Magbasa pa

#59

    MATAPOS nang naging pag-uusap namin ni Ehryl ay nagkulong na lamang ako sa kwarto. Sinabihan ko siyang umuwi na pagkatapos magkape pero sa mga naririnig kong ingay na nanggagaling sa sala ay paniguradong hindi niya sinunod ang sinabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala na akong lakas para makipagtalo at kaladkarin siya palabas ng apartment. Masyadong masakit ang ulo ko kaya naman pinili ko na lang na magpahinga.   “Calys, I ordered pizza and lasagna. It tastes good. Do you want some?” Narinig ko ang boses niya mula sa labas ng aking kwarto, dahilan para unti-unti akong magmulat ng mga mata.   Tumingin ako sa orasan na nasa itaas ng cabinet sa gilid ng aking kama. Ala una na pala ng tanghali, at hanggang ngayon ay nandito pa rin si Ehryl sa apartment?   “Calys? You haven’t eaten anything on breakfast. You need to eat,” dagdag pa niya
last updateHuling Na-update : 2023-04-28
Magbasa pa

#60

KINABUKASAN. . .   Matapos ang ilang beses na pag-iisip ay naging buo na ang desisyon ko na umalis sa aking trabaho. Mabigat man ang mga mata dahil sa buong gabing pagluha, naninikip man ang dibdib sa pagkabigo, pinili ko pa ring gawin ang dapat—ang tapusin ang lahat. Kung ito lamang ang magbibigay ng katahimikan sa akin, gagawin ko.   Tanghali nang tawagan ko si Ma’am Eisha. Kabado man ay sinubukan ko pa ring magpakatatag dahil kung hindi ko ito gagawin ngayon, mas lalo lang akong mahihirapan. . . masasaktan.   “I’m not really sure if it’s a good idea, Elle.” Narinig ko ang malalim na buntonghininga ni Ma’am Eisha nang sabihin ko sa kanya na gusto ko nang mag-resign sa trabaho. “And honestly, that’s the last thing I would want to hear from you after what happened. Halos dalawang araw kang walang paramdam. Eionn almost lost his mind thinking you’r
last updateHuling Na-update : 2023-04-29
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status