NAGSIMULA itong mag-dribble sa harapan ko, animo’y nagpapakitang gilas sa basketball hanggang sa pumunta ito sa pwesto kung saan ang three-point corner. Sinundan ko lamang ito ng tingin. Nagpatuloy ito sa pagdi-dribble at pagkatapos ay inangat sa ere ang bola. Saglit itong sumulyap sa akin, sumilay ang malokong ngiti at kumindat bago i-shoot ang bola mula sa kinatatayuan papuntang ring. Sinundan ko ng tingin kung paano lumipad sa ere ang bola hanggang sa walang kahirap-hirap itong pumasok sa ring. Umawang ang labi ko. Hindi makapaniwala na nai-shoot niya ang bola kahit na malayo ang ring mula sa kinatatayuan niya. Ngumuso ako, pinigil ang sarili sa paghanga dahil sa pinakita niyang 'yon. E, ano naman kung na-shoot niya ang bola nang walang kahirap-hirap, Elle? Bumalik ang tingin ko sa kanya. Kagat-kagat nito ang ibabang labi habang nakatingin sa akin. “It seems like you’re really a lucky charm,” komento niya at pagkatapos ay lumapit sa aking muli, ni hindi binali ang pagka
Last Updated : 2023-04-01 Read more